You are on page 1of 12

Banghay aralin sa ESP VI

I. LAYUNIN:
Naibabahagi ang tirahan (share a home) o laruan sa mga nangangailangan

II. PAKSANG-ARALIN:
Malasakit sa mga Nangangailangan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng Nakararami
Kagamitan : Larawan, Power Point Presentation

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahaginan:
Pagsusuri ng kalinisan - mga kuko sa mga paa.

2. Balik-aral:
 Ano ang tinatawag na kalayaan?
 Sa paanong paraan dapat nating gamitin ang ating kalayaan?
 Paano natin maipapakita ang paggamit ng kalayaan nang may pananatugan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga ginagawa natin kapag bumabaha sa ating lugar? Saan tayo
pumupunta?

2. Paglalahad:
Maraming pamilya sa ilang barangay sa isang pook sa Maynila ang binaha dala ng
bagyong nagdaan. Ilan sa pamilyang ito ang nawalan ng tahanan, mga kagamitan at
namatayan.
Pinulong ng prinsipal ang lahat ng mga mag-aaral at hinihikayat na ang lahat ay
tumulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Sumunod na araw, nagbigay ng mga damit, kumot at mga pagkaing delata at noodles
si Mark. Naipakita ni Mark ang kanyang pagmamalasakit sa mga nangangailangan.

3. Pagtatalakayan:
Sinu-sino ang mga taong nangangailangan ng ating tulong? Dapat ba natin silang
tulungan? Bakit?

C. Paglalapat:
Naglunsad ang inyong paaralan ng proyektong Tulong Sa Mga Biktima ng Bagyong
Edeng. Ano ang dapat rnong gawin?

D. Pagbuo ng Pangako:
Simula ngayon ay magbibigay/hihingi ako ng tulong para sa aking kapwang
nangangailangan ng aking tulong.

IV. PAGTATAYA:
Lagyan ng tsek () kung tama at ( x ) kung mali.
_____ 1. Ibinabahagi nina G. at Gng. Torres ang kanilang tahanan sa mga biktima ng
baha.
_____ 2. Ibinigay ni Rodel ang ilan sa kanyang mga laruan sa mga batang ulila.
_____ 3. Nakikibahagi si Pepe sa mga proyektong naglalayong makalikom ng pondo para sa
parigkat-etniko.
_____ 4. Nanghihingi ng tulong sina Tony at Rico para sa mga biktima ng sunog.
_____ 5. Nagsasawalang kibo na lamang si Carlo sa balita tungkol sa mga biktima ng bagyo.

V. KASUNDUAN:
Magtala ng mga paraang maaaring gawin para makatulong sa mga pangkat etniko, biktima ng
karahasan at nakatira samga lugar ng mga dukha.

In this lesson, I used existentialism as the basis for


planning and designing my activities. The existentialist
teacher is not the center of the instruction but rather a
facilitator. The goal is to help students better understand
who they are as individuals. This also means that the
student should have a choice in what they learn and that
the curriculum needs to be somewhat flexible.
Banghay aralin sa ESP VI

I. LAYUNIN:
Nakakatulong sa pag-aliw sa mga kapuspalad, bilanggo at naulila.

II. PAKSANG-ARALIN:
Malasakit sa mga Nangangailangan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng Nakararami

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-anong tulong ang rnaaari nating maibibigay sa mga nasasalanta ng bagyo o
baha?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Nasubukan n'yo na bang turnulong sa mga ulila?

2. Paglalahad ng Sitwasyon:
Panahon ng kapaskuhan at ang lahat ay abala. Isa na rito ay si Marilyn. Abala siya sa
pagsasanay para sa isang palatuntunan. Pupunta sila sa Caritas upang magbigay aliw sa
mga ulila at sa mga matatanda na nakatira doon. Masayang-masaya siya.

3. Pagtalakay:
a. Bakit abalang-abala si Marilyn?
b. Saan sila pupunta?
c. Masaya ba siya sa ginagawa niya? Bakit?
d. Kung kayo si Marilyn, gagawin nyo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

C. Paglalahat:
Anu-ano ang mga paraan sa pagtulong sa mga kapus-palad, bilanggo at naulila?

D. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ni Marilyn sa kanyang ginagawa?

IV. PAGTATAYA:
Lagyan ng tsek () kung ang mga sumusunod ay nakatutulong sa pag-aliw sa mga kapus-
palad, bilanggo at naulila.
_____ 1. Nagbibigay ng mga p2fjkain tuwing sasapit ang mga mahalagang-araw.
_____ 2. Nagkakaroon ng palatuntunan tuwing pasko.
_____ 3. Binibisita ang mga bahay ampunan.
_____ 4. Walang pakialam sa damdamin ng mga kapus-palad.
_____ 5. Nagsasalita laban sa mga bilanggo at kapus-palad

V. KASUNDUAN:
Magtala ng mga paraan na nagdudulot ng aliw sa mga kapus-palad, bilanggo at naulila.
Banghay aralin sa ESP VI

I. LAYUNIN:
Nakalalahok sa mga programa para sa mga kapus-palad. bilanggo at naulila.

II. PAKSANG-ARALIN:
Malasakit sa mga Nangangailangan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng Nakararami
Kagamitan : Larawan ng bahay ampunan/kulungan o bilibid, Powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahaginan:
Pagsusuri ng kalinisan - sapatos at medias

2. Balik-aral:
 Sinu-sino ang mga taong nangangailangan ng ating tulong?
 Dapat ba natin silang tulungan? Bakit?
 Paano tayo makatutulong sa kanila?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
 Nakapunta na ba kayo sa isang bilangguan? Bahay-ampunan? Anu-ano ang inyong
nakita?
 Ano ang inyong naramdaman?

2. Paglalahad:
Pagkukuwento ng guro.
Nagplano ang klase na pumunta sa isang bilangguan at bahay-ampunan. Nag-isip sila
ng gawaing makatutulong sa mga bilanggo at mga naulila sa mga magulang. Si Ric, ay
nagmungkahing magkaroon ng palatuntunan upang maaliw ang mga bilanggo at mga
naulila.

3. Pagtatalakayan:
Paano tayo makatutulong sa pag-aliw sa rnga kapus-palad/sa mga bilanggo?
Naulila?

C. Paglalapat:
Naglunsad ang inyong paaralan ng isang programang naglalayong makatulong sa mga
kapus palad/sa bilanggo at naulila. Anu-ano ang inyong maitutulong o maibabahagi?

D. Pagbuo ng Pangako:
Simula ngayon ay tutulong na ako sa pag-aliw sa mga kapus-palad, sa mga bilanggo at
naulila. Ibabahagi ko ang aking sariling talino at kakayahan sa mga nangangailangan.
IV. PAGTATAYA:
1. Magtala ng mga gawaing makatutulong sa pag-aliw sa mga kapuspalad, sa bilanggo at
naulila.
2. Magtala ng mga hanap-buhay na kung saan ay maaaring maibahagi ang sariling talino o
kakayahan sa mga nangangailangan

V. KASUNDUAN:
Sumulat ng sanaysay tungkol sa mga paraang maaaring gawin ng ibang taong may dalisay na
pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Pamagatan itong "Alay sa Kapwa."

ANNOTATION
In this lesson, I used existentialism as the basis for
planning and designing my activities. The existentialist
teacher is not the center of the instruction but rather a
facilitator. The goal is to help students better understand
who they are as individuals. This also means that the
student should have a choice in what they learn and that
the curriculum needs to be somewhat flexible.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naibabahagi ang sariling talino/kakayahan sa mga nangangailangan.

II. PAKSANG-ARALIN:
Malasakit sa mga Nangangailangan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng Nakararami
E.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 23

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano natin naaaliw ang mga naulila at mahihirap?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Naranasan n'yo na bang ibahagi ang inyong kakayahan sa iyong mga kaibigan?

2. Paglalahad ng sitwasyon:
Nagpakalat ng anunsiyo ang paaralan tungkol sa pagbubukas ng Non-Formal Class.
interesado ka hindi dahil gusto mong matuto kung di makatutulong ka sa mga
interesadong matuto. Lumapit ka sa punongguro at sinabi mong may kakayahan ka sa
hair culturing tulad ng paggugupit, pagkukulot at pagtitina. Tuwang-tuwa ang punong-
guro at kaagad pinasimulan na ang klase sa Non-Formal Education tatlong beses sa isang
linggo.

3. Pagtatalakay:
a. Anong kakayahan ang gusto mong ibahagi sa mga mag-aaral sa Non-Formal
Education?
b. Kung kayo ito, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

C. Paglalahat:
Anu-anong mga kakayahan ang maaari nating ibahagi sa ating mga kasamahan sa
barangay?

D. Paglalapat:
a. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita sa sitwasyong ating inilahad?

IV. PAGTATAYA:
Bakit kailangan nating ibahagi ang ating kakayahan sa mga nangangailangan?

V. KASUNDUAN:
Itala ang mga talino/kakayahan na maaari nating ibahagi sa ating kapwa.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naituturo ang kakayahan sa paghahanap-buhay upang madagdagan ang kita gaya ng
pagbuburda paggagantsilyo, pagluiuto, at iba pa.

II. PAKSANG-ARALIN:
Malasakit sa mga Nangangailangan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng Nakararami
E.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 23

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahaginan:
Pagsusuri ng kalinisan – uniporme

2. Balik-aral:
Paano ka maaaring makatulong sa mga bilanggo o sa mga nasa bahay-ampunan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang iyong angking kakayahan?
Naibabahagi mo ba ito sa iba?

2. Paglalahad:
Pagkukuwento ng guro.
May isang pangkat ng kabataan na may kanya-kanyang kakayahan na bumuo sa
isang samahan.
Si Myrna ay mahusay magluto ng mga ulam minatamis at mga kending maaaring
ibenta.
Sina Rey at Roy ay mahusay mag-computer at magkumpuni ng mga gamit sa bahay.
Ibinahagi nila at itinuro ang mga nalalaman ni!a sa kapwa nila kabataan lalo na sa
mga out of school-youth.

3. Pagtatalakayan:
Mainam bang ibahagi sa kapwa ang iyong talino o kakayahan? Bakit?

C. Paglalahat:
Maraming kabataan sa lugar ninyo na nakaistambay lamang sa kalye at mahusay kang
magbasketball, magvolleyball.

D. Pagbuo ng Pangako:
Simula ngayon ay ibabahagi ko na sa kapwa ko ang aking talino at kasanayan.

IV. PAGTATAYA:
Gumupit ng mga larawan tungkol sa mga taong nagpapakita sa kanyang kabutihan at bigyan
ng paliwanag ito.

V. KASUNDUAN:
Gumawa ng tsart na nagsasaad ng iyong kakayahan. Sino ang
pagbabahaginan at pamamaraang iyong gagawin.
Kakayahan Pangkat Pagbabahagianan Pamamaraang Gagamitin
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Makikilala ang mga dahilan ng pagkakaroan ng sigalot o di-pagkakaunawaan

II. PAKSANG-ARALIN:
Pakilala sa mga Dahilan ng Sigalot o Di-pagkakaunawaan
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Kapayapaan
E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 24

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahaginan:
Pagsusuri ng kalinisan – damit

2. Balik-aral:
Paano taya makikiibahagi ng ating sariling talino/kakayahan sa mga nangangailan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Nagkaroon ka na ba at ng iyong kamag-aral o matalik na kaibigan ng sigalot o di-
pagkakaunawaan?

2. Paglalahad:
Pagkuwento ng guro.
Nagbigay ng gawaing bahay si Gng. Reyes. Upang maging malawak ang
pagtatalakay sa ibinigay na paksa. Kinakailangan ang karagdagang "reference materials."
Nang matapos na si Tommy sa kanyang gawaing bahay. Hiniram ni Sam ang mga
"reference materials" nito at nangakong iingatan ang mga ito.
Subalit, nang isauli na ni Sam ang mga hiniram, nakita niya na may mga punit at
nawawalang pahina ito. Kinausap ni Sam si Tommy ngunit di sila nagkaunawaan.

3. Pagtatalakay:
Ano ang tinatawag na sigalot o di pagkakaunawaan?
Anu-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng sigalot o di pagkakaunawaan?
Anu-ano ang dapat gawin ng bawat panig upang maiwasan ang pagkakaroon nito?

C. Paglalahat:
lsa si Mark sa mga manunulat ng kanilang school paper. Silang editor-in-chief, si Ted ay
nagbigay ng takdang araw ng pasahan ng mga artikulo.
Sinikap ni Mark na gawin ang kanyang gawain subalit hindi niya naipasa ang artikulo sa
takdang araw.
Ano ang dapat gawin mi Mark upang maiwasan ang sigalot o dipagkakaunawaan?

D. Pagbuo ng Pangako:
Simula ngayon ay gagawin ko na ang lahat upang maiwasan ang pagkakaroon ng
sigalot o di-pagkakaunawaan sa pagitan ng kapwa, tulad ng paggalang sa kanyang karapatan,
pag-unawa sa kanyang kahinaan at iba pa.

IV. PAGTATAYA:
Magtala ng 5 bagay na dapat gawin ng bawat panig (A at B) kapag may usapin upang
maiwasan ang sigalot o di pagkakaunawaan.
V. KASUNDUAN:
Magsulat ng maikling usapan o dayalogong nagpapakita kung paano malulutas o maiiwasan
ang sigalot o di pagkakaunawaan. (3-5) tauhan lamang)
CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
Naisasaalang-alang ang kaligtasan at kapakanan ng nakararami sa paggamit ng teknolohiya.

II. PAKSANG-ARALIN:
Pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kapakanan ng nakakarami sa paggamit ng teknolohiya
B.P. : Pananagutang Panlipunan
K.P. : Kapayapaan
E.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 24

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Bahaginan:
Pagsusuri ng mga ngipin

2. Balik-aral:
Ano ang tinatawag na sigalot o di-pagkakaunawaan?"
Anu-ano ang dahilan ng pagkakaroon ng sigalot o di-pagkakaunawaan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga pisikal na pagbabago sa inyong pamayanan o bayan?

2. Paglalahad:
Mayaman si G. Tuazon. Bumili siya ng malaking ektarya ng lupa sa isang nayong
may karamihan ang nakatira at pawang magsasaka ang hanapbuhay. Ito ay tatayuan niya
ng pagawaan ng gulong. Nang malaman ito ng mga naninirahan sa nayon, kinausap nila
si G. Tuazon at ipinahayag nila ang masamang epekto ng chemical wastes sa paggawa ng
gulong sa kanilang kalusugan at sa kalikasan.

3. Pagtatalakay:
Ano ang teknolohiya?
Ano ang dapat isaalang-alang sa paggamit ng teknolohiya?

C. Paglalahat:
Bumili si G. Robles ng malawak na industrial lot para sa itatayo niyang pabrika ng
pintura. Ito ay katabi ng mga subdivisions at mga private schools. Hindi lingid sa kanya ang
chemical waste at usok na dulot sa proseso ng paggawa ng pintura. Dapat nga bang ituloy
ito? Bakit?

D. Pagbuo ng Pangako:
Simula ngayon ay isasa-alang-alang ko ang kalusugan at kaligtasan ng nakararami
at kaligtasan ng kalikasan sa paggamit ng teknolohiya.
IV. PAGTATAYA:
Magkalap ng impormasyon tungkol sa 5 produktong isinasagawa sa prosesong
naglalagay sa kaligtasan ng nakararami at kaligtasan ng kalikasan sa panganib.

V. KASUNDUAN:
Talakayin sa isang maikling" (2-3 talata) ang paksang "Kaiigtasan at Kapakanan ng
Nakararami sa Paggamit ng T eknolohiya."
DepEd hassle free quick download: Deped teaching materials at teachershq.com

You might also like