You are on page 1of 6

KAKULANGAN AT

KAHALAGAHAN NG
IKONOMOKS

Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi


ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang kanilang walang katapusang kagustuhan.Ang ekonomiks rin ay isang
pag-aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang-
yaman upang makagawa at maipamahagi ang iba't ibang produkto at serbisyo sa
mga tao at iba't ibangt pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Matututuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman mo ang
kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa
ating kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya. Ekonomiks ang lilinang sa
kaisipan ng mga kabataan ukol sa pang-araw araw na nagaganap sa buhay ng tao
at kung paano naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating
lipunan. Ang kaisipang pangkabuhayan , pampulitika at pangmoralidad ay
ipinaliliwanag ng ekonomiks na makatutulong sa paglinang ng wastong asal, gawi at
kilos ng tao sa lipunan.

KAKULANGAN AT
KAKAPUSAN
Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa
supply ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahil sa bagyo,
peste, El Nino, at iba pang kalamidad. Upang malunasan ang kakulangan sa bigas, ang
pamahalaan ay maaaring umangkat ng bigas sa ibang bansa. Inaasahan na babalik sa normal
ang supply ng bigas sa sandaling bumuti ang panahon at magkaroon ng saganang ani ng palay.
Ang kakulangan ay pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan
ito.
Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao kagaya ng kakapusan sa supply ng nickel, chromite,
natural gas, at iba pang non-renewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito.
Ang kakapusan sa mga nabanggit na halimbawa ay itinakda ng kalikasan. Ang kondisyong ito
ay nagtakda ng limitasyon sa lahat at nagging isang pangunahing suliraning pang – ekonomiya.

PANGANGAILANGAN AT
KAGUSTUHAN
Kagustuhan – ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan
(basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay
maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay
kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.
Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang
dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na
nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan.
ALOKASYON – ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman upang
lutasin ang suliranin ng lipunan ukol sa kakapusan
– ito ay tumutukoy sa paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao

 Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman mahalagang gamitin ito ng lipunan sa


episyenteng pamamaraan
 Kinakailangang malinaw ang layunin ng paggamit sa mga pinagkukunang-yaman upang

maiwasan ang pagka-aksaya nito


PAGKONSUMO
Ang pagkonsumo o paggamit o paggastos ay isang
pangunahing konsepto ng ekonomika at pinag-aaralan din sa
maraming larangan ng araling panlipunan.

Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa pagbili, paggamit ng mga


produkto, at serbisyo upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao at magtamo ito ng kasiyahan. Ito ay
mahalaga sa ekonomya ng bansa sapagkat dito nakasalalay ang
pagsasagaw ng iba’t ibang gawaing pang-ekonomya.

INFORMATION
IMPORTANCE LEARNING
PARA SA AKIN HINDI DAPAT SAYANGIN KUNG
ANONG MERON TAYO. BIGYAN NATIN NG HALAGA
ANG MGA BAGAY BAGAY NA NASA PALIGID
NATIN.AT HUWAG NATIN SAYANGIN KASI
DARATING ANG PANAHON NA HAHANAPIN NATIN
ANG SINASAYANG NATIN.GAYA SA MGA PAG-
KAIN.MAY IBA DYAN NA WALANG
KINAKAIN.DAPAT MAG PASALAMAT TAYO NAMAY
KINAKAIN TAYO SA ARAW ARAW …

ALOKASYON

You might also like