Professional Documents
Culture Documents
Paniniwala na kapag may pusang itim na dumaan sa harapan ng isang tao ay dadanas ng kamalasan o
mayroong masamang mangyayari.
Ang mga tradisyong ipagdiwang ang Pista depende sa kung anong uri ito at depende rin sa kung saan
naninirahan.
Sa mga sinaunang tao, ang mga pagkain ay ibinibigay ng mga kalalakihan na nangangaso at ang mga
kababaihan namang nangunguha ng mga bungang-kahoy ay at mga babaeng nagtatanim.
Kumpara sa ibang mga pamamaraan, sa tradisyunal na ekonomiya ang mga nagdedesisyon ay ang mga
tribo, komunidad at pamilya sa kung ano ang mga produktong bubuuin, kung paano ito bubuuin at kung
para kanino ito ipamamahagi. Ito ay umiikot lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao katulad
ng mga:
Damit
Pagkain
Tirahan
Ang mga tao ay hindi na nahihirapan pagdating sa paghahanap buhay sapagkat ang mga trabaho noon ay
pangingisda, pagsasaka at pangangaso lamang. Sa madaling salita, napakapayak ng pamumuhay ng mga
tao sa ekonomiyang ito. Kung ano ang mga bagay na kanilang matatagpuan sa kanilang mga paligid ang
siya nilang gagamitin at papakinabangan.
May batas ba sa sistemang ito patungkol sa Alokasyon katulad ng ibang sistemang pang-
ekonomiya?
Sa sistemang pang-ekonomiyang ito, wala itong tuwirang batas patungkol sa Alokasyon kumpara sa ibang
sistemang pang-ekonomiya. May malinaw na pagkakaunawaan ang mga tao sa sistemang ito. Isang
matibay na halimbawa nito ay:
Ang mga kalalakihan ang siyang mga namamahala pagdating sa mga sandata katulad ng sibat na siya
nilang unang gamit pang-depensa upang may makain. Samantala, ang mga kababaihan naman ang
humahawak o ang namamahala ng mga kagamitan sa pananahi. Ang mga produkto na kanilang magagawa
ay kanilang ipamamahagi base sa mga pangangailangan at kung sino ang mga dapat gumamit nito.
Ito ay isang pamamaraan kung saan tumutukoy sa paglalaan ng tamang dami ng pinagkukunang yaman na
nababatay sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Hindi ito isang paraan kung saan isa
lamang pagbabaka-sakali. Kinakailangan ng isang kongkretong hangarin ng paggamit sa mga
pinagkukunang yaman. Ito ay kailangan maisagawa upang ang pinagkukunang yaman ay hindi kaagad-
agad maubos sapagkat ito ay sadyang limitado lamang. Ang alokasyon ay isang paraan upang
maisakatuparan ang mga layunin ng mga kasapi na kabilang sa isang ekonomiya. Sa alokasyon, ang
pagbuo ng impormasyon patungkol sa tutugunang pangangailangan ay maaaring maituring na sentralisado
o desentralisado. Ano ba ang mga ito?
Sentralisado ito ay kapag ang mga kinakailangang impormasyon ay ipinapatupad ng mga grupo ng tao o
institusyon o ng mga iilang tao lamang.
Tinutukoy rin kung paano at kung sino ang magbibigay halaga sa mga pinagkukunang-yaman. Ang
dalawang paraang maaring maging kaayusan ay:
Kadalasan, ang mga bansang gumagamit ng ganitong sistemang pang-ekonomiya ay madalas na mga
sakahan at kanayunan. Ang isang tradisyunal na ekonomiya ay tinukoy sa pamamagitan ng palitan o
kalakalan ng mga produkto na mas kilala bilang bartering.
Ang bartering ay tinatawag na barter trade. Ito ay isang mekanismo o pamamaraaan kung saan ang isang
produktong mayroon ay maaaring ipagpalit sa isang bagong uri ng produkto. Halimbawa nito:
Mayroong imbak na isda sa isang tahanan ngunit dahil sa ito na ang palagiang kinakain, gustong kumain
naman ng karne ng manok. Maaaring ipagpalit ang isda sa karne ng manok na nais namang maranasang
kainin.
Sa tuwing may sobrang produkto, ang anumang labis na kalakal ay madalas na ibinibigay sa nagmamay-ari
ng lupa o sa isang naghaharing awtoridad.
Ang purong sistemang ito ay hindi nakakaranas ng mga pagbabago sa pagpapatakbo. Kung ano ang
nakagisnang mga pamamaraan ito na ang tuwirang gagamitin. Ang mga halimbawa ng sistemang ito ay
kinabibilangan ng mga plantasyon ng tsaa sa Timog Indiya. Karagdagan, ang tradisyunal na ekonomiya ay
rin kilala bilang:
Hindi maunlad (primitive) na sistema ng ekonomiya dahil sa pagtataglay ng mga hindi napapanahong mga
kagamitan at pamamaraan.
Bangladesh
Vietnam
Pakistan
Nepal
Sri Lanka
Myanmar
Indonesia
Mauritious
Latin America
Makahulugang pananaw
Ang tradisyunal na ekonomiya ay isang uri ng pamamaraan na walang dudang payak at simple lamang.
Walang bahid ng anumang maaaring maging kumplikasyon kumpara sa ibang sistema sapagkat ang
pangunahing layunin ng pamamaraang ito ay ang pagbibigay ng mga pangangailangang nakabase sa kung
ano lamang ang kailangan ng isang tao o grupo ng mga tao. Ang mga hanapbuhay ng tao sa ekonomiyang
tradisyunal ay nakadepende lamang sa kung ano ang mayroon sa paligid na maaaring mapakinabangan ng
may magandang kalalabasan. Gayundin naman ang kanilang mga hanapbuhay.
Sinasabi nga na mas simple, mas maganda. Ngunit sa panahon ngayon na kung saan nagpapabago-bago
ng mga pangangailangan ang tao at nagkakaroon ng hindi maubos ubos na gustong makamit, ang
sistemang pang-ekonomiya na ito ay kukulangin. Kinakailangan ng maraming alternatibong paraan upang
magkaroon ng mas maraming pagkukunang-yaman. Lalot ang panahon ngayon ay may malaking hamon
sa buhay ng bawat tao sa araw-araw na pamumuhay.