You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Ekonomiks IV

Polo National High School


I.
LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa larangan
ng paghahalamanan, pangingisda, paggugubat, at paghahayupan sa ekonomiya at
sa bansa
2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura
3. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang ekonomiya na nakakatulong sa
sektor ng agrikultura
II.

NILALAMAN
A. Paksa: Mga Sektor ng Pang Ekonomiya at Mga Patakarang Pang-Ekonomiya Nito
B. Konsepto: Sektor ng Agrikultura
C. Balangkas ng Aralin
1. Uri ng Sektor ng Agrikultura
2. Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura
3. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
D. Babasahin: Ekonomiks IV pp. 360-383
E. Kagamitan: Modyul sa Ekonomiks, LCD Projector at Laptop
III.

PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pang Araw-araw na Gawain
a. Pagdadasal
b. Pagbati
c. Attendance Checking
d. Checking of Assignments
2. Balik-Aral
Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ang isang bola ng mga mag-aaral
sa klase, ang mag-aaral na may hawak ng bola sa pagtigil ng tugtog ay
sasagot sa katanungan ng guro.
Mga tanong:
a. Ano ang pag-unlad?
b. Anu-ano ang mga antas ng pambansang kaunlaran?
c. Ano ang pagkakaiba ng pag-unlad at pag-sulong?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ang guro magtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod na
katanungan;
a. Ano ang tatlong bagay na pumapasok sa isip mo habang inaawit ang
ang Magtanim ay Di Biro?
2. Talakayan
Gamit ang Power Point Presentation, tatalakayin ng guro ang isa sa
mga sektor ng ekonomiya, ang agrikultura.
1. Ano ang Agrikultura?
2. Ano ang mga uri ng agrikultura?
3. Bakit mahalaga ang Agrikultura?
4. Ano-anu ang mga suliranin na kinahaharap ng Agrikultura?
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga
a. Paano ka makakatulong sa paglago sa sektor ng agrikultura?

2. Paglalahat
a. Bakit ang Pilipinas ay tinatawag na bansang agricultural?
3. Paglalapat
a. Bilang isang mag-aaral, paano ako makatutulong sa pagpapatupad ng
mga patakarang pang-ekonomiya tungo sa pambansang pagsulong at
pagunlad?
IV.

PAGTATAYA
Panuto. Isulat kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag..
1. Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng mahigit 3,000 isla sa buong parte ng
bansa. MALI
2. Napabilang ang bansang Pilipinas sa mga bansang agricultural dahil sa
malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang=agrikultura.
TAMA
3. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahayupan, paghahalamanan,
pagaartista at pangingisda. MALI
4. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. TAMA
5. Para makabuo ng produkto, kinakailangan ang sektor ng agrikultura para sa
mga gagamitin na mga hilaw na materyales. TAMA
6. Hindi kabilang ang sektor ng agrikultura sa kitang panlabas. MALI
7. Ang agrikultura ay pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. TAMA
8. Ang pag-unlad ng bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor
ng ekonomiya. TAMA
9. Itinuturing na ang Pilipinas sa may pinakamababang tagatustos ng isda sa
buong mundo. MALI
10.Hindi suliranin ang paggamit ng teknolohiya sa pagsasaka. MALI

V.

TAKDANG ARALIN
1. Ano ang sektor ng industriya?
2. Anu-ano ang mga kinapapalooban sa Sektor ng Industriya?
3. Ano ang dalawang pangunahin kahinaan ng sektor ng industriya?

Inihanda ni:_________________________
_____________________________
Mary Joy B. Eduria
Bonifacio
Teacher I
Teacher III

Ipinasa kay:
Mrs. Gloria A.
AP Head

You might also like