You are on page 1of 3

FRANCISCO T. LAIZ Sr.

, CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL


ARALING PANLIPUNAN V

I. Layunin
 Natutukoy ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino.
 Nakakapagpahayag ng konseptong natutunan tungkol sa mga pangkabuhayan ng mga
sinaunang Pilipino.
 Nakikilahok sa mga pangkat ang gawain

II. Paksang Aralin


Paksa : Hanapbuhay ng mga Sinaunang Pilipino
Sangunian : Pilipinas Ang Ating Bansa 5, 2000 pp. 17-31
Kagamitan : Powerpoint, aklat, larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban
4. Pagtatakda ng mga tuntunin sa silid-aralan
5. Balik-Aral

B. Balik-Aral
 Ano-ano ang mga likas na yaman ng bansa?
 Bakit mahalaga na pangalagaan natin ang mga ito?
 Sa paanong paraan mo maipapakita ang pangangalaga mo sa ating mga likas na
yaman?

C. Pagganyak
Pagpapalaro sa mga mag-aaral. Ito ay tinatawag na “Ayusin mo, Ano ako?”
Hahatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral. Aayusin ang mga ginulong letra
ng salita na katumbas ng larawan na ipapakita ng guro. Ang unang makasagot ng
tama ang magkakaroon ng puntos.

D. Pagtatalakay
Pagpapakita ng concept map at itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang
kanilang ideya o naiisip sa salitang kabuhayan o hanapbuhay. Pgakatapos ay itanong
ang mga sumusunod na katanungan.

KABUHAYA
N
 Ano-ano kaya ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
 Ano ang pagsasaka?
 Ano naman ang pangingisda?
 Ano ang pangangaso?
 Ano ang paghahayupan?
 Ano naman ang pakikipagkalakalan?

E. Paglalahat
Pagtatanong ng mga sumusunod:
 Ano-ano ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang mga
Pilipino?
 Patuloy pa rin bang naisasapamuhay ang mga paraan ng hanapbuhay
ng mga sinaunang Pilipino sa kasalukuyan?

F. Pagpapahalaga
 Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kabuhayan o hanapbuhay?

G. Paglalapat: Pangkatang Gawain


Hatiin sa limang pangkat ang mga mag-aaral. Bawat pangkat ay isasadula ang
pangkabuhayan na kanilang napili. Bibigyan lamang ng limang minute upang
maghanda. Ipapakita sa harap ng klase kung paano isinasagawa ang pamamaraan ng
kabuhayan na nakataas sa bawat pangkat.

Pangkat 1- Pangingisda
Pangkat 2- Pagsasaka
Pangkat 3- Kalakalan
Pangkat 4- Pangangaso

IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang mga Pilipino?
a. pangingisda
b. pangangaso
c. pagsasaka
d. lahat ng nabanggit
2. Ang mga sumusunod ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang mga Pilipino maliban
sa _____.
a. pangingisda
b. pananahi
c. pangangaso
d. pakikipagkalakalan
3. Ito ay tawag sa pakikipagpalitan ng mga produkto na hindi ginagamitan ng pera.
a. pangingisda
b. pananahi
c. pangagaso
d. pakikipagkalakan
4. Ang pangingisda, pangangaso, pagsasaka, paghahayupan at pakikipagkalakan ay mga
pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino.
a. tama
b. mali
c. siguro
d. wala sa nabanggit
5. Bilang isang kabataan, pano mo maisasabuhay ang konsepto ng pangkabuhayan?
a. taas noo kong nirerespeto ang mga kabuhayan na nakakatulong sa ating pang araw-
araw na buhay
b. kinakahiya ko ang magsasaka dahil ito ay maduming trabaho
c. tinutukso ko ang aking kaklase sapagkat isa lamang mangingisda ang kanyang tatay
d. wala sa nabanggit

V. Takdang Aralin

Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang kabuhayan ng mga sinaunang mga Pilipino
na patuloy na isinasagawa pa rin sa kasalukuyang panahon sa inyong lugar.

Inihanda ni:
Meriam A. Silerio
GURO

Tagapagmasid:
Rimar S. Pañares
School Principal

You might also like