You are on page 1of 10

I. Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-halo, tingi-tingi, at sari-sari ni Tereso S. Tullao, Jr.

A. Ang sanaysay na ito ay dapat sanang isinulat at binasa noong si Tereso ay parangalan ng

pamantasang ito bilang Don Santiago Syjuco Gawad Propesor sa Ekonomiks.

1. Ngunit noon ay hindi pa masyadong mulat ang kanyang isipan sa kahalagahan at

pangangailangang ipagpaunlad ang ating wika.

2. May takot at pangamba siya sa paggamit ng Filipino bilang wika.

II. Ano ang Ekonomiks?

A. Ang diwa ng kalakalan, pera, pagtaas ng presyo, pambansang produkto, bilihan ng stock,

pamumuhunan at kawalan ng trabaho ang siyang pumapasok sa ating isipan.

B. Ang Ekonomiks ay isang pag-aaral tungkol sa paggawa at paggamit ng kayamanan. Ngunit

may iilang ekonomista na naglalarawan sa ekonomiks bilang anumang gawain piangkakabalahan

ng mga ekonomista.

C. Marami sa ating mga ekonomista ay nasa kalakalan, pamahalaan, unibersidad, surian at iba

pang sektor na kung anu-ano ang pinagkakaabalahan.

1. Sila ay tinatawag upang tumulong sa paglutas ng sari-saring problemang panlipunan.


D. May limang pangunahing konsepto na bumubuo sa depinisyong ito ng ekonomiks. Ito ay ang

1. Agham panlipunan

2. Kayamanan

3. Hilig ng tao

4. Kagahupan

5. Pamamahagi.

III. Ekonomiks at Pamamaraang Siyentipiko

A. Ang ekonomiks higit sa lahat ay isang pag-aaral kung papaano ang isang lipunan ay

tumutugon sa problema ng kabuhayan at kaunlaran.

1. Dahil doon ay itinuturing na isang pangunahing sangay ng agham panlipunan ng mga

miyembro ng lipunan at ang kanilang interaksyon at relasyon sa isa’t-isa upang sagutin ang

pangunahing isyung panlipunan.

B. Ang ekonomiks ay gumagamit ng maaayos at sistematikong pamamaraan ng pag-aaral,

pagsusuri, pagtitibay at pagsagot.


C. Ayon kay Milton Friedman, ang ekonomiks ay nahahati sa positibong pagsusuri at

normatibong pagsusuri.

1. Ang una ay may kaugnayan sa paglalahad at paglalarawan kung paano ang isang lipunan ay

nagpapatakbo ng isang sistemang pangkabuhayan.

2. Ang normatibong ekonomiks naman ay isang pagsusuri kung ano ang karapat-dapat at kung

paano patatakbuhin ang isang lipunan ayon sa isang pamantayan at layuning lipunan.

D. Ang pangunahing problema sa ekonomiks ay kung ano ang patitingkarin sa pamamaraan ng

pagsusuri at pag-aaral.

E. Ang maayos, makatuwiran, tiyak at mahigpit ang mga haypotesis at panukalang kasagutan sa

mga problemang pinag-aaralan.

1. Ngunit mayroong nagtatanong kung ano ang kabuluhan ng maayos, makatuwiran at mahigpit

na teoriya kung ito’y hindi makatotohanan, di-praktikal at walang derektang kaugnayan sa mga

pangunahing problema ng lipunan.

1.1. Ayon sa pananaw na ito, dapat bigyan diin yaong praktikal at makabuluhang pagsusuri na

lulutas sa problemang pangkabuhayan.


2. Tinutuligsa ng kabilang panig sa kawalan ng batayang teoretikal sa mga panukalang

pamamalakad na kanilang itinataguyod.

F. Ang ekonomiks ay para sa tao at para sagutin ang problema ng kabuhayan.

G. Isa pa ring problemang bumabalot sa ekonomiks ay ang isyu ng kalayaan ng mga

imbestigador sa kanilang personal na paniniwala at pagpapahalaga.

IV. Ang Kayamanan at Pinagkukunang-Yaman

A. Ang ikalawang mahalagang konsepto sa diwa ng ekonomiks ay ang kayamanan. Ang

kayamanan ng isang lipunan ay binubuo ng mga katangian ng mga tao: mga bungang kalikasan

at mga bagay na gawang-tao na ginagamit sa produksyon ng mga bagay-bagay na siya namang

tumutugon sa pangangailangan at hilig ng tao para sa kanilang kabuhayan, kasiyahan at

kaligayahan.

1. Ang ating populusyon ay tinatantiya na may 58 milyon noong 1987. Ang mabilis na paglaki

ay umaabot sa 2.71 porsyento bawat taon.


2. Mahigit sa 42 porsyento sa ating populasyon noong 1980 ay may edad 15 pababa.

Nangangahulugan na marami tayong pinapakain, binibihisan, binabahay at pinapaaral na hindi

pa tumutulong sa mga gawaing pamproduksyon.

B. Datos ng mga nagtatrabaho

1. May 21 milyong miyembro ng hukbong paggawa ang ating bansa noong 1985; may 1.4

milyon ang walang trabaho at halos 35 hanggang 40 porsyento ng hukbong manggagawa ay may

di-sapat na hanapbuhay; karamihan sa ating manggagawa ay nasa pagsasaka at may 1 milyon o 6

na porsyento lamang ang mga propesyonal.

2. Ang malaking bahagi ng ating lakas-paggawa ay nasa ibang bansa. Karamihan sa mga

migranteng manggagawang Pilipino ay propesyonal at trabahador pangdagat.

3. Kilala ang mga Pilipino sa kanilang kasipagan, pagkamatiyaga at maaasahang manggagawa sa

iba’t ibang sulok ng daigdig.

C. Kalusugan

1. Marami sa ating mga kabataan ay kulang sa timbang, sira ang ngipin, di malusog at sakitin.

2. Pangunahing sakit ay bronchitis, diarrhea, trangkaso, pulmunya at TB.


2.1. Ang pulmunya ay siya ring pangunahing sanhi ng pagkamatay noon 1984. Ang pagkain ng

carbohydrates, taba at protina bawat tao ay umaabot na sa higit sa 100 porsyento kung

ihahambing sa pamantayang pangangailangan.

D. Likas na Yaman

1. Ang ating bansa ay may 300,000 kilometro kuadrado ang sukat.

1.1. Ang karagatan at ilog nito ay mayaman sa isda at pagkaing-dagat.

1.2. Ang gubat ay mayaman sa sari-saring punong-kahoy, halaman, at pinamumugaran ng iba’t

ibang ibon at hayop.

1.3. Ang mga mineral sa ating minahan ay nagbibigay ng ginto, tanso, pilak, chromite, at nickel.

Marami din tayong minahan ng buhangin at graba, asin at buhanging silka. Mayroon na ring

natagpuang mga minahan ng petrolyo sa karagatan malapit sa Palawan. Ito ay nagpaparagdag sa

karbon at geothermal energy sa produksyon ng elektrisidad.

2. Ang ating lupain ay tinatamnan ng palay, mais, asukal, niyog, saging, pinya, abaka, tabako,

mani at iba pa.

E. Problema sa likas na yaman


1. Ang problema sa ating likas na kayamanan ay ang mabilis na paggamit at pagkaubos nito. Ang

mga gubat at bundok ay nakakalbo sa mabilis at walang pakundangang pagputol ng mga troso.

Ang mga sakahan at lupain ay nawawalan ng likas na taba at mineral dahil sa mabilis na

paggamit; ang mga ilog ay natutuyo at mga isda sa dagat ay umuunti dahil sa mabilis na

pangingisda at paggamit ng dinamita.

2. Ang kakulangan ng ating bansa na magproseso mula sa hilaw na materyal tungo sa mga bagay

na may mataas na antas at halaga.

F. Yamang pisikal ng ating bansa

1. Ito ay binubuo ng istrakturang nakatayo sa ating kapaligiran tulad ng mga paaralan; ospital,

planta, pabrika, gusaling pangkomersyo, gusaling pambahay, istasyon ng tren, daungan ng bapor,

paliparan, mga tulay, riles ng tren, daan at iba pa.

V. Hilig ng mga Pilipino

A. Hilig-pangtao
1. Ito ay kalipunan ng kagustuhan, mithiin, pagnanasa, at hilig ng mga miyembro ng isang

lipunan batay sa mga pangunahing pangangailangan, hilig at kagustuhan ng mga tao upang

mabuhay.

2. Ang pagtugon natin sa mga pangunahing pangangailangan ay binigyan ng bagong anyo ng

ating katutubong pananaw – ang isip at kaluluwang Pinoy.

3. May hilig tayo sa mga pinaghalo-halong bagay. Masarap sa ating panlasa ang halo-halo,

sapin-sapin, pakbet, sinigang, pansit at iba pa.

4. May pagkiling din tayo sa patingi-tingi. Sa libu-libong tindahang sari-sari sa buong kalupaan,

ang suka, toyo, patis, mantika, kape, mantikilya, kendi, pan de sal, keso, matamis na bao at

“peanut butter” ay ipinagbibili ng tingi.

4.1. Sa pakiwari ko, ang patingi-tingi ay nakapaloob sa kaisipan at kaugaling Pinoy.

5. Marami pa tayong gawi, hilig at kaugalian na hindi maunawaan ng mga rasonableng

Kanluranin subalit ginagawa natin at pinag-uukulan ng pagpapahalaga sapagkat ito’y bahagi ng

ating pagkatao – bahagi ng kaluluwang Pinoy.

VI. Problema ng Iskarsidad


A. Ang Unibersal na Problema

1. May mga taong hindi sasang-ayon sa pagtatalaga ko ng kadahupan o iskarsidad bilang

unibersal na problema. Sa kanilang palagay, ang suliraning ito ay makatotohanan lamang sa

lipunang likas na matatakaw na kung saan ang mga tao nito ay hinahayaang hangarin ang lahat

ng hilig at kagustuhan.

VII. Pamamahagi at Alokasyon ng mga Yamang-Bayan

A. Pamamahagi

1. Ito ang pamamaraan ng isang lipunan kung papaano pinaghahati-hating mga yaman nito upang

gamitin sa produksyon ng mga bagay at serbisyo.

2. Ang anumang ekonomiya, payak man o malawak ay gumagamit ng dalawang daan patungo sa

pagbuong isang panlipunang mekanismong pamamahagi.

2.1. Ang una ay tungkol sa wastong paggamit at pagpapalawak sa mga limitadong yamang-

bayan.

2.2. Ang ikalawa ay nakatuon sa pagkontrol ng dumaraming hilig ng tao.


B. Ang papel ng teknolohiya at pangangapital sa pagpapalawak ng mga limitadong yamang-

bayan.

1. limitadong yamang-bayan. Sa bahaging ito, susuriin natin kung papaano mapalalawakang mga

yamang ito sa pamamagitan ng wastong paggamit. Kinakailangan dito ang pagbubungkal ng mga

nararapat na pagpapahalaga sa mga yamang-bayan.

You might also like