You are on page 1of 16

Ano nga ba ang ekonomiks?

Bawat tao ay may kaniya kaniyang depinasyon tungkol nito kung saan ito ang diwa ng
kalakalan, pera, pagtaas ng presyo, pambansang produkto, bilihan ng stock, pamumuhunan at
kawalan ng trabaho. Marami din sa atin ang nakasaulo sa depinasyon ito na itinuro sa mga
mataas na paaralan pero alam ba talaga natin ang totoong depinasyon nito. Marami sa ating mga
ekonomista sa atin na nasa iba’t-ibang aspeto ng kalakalan sila ang dahilan kung bakit patuloy na
umuunlad ang ating bansa marami rin ang nagsasabi na sila ang dahilan kung bakit nagsimula
ang kayabangan o nagpapagulo sa problema. Ayon kay Samuelson isang mahusay na ekonomista
at awtor ang depinasyon ng ekonomiks sa agham panlipunan ay tungkol sa pamamahagi ng iba’t-
iba, ngunit limitadong yaman upang tugunan ang paparami at halos walang hangganang hilig ng
tao. May limang konsepto ang ekonomiks ito ay ang; agham panlipunan, kayamanan, hilig ng
tao, kagahupan at pamamahagi.

Ekonomiks at pamamaraang siyentipiko ang unang konsepto ng ekonomiks kung saan ito ay
isang pag-aaral kung papaano ang isang lipunan ay tumutugon sa problema ng kabuhayan at
kaunlaran ito ang sangay ng agham panlipunan sa larangan ng interaksyon at relasyon sa
myembro ng lipunan. Sa pamamaraang pagsusuri ito ay nahahati sa dalawa ang positibong
pagsusuri kung paano ang isang lipunan ay nagpapatakbo ng isang sistemang pangkabuhayan at
normatibong pagsusuri kung ano ang karapat-dapat at kung paano patatakbuhin ang isang
lipunan ayon sa isang pamantayan at layuning panlipunan. Sa agham panlipunan naman para
patitingkarin ito sa pamamaraan ng pagsusuri at pag-aaral kailangang ganap ang teoriya para
hindi kulang bagkos ito ay magiging makatotohanan, at may direktang ugnayan ito sa mga
problema, ang pangalawa naman ay nangangailangan ng malawakang kaalaman para masuring
maayos ang pag-aaral, at may background ukol sa mga problema. Sa pagpapahayag naman ng
ideya kailangan ang kalayaan nito dahil bilang isang imbestigador kailangan din maipahayag ang
makabagong siyentipikong pamamaraan ng pagsusuri at obhektibo dahil kung personal na
konsepto lamang hindi sigurado ang pagsusuri dahil tao ang gumawa kung saan hindi perpekto at
may nakatago pa at maaaring kuro-kuro at personal na konsepto lamang. Ang kayamanan at
pinagkukunang yaman ang ikalawang mahalagang konsepto, ito ay may tatlong uri ang yamang
pisikal, mineral at tao, Dumako tayo sa lawak ang populasyon noon 1987 sa ating bansa ay may
tinatayang 58 milyon; 42% ang may edad na 15 noong 1980, 1.4 milyon ang walang trabaho,
35%-40% ang walang sapat na trabaho at may anim na porsyento lamang ang mga popesyonal,
may tinatayang 300,000 ang sukat ng ating bansa na may karagatan at ilog, kagubatan at mga
minahan. Ang mga suliranin ng ating mga likas na yaman ay ang mabilis na paggamit at ang
pagkaabuso sa aspeto ng gubat at bundok, sakahan at lupain at natutuyo ang mga ilog dahilan
para umunti ang mga isda. At Kakulangan sa pagproseso mula sa hilaw na material tungo sa mga
bagay na may mataas na antas at halaga halimbawa nito ay ang niyog at ang troso at mga hilaw
na tanso. Ang mga kakayahan ay magamit sa iba’t-ibang kombinasyon sa pamamagitan ng
teknolohiyang ginagamit na nagtututro sa komposisyon ng kayamanan ang maaari sa
produksyon. Sa hilig ng tao at ang mga kaustuhan ay siyang nagpapatingkad sa yamang bayan.
Apat na hilig pantao ito ay ang: kalipunan ng kagustuhan, pagnanasa, mithiin at ang hilig ng
miyembro sa isang lipunan. Ang mga pangunahing pangangailangan ng tao ay pinagbago ng
kultura, panlasa, edad, kita, kapaligiran, antas ng edukasyon, estado sa lipunan at ang
advertising. Ang pangunahing pangangailangan ay binigyan ng bagong anyo ng ating katutubong
pananaw isip at kaluluwang pinoy. Problema ng Iskabersidad ang mga lipunang mapagtimpi ay
ang mga lipunang likas na matakaw at. Ang mga likas na sakim ito ay ang mga taong
hinahayaang hangarin ang lahat nanais nilang makuha ang kanilang gusto at hindi nakokontento
sa kung anong meron sila. Lipunang mapatimpi hindi naapektuhan sa problemang iskabersidad
dahil payak at simple lang ang kanilang pamumuhay at nagkakaisa sa paggamit ng yamang
bayan na walang gulo. Pamamahagi at alokasyon ng bayan oito ay ang paghahati ng mga yaman
na gagamitin sa produksyon ng mga bagay at serbisyo para sa kagalingan ng lipunan para sa
pagsagot ng mga katanungan at kung papaanong paraan at kug kanino ipamamahagi ang
serbisyo. Dalawang daan ng ekonomiya sa paggawa ng mekanismong panlipunan ang wastong
paggamit sa mga yamang bayan at pagkontrol sa dumaraming hilig ng tao. Ang kailangang
bungkalin at pakahalagahan ay kung paano mapalawak ang mga yaman sa pamamagitan ng
wastong paggamit nito. Mga katangiang panlipunan na natutungkol sa yamang tao ay an
pakikisama, pakikipagkapwa- tao, pakikialam, pakikipagtulungan at ang bayanihan. Pag-aalay sa
bayan tulad ng patuturo, paseserbisyo sa mga liblib ng ating kapuluan at ang pagtatrabaho sa
ating bansa hindi sa ibang bayan. Wastong paggamit ng mga likas na yaman; pagtitipid nito, pag-
uulit sa paggamit, madalang sa pagputol ng mga kahoy, pangangalaga sa kabukiran, paglilinis sa
kapaligiran at wastong pagtapon ng basura. Wastong paggamit ng yamang pisikal; isaalang-alang
ang pagtitipid, paglilinis at pag-aalaga sa mga gusali at mga instrukturang pisikal at ang pag-
iingat sa pagamit ng at paggawa ng mga makinarya. Kaugalian sa pagpapahalaga ng Pilipino;
katapangan, kalinisan ng loob, pagkamagalang, pagkamatimpiin at pagkakaisa ng pamilya. Mga
katangian na hinahanap sa paggawaan; magalang, mabait, di-palasigaw, marunong makisama,
masaya, mapagkumbaba, at maunawain. Meron ding paniniwala ang ating mga Pilipino ito ay
ang mga diwata na naninirahan sa mga puno kaya ipinagbawal nila ang pagputol nito. Tatlong
pangunahing modelo kung papaano ang lipunan ay namamahagi ng yaman at produksyon ito ay
ang pamamaraang tradisyonal, pamamaraang pagpaplanong sentral at pamamarang bilihan. Ang
labis na pagnanasa ng mga maykapangyarihan ay nagdudulot ng kahirapan, gutom, kawalan ng
tirahan, kakulangan sa pananamit at iba pang pangunahing serbisyong pambayan. Ang layunin
ng ekonomiks ay ang paglutas ng problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran, makapagbigay
ng introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan na ang dapat pag-ukulan ng
pansin at pag-aralan ay ang Kalagayan at istraktura ng ekonomiya, Papel na ginagampanan ng
politika, Kultura, Sikolohiya, Sosyolohiya sa kalagayang pangkabuhayan Ang mga dapat nating
gawin ay ang alamin kun paano mag-isip ang isang Pilipino at ano ang konsepto ng isang
mabuting buhay.
PAMAMAHAGI AT ALOKASYON NG MGA YAMANG-BAYAN

 Pamamahagi
 Pinaghati-hating mga yaman na gagamitin sa produksyon ng mga bagay at serbisyo para
sa kagalingan ng lipunan.
 Proseso sa pamantayan ng isang lipunan sa pagsagot ng katanungan sa konsepto
ng produksyon at distribusyon.
 Ano ang mga bagay na gagawin, sa papaanong pamamaraan at kung kanino
ipapamahagi ang mga nagawang bagay o serbisyo.

 Dalawang daan ng ekonomiya sa pagbuo ng isang panlipunang mekanismong


pamamahagi
 Wastong paggamit at pagpapalawak sa mga limitadong yamang-bayan
 Nakatuon sa pagkontrol ng dumaraming hilig ng tao

 Dapat Bungkalin at Pakahalagahan


 Paano mapapalawak ang mga yaman sa pamamagitan ng wastong paggamit.
 Pagbubungkal ang nararapat na pagpapahalaga sa mga yamang-bayan.
 Sa yamang pantao, dapat pakahalagahan ang wastong pagkain, malinis na
pangangatawan, pag-aaral, wastong paggamit ng oras, pangangalaga ng
kalusugang mental at pisikal, at iba pang pamamaraan na makapagdudulot ng
malakas, malusog, matalino, kreatibo at produktibong hukbong manggagawa na
siyang makapagbigay ng ibayong sigla sa pagpapalawak ng kaunlarang
pangkabuhayan.

 Katangiang panlipunan na natutungkol sa yamang tao


 Pakikisama
 Pakikipagkapwa-tao
 Pakikialam
 Pakikipagtulungan at;
 Bayanihan

 Pag-aalay sa bayan tulad ng;


 Pagtuturo
 Pagtatrabaho sa bansa at hindi sa ibang bayan at;
 Pagsisilbi sa mga liblib na lugar ng ating kapuluan
 Wastong Paggamit ng likas na yaman
 Pagtitipid sa mga likas na yaman
 Pag-uulit ng paggamit
 Madalang na pagputol ng mga punong-kahoy at pagtatanim ng mga bagong puno
 Pangangalaga sa kabukiran, kagubatan karagatan at mga ilog
 Paglilinis sa kapaligiran at;
 Wastong pagtatapon ng basura

 Wastong paggamit ng mga yamang pisikal


 Isaalang-alang ang pagtitipid
 Paglilinis at pangangalaga ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal at;
 Pag-iingat sa paggamit ng mga makinarya at mabisang pamamaraan ng paggamit
at paggawa.

 Kaugalian sa pagpapahalaga ng mga Pilipino


 Katangiang indibidwal na nagbibigay daan sa magandang pakikitungo at
pakikipagkapwa-tao
Ayon kay Teodoro Kalaw (1935) ang limang tuntunin n gating matandang moralidad ay;
 Katapangan
 Kalinisan ngloob
 Pagkamagalang
 Pagkamatimpiin at;
 Pagkakaisa ng pamilya

 Hinahanap na katangian ng mga tagapamahala ng mga manggagawa ayon kay Timothy


Church (1986) ay;
 Magalang
 Mabait
 Di-palasigaw
 Marunong makisama
 Masaya
 Mapagkumbaba at;
 Maunawain

 Mga paniniwala ng ating mga ninuno


 Naniniwala sila na ang mga puno sa kagubatan ay pinananahanan ng mga diwata
kaya wala silang lakas ng loob na lapastangin ito.
 Ang malabis na pagpuputol sa mga punong-kahoy sa kasalukuyan ay isang
palatandaan na nawawala na ang paniniwala sa mga anito at diwata sa kagubatan.

 Mahalagang papel sa paggamit ng salaping kapital sa pakikipagkapwa-tao


 Pagiging mabisa ng mga impormal na sector sa pangungutang tulad ng patubuan
kaysa sa mga pormal na institusyong tulad ng mga bangko.

 Ikalawang daan patungo sa prosesong pamamahagi


 Pagtitimpi o pagkontrol sa mga dumaraming hilig ng tao
 Tatlong pangunahing modelo kung papaano ang lipunan ay namamahagi ng yaman at
produksyon.
 Pamamaraan ng tradisyonal
 Pamamaraan ng pagpaplanong sentral at;
 Pamamaran ng bilihan

 Ang labis na pagnanasa ng mga maykapangyarihan at mayayaman ay nakokontrol at ang


mga yaman ng bayan ay mabisang nagagamit upang sugpuin ang problema ng;
 Kahirapan
 Gutom
 Kawalan ng tirahan
 Kakulangan ng pananamit at;
 Iba pang pangunahing serbisyong pambayan.

 Ang mga tagapagtaguyod ng pamamaraang bilihan ay naniniwala na dahil nga kusa at


kalayaan ng mga mamamayan ay iginagalang, ang pagpapatakbo ng isang sistemang
pangkabuhayan ay magiging matipid.

PROBLEMANG ISKABERSIDAD

 Lipunang Mapagtimpi
 Lipunang likas na matatakaw

 Likas na Sakim
 Mga taong hinahayaang hangarin ang lahat
 Gusto nila na kung ano ang kanilang gusto ay masusunod
 Hindi nakokontento sa kung anong meron sila
 Lipunang mapagtimpi
 Hindi naapektuhan sa problemang iskabersidad
 Payak at simple lang ang kanilang pamumuhay
 Nagkakaisa at walang gulo sa paggamit ng mga yamang bayan.
ANG KAYAMANAN AT PINAGKUKUNANG YAMAN

 Uri
 Yamang Pisikal
 Yamang Mineral
 Yamang tao

 Lawak
 Populasyonng bansa ay tinatayang may 58 milyon noong 1987
 42% noong 1980 may edad 15 pababa
 1.4 milyon ang walang trabaho
 35%-40% ang may hindi sapat na pangkabuhayan
 6% lamang ang propesyonal
 300,000 kilometro kuadrado ang sukat ng ating bansa
 May karagatan at ilog na mayayaman sa isda
 May kagubatang mayaman sa mga punong-kahoy at halaman
 May minahang nagbibigay ginto, tanso, pilak, chromite at nickel, may
minahan ng buhangin, graba, asin, buhanging silica at minahan ng
petrolyo sa karagatan

 Suliranin
 Mabilis na paggamit at pagkakaabuso
 Gubat at bundok ay nakakalbo ng mabilis
 Sakahan at lupain ay nawawalan ng likas na taba at mineral
 Natutuyo ang mga ilog at mga isda’y umuunti
 Kakulangan sa pagproseso mula sa hilaw na material tungo sa mga bagay na may
mataas na antas at halaga
 Niyog mismo ang iniluluwas at hindi ang mga kemikal na gawa nito
 Mas malaki ang iniluluwas na troso at hilaw na tanso kaysa sa mga
mamahaling sala set at mga alambreng gawa sa tanso

 Mga kakayahan
 Kakayahang magamit sa iba’t-ibang kombinasyon sa pamamagitan ng
teknolohiyang ginagamit
 Teknolohiya ang nagtututro sa komposisyon ng kayamanan ang maaari sa
produksyon
EKONOMIKS AT PAMAMARAANG SIYENTIPIKO

 Pagsusuri
 Nahahati sa iba’t-ibang pagsusuri
 Positibong paggsusuri
 Kung paano ang isang lipunan ay nagpapatakbo ng isang sistemang
pangkabuhayan
 Normatibong pagsusuri
 Kung ano ang karapat-dapat at kung paano patatakbuhin ang isang lipunan
ayon sa isang pamantayan at layuning panlipunan

 Agham panlipunan
 Patitingkarin sa pamamaraan ng pagsusuri at pag-aaral
 Ganap na kawastohan ng teoriya
 Kulang sa paghihigpit ng mga ideya na kung saan hindi ito makatotohanan
 Walang direktang kaugnayan sa mga problema
 Malawakang kaalaman
 Masusuring pag-aaral
 May background ukol sa mga problema
 Papapahayag ng mga ideya
 Kalayaan ng pagpapahayag ng ideya
 Bilang isang imbestigador kailangan ding maipahayag ang makabagong
siyentipikong pamamaraan ng pagsusuri at obhektikbo
 Personal na konsepto
 Hindi sigurado ang pagsusuri dahil tao ang gumawa na kung saan hindi
perpekto at may nakatago pa
 Kuro-kuro lang at personal na konsepto

EKONOMIKS

 Problemang panlipunan
 Walang hanggang hilig ng tao
 Ang iba’t-ibang pananaw ng tao
 Pagtataas ng presyo sa mga bilihan
 Ang pagiging Malaya ng isang tao
 Sanhi ng hindi magkasundo ang mga mamamayan
 Gumagawa ng sariling desisyon na hindi sang-ayon sa lahat
 Maging mali ang pamamalakad ng tao
 Maaapektuhan an interaksyon at relasyon ng tao

KONKLUSYON

 Layunin ng ekonomiks
 Paglutas ng problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran
 Makapagbigay ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng
agham panlipunan

 Dapat pag-ukolan ng pansin at pag-aralan


 Kalagayan at istraktura ng ekonomiya
 Papel na ginagampanan ng politika
 Kultura
 Sikolohiya
 Sosyolohiya sa kalagayang pangkabuhayan

 Ang una na dapat nating gawin


 Alamin kun paano mag-isip ang isang Pilipino
 Ano ang kanyang konsepto ng isang mabuting buhay
HILIG NG MGA TAO

 Ang dapat nating suriin ang istrukturang pangangailangan


 Hilig at kagustuhan ng tao na siyang nagpapatingkad sa mga yamang bayan

 Mga hilig pantao


 Kalipunan ng kagustuhan
 Mithiin
 Pagnanasa
 At hilig ng mga miyembro sa isang lipunan

 Pangunahing pangangailangan na pinagbago ng;


 Kultura
 Panlasa
 Kita
 Kapaligiran
 Edad
 Antas ng edukasyon
 Estado sa lipunan
 Advertising

 Ang pangunahing pangangailangan ay binigyan ng bagong anyo ng ating katutubong


pananaw
 Isip
 Kaluluwang pinoy

You might also like