You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II

Konsepto:
Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na
magkatulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan. Ang komunidad ay binubuo ng pamilya o
tahanan, paaralan, pamilihan, simbahan, pook-libangan, ospital, at pamahalaan. Ang komunidad
ay maaaring matagpuan sa kapatagan, kabundukan, tabing-ilog/dagat, talampas, inndustriyal, at
lungsod.

I. Layunin:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Matutukoy ang mga batayang impormasyon sa sariling komunidad;
b. Mailalarawan ang sariling komunidad batay sa pangalan nito, lokasyon, mga
namumuno, populasyon, wika at kaugalian, at paniniwala; at
c. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng mga batayang impormasyon sa isang
komunidad.
II. Paksang-Aralin:
Paglalarawan ng Aking Komunidad
References: Araling Panlipunan 2
Depedtambayan.net
Materials: PowerPoint presentation, Manila paper, flashcards
III. Pamamaraan:

A. Paghahanda

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral


Panalangin:
“Bago tayo magsisimula sa ating leksiyon, tumayo (tatayo ang lahat upang manalangin,
ang lahat para sa panalangin.” at gagawin ang tahas)

Pagbati:
“Magandang Umaga mga bata” “Magandang umaga din po titser”
“Magandang umaga klassmates”

Pagtsek ng Attendance:
(Checking of attendance)
Tumingin sa kanan, at kaliwa upang matukoy kung (wala po titser)
sino ang lumiban sa klase.

Pamantayan sa klase:
Ano ang dapat gawin kapag nagsimula na ang klase? (maupo ng maayos at makinig sa
guro, itaas ang kanang kamay kung
nais sumagot)
Mainam mga bata!

1
B. Presentasyon ng Aralin

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral


Balik-aral:
Sino ang makapagsasabi kung ano ang tinalakay natin - tungkol sa larawan ng aking
sa nagdaang aralin? komunidad po titser.
Magbigay ng mga halimbawa kung saan maaaring - Sa tabing-ilog, kabundukan,
matagpuan ang isang komunidad. lungsod at marami pang iba.

Mahusay mga bata!


Pagganyak:
(ituturo ang ako’y isang komunidad na awit) (tatayo at gagawin ang aktibidad)
Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ng mga mag-
aaral ang isang malaking kendi. Ang mag-aaral na
may hawak ng kendi sa pagtigil ng tugtog ay siyang
pupunta sa harapan at ipapaliwanag niya kung tungkol
saan at kung ano ang pinapahiwatig ng larawan naka
paskil sa harapan.
Larawan sa harapan:

(sagot ng mag-aaral)

Komunidad
Mahusay!
Nasiyahan ba kayo sa aktibidad na ating ginawa? - Opo, titser.

Sa inyong palagay, ano kaya ang paksa na ating - tungkol sa paglalarawan ng


tatalakayin ngayong araw? komunidad.

Introduction:
Mga bata, ang tatalakayin natin sa araw na ito ay
tungkol sa paglalarawan ng komunidad batay sa
pangalan nito, lokasyon, mga namumuno, populasyon,
wika at kaugalian, at paniniwala.

Q: Alam ba ninyo ang mga batayang impormasyon (sagot ng mag-aaral)


ng isang komunidad?

2
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral
Kwento ng aking muting komunidad
Bago tayo magsisimula sa ating aralin ngayong araw,
mayroon akong kuwento na sasabihin sa inyo upang
lubos niyong maunawaan ang ating leksiyon.

Ngayon, sasagutin natin ang mga sumusunod na


tanong.
Q: Saan matatagpuan ang komunidad ni Ana? (sagot ng mag-aaral)
Q: Ano-ano ang mga grupong etniko sa kaniyang (sagot ng mag-aaral)
komunidad?
Q: Ano-ano ang mga wikang sinasalita sa kanilang (sagot ng mag-aaral)
komunidad?
Maaaring mailarawan ang iyong komunidad gamit
ang mga batayang impormasyon tulad ng:
Pangalan ng Komunidad
- tumutukoy sa ngalan ng iyong lugar.
Lokasyon
- na kung saan ito matatagpuan.

3
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral
Q: Alam niyo ba kung saan ito? (sagot ng mag-aaral)
Mahusay, Lilanie.
Q: Alam ba ninyo kung saan kayo nakatira? (sagot ng mag-aaral)
Populasyon
- ang bilang ng mga tao na naninirahan dito
halimbawa, ang bilang ng mga lalaki, babae,
bata o mga pamilya sa isang komunidad.

Q: Ilan ba ang bilang ng lalaki at babae sa inyung (sagot ng mag-aaral)


tahanan?
Q: Bakit mahalagang malaman ang populasyon ng (sagot ng mag-aaral)
isang komunidad?
Mahalagang malaman ang populasyon sa isang
komunidad upang malaman ang pagkontrol sa
pagdami ng tao at tamang pagtugon sa suliraning
angkop dito. Tuwing eleksiyon binibilang ang
populasyon sa isang lugar upang malaman kung ilang
mamamayan ba ang maaaring makaboto. At kapag
may mga sakuna na darating siguradong mabibigyan
ang lahat ng tulong.
Wika
- dayalekto na sinasalita sa isang komunidad,
maaaring Tagalog, Kapampangan, Ilokano at
iba pa.

Q: Sa inyong komunidad, ano ba ang dayalekto na (sagot ng mag-aaral)


inyong ginagamit?
Q: Bakit mahalangan matutunan ang wika o dayalekto (sagot ng mag-aaral)
na ginagamit ng isang tao?
Namumuno
- ang kinatawan ng komunidad, halimbawa nito
ay ang Alkalde, Konsehal, at Kapitan.

4
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral

Q: Kilala niyo ba kung sino ito? (sagot ng mag-aaral)


Bawat namumuno ay may iba;t-ibang ginagampanan
tulad na lamang ng mga alkalde sila yung mga
nangunguna sa pagpapatupad ng mga proyekto na
kung saan napapakinabangan ng mga mamamayan.
Q: Ano ba ang ginagampanan ng nga treasurer? (sagot ng mag-aaral)
Q: Sino ba ang namumuno sa inyong komunidad? (sagot ng mag-aaral)
Magaling!
Q: Bakit mahalagang may mamuno sa isang (sagot ng mag-aaral)
komunidad?
Grupong Etniko
- pangkat ng mga tao na may sariling
pagkakakilanlan tulad ng mga Maranao,
T’boli, Badjao.

Q: Alanm nito ba kung anong pangkat etniko kayo (sagot ng mag-aaral)


nabibilang?
Q: Magbigay ng halimbawa na alam niyong grupong (sagot ng mag-aaral)
etniko?
Magaling!
Relihiyon
- Paniniwala ng mga tao sa kanilang Diyos
maaaring mga Katoliko at Muslim ay
mahalagang batayang impormasyon din sa
isang komunidad.

Q: Magbigay ng rehiyon na alam ninyo? Ano ba ang (sagot ng mag-aaral)


rehiyon na inyung kinabibilangan?
Mahusay mga bata!
Mahalagang malaman at tandan ang mga nabanggit na
batayang impormasyon upang malaman ang mga
importanteng detalye na mas makapagbibigay ng

5
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral
pagkakakilanlan ng isang komunidad.

IV. Pagsusuri

Panuto: Tukuyin ang mga batayang impormasyon. Isulat sa isang kalahating papel.

1. Ang Tagalog, Cebuano, Ilonggo ay mga halimbawa ng?


A. Lokasyon
B. Wika
C. Relihiyon

2. Ang 350 lalake, 418 babae ay mga halimbawa ng?


A. Pangalan ng komunidad
B. Populasyon
C. Wika

3. Ang Lungsod ng Aleosan, Bayan ng Aleosan, Lungsod ng Midsayap ay mga


halimbawa ng?
A. Populasyon
B. Pangalan ng komunidad
C. Grupong Etniko

4. Ang Kristiyano, Muslim ay mga halimbawa ng?


A. Namumuno
B. Lokasyon
C. Relihiyon

5. Ang Gobernador, Alkalde, Kapitan ay mga halimbawa ng?


A. Wika
B. Pangalan ng komunidad
C. Namumuno

Sagot:
1. B
2. B
3. B

6
4. C
5. C

V. Pangkatang gawain
(pangkatin ang mag-aaral sa lima, bawat grupo ay bibigyan ng envelope na may lamang
mga letra at bibigyan ng 3 minuto upang mabuo ang letrang hinihingi)
A. Complete Me!
Panuto: Ayusin ang mga jumbled letters upang makabuo ng mga salita na tumutukoy sa
mga batayang impormasyon sa komunidad.

1.
wkia - __________

2.
rilehyion
- __________

3. pupoalyson
- __________

4. naummnuo
- __________

5. loskaoyn
- __________

Sagot:
1. Wika
2. Relihiyon
3. Populasyon
4. Namumuno
5. Lokasyon

B.Correct me, if I’m wrong!

Panuto: Kumembot sa kanan at kaliwa kapag ang pangungusap ay TAMA at gumiwang


naman ng paikot-ikot kung MALI.

1. Aleosan, Midsayap, at Davao ay mga halimbawa ng wika sa isang komunidad.

2. Ang populasyon ng isang komunidad ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga tao o


pamilya na naninirahan dito.

7
3. Ang punong Barangay, Alkalde, at Gobernador ay mga grupong etniko sa isang
komunidad.

4. Ang kabundukan ay isa sa mga batayang impormasyon na tumutukoy sa isang


komunidad.

5. Mahalaga ang mga batayang impormasyon sa komunidad upang maitala ang mga
importanteng detalye sa isang komunidad.

SAGOT:

1. MALI

2. TAMA

3. MALI

4. MALI

5. TAMA

VI. Takdang-Aralin
Panuto: Magpatulong kina nanay at tatay sa pagtala ng mga batayang impormasyon
tungkol sa inyong komunidad. Isulat ang sagot sa mga kahon sa inyong kwaderno.

Pangalan ng inyong komunidad:

Mga Lokasyon:

Batayang
Grupong Etniko:
Impormasyon
Tungkol sa Wika:

komunidad
Populasyon:

Namumuno:

Prepared by:

Honey Ghemmalyn V. Abalos

You might also like