You are on page 1of 10

Lesson Exemplar in HEALTH 1 Using the IDEA Instructional Process

Learning Delivery Modality Modular Distance Modality


LESSON School Baitang 2
EXEMPL Guro Asignatura Health
AR Teaching Date Markahan Ikaapat na Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Natutukoy ang mga tamang tao na hihingian ng
tulong sa panahon ng sakuna.
B. Pamantayan sa Pagganap 1. Naipapamalas ang tamang paraan ng paghingi
ng tulong.
2. Nauunawaan ang kahalagahan ng kaligtasan
sa tahanan at komunidad.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagbigay ng personal na impormasyon sa
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat
tamang tao na hihingian ng tulong. (kagaya ng
ang pinakamahalagang kasanayan sa
pulis at barangay tanod)
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Paghingi ng Tulong
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC HEALTH 1 (week 1), PIVOT BOW p 260-
261, DLL/DLP, Patnubay ng Guro pahina 147-
150
b. Mga Pahina sa Kagamitang Kagamitan ng Mag-aaral Pahina 6-9
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
www.google.com
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at Modules, activity sheets
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
Ipapaalala ng guro sa mga bata ang
panuntunan sa MDL.
Balitaan muna Tayo:
Magkaroon ng balik tanaw o pag-alala
tungkol sa kuwento ng pagbabago sa
komunidad. ( Hal. Itsura nito noon at sa
kasalukuyan. )

Balikan Natin:

Balikan ang nakaraang aralin tungkol sa


pagkakaroon ng malinis at ligtas na tahanan.
Ano-ano ang mga paraan para mapanatili
na malusog at ligtas ang tahanan? Ikuwento o
isalaysay ang iyong natutunan sa nakaraang
aralin.
Maaring ikuwento sa magulang o ibang
kasama sa bahay.

Gawain 1
Pagmasdan ang larawan. Nakikilala mo ba ang
lugar sa larawan. Saan mo ito nakikita?

Pagmasdan ang larawan sa ibaba at


basahin ang maikling talata.

Kahapon, pumunta kami sa palengke. Bumili


kami ni Nanay ng krayola Habang kami’y
naglalakad Ako’y naglaro at tumakbo palayo.
Hindi ko na makita si Nanay. Naku! Nawawala
ako! Nanay, nasaan ka na?

Tungkol saan ang maiksing pahayag?


Saan pumunta ang mag-ina? Bakit nawala ang
bata?
Ano ang dapat gawin kung ang batang
tulad mo ay nawala sa loob ng palengke o
shopping mall? Kanino ka dapat humingi ng
tulong?

Pagmasdan ang larawan. Nakikilala mo ba ang


lugar sa larawan. Ano ang pangalan ng iyong
paaralan?

Masdan mo ang larawan.


Ano ang iyong nakikita?
Saan galing ang mga bata?
Ano ang dapat gawin ng batang katulad mo
upang makatawid?
Kanino ka dapat humingi ng tulong?
E. Development (Pagpapaunlad) Alamin at Kilalanin Natin:

Mahalagang malaman mo ang mga dapat mong


gawin o isipin kung kailan ka dapat humingi ng
tulong.
Dapat din ang ibayong pag-iingat sa taong dapat
hingan ng tulong lalo na kung hindi mo ito kilala.

Narito ang mga tao na maaari mong hingian


ng tulong:

1. Mga guro ng ating paaralan

2. Pulis

3. Sundalo

4. Traffic Enforcer

5. Barangay Tanod
6. Gwardiya
(sa mall ) (sa paaralan)

7. Pari at madre

Itanong:
Bakit mahalaga para sa mga batang kagaya mo
na humingi ng tulong sa mas nakakatanda sa
iyo?

Gawain 2: MAY TIWALA AKO SA INYO


Nawawala ka. Sino ang hihingian mo ng
tulong? Gayahin ang nasa larawan
kung nagpapakita na maaari mong hingian
ng tulong at kung hindi.

1. 4.
2. 5.

3.

Gawain 3: KILALANIN MO!

Piliin ang tamang tao na hiingian mo ng


tulong sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Namamasyal ka kasama ng iyong pamilya


sa Wawa Dam ng hindi sinasadyang
napahiwalay ka sa inyong grupo. Kanino
ka hihingi ng tulong?

Barangay Tanod

Mga batang nangangalakal

2. Kasama ang iyong ina, nagpunta kayo sa


Robinson’s Montalban para mamili ng
mga pagkain ngunit napabitaw ka ng
hawak sa iyong nanay. Kanino ka hihingi
ng tulong para makita ang iyong ina?

Pari

Gwardiya

3. Napili kang sumama sa inyong paaralan


para sa isang lakbay aral patungo sa sikat
na “Ancestral House” ni Eulogio
Rodriguez , dating pangulo ng senado at
naging alkalde ng ating bayan. Siya rin
ang kinikilalang Ama ng Montalban. Gusto
mo malaman ang iba pang impormasyon
sa kaniyang buhay, kanino ka hihingi ng
tulong?

Guro

Tindera
4. Nais mo at ng iyong nanay na makabili ng
matibay na walis tambo. Nalaman mo na
matibay ang mga gawang walis tambo
mula sa Sitio Macaingalan Barangay
Puray. Kanino kayo maaring humingi ng
tulong upang makahanap ng inyong nais
na gamit sa bahay?

Tindera sa palengke

Turista

5. Hindi ka makatawid ng kalsada dahil


natatakot ka sa mga dumadaang
sasakyan. Kanino ka hihingi ng tulong?
Pulis o “Traffic Enforcer”

Madre

F. Engagement (Pagpapalihan) Gawain 4. Opo o Hindi po

Sabihin ang OPO kung ang larawan ay


nagpapakita ng paghingi ng tulong sa iba at
HINDI PO kung hindi ka sumasang-ayon.

1. 4. .

2. 5.

3.

Gawain 5: Pahalagahan Mo!

Panuto: Ano ang iyong gagawin sa mag


sumusunod na sitwasyon?
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nakita mo na hindi maayos makipag usap ang


iyong kalaro sa mga umiikot na barangay tanod sa
inyong lugar. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasawayin ko sila.
B. Makikisali ako.
C. Pababayaan ko lang sila.
D. Wala akong gagawin.

2. Dahil sa Covid 19 marami ang nawalan ng


trabaho kasama na ang iyong mga magulang. Ano
ang iyong gagawin para matulungan mo sila sa
iyong simpleng paraan?
A. Tutulong ako sa paglilinis ng aming bahay
para matuwa sina nanay at tatay.
B. Magagalit ako sa kanila kasi wala na
silang trabaho.
C. Aasarin ko sina nanay at tatay dahil wala
na silang trabaho.
D. Wala akong gagawin.

3. Habang namamasyal kayo sa Wawa Dam ay


may nakita ka ng mga bata may buhat ng mabi-
bigat na sako ng talong at iba pang mga gulay na
pananim ng mga taga Sitio Iñigan.Ipagbibili nila
ang mga ito sa palengke. Bagamat sila ay bata pa
napipilitan silang magtrabaho para kumita ng pera.
Ano ang iyong gagawin para makatulong sa mga
bata?
A. Aasarin ko sila.
B. Hindi ko sila papansinin.
C. Sasabihin ko sa aking nanay na bumili ng tinda
nilang gulay para mabawasan ang bigat na
kanilang dala.
D. Wala akong gagawin.

4. Nais mong kumuha ng pagkain sa taas ng


inyong kabinet ngunit hindi mo ito abot. Ano ang
maaari mong sabihin sa iyong ate para tulungan
ka niya?
A. Hoy! Kuhaan mo nga ako ng pagkain.
B. Hahampasin ko siya para mapansin niya ako.
C. Sasabihin ko na nagugutom ako at kung
maaari niya akong tulungan kumuha ng pagkain
sa taas ng kabinet.
D. Hindi na lang ako kakain.

5. Habang naglalaro ka ay aksidente kang


natalisod at nasugatan ang iyong tuhod. Ano ang
iyong sasabihin sa iyong kuya na gumamot ng
iyong sugat.
A. Sasabihin ko na maraming salamat kuya.
B. Isusumbong ko siya sa aming nanay dahil hindi
niya ako binabantayan.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Wala akong sasabihin.
G. Assimilation (Paglalapat) Gawain 6: Isalaysay Mo!

Mag-isip ng isang karanasan na humingi ka ng


tulong sa isang tao at ikaw ay tinulungan. Isulat
ang iyong ginawa o sinabi sa taong gumawa ng
kabutihan sayo. (Maaaring magpatulong sa iyong
nanay)

Gawain 7
Lagyan ng tsek ang bawat bilang kung ang
isang batang tulad mo ay hindi na kailangang
humingi ng tulong at X kung kinakailangan
mo pa ng tulong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

__________1. Paghugas ng kamay.


__________2. Hindi mo alam ang daang pauwi.
__________3. Nawala ang iyong alagang aso.
__________4. Pagbili sa tindahan.
__________5. Pagtawid sa daan na maraming
sasakyan.

V. PAGNINILAY Isulat sa kwaderno, journal o portfolio ang iyong


nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt.

Ano-ano ang iyong nalaman sa ating aralin?


_______________________________________
__________________________________

Sino sino ang mga tao na maari mong hingian ng


tulong na matatagpuan mo sa ating komunidad?
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
Inihanda ni:

GNG.
Guro sa Unang Baitang

You might also like