You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Petsa: Ika-15 ng Mayo 2022

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakapagbibigay ng sariling saloobin hinggil sa akdang


nabasa;
b. napaghahambing ang kalagayan ng lipunan noon at
lipunan ngayon batay sa sariling karanasan; at
c. nakasusulat ng isang liham na nagtataglay ng mga
solusyon sa suliraning nararanasan sa
kasalukuyan.

II. NILALAMAN

Paksa: Tagpuan-Bayan ng San Diego


Kagamitan : biswal na kagamitan, chalk and board
Sanggunian : Leap PIVOT 4A

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Gawaing rutinari

1. Panalangin

Bago tayo mag simula, (Ang mag aaral ay tatayo at


tumayo muna ang lahat mananalangin)
at ibigay ang presensya
sa ating panginoon. Amen!

2. Pagbati

- Magandang umaga
sa inyong lahat!
Magandang Umaga din po,
Ma’am!

- Kumusta kayo?

Mabuti naman po.

- Bago natin simulan


ang klase pulutin
muna ang mga
basura na inyong
nakikita.
(Pupulutin ng mga mag-aaral ang
mga basura)

- Maari na kayong
umupo.
(Uupo ang mga estudyante)

3. Pagtatala ng liban

- Sa pagbanggit ng
inyong pangalan
itaas lamang ang
kamay.
- Maliwanag ba?

Opo Ma’am.
4. Pagtse-tsek ng
Takdang Aralin

- Mayroon ba tayong
takdang aralin?
Wala po Ma’am.

5. Balik-Aral

- Ngayon naman ating


balikan ang ating
tinalakay.

- Ano ang ating


tinalakay noong
nakaraan?
“Mahalagang Tauhan po ng Noli
Me Tangere”
“Ano ang inyong natatandaan
tungkol sa nakaraang tinalakay?”
“Tinalakay po natin ang kanilang
mga katangian”

‘Tama!”

6. Motibasyon;

“Tumayo muna ang lahat itaas ang


dalawang kamay at ishake ito ng
limang beses gayundin sa inyong
harapan at dalawang tagiliran
pagkatapos ay pwede na kayong
umupo.” (Isasagawa ito ng mga mag-aaral)

“Ngayon handa na ba kayo sa ating “Opo Ma’am!”


Aralin?”

B. PRESENTASYON NG ARALIN

Pagbabasa ng Kabanata 10- Bayan


ng San Diego

Pagbasa sa layunin ng aralin:

a.nakapagbibigay ng sariling
saloobin hinggil sa akdang nabasa;

b.napaghahambing ang kalagayan


ng lipunan noon at lipunan ngayon (Makikinig ang mga mag-aaral)
batay sa sariling karanasan;at

c.nakasusulat ng isang liham na


nagtataglay ng mga solusyon sa
suliraning nararanasan sa
kasalukuyan.

Sa bahaging ito ay mayroon tayong


gawain:

1. AKTIBITI
Panuto:Basahin at unawain ang
Kabanata 10-Bayan ng San
Diego.

2. ANALISIS
Panuto: Ang bahaging ito ay ang
pagtatalakay sa binasang
Kabanata.

“Ano ang ipinapahiwatig ng iyong


nabasa”
Ang ipinapahiwatig ng Kabanata
10 ang kahalagahan ng isang
lugar at mga nangyayari dito
katulad ng pang aabuso ng mga
dayuhan at maging ang alamat
ng lugar.
“Tama! Katulad na lamang noong
ipinagbibili ng mga taga San Diego
ang kanilang mga inaani dahil sa
kanilang kamangmangan ay
naibebenta ito sa murang halaga”

“Magbigay ng isang pangyayari higit


kang naapektuhan.”
“Ang pangyayaring higit akong
(Tatawagin ang mag-aaral na naapektuhan ay noong mabilis
nag-taas ng kamay) na napaunlad ang pagsasaka
dahil napamahal sa mga
tagabukid si Don Rafael. Naging
malaki ang dating maliit na
nayon.”

“Magaling! Nagpapakita ito ng isang


mabuting kaugalian na kung saan
pag marami kang kasundo sa inyong
lugar ay maari kayong magkaisa sa
lahat ng bagay.”

“Paano mapag-uugnay ang


kalagayan ng lipuan na iyong nabasa
sa uri ng lipunan natin ngayon?” “Mapag-uugnay ito sapagkat
nangyayari pa rin ang ganoong
klase ng lipunan sa
kasalukuyang panahon, marami
pa ring Pilipino ang naaabuso ng
mga dayuhan.”
“Maroong Iba’t- ibang kaisipan sa
ating nabasa katulad ng
kahalagahan ng edukasyon at
kaalaman sa pagnenegosyo”

“Bakit sa tingin nyo mahalaga ito?”

“Upang hindi mapaglamangan ng


ibang tao”
“Tama! Upang hindi tayo maabuso
ng ibang tao.”

- Ang papel ng simbahan sa


pamumuno

“Pinamumunuan ng simbahan ang


bayan ng San Diego, na kung saan
ang pamahalaan ay sunud-sunuran
lamang dito. Nagsisilbi itong paalala
sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
malayang pamahalaan na hindi
kontrolado ng anumang relihiyoso o
sekta.”

“Sa inyong palagay nangayari pa ba


ito sa kasalukuyang panahon?”
“Hindi na po, sapagkat ngayon po
(Tatawagin ang nais sumagot) ay mayroon na tayong malayang
pamahalaan”

“Mahusay! Sa panahon ngayon ay


mayroon na tayong malayang
pamahalaan isang halimbawa na
dito ay noong panahon ng eleksyon,
may sinasabi ang simbahan na nais
nilang ihalala ngunit malaya pa rin
tayong pumili kung sino ang ating
nais.”

- Ang impluwensiya ng dayuhan

Ang mga dayuhang Tsino ay


napaglalamangan ang mga
mamamayan ng San Diego, na
nagpapakita ng impluwensiya ng
dayuhan sa buhay ng mga Pilipino.
Ito ay maaaring maging paalala na
maging mapanuri sa mga
impluwensiya ng ibang kultura at
pangalagaan ang sariling identidad.

-Paano naman umunlad ang Bayan


ng San Diego? “Dahil po sa pagsusumikap ni
Don Rafael Ibarra ay naging
dahilan ng pag-unlad ng San
(Tatawag ng sasagot) Diego mula sa pagiging nayon.
Ipinapakita nito na ang pagtulong
at pakikipagtulungan ng bawat
isa ay mahalaga upang maabot
ang tagumpay.”

“Tama! Dahil sa ipinakita ni Don


Rafael na kaugalian maraming tao
ang natuto sa kanya.”
- Ang inggit at galit

Ang tagumpay ni Don Rafael ay


nagdulot ng inggit at galit sa ilan sa
kanyang mga kaibigan.

“Ano sa tingin nyo ang naidudulot ng


galit o inggit?”
“Ito po ay isang negatibong
(Tatawag ng sasagot) emosyon na maaaring makasira
sa ugnayan ng mga tao at maging
hadlang sa pagkakaisa at
pagtulong sa isa’t isa.”
“Mahusay! Mahalagang matutunan
na kilalanin ang mga emosyon na ito
at harapin ang mga ito sa isang
positibong paraan upang hindi
makasira sa pagkakaibigan at
komunidad.”

3. ABSTRAKSYON
Panuto:Magbigay ng limang(5)
suliraning panlipunan na
binanggit sa kabanata.

Suliraning Panlipunan
1.
2.
3.
4.
5.

4. APLIKASYON
Panuto:Sumulat ng isang liham
na nagtataglay ng mga solusyon
sa suliraning nararanasan sa
kasalukuyan na umiiral sa
pamayanang iyong
kinabibilangan.
Pamantayan sa Pagmamarka

5. PAGLALAHAT

“Ayon sa mga suliranin na inyong


isinulat sino sa tingin nyo ang dapat
na unang magpanimula nito?”
“Kami po dapat ang magpanimula
(Tatawagin ang nais sumagot) katulad na lamang po sa
suliranin ng pag-aaral, dapat po
kami ang magsisikap na matapos
ito upang magkaroon kami ng
marami pang kaalaman”

“Paano mo isasabuhay ang mga


bagong kaalaman na iyong “Maisasabuhay ko po dahil ang
natutunan?” mga natutunan ko pong aral ay
aking ibabahagi pa sa iba”

“Maraming salamat sa inyong mga


kasagutan!”

“May nais pa ba kayong itanong o


bigyang linaw?”
Wala na po Ma’am!
IV. EBALWASYON
PANUTO: Punan ang talahanayan ng angkop na sanhi o
bunga.Piliin ang titik ng tamang sagot.

Pamimilian

A. Ang kani-kanilang ga kalakal ay hiahayaan nilang mabili nang


murang halaga ng mga Tsino.
B. Ang bayan ng San Diego ay halos nasa baybay ng lawa may
nakapaligid na bukid.
C. Lubos na binigyang pansin ni Don Saturtino ang pagsasaka.
SANHI BUNGA
1. Masagana ang aning
asukal,palay,kape at iba pa sa bayan
ng San Diego.
May Kamangmangan ang karamihan 2.
sa mamamayan ng San Diego.
3. Napamahal siya sa mga magbubukid
at manggagawa sa lupain.

Susi sa Pagwawasto

1. B 2. A 3. C

V. TAKDANG ARALIN

Ibahagi sa iyong mga kasama sa bahay ang iyong mga natutunan sa


araw na ito.

VI. REPLEKSYON

Aking napagtanto na _________________________________________________

___________________________________________________________________

- Mayroon pa ba kayong katanungan o nais bigyang linaw? - Wala na


po Ma’am!

- Kung wala na,paalam sa inyong lahat! - Paalam po


Ma’am!
Inihanda ni: Iniwasto:

KRISTENN MAY Q. AGOT NESTOR D. PANOTES JR.

Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Sinuri: Inaprubahan:

ASELA LOREEN V. DEMDAM DAISY A. ZAMORA

Dalubguro I Katuwang ng Punongguro II

You might also like