You are on page 1of 4

MISAMIS ORIENTAL GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Masusing Banghay – Aralin


Araling Panlipunan Grade 9
Enero 27, 2020

I. LAYUNIN
Sa loob ng i isang oras na talakayan, 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
1.. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sector ng agrikultura.
2.. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng
agrikultura.
3. Natutukoy ang mga bahaging ginangampanan ng sector ng agrikultura sa larangan ng
paghahalaman, pangingisda, paggugubat at paghahayupan sa ekonomiya at sa bansa.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Ang Sektor ng Agrikultura
Sangguian: Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Awtor: Bernard R. Balitao, Et. al.
Pahina: 363-385
Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation,

III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda
1. Panimula
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
d. Pag tsek ng atendans
e. Pagbabalik-aral
B. Balik-aral
1.Sa iyong sariling opinion, pano mo masabi na ang ekonomiya ng ating bansa ay umunlad?
2. Bilang isang mamayan ng Pilipinas paano ka makatutulong para sap ag unlad ng ating
ikonomiya?
C. Pagtuklas
1. Pagganyak
First 5!
Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag binasa, narinig o inaawit ang
‘Magtanim ay ‘Di Biro?
Tama! Limang puntos para sa inyo.
D. Paglalahad
Base sa aking ginawang aktiviti, ang ating paksa sa araw na ito ay
1. Mga Gabay na Tanong
Ngayon, basahin naman natin ang mga Gabay na Tanong.
E. Paunlarin
1. Pagtalakay
Ilang isla ang bumubuo sa Pilipinas?

Mahusay! Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural
dahil sa malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing agrikultura.
Malaking bilang ng mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya na ipinapakita sa talahanayan.
Industriya = 5 M
Agrikultura = 12 M
Paglilingkod = 18 M
Ano ang pagkakaintindi ninyo sa salitang Agrikultura?Basahin ang slides,
. Nahahati ang sektor ng agrikultura;
1. Paghahalaman/pPagsasaka(farming)
2. Paghahayupan (livestock)
3. Pangingisda (fishery)
4. Paggugubat (forestry)
Okay tama…so ibat ibang uri ng halaman magbigay ng oangunahing halaman na tinatanim ng mga
magsasaka.
Ano-ano ang mga uri ng magsasaka sa ating bansa?
Mahusay!ito ay mga uri na magsasakang dito sa ating bansa.
Ano naman ang mga suliranin ng ating magsasaka sa ating bansa?Pakibasa…
Tama…yan ay ilan lang sa mga suliranin ng magsasaka ng ating bansa….at ang mga suliraning iyan
ay unti unti ng nalulutas ng Pangulo ng ating bansa..
Ano naman ang Pangalawa? Pakibasa.

Ano ano naman ang mga Uri ng pangingisda ditto sa ating bansa?
Mahusay! Ang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang
uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pagisdaan:
Fresh (tabang)
Brackish (maalat-alat)
Marine (maalat)
Ang aquaculture ang may pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na
umabot sa HIGT Php. 92289.9 bilyong piso.
Magaling! Ang pangisdaang municipal naman ay umaabot sa Php 79,527.4 Bilyon
Tama! At ang komersyal umaabot sa higt Php 65,894.2 Bilyon.
Ito ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikutura?
Magaling! Ito ay ang Municipal, Komersyal, Panloon
Ngayun katulad ng paghahalaman, ang pangingisda din ay may mga Suliranin? Basahin ang
sumusunod?
At ito ang ikatlo…

At ang paghahayupan ay may mga suliranin…basahin ang mga sumusunod?


Tama…Sa paghahayupan, binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at
iba pa.
At ang pang apat ay Panggugubat…

Ang Pilipinas ay itinuturing na tagatustos ng


isda sa buong mundo.
Ang pangingisda ay nauuri sa tatlo, ano-ano
ito?

Tama. Pinagkukunan ng plywood, table, torso at venner. Ano pa ang pinagkakakitaan na mga
produkto?
Tama!
Kahalagahan ng Agrikultura
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay saan?
Magaling! Dapat mapagtuuan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, lalo na ang agrikultura
dahil dito nagmumula lahat ng pagkain ng lahat ng mamamayan.
Ano-ano ang kahalagahan ng agrikultura;
Sa pangkalahatan, ipinapakita na ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng
ekonomiya ng bansa.
Ngayon para sa inyung karagdagang kaalaman….may mga institusyun at mga programang pang
agrikultura…Tingnan ang bawat slyad.
F. Pagpapalalim
1. Bakit mahalagang sektor ng agrikultura ang agrikultura?
2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura?
G. Pangwakas na pagtataya
Gawain ang Gawain 5:
First 15!
Para sa sampung puntos! Larawan! Kilalanin! At sagutin ang mga pamprosesong tanong. Gawin ito
sa loob ng limang minuto. Isulat ang inyong kasagutan sa inyong mga kwaderno.
Pamprosesong tanong.
1. Ano-ano ang bumubuo sa sector ng agrikultura
2. Paano makakatulong ang sector ng agrikultura sa pamumuhay ng tao sa kumunidad.
3. Sa iyong palagay, sapat baa ng naitutulong o pagtugon ng sector ng agrikultura sa mga
pangangailangan ng maraming Pilipino?Bakit?

RUBRIK
KRAYTIRYA AT LEBEL NEEDS IMPROVEMENT GOOD VERY GOOD
5 5 5

ACCURACYNG IMPORMASYUN

PAGPAPALIWANAG

TAKDANG ARALIN

IV. TAKDANG ARALIN


1. Bakit mahalagang sector ng ikonomiya ang agrikultura?
2. Sa iyong palagay, paano ka makakatulong upang maitaguyod ang agrfikultura? Ipaliwanag?
Sanggunian:
1. Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Pahina 370-376

Prepared by: Reviewed: Attested:


Jennifer P. Cimeni LUCY A. PEROCHO, PhD PEDRO R. ESTAÑO JR., PhD
SST-1 Head Teacher III, AP Department Secondary School Principal IV

You might also like