You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I. Layunin:

A. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng sector ng agrikultura.

B. Nabibigyang halaga ang papel ng sektor ng agrikultura sa araw araw na pamumuhay ng bawat
Pilipino

C. Nakagagawa ng sariling pakahuligan sa apat na bahagi ng sektor ng agrikultura.

II. Paksa Aralin:

A. Paksa: Sektor ng Agrikultura

B. Kagamitan:

-------------

C. Sanggunian:

EKONOMIKS Araling Panlipunan 9, pp 363-370

D. Konsepto:

* Sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock), pangingisda

(fishery), at paggugubat (forestry).

* Kahalagahan ng Agrikultura, Una, Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain,

pangalawa, pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto, pangatlo, pinagkukunan

ng kitang panlabas, pang-apat, pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.


III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Bata
A. Panimulang Gawain
Panalangin:
Okey klas tumayo ang lahat at tayo’y
mananalangin.
(tatayo ang mga bata)
Pangunahan mo nga

Ama, salamat po sa araw araw na biyaya


niyo sa amin, at minsan pa sana sa oras na po
ito kami’y inyong patnubayan at gabayan,
bigyan ng sapat na talino at lakas upang aming
mapagtagumpayan ang lahat ng aming
Gawain. Salamat po Ama. Amen.
Pagbati:
Magandang umaga klas!
Magandang umaga din po!

Pagtatala ng lumiban sa klase:


Mayroon bang lumiban sa ating klase ngayon
klas?
Wala po ma’am!

Klas kahapon tinalakay natin ang konsepto ng pag-


unlad. Ano na nga ba ang pag-unlad klas?
Maa’am ang pag-unlad po ay ang
pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na
antas ng pamumuhay.

Tama! Meron pa bang ibang sagot klas?


Ma’am maiuugnay din po ito sa salitang
pagsulong.

Tama! Okey klas matapos natin mapagaralan ang


konsepto ng pag-unlad tayo ngayon ay tutungo sa ating
bagong aralin.
B. Pagganyak
Okey klas ngayon meron akong inihandang
aktibidad para sa inyo. Tawagin natin itong "4 in 1"
Mayroon akong apat na larawan na ipapakita sa inyo
ang kailangan niyo lamang gawin ay ibigay ang
salitang ipinahihiwatig ng mga larawan o kung saan
nga ba patungkol ang mga ito.

(Ipapakita ang mga larawan)

___________

Ngayon klas, sino ang mayroon ng kasagutan?


Hanap-buhay po ma'am..

Maaari. Mayroon pa bang ibang kasagutan klas?


Ito po ay Agrikultura ma'am.

Magaling! Ang mga larawan na ito ay patungkol sa


agrikultura na napasasailalim sa Sektor ng Agrikultura.
C. Pagtatalakay
Ang sektor ng agrikultura klas ang siyang ating
pagaaralan ngayon.
Klas may ideya ba kayo patungkol sa sektor ng
agrikultura?
Ma’am tumutukoy po ito sa
pinagkukunang yaman natin.
Tama! Ano pa klas?
Ma’am dito din po nabibilang yung
pinagkukunan natin ng pagkain, nagkakaroon
po ng hanap buhay ang mga Pilipino.
Magaling klas!
Alam niyo ba klas na ang bansang pilipinas ay
binubuo ng 7,107 na isla, dahil sa lawak at dami ng
lupain, nabibilang ang pilipinas sa mga bansang
agricultural dahil ang malaking bahagi nito ang
ginagamit sa gawaing pang agrikultura.
Ano nga ba ang mga gawaing pang-agrikultura
klas?
Pagsasaka, pagtatanim po ma’am.
Tama! Meron pa ba klas?
Pangingisda po ma’am, kasama din po ang
pag-aalaga ng mga hayop ma’am.

Magaling! Tama lahat ang inyong mga sagot klas.


Ang sektor ng agrikultura klas ay nahahati sa apat
na bahagi. Upang malaman ninyo kung ano ang mga
ito, Mayroon muli akong ipapakitang mga larawan,
kailangan niyo lamang gawin ay punan ang mga
nawawalang letra upang mabuo ang salita na
tumutukoy sa isa sa mga bahagi ng sektor ng
agrikultura. Naintindihan ba klas?
Opo ma'am.
Mga larawan:

P_ _ ha _ _ la_ _ n _ag_ a_ayu_ an

Pa_g_ng_sd_ _ _gg_g_b_t
Sagot ng mga bata:
.
Paghahalaman
Paghahayupan
Pangingisda
Paggugubat

Magaling klas! Paghahalaman (farming),


pangalawa, paghahayupan (livestock), pangatlo,
pangingisda (fishery), at pang-apat, paggugubat
(forestry).

Ngayon naman ay hahatiin ko kayo sa apat na


grupo at bawat grupo ay kailangang magtalaga ng
kanikaniyang mga pinuno.

(Pipili ng pinuno ang bawat grupo)

Ngayon naman klas ay mayroon akong mga


larawan dito. Bubunot kayo ng isa na naglalaman ng
alin man sa apat na bahagi ng sektor ng agrikultura.

(Bubunot ang mga lider)

Ang kailangan niyo lamang gawin sa mga bahagi ng


sektor agrikulturang inyong nabunot ay ipaliwanag ang
kahalagahan nito sa pang araw-araw na buhay ng
bawat Pilipino. Ipapakita niyo ito sa pamamagitan ng
maikling dula dulaan at kaunting pagpapaliwanag.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para pag
usapan ito.

(maguusap usap ang mga bata at


maghahanda para sa gawain)
Paghahala- Paghaha Pangingis Paggugu-
man -yupan -da bat
Okey klas tapos na ang limang minuto. Magsimula na
tayo sa inyong inihandang dula dulaan. Tumayo na sa
harapan ang naka bunot ng Paghahalaman.

(Una ang Paghahalaman)


Magaling! Ang paghahalaman din klas ay siyang
pangunahing pinagmumulan ng pagkain natin. Tulad
ng palay, mais, tubo, patatas at iba pa. Mayroon din
mga prutas tulad ng mangga pinya. Kopra at saging.
Susunod ang paghahayupan, tumayo na.

(Pangalawa ang Paghahayupan)


Magaling! Ito din klas ay gawaing
pangkabuhayang kinabibilangan ng mga tagapag-alaga
ng hayop.
Ang sa pangingisda tumayo na.

(Pangatlo ang Pangingisda)


Mahusay! Alam nyo ba klas na may tatlong uri ng
pangingisda. Ito ay ang Komersyal, Munisipal at
Aquaculture.
Ano nga ba ang pangingisdang Komersyal?
Ma’am ito po ay uri ng panginigisda na
gumagamit ng bangka.

Magaling! Ano naman ang munisipal?


Munisipal na pangingisda ma’am ito po ay
nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng
munisipyo.

Mahusay! Ang munisipal na pangingisda din klas


ay hindi na kinakailangan gumamit ng fishing vessel.
At ang aquaculture klas?

Ang aquaculture po ma’am ang


nakapaghahatid ng malaking produksyon sa
pangingisda.

Tama! Tumutukoy din ito sa pag-aalaga at


paglinang ng mga isda at ibang uri nito mula sa iba’t
ibang uri ng tubig nito. Pangisdaang- Fresh (tabang),
Brackish (maalat-alat) at marine (maalat).
At ang huling bahagi ng sektor ng agrikultura ay ang
Paggugubat. Tumayo na at ito ay ipaliwanag.

(Pang-apat ang Paggugubat)

Mahusaya! Ang paggugubat klas ay siyang


naglilinang sa ating kagubatan
D. Paglalahat
Okey klas, sa kabuuan ng ating napagaralan, ano
ang malaking ambag ng sektor ng agrikultura sa pag
unlad ng ating ekonomiya?

Ma’am ito ay nakapagbibigay at


nakatutugon sa pangangailangan ng
mamamayan. Dito po nagmumula ang ating
pagkain.
E. Paglalapat

Saguatan ang bawat bahaging ginagampanan ng


bawat gawaing nakapaloob sa sektor ng agrikultura.

GAWAIN
A

R
GAWAIN
I

L GAWAIN

GAWAIN
A

Okey klas anong gawain ang ipinahihiwatig ng


bawat larawan batay sa sektor ng agrikultura?

Mga sagot:
Paghahayupan
Paggugubat
Pangingisda
Pahahalaman
F. Pagpapahalaga
Klas sa sa ating napagaralan ngayon at sa mga
impormasyong inyong nalaman, ano sapalagay ninyo
ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa ating
ekonomiya?
Ma’am dahil po ito ang katuwang ng
pamahalaan sa pagpapalakas at pagtugon sa mga
pangunahing pangangailangan ng mamamayan
mula sa mga pagkain hanggang sa mga sangkap ng
produksyon.

Mahusay! Napakahalaga ng sektor ng agrikultura


sa ekonomiya klas yan ang inyog tatandaan.
IV. Pagtataya
Ngayon naman klas ay kumuha kayo ng ikapat na
bahagi ng papel at kayo’y magkakaroon ng maikling
pagsusulit.

1. Anong sektor ng ekonomiya kabilang ang


paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at
paggugubat?
2. Ilan ang bilang ng islang bumubuo sa Pilipinas?
3. Anong uri ng pangingisda ang gumagamit ng
bangka para sa gawaing pangkalakalan at negosyo?
4. Anong bahagi ng sektor ng agrikultura ang
tinutukoy bilang pangunahing pang-ekonomikong
gawain?
5. Anong uri ng pangingisda hindi na kinakailangan
pang gumamit ng fishing vessel?
6. Anong bahagi ng sektor ng agrikultura kabilang ang
pagsusupply ng karne at iba pang pagkain?
7. Isang uri ng pangingisda na nangangalaga at
lumilinang ng mga isda at iba pang uri nito.
8-10. Ibigay ang tatlong uri ng pangisdaang tubig.

Okey klas magpalitan na ng papel at ating


iwawasto ang inyong mga sagot.

(magpapalitan ang mga bata)

Mga sagot:

1. Sektor ng Agrikultura

2. 7,107 islands/isla

3. Komersyal

4. Paggugubat

5. Munisipal

6. Paghahayupan

7. Aquaculture

8. Fresh (tabang)

9. Brackish (maalat-alat)

10. Marine (maalat)

V. Takdang Aralin
Klas kuhanin ang inyong kwaderno at isulat ang
inyong takdang aralin.
Sagutan ang Gawain 4: Concept Definition
Map at ang mga pamprosesong tanong. Sa pahina,
369.

Yun lamang klas, maaari na kayong lumabas.


Paalam

Paalam din po ma’am!

You might also like