You are on page 1of 11

Paaralan BSU- Secondary Laboratory School Baitang 9

PANG-ARAW-ARAW NA TALA
SA PAGTUTURO Guro Johanna A. Sion Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Fatima C. Galvez
Hannah Grace D. Busacay

Petsa at Oras ng Pagtuturo Nobyembre 10, 2022 Markahan Ikalawang Markahan


7:45 – 8:45 am

I. Layunin
A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law).
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Nakabubuo ang mag-aaral ng panukala sa isang batas na umiiral tungkol sa mga kabataan tungo sa pagsunod nito sa likas na batas
Pagganap moral.
C. Kasanayan sa Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law), gumagarantiya sa
Pagkatuto pagtugonsapangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng
tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat.

Sa pamamagitan ng mga naihandang gawain, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nailalahad ang iba’t ibang kahalagahan ng batas (pangkatang gawain);
 Nakiki-isa sa pagsunod ng likas na batas moral; at
 Nakalilikha ng panukalang batas para sa mga kabataan.

II. Nilalaman/Paksa
Ikalawang Markahan – Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
III. Kagamitang
Panturo
A. Sanggunian

1. Pahina sa Gabay Gayola, Sheryll C., et. al. 2015. Edukasyon sa Pagkakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: FEP Printing Corporation, pp. 70-75.
ng Guro

2. Online Resources Paulino, G. (2022). Likas Batas Moral. Retrieved at https://www.slideshare.net/genecapaulino/likas-batas-

Laxaman, E. (2018) ESP IX: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL. Retrieved at
https://prezi.com/p/nokwljufbxx2/esp-ix-mga-batas-na-nakabatay-sa-likas-na-batas-moral/
Anonymous (2018). Likas na Batas Moral. Retrieved at https://brainly.ph/question/65425

Anonymous (2014). Kahulugan at Pagkakaiba ng Tama at Mabuti. Retrieved at https://brainly.ph/question/63792

Ki, A. (2020). Ano Ang Konsensya – Kahulugan At Halimbawa Nito. Retrieved at https://philnews.ph/2020/12/16/ano-ang-konsensya-
kahulugan-at-halimbawa-nito/

Ayson, J. (2022) Modyul5: Isip at Kilos Loob. Retrieved at https://quizlet.com/181221901/modyul5-isip-at-kilos-loob-flash-cards/

Cubacub, P. (2022) Kahulugan ng Konsensiya. Retreived at https://quizlet.com/216544379/kahulugan-ng-konsensiya-flash-cards/

B. Iba pang Laptop Projector


Kagamitang Panturo Markers Manila Paper
Learning Packet ng mag-aaral
IV. Pamamaraan Guro Mga Mag-aaral
A, Pagganyak Ang mga bata ay bibigyan ng 3 minuto upang umihi. Pagkatapos umihi,
(Engage)
“Magandang umaga sa ating lahat”. “Magandang umaga po, guro”.

Manalangin sa loob ng 2 minuto.

“Tayo ay manalangin. Ipikit ang mga mata at makipagdasal kayo sa akin:


“Panginoon, pinupuri ka po namin. Salamat po sa buhay na inyong
ipinagkaloob sa amin sa araw na ito. Sa pagsisumula namin sa araw na
ito, manatili ka sa aming puso at isipan. Tulungan mo po ang bawat mag-
aaral upang maunawaan, maisapuso at maisagawa nila ang kanilang
aralin ngayon. Ito po ang aming panalangin sa ngalan ni Hesus, Amen.”

Pagkatapos manalangin,

“Magsi-upo”. “Salamat po”.

“May mga lumiban ba sa klase?”. “Wala po”.

Ibahagi ang SOP at layunin ng aralin sa loob ng 5 minuto.

“Bago tayo magsimula, nais kong ipamahagi ang ating SOP sa oras na ito:
1. Makinig sa nagsasalita.
2. Huwag mag-ingay.
3. Itaas ang kamay at tumayo kung nais magsalita.
4. Makinig ng mabuti dahil may munting pagsusulit pagkatapos ng talakayan.

“Narito din ang layunin na kailangan nating maisagawa kaugnay sa aralin na ito:
 Nailalahad ang iba’t ibang kahalagahan ng batas (pangkatang gawain);
 Nakiki-isa sa pagsunod ng likas na batas moral; at
 Nakalilikha ng panukalang batas para sa mga kabataan.

“Naintindihan ba?”
“Opo guro”.
“Bago tayo dumako sa talakayan, kayo ay mahahati sa 4 na grupo. Bawat grupo
ay mag-iisip ng 3 kahalagahan ng batas. Isulat ito sa papel na aking ibibigay at “Opo guro”.
pakatapos ay idikit ninyo ito sa pisara. Gamitin sa pagsulat ang marker na aking
pinakuha sa inyo. Kung maaari ay inyong bilisan kasi ito ay pabilisan. Gawin ito
sa loob ng 5 minuto. Ayos ba?”

Pagkatapos ng 5 minuto,

“Maaari nang idikit ng inyong mga lider ang inyong mga kasagutan”
“Tama ang inyong mga kasagutan. Mahalaga ang batas dahil ito ay
nakakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan, katahimikan at kaligtasan ng
lipunan. Ang mga

Pagkatapos idikit,

“Napakahusay ng inyong mga kasagutan. Batid kong kayo ay may malalim na


kaalaman tungkol sa batas. Bigyan ng Angel’s clap ang bawat isa”

Gawin ang Angel’s clap.


“Opo guro”.
“Ngayon, handa na ba kayo upang mas palawakin pa natin ang inyong malalim
na kaalaman tungkol sa batas”

B. Pagtatalakay Tatalakayin ng guro ang “Ibig sabihin ng Likas na Batas Moral o Natural Law”,
(Explain) “Mga Halimbawa ng Likas na Batas Moral”, “Tama at Mabuti”, “Pagkakatulad ng
Tama at Mabuti”, at “Mga Katuwang sa Pagpili ng Tama at Mabuti”sa loob ng 20
minuto.
“Ano nga ba ang Likas na Batas Moral o Natural Law sa Ingles?

 Ayon sa Oxford Dictionary, ang Natural Law ay “body of unchanging moral


principles regarded as a basis for all human conduct”. Ibig sabihin ito ay
sistema ng mga hindi nagbabagong mga alituntuning moral na itinuturing
bilang “batayan” ng tamang pagkilos at pagpasya ng mga tao upang
mapalaganap ang kabutihan ng bawat indibidwal at mapahalagahan ang
bawat tao.

 Ang Likas na Batas Moral ay nakabatay sa utos ng Diyos.

 Ang likas na batas moral ay tumutukoy sa mga batas na ipinagkaloob sa


tao bilang tugon sa kaniyang pakikibahagi sa kabutihan at karunungan ng
Diyos.

 Ang likas na batas ay isang pilosopiya na nakabatay sa ideya ng "tama" at


"mali": dahil ang sangkatauhan ay nakakagawa ng ilang mga bagay na
kapaki pakinabang at mabuti, samantalang ang iba ay nakakagawa ng
mga bagay na mapanira o masama. Dahil sa mga batas na ito nagkaroon
ang tao ng kakayahang kilalanin ang mabuti sa masama.

“Naintindihan ba” “Opo guro”.

“May katanungan?” “Wala po guro”.

“Kung ganoon ay aking ipagpapatuloy ang talakayan. Narito ang mga Halimbawa
ng Likas na Batas Moral:

Halimbawa ng Likas na Batas Moral


1. Bawal pumatay. 6. Bawal ang
magsinungaling.
2. Bawal ang magnakaw. 7. Bawal husgahan ang
kapwa.
3. Bawal magbasura sa ilog. 8. Bawal ang makipag-away sa
kapwa.
4. Bawal tumawid sa hindi tamang tawiran. 9. Ibigin ang Diyos. “Opo guro”.
5. Bawal yurakan ang dangal ng isang tao. 10. Bawal mangopya.

“Maliban sa mga ito, may maidaragdag pa ba kayo na mga halimbawa?”


Mag-aaral 1: “Bawal umihi kung saan saan”
Bibigyan ng 2 minuto ang mag-aaral na gusting magbahagi.
Mag-aaral 2: “Maging makatarungan”
“Maraming salamat sa inyong mga konkretong halimbawa.”
Mag-aaral 3: “Tumulong sa kapwa”

“Ngayon, ano naman ang Tama at Mabuti?


Ang tama at mabuti ay karaniwang pinagpapalit at ikinalilito, ngunit ang
mga salitang tama at mabuti ay may pagkakaiba.

Tama - Ang tama ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular
ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon.

Hal: Mabuti ang gamot para sa mga tao, ngunit may tamang gamot para sa isang
partikular na sakit o karamdaman.

Mabuti - Ang mabuti ay anumang bagay na nakaka-ambag sa pagbuo ng sarili.

Hal: Mabuti ang gamot para sa mga tao. Mabuti rin ang pag-eehersisyo para sa
mga tao.

Ang Tama ay mas tiyak (specific). Tingnan ang larawan.

“Ano naman ang Pagkakatulad ng Tama at Mabuti:

Ang tama at mabuti ay may pagkakatulad din. Ang karaniwan sa


dalawang ito ay ang “pagsulong sa ikabubuti ng tao at pag-iwas sa
pananakit ng tao”.
Hal: “First Do no Harm”- Ito ay prinsipyo ng mga doktor. Walang doctor
ang magbibigay ng paying medical na nakakapagpalala sa kondisyon ng
kanyang pasyente. Walang doctor ang papasok sa operasyon nang hindi handa.

“Naintindihan ba?”

“Narito naman ang mga Katuwang sa Pagpili ng Tama at Mabuti: “Opo guro”

Isip: maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at May


kapangyarihang umunawa ng kahulugan ng mga bagay,
alamin ang diwa at buod ng isang bagay.

Puso:
 Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao
ng tao.
 Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
 Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa
ating buhay.
 Sa puso hinuhubog ang personalidad ng isang tao

Kilos-Loob:
 Kapangyarihang pumili, magpasya, at isakatuparan ang
pinili.
 Ito ay ugat ng mapanagutang kilos.

Konsensiya:
 Ito ay ‘kaalaman sa moralidad’ o ‘kamalayan sa
moralidad.’
 Ang konsensya ay gumagana kung ang gawa, pag-iisip
at pananalita ng isang tao ay sumasang-ayon o
sumasalungat sa kanyang pamantayan ng mabuti at masama.
 Ito din ang munting tining sa loob ng tao at isang moral na
pagpapasiya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasiyon.

Kamay o Katawan:
 Ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
 Ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa
kongkretong paraan.
 Naipapakita ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban.
 Instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa “Opo guro”
“Naunawaan ba ang talakayan?”

C. Paglalapat “Salamat sa inyong pakikinig. Balikan ang dating pangkat kanina dahil ngayon ay “Opo, guro”.
(Elaborate) may isa nanaman kayong gawain. Bibigyan ang bawat pangkat ng isang manila
paper at kayo ay gagawa ng isang panukalang batas para sa mga kabataan
ngayon. Gawin sa loob ng 10 minuto. Sundan ang format na makikita sa
presentasyon. Naintindihan ba?”

Panukalang Batas Blg______________________________

Ipinanukala nina______________________________________________

Isang batas na
_________________________________________________

Paliwanag kung bakit mahalaga at pagtibayin ang batas:

______________________________________________________________
_

Pagkatapos ng gawain,

“Ipresenta ng bawat grupo ang kanilang mga batas na nagawa sa harap sa loob
ng 3 minuto”.
Ang gawain ng mga mag-aaral ay bibigyan ng iskor base sa kriterya:

Score
Originality
Clarity
Reason for formulating the bill of right
Total

F. Pagsusuri Kung may oras pa ay magkakaroon ang mga mag-aaral ng munting pagsusulit.
(Evaluate)
“Napakahusay at orihinal ang inyong mga naisip na panukalang batas. Ito ay “Opo, guro”.
nakakatulong upang maprotektahan ang mga kabataan at sila ay mas
matulungang makapagpokus sa kanilang pag-aaral. Ngayon nais kong kayo ay
maglabas ng ¼ sheet of paper at kayo ay magkakaroon ng maikling pagsusulit.”

Kapag nakahanda na ang mga bata sa pagsusuri,

“Narito ang panuto. Basahin ang mga katanungan na maipapakita sa “Opo, guro”.
presentasyon. Ang mga katanungan ay batay sa ating talakayan kanina. Piliin
ang tamang sagot mula sa a,b,c or d. Maliwanag ba?”

Mga Katanungan:

1. Ang ______ ay anumang bagay na nakaka-ambag sa pagbuo ng sarili.


a. tama
b. mabuti
c. isip
d. puso

2. Ang munting tining sa loob ng tao at isang moral na pagpapasiya kung paano
kumilos sa isang konkretong sitwasiyon.
a. konsensiya
b. kilos-loob
c. pagninilay
d. panalangin
3. Ito ay may kapangyarihang pumili, magpasya, at isakatuparan ang pinili.
a. puso
b. isip
c. kilos-loob
d.pagpapasya

“Sa numero 4 at 5 ay punan ang mga patlang ng tamang sagot”.

4. Ang Likas na Batas Moral ay nakabatay sa ______.

5. Ang likas na batas ay isang pilosopiya na nakabatay sa ideya ng _____.

Pagkatapos ng 10 minuto,

“Iwasto ninyo ang inyong mga papel. Narito ang mga kasagutan”

Ipapakita ng guro ang sagot gamit ang Canva presentation.

Mga Sagot:
1. b
2. a
3. c
4. utos ng Diyos
5. tama at mali

Pagkatapos ng pagwawasto,

“Ilan ang mga nakakuha ng 5 na iskor?”. “Lahat po, guro”

“Mahusay! Bigyan ng Angel’s clap ang bawat isa”.

Gawin ang Angel’s clap.

“Pakipasa na ang inyong mga manila paper pati na ang ¼ na sagutang papel”.

G. Paglalahat sa Tandaan: “Sa pamamagitan ng likas na batas moral, nagkaroon ng direksyon


aralin ang buhay ng tao. Ang kaniyang pagsunod sa likas na batas moral, nakagagawa
siya ng mabuti at naisasabuhay niya ang makabuluhang pakikipagkapwa. Sa
kabila nito ang likas na batas moral ay hindi lupon ng mga batas na dapat na
isinasaulo upang sundin sa araw – araw kundi ang paggawa ng mabuti na
nagmumula sa kaniyang pagkatao. Ang mga ito ay nakalapat sa kanyang isip,
puso at konsensya na siya ring ginagamit na personal na panuntunan ng moral
ng tao.”
“Wala po guro”.
“May mga katanungan ba bago ako umalis?”
“Salamat at paalam po guro”.
“Kung ganun ay maraming salamat sa inyong pakikinig. Hanggang sa muling
pagkikita. Paalam”.

V. MgaTala

VI. Pagninilay
a. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya.
b. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang
gawain para sa
remediation
c. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
d. Anong kagamitang
panturo ang
aking nadibuho na
nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Inihanda nina: Johanna A. Sion Fatima C. Galvez Hannah Grace D. Busacay
Guro sa ESP Guro sa ESP Guro sa ESP

You might also like