You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Leyte Colleges
Lungsod, Tacloban
Departamento ng Edukasyon

Masusing Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


February 19, 2024

Crisanto B. Capambi Bb. Paola Marie P. Aparis


Gurong Nagsasanay Gurong Tagasanay

I. Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Maipaliwanag ang kahulugan ng layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng
makataong kilos.
b. Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyon
batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan nito.
c. Makapagsasagawa ng role-play na nagpapakita ng iba’t ibang layunin, paraan,
sirkumstansiya, at kahihinatnan ng makataong kilos.

II. Paksang Aralin


Paksa: Layunin, Paraan Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos
Sangunian: Esp Modyul
Mga Kagamitan: Laptop, PPT Presentation, Mga Larawan

III.Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Maaari bang tumayo ang lahat para sa Panginoon, dalangin naming ang
panalangin na pangungunahan ni Bb. kapayapaan sa aming klase. Palayain
Althea. niyo po kami sa anumang uri ng
kaguluhan at magbigay ng pagkakaisa sa
aming mga kaklase. Amen.

2. Paunang pagbati
Magandang Umaga Klas! Magandang Umaga po Guro!

3. Pagsusuri ng mga
lumiban
Mayroon bang lumiban sa klase? Wala po guro.
B. Pagbabalik Aral
“Bago natin simulan ang ating aralin
ngayong umaga, natatandaan niyo pa ba
ang natutunan niyo tungkol sa
nakaraang paksa?”

“Sino ang may ideya?”

“Mahusay” May dalawang uri ng kilos ng tao, ito ay


ang Kilos ng Tao at Makataong Kilos.”

“Ano ang pinagkaiba ng dalawng uri na


ito?”
“Ang kilos ng tao ay ang mga natural na
kilos o proseso na nagaganap sa katawan
ng tao. Sa kabilang banda, ang
makataong kilos naman ay tumutukoy sa
“Magaling!” mga kilos na ginagamitan nang may
kusa, kaalaman at kalayaan.”

C. Pagganyak
Para sa una nating gawain, gamit ang
talahanayan, tatawag ang guro sa mga
mag-aaral upang magbigay ng mga
halimbawa na nagpapakita ng
makataong kilos.

Makataong Kilos Makataong Kilos


  Pagiging maka-Diyos sa lahat
 ng oras
  Pagrespeto sa kagustohan ng
 iba
  Hindi maramot o sakim.
 Pagiging maalaga sa kalikasan
at hayop.

“Magaling mga bata!”

D. Pagsusuri

“Ngayon, basi sa binigay ninyong


halimbawa, Naisagawa niyo rin ba ang
kahalintulad na kilos na nasa
talahanayan? Ano ba ang kahalagahan
ng pagiging makatao?”
Ang pagiging makatao ay mahalaga
“Sino ang may ideya?” dahil ito ay pagpapakita ng pagmamahal
at paggalang sa kapwa tao.”

“Tama.”

Iba pang ideya? “Para sa akin, ang pagiging makatao ay


nagpapanatili ng kapayapaan at
kaayusan sa mundo.”

“Magaling mga bata!”Batid ko na lubos


ninyong naintindihan ang ating gawain.

Ngayon naman ay dumako na tayo sa


ating aralin ngayong araw.

E. Pagtatalakay ng Aralin
“Basahin muna natin
ang ating layunin tungkol sa bago nating “1.Maipaliwanag ang kahulugan ng
aralin.” layunin, paraan, sirkumstansiya, at
kahihinatnan ng makataong kilos.
2.Makapagbigay ng sariling opinyon at
pananaw tungkol sa mga isyung moral
na may kinalaman sa makataong kilos.
3.Makapagsasagawa ng role-play na
nagpapakita ng iba’t ibang layunin,
paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan
ng makataong kilos.”

“Maaasahan ko ba “Opo, Sir”


ang mga kooperasyon ninyo upang
makamit natin ang ating layunin sa araw
na ito?”

“Ano kaya ang bago nating leksyon sa “Ang bago nating leksyon sa araw na ito
araw na ito? May ideya ba kayo?” ay tungkol sa mga Salik na
Nakakaapekto sa Makataong Kilos.”

“Magaling”

“Anu-ano ba ang mga salik na “Layunin, Paraan, Sirkumstansya, at


nakakaapekto sa makataong kilos?” Kahihinatnan.”

“Mahusay”
Talakayin natin ang unang salik ito ay
ang Layunin.

Basahin ang halimbawa. Nakita ni Amira na umiiyak si Amaya.


Nilapitan niya ito at binigyan ng tissue.
Ginawa niya ito dahil alam niyang si
Amaya ay mahusay sa Science at may
pagsusulit sila sa araw na iyon at nais
niyang kumopya rito.

“Mabuti ba ang layunin ng kilos? May “Hindi po”


paggalang ba sa dignidad ni Amaya?

Tama, hindi mabuti ang layunin ni


Amira para kay Amaya.”

“Basahin ang kahulugan ng layunin.” “Layunin - Ito ay tumutukoy sa panloob


na kilos kung saan nakatuon ang kilos-
loob. Ito ang motibo o dahilan kung
bakit gagawin ang kilos. Hindi ito
nakikita o nalalaman ng iba sapagkat ito
ay personal sa taong gumagawa ng
kilos. Ang pamantayan sa kabutihan ng
layunin ay kung iginagalang ng taong
nagsasakilos ang dignidad ng kapwa.”

“Ngayon ay talakayin naman natin ang


ikalawang salik: Paraan.”

“Basahin ang kahulugan ng Paraan.” “Ito ay tumutukoy sa panlabas na kilos


na kasangkapan o paraan upang
makamit ang layunin. Ayon kay Sto.
Tomas de Aquino, may nararapat na
obheto ang kilos”
“Sino ang makakapag-bigay “Halimbawa, tayo ay nagugutom, ang
halimbawa? kilos na ating gagawi ay kumain at ang
obheto ay ang makakain.”

“Very good”

“Ang ikatlong salik ay na ating


tatalakayin ay ang: Sirkumstansya.

“Kondisyon o sitwasyon
“Ano ang ideya niyo sa salitang
Sirkumstansya?”

“Tama”

“Tandaan ang sirkumstansiya ay


tumutukoy sa isang sitwasyon o
kondisyon / kalagayan ng kilos na
makakabawas o makakadagdag sa
kabutihan o kasamaan ng isang kilos

Ito ang nakapagpapalala o


nakapagpapabawas ng kabutihan o
kasamaan ng isang kilos.”

Narito ang mga Elemento ng


Sirkumstansya
“Anumang gawing kilos ay may
kahihinatnan. Ang anumang
isasagawang kilos ay mahalaga na dapat
pag-isipan at pagplanuhang mabuti dahil
mayroon itong katumbas na
pananagutan na dapat isaalang - alang.
Kailangang mapag- isipang mabuti at
makita kung ano ang magiging resulta
ng kilos at gagawin.”

“Ang ika-apat na salik ay ang


Kahihinatnan.”

“Sabay-sabay basahin ang kahulugan ng


kahihinatnan.”

F. Paglalapat
Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon
at tukuyin ang mga salik na nakaaapekto
sa pasiya/kilos ng isang tao.

Panahon ng pagtutulungan.
Sina Anita at Corazon ay matalik na
magkaibigan. Palagi silang magkasama
sa lahat ng lakad ng barkada at papunta
sa iskul at pauwi sa bahay. Nang
nagkaroon ng pandemya, ang
magkaibigan ay hindi na
nagkakasalubong dahil din sa mahigpit
na patakaran na hindi puwedeng
lumabas ng bahay ang mga may edad 21
pababa. Ang komunikasyon lamang nina
Anita at Corazon ay sa pamamagitan ng
sosyal medya, celpon. Isang araw,
nabasa nila sa Fb page na
nangangailangan ang inyong paaralan ng
computer printer’s para magamit sa
pagpaparami ng modyuls na magagamit
sa susunod na pasukan. Gusto nina
Anita at Corazon na makatulong kaya
gumawa sila ng mga plant hanging
gamit ang nylon at ito ay ibinenta nila sa
pamamagitan ng online. Sa
pamamagitan nito, sila ay nakalikom ng
mahigit pitong libo na kakasya sa isang
printer na 3 in 1.
Ang pera ay kanilang ibinigay sa iskol at
nabili ang printer. Bilang pasasalamat ng
iskul, sila ay binigyan ng parangal
noong nakaraang Hulyo 15, 2020.

Katanungan:
“Ang layunin nina Anita at Corazon ay
1. Ano ang layunin nina Anita at makatulong sa kanilang paaralan sa
Corazon? pamamagitan ng pagbili ng computer
printer para sa pagpaparami ng modyuls
na magagamit sa susunod na pasukan.”

“Ang kasalukuyang sirkumstansiya sa


2. Ano ang kasalukuyang panahon na iyon ay mayroong
sirkumstansiya na mayroon sa panahon pandemya.”
na iyon?

“Oo, nakaapekto ang sirkumstansiya sa


gustong gawin nina Anita at Corazon.
3. Nakaapekto ba ang sirkumstansiya sa Dahil sa pandemya at sa patakaran na
gustong gawin nina Anita at Corazon? hindi sila puwedeng lumabas ng bahay,
Oo o hindi, Bakit? hindi sila makakapagbigay ng tulong sa
personal. Kaya naman, nag-isip sila ng
paraan kung paano sila makakatulong sa
kabila ng mga limitasyon. Sa
pamamagitan ng online selling, nagawa
nilang makalikom ng pera para sa
pagbili ng printer para sa kanilang
paaralan.”
IV. Pagtataya

A. Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at isulat sa unahan ng bilang kung ito ay
layunin, paraan at sirkumstanya ng makataong kilos.

1. Ito ay bunga ng ating isip na nag-uutos na gawin ang isang kilos o pasiya.
2. Si Nardo ay napapabilang sa mga mag-aaral na may karamdaman sa puso, kaya gustuhin
man niyang makipaglaro ng basketball ay hindi pwede dahil mahihirapan siyang huminga.
3. Ito ay tumutukoy sa isang sitwasyon o kondisyon kalagayan ng kilos na makababawas o
makadadagdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
4. Ito ay bunga ng kasalukuyang sitwasyon paano natin matutugunan o magagawa ang
makataong kilos.
5. Ito ang siyang nagdidikta sa atin na gumawa o tumulong sa ating kapwa sa anumang
sitwasyon masama o mabuti.

V. Takdang-Aralin
Magbigay ng kongretong pagkakataon na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.

You might also like