You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan- 9
Mozart
March 13, 2018

I. Layunin
Sa loob ng 60- minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natatalakay ang sektor ng agrikultura;
b. napahahalagahan ang sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng bansa; at
c. nakagagawa ng acrostic patungkol sa sektor ng agrikultura.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Sektor ng Agrikultura
b. Sanggunian: Ekonomiks-Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral pahina 365-367
https://www.facebook.com/gmanews/posts/10154905452311977
https://brainly.ph/question/190881
c. Kagamitan: Ekonomiks Book, mga larawan, cartolina
d. Saloobin: Nabibigyang halaga ang sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng bansa.

III. Nilalaman
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.

Maaari mo bang pangunahan Trisha?


(Ang mga mag-aaral ay mananalangin)
Magandang umaga klas?
Magandang umaga din po Ma’am Joanna.

Bago kayo umupo ay maaari niyo bang ayusin


ang inyong mga upuan at pulutin ang mga
kalat sa ilalim nito? (Ang mga mag-aaral ay mag-aayos ng upuan
at magpupulot ng mga kalat)

Binibining Sekretarya, may lumiban ba sa


klase? Wala po.

Mabuti kung ganon.

2. Pagbabalik-Aral
Sa ating nakaraang aralin ay ating tinalakay
ang konsepto at palatandaan ng pambansang
kaunlaran.

Ano nga ba ang kaunlaran o pag-unlad?

Subukin mo nga Rey! Ito ay pagbabago mula sa mababa tungo sa


mataas na antas ng pamumuhay.

Magaling!

Ano-ano ang mga salik na nakatutulong sa


pagsulong ng Ekonomiya ng isang Bansa,
Rismer? Mamumuhunan, likas na yaman, yamang-
tao,kapital, at teknolohiya at inobasyon
Mahusay!

Ano naman ang apat na estratehiya na


makatutulong sa pag-unlad ng bansa, Elsa?
Mapanagutan, maabilidad, makabansa, at
Tama! Maalam.

3. Pagganyak
Klas mayroon akong inihanda na isang
gawain.

Maaari mo bang basahin ang panuto ng


inyong gawain, Hailey!
PANUTO: Ang klase ay mahahati sa apat na
grupo. Bawat grupo ay mabibigyan ng isang
sobre na naglalaman ng mga nagupit na
larawan. Buuin ito at pabilisan sa pagdikit sa
pisara. Pumili ng isang representante na
siyang magdidikit sa nabuong larawan ng
grupo sa pisara. Ang grupo na unang
makapagdikit sa pisara ay mabibigyan ng
limang puntos. Ang mga mahuhuling naman
grupo ay mabibigyan lamang ng dalawang
puntos.
Maliwanag ba ang panutong naibigay klas?

Kung ganon ay magsimula na tayo. Opo Ma’am.

Bibigyan ko lang kayo ng limang minuto para


isagawa ang gawain.

Mga bubuuing larawan:

Mahusay Group____ mayroon kayong limang


puntos. Sa ibang grupo naman ay
magkakaroon ng dalawang puntos.

May ideya na ba kayo tungkol sa ating


tatalakayin sa umagang ito base sa inyong
naging gawain?

Kung ganon, tungkol saan ang ating


Meron na po.
tatalakayin, Jewel?

Tama!
Tungkol po ito sa Agrikultura.
B. Paglinang ng Gawain
1.Presentasyon
Ang ating aralin sa umagang ito ay tungkol sa
“Sektor ng Agrikultura”.

Basahin niyo nga ito ng sabay-sabay klas.

2. Pagtatalakay Sektor ng Agrikultura


Ano nga ba ang Agrikultura?

Subukin mo nga James!

Gawaing pamproduksiyon at serbisyong may


kinalaman sa paghahalaman, paghahayupan,
Mahusay! pangingisda, at pagugubat.

Maaari mo bang basahin ang pinagmulan ng


salitang Agrikultura, Hanna!
Ang Agrikultura ay nagmula sa salitang Latin
na ‘Agricultura o Agri’ na nangangahulugang
“field” at ‘culture’ na ang ibig sabihin ay
“cultivation o growing”.
Salamat.

Ngayon, ilang isla ang bumubuo sa Pilipinas,


Sabina? Humigit kumulang na 7,100 na isla Ma’am.

Tama! Yan ang pagkakaalam natin na bilang


ng isla ng Pilipinas. Pero alam niyo ba kung
ilan na ang bilang ng isla ng Pilipinas sa Hindi po.
ngayon?

Ang kabuuang bilang ng isla sa Pilipinas ay


7,641. Dalawang libo sa mga ito ay may
nakatira na. Samantalang humigit limang libo
pa ang uninhabited o wala pang nakatira na
mga tao.

Dahil sa dami at lawak ng ating lupain,


napabilang ang Pilipinas sa bansang
agrikultural.

Nahahati sa apat ang sektor ng agrikultura.

Ano ang unang sektor nito, Elsa? Paghahalaman o Farming po.

Tama!

Balikan natin ang binuo niyong mga larawan.

Sa inyong palagay, saan sa apat na larawan


ang nagpapakita ng paghahalaman o farming?

Maaari ka bang pumunta sa harapan at idikit


ang numero isa, Ian!

(Ididikit ng mag-aaral ang numero sa napili


Tama ba siya klas? niyang larawan)
Tama! Opo Ma’am.

Ngayon, ano-ano ang mga pangunahing


pananim sa ating bansa?

Maaari ka bang magbigay ng isa, Lucas!

Mahusay! Ano pa? Palay po.

Mais
Niyog
Tubo
Saging
Pinya
Kape
Manga
Tabako
Lahat ng inyong mga sagot ay tama. Abaka

Ngayon ay maaari mo bang ibigay ang


pangalawang sektor ng agrikultura, Rex!

Tama! Paghahayupan o Livestock po.

Muli nating balikan ang mga binuo niyong


mga larawan.

Maaari mo bang idikit ang numero dalawa sa


larawan na nagpapakita ng paghahayupan,
Edwin!

(Ididikit ng mag-aaral ang numero sa napili


Tama ba siya klas? niyang larawan)

Magaling! Opo Ma’am

Ngayon, ano-anong mga hayop sa Pilipinas


ang ating inaalagaan upang ipagbili?

Magbigay ka nga ng isa,Liz!

Tama! Ano pa?


Kalabaw po.

Baka
Kambing
Baboy
Lahat ng inyong mga sagot at tama. Manok
Pato
Dumako na tayo sa pangatlong sektor ng
agrikultura. Ano ito, Faith?

Magaling!
Pangingisda o Fishing Ma’am.
Balikan nating muli ang mga binuo niyong
mga larawan.
Maaari mo bang idikit ang numero tatlo sa
larawan na nagpapakita ng pangingisda,
Mika!

Tama ba siya klas? (Ididikit ng mag-aaral ang numero sa napili


niyang larawan)
Mahusay!
Opo Ma’am.
Ang pangingisda ay nauuri sa tatlo. Ano-ano
ang mga ito, Lisa?

Tama!
Komersiyal, municipal, at aquaculture po.
Ano nga ba ang komersiyal, Miles?

Ang komersiyal ay tumutukoy sa uri ng


Salamat pangingisdang gumagamit ng bangka na may
kapasidad na hihigit na tatlong tonelada.
Ano naman ang munisipyo na
pangingisda,Loven?

Ang munisipyo na pangingisda ay nagaganap


sa loob ng 15 km na sakop ng munisipyo at
gumagamit ng bangka na may kapasidad na
tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
Salamat. nangangailangan na gumamit ng fishing
vessel.
At ano naman ang Aquaculture, Jay?

Ang aquaculture ay tumutukoy sa pag-aalaga


at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito
mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan:
Salamat. Fresh(tabang), Brackish(maalat-alat), at
Marine(maalat).
Ngayon ay ano ang ika-apat na sektor ng
Agrikultura, Marie?

Tama! Paggugubat o Forestry Ma’am.

Maaari mo bang idikit ang numero apat sa


larawan na nagpapakita ng paggugubat, LJ!

Tama ba siya klas? (Ididikit ng mag-aaral ang numero sa napili


niyang larawan)
Magaling!
Opo Ma’am.
Ano-ano ang nakukuha natin sa paggugubat?

Magbigay ka nga ng isa, Kyle!

Tama! Ano pa?

Tabla po.
Playwood
Lahat ng inyong mga sagot ay tama. Troso
Veneer
Meron ba kayong katanungan tungkol sa ating Pulot-Pukyutan
naging aralin?

Mabuti kung ganon.

C. Pangwakas na Gawain Wala po.


1. Paglalahat
Klas, sa ilalim ng lamesa ng inyong upuan ay
may nakadikit na isang papel. Anim sa mga
papel na ito ang may kulay. Ang anim na
papel na ito ay may nakasulat na mga
katanungan patungkol sa ating naging aralin.
Dito ko aalamin kung may naintindihan kayo
sa ating naging talakayan. Maliwanag ba?

Mga Katanungan:
1) Ano ang Agrikultura?

Opo Ma’am
2)Ano-ano ang apat na Sektor ng Agrikultura?

Ito ay may kinalaman sa pagpaparami ng mga


3)Anong sektor ng agrikultura nabibilang ang hayop at mga tanim o halaman.
pagtatanim?

4)Anong sektor ng agrikultura nabibilang ang Paghahalaman, paghahayupan, pangingisda,


pag-aalaga ng mga hayop? at paggugubat.

5)Anong sektor ng agrikultura nabibilang ang


pag-aalaga ng mga isda? Paghahalaman

6)Anong sektor ng agrikultura nabibilang ang


pagkuha ng yamang gubat? Paghahayupan

2. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, paano ninyo Pangingisda
pahahalagahan ang sektor ng agrikultura sa
pag-unlad ng bansa?
Paggugubat
Subukin mo nga Mae!

Mahusay!

Ano pa? Ang sektor ng agrikultura ay mahalaga sa


pag-unlad ng bansa dahil katuwang ito ng
Subukin mo nga rin, Eric! pamahalaan sa pagpapalakas ng ating
ekonomiya.

Magaling!

IV. Ebalwasyon Ang sektor ng agrikultura ang tumutugon sa


Upang subukin ang inyong pang-unawa sa mga pangangailangan ng mga mamamayan
ating naging aralin ay magkakaroon kayo ng mula sa pagkain, hanggang sa produksiyon.
gawain. Maaari mo bang basahin ang panuto,
Luke!

PANUTO: Gamit ang “acrostic”, bawat grupo


ay magpapahayag ng kahalagahan ng sektor
ng agrikultura na naiatang sa kanila sa
naunang gawain. Mamimili ang bawat grupo
ng kinatawan na siyang magbabasa sa
Naintindihan ba ang panuto klas? harapan. Mayroon lamang limang minuto
upang gumawa at dalawang minuto naman
Kung ganon ay maaari na kayong magsimula. upang magbasa.

Bigyan natin ng ‘powerful’ klap ang inyong Opo Ma’am.


mga sarili para sa inyong mahusay na
pagtatanghal.
(Magtatanghal ang bawat grupo)
V. Takdang Aralin
Para sa ating kasunduan para bukas, basahin
mo nga, Jovy!
(Gagawin ng mag-aaral ang palakpak na
naituro)
Maaari din kayong tumingin sa ibang libro ng
Ekonomiks.
Basahin at intindihin ang “Suliranin sa Sektor
Maliwanag ba? ng Agrikultura” sa Ekonomiks Book pahina
370.
Paalam na klas!

Opo Ma’am

Paalam din po Bb. Joanna.

You might also like