You are on page 1of 5

Department of Education

Bureau of Secondary Education


Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN – 9


(EKONOMIKS)

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang Sektor ng Agrikultura.
2. Naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng Sektor ng Agrikultura sa
ekonomiya at sa bansa.
3. Naipapahayag ang saloobin tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng bawat
bahagi ng Sektor ng Agrikultura sa bansa at epekto nito.

II. NILALAMAN
A. PAKSA: Sektor ng Agrikultura
B. SANGGUNIAN: Ekonomiks 9 Araling Panlipunan pahina 405-409.
C. KAGAMITAN: projector, laptop, larawan, cartolina, pentel pen, manila
paper, scotch tape, colored paper.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang araw-araw na Gawain
Magandang umaga sa inyong lahat.
Magandang umaga din po ma’am.
Bago tayo magsimula sa ating
talakayan, manalangin muna tayo.

1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa
panalangin.
(Tatayo ang lahat para sa panalangin)
(tatawag ng isang mag-aaral para
pangunahan ang panalangin)

2. Pagtatala ng Liban sa Klase


(tatawagin ang kalihim ng klase)
Paki-tala ng liban sa klase sa araw na
ito at ibigay sa akin. (Magtatala ng liban ang kalihim ng klase)

Bago tayo magsimula ayusin ang mga


sarili, pulutin ang mga kalat sa paligid
at ayusin ang pagkaka upo.

B. Pagganyak
May ipapakita ako sainyong video.
Pakinggan at unawaing mabuti ang awit
sa video na ito.
(Ipapakita ang video)
(Papanuorin ng mga mag-aaral ang video)

Ano ang nabuo o pumasok sa isipan


ninyo habang inaawit ang kantang
“Magtanim ay Di Biro”?
(Tatawag ng ilan para sumagot) (Sasagutin ng mag-aaral ang tanong)

C. Pagtatanghal
Ang pag-aaralan natin sa araw na ito ay:
“Sektor ng Agrikultura”

(Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga


layunin)
D. Talakayan sa Klase
1. Gawain
Para sa inyong unang gawain,
hahatiin ko kayo sa apat na grupo.
Magsimula nang mag bilang.
1,2,3,4,1,2,3,4………..
Pumunta na sa inyong mga ka grupo.
(Pupunta sa kani-kanilang grupo ang mga
mag-aaral)
Ang Sektor ng Agrikultura ay
nahahati sa apat. Base sa larawang
ibibigay ko sa inyong grupo alamin
kung anong Sektor ng Agrikultura ito.
Buuhin ang “jumbled letters” na
ibibigay ko sa inyo. Bibigyan ko
lamang kayo ng isang minuto. (Bubuuhin ng bawat grupo ang “jumbled
letters” base sa larawan para malaman kung
anong sektor ng agrikultura ito.)
Ngayon, idikit na ninyo sa pisara ang
larawan at ang nabuo ninyong salita.
Unahin na natin ang unang grupo.

Group 1:
PAGHAHALAMAN

Group 2:
PAGHAHAYUPAN
Group 3: PANGINGISDA

Magaling! Ngayon, bumuo ang bawat


grupo ng maikling “roleplay” na Group
nagpapakita ng Paghahalaman, 4: PAGGUGUBAT
Paghahayupan, Pangingisda at
Paggugubat. At pagkatapos ng
pagsasadula, magbigay ng maikling
paliwanag tungkol dito. Bibigyan ko
lamang kayo ng 5 minuto para mag
handa.

2. Pagsusuri
Humanda na ang lahat para sa (Pag-uusapan ng bawat grupo ang gagawin)
pagtatanghal. Unahin natin ang
unang grupo.

(Magtatanghal ang unang grupo)


Magaling! Palakpakan natin ang Group 1: Ang Paghahalaman ay ang
unang grupo. pagtatanim tulad ng palay, mais at niyog.
Paghahalaman: Ito ay ang mga
pananim sa ating bansa tulad ng
palay, mais, niyog, tubo, saging,
pinya, kape, manga, tabako, at
abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at
labas ng bansa.
Tawagin naman natin ang
pangalawang grupo.

(Magtatanghal ang pangalawang grupo)


Group 2: Ang Paghahayupan ay ang pag-
Magaling! Palakpakan natin ang aalaga ng iba’t ibang hayop tulad ng
pangalawang grupo. kalabaw, baboy at manok.
Paghahayupan: ito ay binubuo ng
pag-aalaga ng kalabaw, baka,
kambing, baboy, manok, pato at iba
pang hayop. Nakatutulong ito sa pag-
supply na ating mga
pangangailangan sa karne at ito rin
ay gawaing pangkabuhayang
kinabibilangan ng ating mga tagapag-
alaga ng hayop.
Tawagin naman natin ang
pangatlong grupo.
(Magtatanghal ang pangatlong grupo)
Group 3: Ang Pangingisda ay ang panghuhuli
ng isda, hipon, sugpo at iba pa.
Magaling! Palakpakan natin ang
pangatlong grupo.
Pangingisda: Itinuturing ang Pilipinas
bilang isa sa mga pinakamalaking
tagatustos ng isda sa buong mundo.
Ang pangingisda ay nauuri sa tatlo –
komersiyal, municipal at
aquaculture.
Tawagin naman natin ang huling
(Magtatanghal ang pang-apat na grupo)
grupo.
Group 4: Ang Paggugubat ay ang
pinagkukunan ng plywood, table, at torso.

Magaling! Palakpakan natin ang


pang-apat na grupo.
Paggugubat: ito ay isang
pangunahing pang-ekonomikong
gawain sa sektor ng agrikultura.
Mahalaga itong pinagkukunan ng
plywood, table, torso, at veneer.

3. Paghahalaw
“SEKTOR NG AGRIKULTURA”
Isang agham at sining na may
kinalaman sa pagpaparami ng mga
hayop at mga tanim o halaman. Ito
ay may kaugnayan sa lahat ng
gawain na sangkot ang mga hayop at
halaman.

Kahalagahan ng Agrikultura:

1. Pangunahing pinagmumulan
ng pagkain.
2. Pinagkukunan ng material
para makabuo ng bagong
produkto.
3. Pinagkukunan ng kitang
panlabas/dolyar.
4. Nagkakaloob ng hanap-
buhay.

4. Aplikasyon
Sainyong palagay, anu ang
kasalukuyang kalagayan ng bawat
bahagi ng Sektor ng Agrikultura? Ano
ang epekto nito sa bansa? Gagawin
ito ng bawat grupo. Gumawa ng (Pag-uusapan ng bawat grupo ang gagawin)
talata at isulat sa manila paper.
Pumili sa grupo ng magpapaliwanag
sa unahan. Gagawin ito sa loob ng
limang minuto.
Pagkalipas ng limang minuto,
ipipresenta ng bawat grupo ang
kanilang inihanda.

IV. Ebalwasyon
Kumuha ng kalahating papel. Sagutin ang sumusunod. Hanapin sa kahon ang salitang
tinutukoy ng bawat pangungusap. Isulat sa papel ang sagot.

paghahalaman paghahayupan pangingisda


paggugubat komersiyal municipal
aquaculture sektor ng agrikultura

1. Nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may


kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit
ng mga fishing vessel.
2. Ito ay ang mga pananim sa ating bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya,
kape, manga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa
loob at labas ng bansa.
3. Ito ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t
ibang tubig pangisdaan.
4. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer.
5. Isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o
halaman.
6. Gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga
gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo.
7. Ito ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pang
hayop.
8. Ito ay nauuri sa tatlo – komersiyal, municipal at aquaculture.

V. Takdang Aralin
Magbigay ng limang suliranin sa Sektor ng Agrikultura. Isulat ito sa kalahating papel.

Inihanda ni:

SHANE B. BARRANDA
Soc.Sci. Major

You might also like