You are on page 1of 7

Department of Education

MIMAROPA Region
Schools Divisions of Palawan
Bataraza District I
TARUSAN ELEMENTARY SCHOOL
Tarusan, Bataraza, Palawan

Banghay-Aralin sa AP II

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang pag-unawa sa kwento ng pinagmulan ng
sariling komunidad batay sa konsepto ng pagbabago
at pagpapatuloy at pagpaaphalaga sa kulturang nabuo ng
komunidad.
B. Pamantayan sa Pagganap: Nauunawaan ang pinagmulan at kasaysayan ng komunidad.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto: Naiuugnay ang mga simbolo o sagisag (hal. Natatanging
istruktura) na matatagpuan sa komunidad sa
kasaysayan nito.
AP2KNN-IIa-1
II. NILALAMAN: Mga simbolo o sagisag na matatagpuan sa komunidad
A. Sanggunian:
1. Gabay sa MELC pahina p.30
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral pahina p.
B. Kagamitan: Larawan, tarpapel, speaker at laptop at mapa

III. PAMAMARAAN:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Balik-aral/ o pagsisimula ng bagong aralin

Magsisimula ang aralin sa pagbati at pagkanta


Ipaawit: Ang aking komunidad
Liriko ni: Marvin F. Cayao
(Tono ng wheels on the bus)

Ako`y nakatira sa Tarusan 3X


Ako`y nakatira sa Tarusan
Ito`y aking komunidad

Iba`t-ibang tao makikita 3X


Iba`t-ibang tao makikita
Sa aming lugar

May Palaw`an, May Molbog, (Aawit ang mga bata)


May Mapun at Tausog
Marami ring kristiyano sa aming lugar.

May malaking simbahan ng


Kristiyano at Islam
May tabuan, may paaralan
Sa aming pamayanan.

May plaza, may punong tanggapan


May pagamutan at Kabahayan 2X
Sa aming lugar
Ako`y nakatira sa Tarusan 3x
Ako`y nakatira sa Tarusan
Ito`y aking pamayanan
(Ulitin ng 2 beses)

Mahusay!

Ano-ano naman ang mga grupo ng tao na nakatira Ang mga gusaling nabanggit sa kanta ay ang
sa Tarusan? mga simbahan, pagamutan, kabahayan, plaza,
tabuan, at paaralan

Magaling!

Natutuwa ako sapagkat kayo ay may kaunti na Ang iba-t-ibang grupo ng tao na nabanggit sa
kayong kaalaman patungkol sa ating komunidad. kwento ay ang Palaw`an, Molbog, Mapun,
Tausog, at Kristiyano.
Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin,
balikan muna natin ang ating pinag-aralan
kahapon. Opo, sir!
Naalala nyo pa ba ang ating pinag-aralan
kahapon?

Mahusay!
Opo! Ang ating pinag-aralan kahapon ay
Ang ating pinag-aralan kahapon ay patungkol sa
patungkol sa mga hanapbuhay sa ating
mga hanapbuhay ng tao sa ating komunidad.
komunidad.
Mayroon akong mga larawan dito. Maari nyo
bang tukuyin kung anong klaseng hanapbuhay
ang ipapakita ko sa inyo base sa mga itatanong
ko.

(Magtatanong at ipapakita ng guro ang mga


hanapbuhay ng tao sa komunidad at tutukuyin ito
ng mga mag-aaral.)

Pagsasaka
Pangingisda
Tindera
Tama ang lahat ng mga inyong mga sagot. Ang Pagtuturo
pagsasaka, pangingisda, pagtitinda, pagtuturo, Pagkakarpintero
pagkakarpintero, at pananahi ay ilan lamang sa Pananahi
mga hanapbuhay na matatagpuan sa ating
komunidad.
Sa palagay ninyo, mahalaga ba ang mga
hanapbuhay na nabanggit? Bakit?

Opo, mahalaga po ang mga hanapbuhay nila.


Sapagkat sa pamamagitan ng mga
manggagawa ay napapagaan ang mga
Gawain.
Tama lahat ng inyong sagot. Ang mga Katulad ng guro, tinuturuan nila kaming
hanapbuhay na ito ay malaking tulong sa ating magbasa at magsulat.
komunidad upang mas mapabilis ang serbisyo at Sa pagsasaka naman kami binubuhay
maibigay ang pangangailangan ng mga tao. ng aming magulang.

Kaya bilang mga bata, mahalagang alam ninyo


ang ang kahalagan ng mga hanapbuhay ng inyong
magulang at pasalamatan nyo sila sa kanilang
pagsasakrispisyo.

Mayroon pa ba kayong katanungan patungkol sa


ating pinag-aralan kahapon?

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin Wala na po!


Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin, nais
kung ipaalam sa inyo ang ating layunin sa
pagkatuto ngayong araw, Ngayong araw kayo ay
“Inaasahang naiuugnay ang mga sagisag (hal.
Natatanging istruktura) na matatagpuan sa komunidad
sa kasaysayan nito.

(Bag tumungo sa aralin ay babanggitin ng guro


ang mga panuntunan sa silid kapag may klase.)

Atin ng simulan ang ating aralin sa umagang ito.


Handa na ba kayo?

Ngayong araw ating pag-aaralan ay patungkol sa


Mga Sagisag na matatagpuan sa komunidad. Opo, handa na po kami!
(Ipabasa sa mga bata)

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Mga Sagisag na matatagpuan sa komunidad.


paglalahad ng bagong kasanayan #1
Magbabasa ang guro ng kwento.

Oras na ng kwentuhan (Ipapakanta sa mga bata)

Ang pamagat ng aking kwentung babasahin ay


“Ang batang si Mila

Kumusta! Ako si Mila, ang bago mong magiging


kaibigan. Bagong lipat kami sa Barangay Tarusan.

Hello! Ako naman si Christene, isa akong mag-


aaral ng Tarusan Elementary School na
kasalukuyang nasa ikalawang baitang.

Hi, Mila! Ako naman si Johan, kaklase ako ni


Christene. Sa Tarusan din ako nakatira.

Wow! Ako rin ay kasalukuyang nasa ikalawang


baitang. Sa Tarusan na rin ako magpapatuloy ng
aking pag-aaral. Natutuwa ako sapagkat meron na
akong kaibigan sa ating komunidad.

“Oo, kami ngayon ay mga kaibigan mo na. Iiikot


ka naming ni Johan sa ating komunidad para hindi
ka nga maligaw” wika ni Christine.

“San ka nga pala nakatira rito sa ating


komunidad? “ Tanong ni Johan.

“Nakatira ako sa may bandang simbahan ng


katoliko.” Sagot naman ni Mila.

“Medyo malapit lang pala ang bahay mo sa bahay


naming, Mila.” Dagdag pa ni Christine.

Alam mo ba Mila kung saan hango ang salitang


Tarusan?
Hindi nga eh! Sige ibabahagi ko sa iyo ang turo sa
amin ng aming guro na si Sir Marvin patungkol sa
pinagmulan ng Tarusan. Sabi nya, ayon daw sa
matatanda at base sa kanyang pananaliksik, ang
Tarusan daw ay hango sa Salitang “Taru” na ang
ibig sabihan ay bahay-pukyutan o beehive sa
Ingles. Kasi noong unang panahon ay maraming
pukyutan dito sa ating komunidad. Marahil dahil
nga roon ay kinuha ang ngalan ng ating
komunidad kaya tinawag itong Barangay
Tarusan.
Wow! Natutuwa naman ako dahil alam ninyo ang
pinagmulan ng ating komuidad. Ngayon ay alam
ko na kung bakit Tarusan ang ngalan dahil
maraming bahay-pukyutan dito noon.
Oh siya, sumabay kana sa amin ni Johan papasok
sa ekswela at doon ay marami ka pang
matututuhan.
Simula noon naging matalik na magkaibigan sina
Mila, Christene at Johan.

-WAKAS-
(magdadagdag ng ad lib ang guro)

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at


paglalahad ng bagong karanasan #2

Darako na tayo sa susunod nating gawain, ngayon


ay tutulungan ninyo si Mila na ilibot sa kabuuhan
ng Barangay Tarusan. Upang mas higit na
malaman ni Mila ang kabuuhan ng Tarusang
kailangang malaman din niya ang mga gusali na
matatagpuan dito. Katulad ng mga gusaling
nabanggit kanina sa kanta, dapat malaman din ni
Mila kung saan makikita ang simbahan ng
muslim at katoliko, pagamutan o health center,
mga kabahayan, plaza, tabuan, at syempre ang
paaralan.

Bawat komunidad ay may makikitang simbolo na


may kanya-kanyang kahulugan. Ang mga
simbolong ito ay kumakatawan sa mga bagay,
makasaysayang lugar, mahahalagang istruktura na
matatagpuan sa isang komunidad. Mahalagang
alam ninyo ang mga simbolong ito upang maging
kayo ay hindi maligaw.
Narito ang mga simbolo na matatagpuan sa ating
komunidad.
(Ipapakita ng guro ang simbolo ng mga lugar at Opo!
gusali na matatagpuan sa kanilang komundad.

Alam na ba ninyo ang mga simbolong aking


pinakita?
Natutuwa ako kung gayon.

E. Paglinang sa kabisahan (Tungo sa


Formative Assessment)

Ito ang Mapa ng Barangay Tarusan mula sa Sitio


Budis-Budis patungong Paaralan ng Tarusan
Elementary School. Tulungan ninyong
makarating si Daina sa kanyang Paralan mula sa
Sitio Budis-budis.

Sa bawat gusali na madaraan ni Daina ay


mayroong katanungan siyang sasagutin syempre
katulong kayo niya sa pagsasagot nito.
Inyo nang simulan ang paglalakbay ni Daina
patungong paaralan.

Simbahan ng Katoliko (Sasagot ang mga bata.)


Sino ang Punong Barangay ng Tarusan?
Tabuan
Sino ang punong guro ng Tarusan ES?
Barangay hall
Saan hango ang salitang Tarusan?
Gusali ng Indigenous People
Ano ang kahulugan ng Taru?
Simbahan ng Muslim
Magbigay ng grupo ng mga tao na nakatira sa
Tarusan?
Plaza
Bakit mahalaga na alam ang simbolo sa
komunidad?
Paaralan

Ngayon nakarating na si Daina sa kanilang


paaralan. Maraming salamat kasi tinulungan
ninyo siya.

F. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na


buhay. (Sasagutin ng mga bata ang pangkatang
(Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong gawain)
pangkat)

Unang Pangkat
Gamit ang mga simbolo, gumawa ng mapa mula
sa tabuan patungo sa paaralan ng Tarusan

Ikalawang Pangkat
Tukuyin kung anong simbolo ang sinasaad ng
mga larawan.

Ikatlong Pangkat
Iguhit ang ilan pang simbolo na matatagpuan sa
komunidad tulad ng bundok, ilog, talon, (Sasagot ang mga bata)
kapatagan at iba pa.

(Ipapakita ng bawat pangkat ang kanilang awtput)

H. Paglalahat ng Aralin
Magtatanong ang guro.
Mahalaga bang malaman natin ang bawat
simbolo? Bakit?

Tama ang inyong mga sagot. Nahalagang alam


ninyo ang mga simbolo sa bawat komunidad
sapagkat natutukoy natin ang mga gusali,
mahahalagang istruktura na may kaugnayan sa
pinagmulan ng ating lugar.

I. Pagtataya ng Aralin
PANUTO.Hanapin sa Hanay B ang sagisag na
tinutukoy sa Hanay A. Pag-ugnayin sa
pamamagitan ng linya..
J.

Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin


at Remediation
PANUTO: Gumupit ng 5 larawan sa magazine,
dyaryo o lumang aklat na nagpapakita ng mga
simbolo sa komunidad. Idikit ito sa bond paper at
isulat ang ngalan ng simbolo.

Inihanda ni:

MARVIN F. CAYAO
Guro sa Ikalawang baitang

Observed by:

ANALYN L. CAYAT
Principal I

WENNIE S. BACOSA
Master Teacher I

You might also like