You are on page 1of 13

School: Kataasan Elementary Grade Level: II

School
Teacher: Bb. Zenrose M. Malit Learning Area: Araling
Panlipunan
Teaching Dates and Mayo 25, 2021 Quarter: Ikaapat na
Time: 10:00 – 10:20 AM Markahan

MASUSING BANGHAY ARALIN


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa
Pangnilalaman kagalingang pansibiko bilang pakikibahagi sa mga layunin ng
sariling komunidad
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapahahalagahan ang mga paglilingkod
Pagganap ng komunidad sa sariling pag-unlad at nakakagawa ng
makakayanang hakbangin bilang pakikibahagi sa mga layunin
ng sariling komunidad
C. Mga Kasanayan sa Napahalagahan ang kagalingan pansibiko sa sariling
Pagkatuto komunidad. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
pagtutulungan sa paglutas mga suliranin ng komunidad.
II. NILALAMAN Paksang Aralin: May Pagtutulungan sa Aking
Komunidad
III. KAGAMITANG
PANTURO

A. References K to 12 Curriculum Guide 2016

1. Mga pahina sa Gabay 82-84


ng Guro

2. Mga pahina sa Gabay 253-263


ng Pang-mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Mga Karagdagang
Kagamitan mula sa
Learning Resources

B. Iba pang Kagamitang


pangturo Laptop / Visual Aids

IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Pagbati at Pagdarasal
“Isang mapagpalang umaga sa inyo mga bata!” “Magandang umaga rin po Ma’am!”

“Tayo na’t mag dasal. Ronilyn anak, maaari mo (Tatayo si Ronilyn at pangungunahan ang
bang pangunahan ito?” pagdarasal)

Pamamahala sa silid-aralan
“Mga bata, ayusin niyo nga ang inyong mga (ang mga mag-aaral ay aayusin ang kanilang
upuan. Pulutin ang mga papel na nasa ilalim ng upuan at susundin ang utos ng kanilang
inyong lamesa at ilagay niyo muna ito sa loob ng guro)
inyong bag.”

Pagtatala ng lumiban
“Ngayon, tignan nga natin kung sino ang
lumiban sa klase sa araw na ito. Nais kong i-ulat
ng pinuno sa bawat pangkat kung sino ang wala
sa klase natin ngayon.”

“Magsimula tayo sa pangkat mo Jade.” “Ikinagagalak ko pong sabihin na walang


lumiban sa aming pangkat ngayon.”

“Kumusta naman sa iyong pangkat Abby?” “Ikinagagalak ko pong sabihin na walang


lumiban sa aming pangkat ngayon.”

“At sa huling pangkat, May?” “Ikinagagalak ko pong sabihin na walang


lumiban sa aming pangkat ngayon.”

“Magaling! Natutuwa akong walang lumiban sa (Ang mga mag-aaral ay gagawin ang Good
ating klase ngayon. Dahil dyan, bigyan niyo ang job Clap)
inyong sarili ng Good job Clap.”

“Kumusta naman ang inyong araw, mabuti “Mabuti naman po, Ma’am”
naman ba ito?”

“Mabuti naman kung ganoon. Ngayon, mayroon


akong tatlong importanteng panuntunan na
dapat niyong tandaan. Ang una ay irespeto nyo
ako bilang inyong guro at ganun din ang inyong
mga kaklase. Pangalawa, ay makinig ng mabuti.
At ang pangatlo ay itaas ang inyong kanang
kamay kung may nais kayong sabihin o kapag
gusto niyong sumagot. Maliwanag ba, mga “Opo Ma’am”
anak?”

“Magaling!”
Pagwawasto ng Takdang Aralin (Ipapasa ng mag-aaral ang kanilang
“Kahapon ay binigyan ko kayo ng takdang kuwaderno)
aralin. Kuhanin at ipasa ito ng tahimik. Susuriin
ko ito mamaya.”
A. Balik –Aral sa “Bago tayo mag tungo sa ating (Magtataas ng kamay ang
nakaraang aralin at/o pag aaralan, ano ba ang pinag mga mag aaral)
pagsisimula ng bagong aralan natin kahapon mga “Mga Alituntunin sa ating
aralin bata?” komunidad.”

“Magaling! Napag aralan natin


ang tungkol sa Mga Alituntunin
sa ating komunidad.”

“Halina kayo mga bata, mag


tungo na tayo sa ating Balik-
Aral.”

“May ibibigay ako sainyong


halimbawa at sabihin kung ito
tama o mali sa pagpapakita ng
alituntunin sa ating
komunidad”

1. Wastong Pagtatapon ng “Tama po Ma’am”


Basura

“Magaling Russel ang sagot


ditto ay tama dahil isa ito sa
alituntunin ng ating
komunidad”

2. Tumawid sa Tamang “Tama po Ma’am”


Tawiran
“Magaling Rosalie tama ang
iyong kasagutan”

3. Panatilihin ang Kalinisan “Tama po Ma’am”


“Magaling Abby tama ang
iyong sagot dahil isa ito sa
alituntunin sa ating
komunidad”
“Binabati ko kayo.
Napakahusay nyong lahat! (Ang mga mag-aaral ay
Bigyan niyo ang inyong mga gagawin ang ‘Ang Galing
sarili ng Ang Galing Clap!” Clap’)

“Lubhang naintidihan ninyo


ang ating aralin kahapon.
Mayroon paba kayong
katanungan hingil dito?”
“Wala na po”
“Mahusay!”

B. Paghahabi ng layunin “Mga bata ano-ano ang gawain


ng aralin sa komunidad na nagpapakita “Magbibigay ng sagot ang
Motivation ng pagtutulungan? mga bata”

“Magaling at nakikita kong


alam nyo ang mga ito”

“Ngayon mga bata may


ipapakita akong larawan sainyo
at sasabihin nyo kung paano
nagtutulungan ang mga nasa
litrato”

“Magbibigay ng sagot ang


mga bata”

“Mahusay! Nagpapakita ito


pagtutulungan sa paglilinis ng
kanilang komunidad”

“Magbibigay ng sagot ang


mga bata”

“Magaling! Ito ay nagpapakita


ng pagtutulungan sa ating
komunidad sa pamamaraan ng
pagtuturo sa mga batang hindi
nakapag aral”

“Magbibigay ng sagot ang


mga bata”

“Magaling! Ang litrato na ito ay


nagpapakita ng pagkakaroon
natin sa komunidad ng
community pantry para sa
nangangailangan ng pagkain”

“Magbibigay ng sagot ang


mga bata”

“Magaling! Ang litrato na ito ay


nagpapakita ng pagtutulungan
sa ating komunidad sa
pamamaraan ng pag reskyu sa
mga taong nasalanta ng bagyo”

“Tama! Ang lahat ng inyong


(Ang mga mag-aaral ay
sagot klas at ito ay may
gagawin ang ‘Ang Galing
kaugnayan sa ating aralin na
Clap’)
tatalakayin, bigyan ng Ang
galling clap ang bawat isa.”

C. Pag-uugnay ng mga “Nasisiyahan ba kayo sa ating “Opo Ma’am”


halimbawa sa bagong klase mga bata?”
aralin
“Mabuti. Base sa ating ginawa, (Magtataas ng kanang
ano sa tingin ninyo ang aralin kamay ang isang mag-aaral
na tatalakayin natin ngayong at sasagutin ang tanong)
araw?”
“May Pagtutulungan sa
Aking Komunidad”
“Magaling! Tama ang iyong
tinuran.”

“Dahil dito ay mayroon akong


babasahin na kwento sainyo
mga anak, ang kwento na ito ay
tungkol sa tulong tulong
komunidad”

(nakikinig ng mabuti ang


mga bata)

“Nasiyahan ba kayo sa aking


kwentong binasa mga anak?” “Opo Ma’am”

“Ngayon ito ay nakakonekta sa


gagawin natin. Handa na ba “Opo Ma’am”
kayo mga anak?”

D. Pagtalakay ng bagong “Napakinggan nyo ba ng


konsepto at paglalahad mabuti ang aking binasa na “Opo Ma’am”
ng bagong kasanayan kwento mga anak?”
#1
“Sige nga sagutan nyo nga ang
aking katanungan kung
talagang nakinig ang lahat”
1. Ano ang suliranin sa (Magtataas ng kanang
komunidad ni Ramon? kamay ang isang mag-aaral
“Mahusay! Ang naging at sasagutin ang tanong)
suliranin sa komunidad ni
ramon ay marumi ang paligid,
tambak ang basura sa gilid ng
daan at barado ang kanal”

2. Ano ang nangyari sa (Magtataas ng kanang


kanyang komunidad? kamay ang isang mag-aaral
at sasagutin ang tanong)
“Magaling! Ang nangyari ay
nagkaroon ng bagyo at mabilis
ang pagbaha sa komunidad nila
dahil sa mga baradong kanal at
tambak na basura.

3. Ano ang ginawa upang (Magtataas ng kanang


matugunan ang suliranin kamay ang isang mag-aaral
ng komunidad? at sasagutin ang tanong)
“Mahusay! Nagpulong pulong
sila at napag usapan na
magtulong tulong sa pag linis
ng buong komunidad.

4. Ano ang kinalabasan ng (Magtataas ng kanang


pagtutulungan ng bawat kamay ang isang mag-aaral
kasapi ng komunidad? at sasagutin ang tanong)
“Magaling! Naging malinis at
maayos ang kanilang
komunidad sa pagtutulungan
na ginawa nila at lalo silang
napalapit sa isat isa sa pag sama
sama.”

“Dahil ditto bigyan ng Ang (Ang mga mag-aaral ay


galing clap ang bawat isa.” gagawin ang ‘Ang Galing
Clap’)
“Natutuwa ako sa mga
ibinahagi ninyo mga anak.
Ngayon ay pag aralan naman
natin ang ibang mas
magpapaintindi sa ating aralin
ngayon”
E. Pagtalakay ng bagong “Ngayon naman ay may
konsepto at paglalahad ibibigay ako sa inyong stick na
ng bagong kasanayan nagpapakita ng masayang
mukha at malungkot na
#2
mukha.”

“Panuto: Suriin ang mga


sumusunod na pangungusap.
Itaas ang masayang mukha () “Opo Ma’am”
kung naglalarawan sa
kahalagahan ng pagtutulungan
ng babae at lalaki sa Gawain at
malungkot () naman kung
hindi. Malinaw ba mga bata?”

“Unang bilang,
1. Naging maaliwalas at
malamig ang paligid sa (Magtataas ng kanang
komunidad dahil sa punong kamay ang isang mag-aaral
itinanim ng mga babae at at sasagutin ang tanong)
lalaking iskawt.

“Tama, ito ay masayang mukha


dahil naglalarawan ito sa
pagtutulungan ng babae at
lalaking sa gawain.”

“Pangalawang bilang,
2. Nanalo sa paligsahan ng (Magtataas ng kanang
pinakamalinis na komunidad kamay ang isang mag-aaral
dahil sa pagkakaisa at at sasagutin ang tanong)
pagtutulungan ng mga babae at
lalaki.

“Tama, ito ay masayang mukha


dahil nakapaloob dito ang babae
at lalaki na nagtutulungan sa
komunidad.”
“Pangatlong bilang, (Magtataas ng kanang
3. Mabilis ang daloy ng trapiko kamay ang isang mag-aaral
dahil sa pagtutulungan ng mga at sasagutin ang tanong)
lalaking pulis.

“Magaling. Ito ay malungkot na


mukha dahil mga lalaki lang
ang tinutukoy dito.”

“Pang-apat na bilang,
4. Maayos ang kinalabasan ng
ginawang entablado para sa
programang gaganapin sa
komunidad. (Magtataas ng kanang
Masaya o malungkot na kamay ang isang mag-aaral
mukha?” at sasagutin ang tanong)

“Mahusay. Ito ay malungkot na


mukha dahil mga walang
nabanggit kung sino ang
gumawa sa entablado para sa
programa”

“Ang pang huling bilang,


5. Nararamdaman ang diwa ng
pasko dahil sa mga parol at ilaw
na ikinabit ng mga lalaki at
babae. (Magtataas ng kanang
Masaya o malungkot na kamay ang isang mag-aaral
mukha?” at sasagutin ang tanong)

“Tumpak! Nasisiyahan ako na


nauunawaan niyong mabuti ang
ating aralin.”

F. Paglinang sa “Ngayon mga bata ay


kabihasnan (Tungo sa magkakaroon tayo ng aktibidad
Formative Assessment) na Isasagawa:

Gamit ang semantic webbing,


ilarawan ang kahalagahan ng
pagtutulungan ng babae at
lalaki sa mga gawaing
pangkomunidad sa loob ng
bilog.
(Ang mga mag-aaral ay
tahimik na magsasagot ng
aktibidad)

“Ngayon klas, pagkatapos


ninyong sagutan ang ating
aktibidad ay atin itong iwasto.”

(Mag aantay ng ilang minute


para sa pagsasagot ng mga bata)
( Iwawasto ang aktibidad)

“Ipasa ninyo ang inyong mga


sagutang papel upang ito ay
aking maitala sa talaan ng
marka.”

(Ipapasa ng tahimik ang


aktibidad)

G. Paglalapat ng aralin sa “Sa inyong palagay mga anak, (Magtataas ng kanang


pang-araw araw na paano nagtutulungan ang mga kamay ang mag-aaral at
buhay tao sa inyong komunidad para sasagutin ang tanong)
sa kabutihan ng lahat?”
“Ang mga tao ay
sumusunod sa mga batas,
kautusan, alituntunin at
mga patakaran na
ipinatutupad ng
komunidad. Nakikiisa sila sa
mga proyekto at panukala
ng namumuno sa
komunidad.
May mga taong
nagkakawangga at
nagbibigay ng tulong sa
mga taong higit na
nangangailangan sa
komunidad lalo't higit sa
panahon ng kalamidad at
sakuna. Nakikilahok ang
“Mahusay! Nasisiyahan ako na mga tao sa mga programang
nakikita ninyo ang kahalagahan makakatulong sa
nito sa ating buhay.” pagapaunlad ng
komunidad.”
H. Paglalahat ng aralin “Mga anak aking babasahin ang
dapat tandaan sa ating napag
aralan ngayong araw kaya “Opo Ma’am”
making kayong mabuti sa akin”

Tandaan Mo:
“Ang anumang mabigat na
Gawain at suliranin ay
mapapagaan kung may
pagtutulungan at pagkakaisa (Ang mag-aaral ay
ang bawat kasapi ng makikinig ng mabuti sa
komunidad.” babasahin ng kanilang guro)

“Mahalaga ang pagtutulungan


ng mga babae at lalaki sa
pagkakabuklod buklod ng mga
tao lalo na sa panahong
kailangan ng tulong ang
kapwa.”

“Naintindihan ba ng mabuti “Opo Ma’am”


mga anak?”
I. Pagtataya ng aralin

Kopyahin ang talahanayan sa ibaba at itala dito ang mga


gawaing nagpapakita ng pagtutulungan ng babae at lalaki sa
komunidad. Sa katapat nito ay isulat ang paglalarawan ng
kahalagahan nito.
Mga Gawaing Paglalarawan ng Kahalagahan Nito
Nagpapakita ng
Pagtutulungan ng babae
at lalaki sa Komunidad

1.Paglilinis ng kalsada Naiiwasan ang pagbaha tuwing


umuulan, nagkakaroon ng malinis na
komunidad.
2.

3.

J. Karagdagang Gawain Takdang Aralin


para sa takdang aralin Panuto: Gumawa ng crescent organizer kung saan nakasulat
at remediation ang mga pagtutulungan at pakikipagkapwa sa bilog at isulat sa
loob ng crescent ang pagpapahalagang iyong gagawin sa mga
ito.

V. MGA TALA Masaya at maayos na natapos ng guro ang klase.


VI. PAGNINILAY
a. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.

b. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

c. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.

d. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation

e. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

f. Anong suliranin ang aking


naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?

g. Anong kagamitan ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
Prepared by: ___Zenrose M. Malit___
Bachelor of Elementary Education 1 (A)

You might also like