You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin

Sa Araling Panlipunan II

I. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a) Nakikilala ang mga taong may nag-ambag sa kapakanan at kaunlaran Ng Komunidad sa iba’t
ibang aspeto at paraan,
b) Napapahalagahan ang mga taong may malaking ambag sa Komunidad , at
c) Nakapagbibigay ng mga mungkahi at dahilan upang palakasin ang tama , maayos at
makattuirang pamumuno.

II. Paksang Aralin


a) Paksang: Ang Mga Taong may Malaking Ambag sa Aking Komunidad
b) Sanggunian: Araling Panlipunan ( Isang Lahi ) II,
c) Kagamitan: Flip chart , mga larawan

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

I . Panimulang Gawain

1 . Pagbati Magandang umaga din po Bb. Marcelo ,


Magandang umaga mga bata! ikinagagalak Po namin kayong makita.
Ikinagagalak ko din kayo makita !

2 . Panalangin
Bago ang lahat simulan natin ang ating araw sa
isang panalangin.
Tumayo tayong lahat at manalangin. Maaari mo
bang pangunahan ang panalangin Angel. Ama maraming salamat po sa araw na ito na
binigyan mo po kaming muli Ng panahon para
matuto, lagi mo po sana kaming gabayan sa
aming mga gawain at bigyan mo po kami Ng
malawak na kaisipan .
3 . Pamamahala Ng Silid-aralan Amen
Bago kayo maupo sa inyong tinakdang upoan
maaari bang pakipulot ang mga kalat o plastik na
makikita nin’yo sa inyong paligid at ilalim Ng (pag -upo ng mga lahat )
upoan at pakitapon ito sa tamang tapunan.

Mahusay, Salamat mga bata.

4 . Pagtala ng lumiban sa Klase


Sa aking pagtatala ng lumiban sa klase maaari
bang kapag narinig ninyo Ang inyong pangalan ( Ang mga bata ay sasambitin ang “Hey!, Hey!,
sambitin ang “ Hey! Hey! Titser! “ Titser ! sa tuwing sila ay magtatawag )
Magaling mga bata!, sa tingin ko ay walang nais
malipasan Ang ating aralin.

II . Panlinang na Gawain

A . Balik-Aral
Bago tayo dumako sa ating aralin , atin munang
balikan ang ating pinag-aralan kahapon . Sino sa
inyo ang nakakaalala Ng ating aralin kahapon? Ang kahalagahan po ng isang mabuting pinuno
sa aking Komunidad.
Mahusay! , bigyan natin siya ng “Genius Clap”.

Ito ay patungkol sa kahalagahan ng isang


mabuting pinuno sa ating komunidad.

Sino naman ang makapagbibigay ng dahilan kung


bakit mahalagang may mabuting pinuno sa iba’t Titser para makapag-aral Po kaming mga bata
ibang sektor ? gaya Namin.

Magaling!, bigyan natin si Angel ng “Ang Galing ( Ang mga mag-aaral ay susunod sa kanilang
Clap ! “ guro )

Mahalaga ang mabuting pamumuno sa inyong


mag-aaral pagdating sa Edukasyon , sapagkat ito
Ang magiging batayan upang magkaroon kayo ng
mas magandang kalidad ng pag-aaral o
edukasyon at hindi lang doon marami pang iba
gaya ng sa pondo para sa medikal at
pangkalusugan ng bawat isa. Naiintindihan ba
mga bata? Opo guro

Magaling ! , mukhang naintindihan niyo nga Ang


ating tinalakay kahapon. Kung kaya naman
maaari bang tumayo kayo at bigyan niyo ang
inyong sarili ng “ Ang Galing Clap!”.

B . Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating talakayan o aralin ,
nais niyo ba munang maglaro? Opo titser!
Kung ganun kailangan ko ng dalawang pangkat ,
at tatlong kinatawan ng bawat pangkat . Ang
pangalan ng larong ito ay “Ilarawan mo ako” ito
Ang Panuto.

Panuto: Ang bawat kinatawan ng bawat pangkat


ay mag-uunahan sa pagkuha ng mikropono at
magkakaroon Ng tyansa hulaan kung ano ang
nasa larawan. Ang unang makatatlong puntos na
pangkat ay siyang magwawagi sa palaro.
1. Mga inaasahang Sagot

Pagtutulongan sa kapwa / Organisasyon

2.

Makadiyos / Religious group

3.

Pagtatanim / Pangangalaga sa kalikasan

4.

Medikal / Pangkalusugan

5.

Child Hope/ organisasyon para sa mga bata

Bigyan natin ng limang palakpak ang pangkat na


nanalo , at tatlong palakpak naman para sa Hindi
pinalad ganun pa man ay pareho kayong
magagaling mga bata , dahil diyan bigyan niyo
ang inyong sarili ng “ Very Good Clap” magsi-tayo
tayong lahat.
Ngayon naman sa nakita niyong larawan kanina ,
may ideya ba kayo kung ano ang ating tatalakayin
ngayong araw ? Patungkol po sa mga taong tumutulong sa
komunidad
Napakahusay Jimboy! , bigyan natin siya ng “
Ang Galing Clap “ .

C . Paglalahad
Ang ating ating tatalakayin ngayong araw ay
patungkol sa “ Mga Taong May Malaking ambag
sa Aking Komunidad “

D . Pagtatalakay

Ang mga taong may Malaking Ambag sa Aking


Komunidad

Non- Governmental Organization o NGO


Ito ang tawag sa mga pribadong
organisasyon na binuo ng mga tao upang
makatulog sa pagtugon sa iba’t-ibang
pangangailangan ng tao sa Komunidad .

Ano nga uli ang tawag sa mga tumutulong


sa pagtugon ng pangangailangan ng tao
sa Komunidad na hindi sakop ng
gobyerno?
Non-Governmental Organization o NGO po guro.
Non-Governmental Organization o NGO sa
Pilipinas

1 . Free Legal Assistance Group o FLAG

Ito ay itinuturing na pinakamalaking NGO


sa Pilipinas . Ang pribadong organisasyong ito ay
nagbibigay ng libreng serbisyong legal at
sinisiguro na maipagtanggol at mapangalagaan
ang mga karapatan ng mga tao.

Ano uli Ang tawag sa organisasyong


nagbibigay ng libreng serbisyong nagtatanggol at
nangangalaga sa karapatan ng mga tao? Free Legal Assistance Group o FLAG po
Mahusay! titser.

2 . Haribon Foundation

Ang pangalan ng organisasyon na ito ay


hinango sa pangalang “Haring Ibon “. Ang
organisasyong ito ay binuo upang mapangalagaan
ang kalikasan sa pamamagitan ng iba’t ibang
programang pangkalikasan.

Ano naman itong organisasyon na hango sa


pangalang Haring Ibon?
Tama! ,Sila Ang nangangalaga sa ating kalikasan . Haribon Foundation po guro .

3 . Philippine Task Force for Indigenous Peoples


Rights o TFIP
Ang layunin ng NGO na ito ay
mapangalagaan ang karapatan ng mga katutubo
at tulungang maitaguyod ang kanilang sarili.
Ano naman itong organisasyon na
nangangalaga sa karapatan ng mga katutubo?
Mahusay mga bata!
Philippine Task Force for Indigenous
Peoples Rights o TFIP Po titser
4 . Childhope Philippines

Ang layunin ng NGO na ito ay


mapangalagaan ang kapakanan , maprotektahan
ang mga karapatan, at matulongan ang mga
bata.
Ito naman Ang organisasyon na
nangangalaga sa kapakanan , proteksyon ninyong
mga bata , ano ito ?
Magaling mga bata!
Childhope Philippines Po guro!
5. Philippine Red Cross

Layunin ng organisasyong ito na tulungang


at sagipin ang mga tao sa panahon ng sakuna at
magbigay ng paunang lunas.
Mayroon din silang mga programa tulad ng
mga pagsasangay sa pagbibigay paunang lunas at
bloodletting drive.

Ano naman itong tumutulong upang


sagipin ang mga tao sa panahon ng sakuna at
magbigay ng paunang lunas?
Tama ! Philippine Red Cross Po guro.

6 . Religious Group

Ang Pilipinas ay may iba’t-ibang religious


group . Layunin ng mga religious group na
magturo ng magagandang gawin , asal at
mabuhay ang mga tao ayon sa utos ng Diyos.
Ito Naman ay organisasyon Ng
relihiyosong grupo upang gabayan Tayo sa
tamang gawain?

7 . CARE Philippines Religious Group Po guro.

Ang CARE Philippines at may layunin na


wakasan ang kahirapan , mabigyan ng hustisya
ang mga naaapi at mapangalagaan ang buhay ng
tao.
Ano naman Ang organisasyon na layunin
ay wakasan ang kahirapan ?
Magaling mga bata. CARE Philippines Po titser.
Tama, Maayos at Makatuwirang
Pamumuno
Ang tama , maayos at makatuwirang
Pamumuno ay napakahalaga upang umunlad Ang
isang komunidad at mapabuti ang pamumuhay ng
tao . Kapag maayos ang Pamumuno , maayos din
ang mga programa at proyektong maipatutupad
sa komunidad.
1 ) Mga batang masayang naglalaro
2 ) Mga batang nabigyan ng Scholarship
3 ) Maayos na kalsada
4 ) Mga taong nakikilahok sa Job Fair

E . Paglalapat
“Tukuyin mo Ako “
Panuto: Iguhit ang tsek (✓) kung ang pahayag ay
TAMA , at ekis (x) naman kung MALI. Isulat ang
sagot sa guhit katabi ng bawat numero.
Mga inaasahang Sagot :
_______ 1. Ang Tama, maayos at makatuwirang
pamumuno ay napakahalaga upang umunlad ang
isang komunidad at mapabuti ang pamumuhay ng ✓
tao.
_______2. Ang mga problema pangkomunidad ay
hindi kailangang pagtuunan ng pansin.

_______3. Nakikiisa at nakikipagtulungan ang X


mga taong Kasama sa Komunidad kapag maayos
at tama ang pamumuno.

_______4. Ang mga programa at proyekto ay
hindi kailangan ng mga tao sa Komunidad.
X
_______5. Maiiwasan ang problema sa lipunan
tulad ng labis sa kahirapan at sakuna kapag tama
at maayos ang pamumuno. ✓

F . Paglalahat
Naiintindihan ba ang tinalakay natin ngayong
araw ?
Mabuti! ,kung ganun ano nga ba ang ating Opo titser
tinalakay ?

Mahusay! Bigyan siya ng limang palakpak . Ang mga taong may malaking
ambag sa aking Komunidad Po
Ano naman ang tawag sa mga tao o organisasyon guro
na ito? Maaari niyo ba Itong banggitin ng sabay-
sabay.
Non-Governmental Organization
Mahusay mga bata! o NGO

At panghuli masasabi niyo ba na tayo ay


maaaring maging bahagi ng NGO?
Opo Guro.
Magaling !, bakit po pwede tayo maging bahagi
nila?
Titser kasi po pwede din tayong
tumulong gaya ng ginagawa
Magaling maaari niyo bang bigyan ng palakpak nila , sa paraan na kaya natin
ang inyong sarili sapagkat marami kayong gawin gaya ng pagtatanim po
natutunan sa ating aralin. guro.

IV. Pagtataya

Panuto: Gumawa ng isang liham sa inyong punong barangay na binubuo ng 4 - 5 na pangungusap na


nagbibigay ng mga mungkahi at dahilan upang palakasin ang tama, maayos at makatuwirang
pamumuno.

Mahal kong Punong Barangay ,

___________________________________________________________

___________________________________________________________________

_____________________________________________________________.

V. Takdang Aralin

Panuto : Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng tama , maayos at makatuwirang pamumuno na


makikita sa mga diyaryo at magazine . Maaaring magpatulog sa mga magulang at nakakatanda sa
paggawa neto .

You might also like