You are on page 1of 13

Andres Soriano Memorial

Paaralan: Baitang/antas: III


Elementary School (111136)
ERIKA ANN MARIE L. Araling
Guro: Asignatura:
LAGO Panlipunan
DAILY LESSON Ikatlong
PLAN Petsa at oras: March 15, 2023 Markahan:
markahan
MASUSING BANGHAY ARALIN
I. Layunin
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag- unawa at pagpapahalaga sa pagkakakilanlang
Pangnilalaman kultural ng kinabibilangang rehiyon.
(Content Standards) (AP3PKR-IIIa-1
B.Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng may pagmamalaki at pagkilala sa nabubuong
Pagganap kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
(Performance
Standards)
C.MgaKasanayan sa Nailalarawan ang kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon. Pagkatapos ng 40
minuto ang mga mag aaral ay inaasahang:
Pagkatuto (Learning
a. Naipapaliwanag kung ano ang ibigsabihin ng kultura at mga kaugnay na
Competencies)
konsepto.
b. Nailalarawan ang kultura ng sariling lalawigan batay sa ilang aspeto ng
pagkakakilanlang kultura at;
c. Napapahalagahan ang mga katutubong kultura ng bayan.

II.NILALAMAN
III. KAGAMITANG
PANTURO

A.SANGGUNIAN Most Essential Learning Competency (MELC) pahina 35


1.Mga pahina sa
Gabay ng Guro
(Teacher’s Guide K to 12 Gabay pang Kurikulum, bersiyon ng Mayo 2016
Pages)
2.Mga Pahina sa Kagamitan ng mag-aaral, Ikatlong Markahan, pahina 286- 300
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
(Learner’s Materials
Pages)
3.Mga pahina sa
Teksbuk (Textbook Araling Panlipunan Teksbuk
Pages)
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource (Additional
Materials from
Learning Resources
(LR) Portal)
B.Iba pang
Kagamitang Panturo Television, Powerpoint Presentation, Flashcards, Pictures
(Other Learning
Resources)
IV.PAMAMARAAN
(Procedures)

A.Panimulang Bago tayo magsimula, magsitayo muna ang


Gawain lahat para sa isang panalangin.
(Preparatory
Activities)
Leyla, maari bang pangunahan mo ang
1.Panalangin ating panalangin?
(Prayer)

Opo Titser!

(Ang mga bata ay tatayo at mananalangin)

Panalangin:

Panginoon salamat po sa patuloy na pag-


iingat niyo po sa amin. Gabayan niyo po
kami sa aming talakayan ngayong araw.
Patawad po sa aming mga kasalanan. Ito
ang aming samo’t dalangin, sa pangalan ni
Hesus amen.
Magandang Umaga mga bata!
Magandang Umaga po mga guro!
Magandang Umaga po mga kaklase!
Magandang Umaga po!
Mga bata, bago kayo maupo, tingnan ninyo
muna kung may mga kalat kayong nakikita
sa ilalim ng inyong mga upuan.

Kung wala na ay maaari na kayong umupo.

Kumusta mga bata? (Mauupo ang mga bata)


Sino ang masaya ngayong araw?
Handa na ba kayong makinig?
(Sasagot ang mga bata)
Mayroon bang liban sa ating klase ngayong
araw?
(Sasagot ang mga bata)
Sa unang linya?
Ikalawang linya?
Ikatlong linya?

Bago tayo magpatuloy, ay basahin muna


natin ang mga alituntunin habang
nagtuturo ang guro.
(Babasahin ng mga bata ang mga
alituntunin)

1. Umupo ng tuwid at huwag palipat lipat


ng upuan.
2. Huwag maingay.
3. Itaas ng tahimik ang kamay kung
gustong sumagot.
Mga bata, mayroon akong hawak na mga 4. Huwag guluhin ang katabi.
2.DRILL plaskards. Kapag itinaas ko ang bawat 5. Makiisa sa mga gawain.
plaskard babasahin ninyo ito ng malakas.
Naintindihan ba mga bata?
Simulan natin.
Opo.

Plantsa
Palamuti
Banga
Kagamitan
Damit
Unang hanay mona, basahin ninyo ng Katutubo
malakas. Pagpapahalaga
Kultura

Magaling, Ikalawang hanay! (Babasahin ng mga batang nasa unang


hanay ang mga salita sa Plaskard.
Mahusay, Ikatlong hanay! Susundan ng ikalawa at ikatlong hanay.)
Magaling mga bata!

Ngayon naman, mayroon akong inihandang


gawain dito sa pisara. Tingnan natin kung
3.Balik-aral sa inyo pang naaalala ang ating nakaraang
nakaraang aralin / aralin.
Pagsisimula ng
aralin (Review Mark, pakibasa ang panuto.
Previous Lessons)

(Babasahin ni Mark ang Panuto)

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na


bilang kung ito ba ay nagpapakita ng
pagpapahalaga. Isulat sa patlang ang letrang
M kung ito ay mahalaga at HM naman
kung ito ay hindi mahalaga.

____1.) Pagsisinungaling sa magulang.


____2.) Pagmamano sa mga nakakatanda
____3.) Paggamit ng Po at Opo sa kausap
Sino sa inyo ang gustong sumagot sa bata man o matanda.
pisara? ____4.) Pagtulong sa nangangailangan.
____5.) Pagdadabog kung inuutusan.

Magaling!

Ako ay natutuwa sapagkat inyo pang (Itataas ang kamay ng mga batang gustong
naaalala ang ating nakaraang aralin. sumagot)

B. Paghahabi sa Mga bata alam niyo ba ang awiting “Ako


layunin ng aralin ay Pilipino”?
(Establishing
purpose for the
Mabuti naman kung ganon. Ngayon, sabay-
Lesson)
sabay nating awitin ang “Ako ay Pilipino”
mula sa palabas na nasa TV Screen.
(Ipapalabas ng guro ang kanta) Opo Titser!

Mula sa kantang ating inawit, ano ang nais


(Aawit ang mga bata)
sabihin nito?

Bilang isang Pilipino ano ang dapat nating Ang pagiging isang Pilipino.
gawin sa ating bansa?
Maging mapagmahal.
Tama! Maging mapagmahal lalo na ating
mga katutubong tribu.

Bakit kailangan nating mahalin ang ating


mga katutubong tribu? Dahil sila ay mga tunay na Pilipino din.

C. Pag-uugnay ng Magpapakita ng sumusnunod na larawan.


mga halimbawa sa
bagong aralin
(Presenting
Examples/instances
of the new lesson)

Anong nakikita ninyo sa larawan?


Bayanihan, Pagmamano, Mga kagamitan
ng mga sinaunang tao, bahag at panghuhuli
ng isda.
Tama!
Ngayon mga bata, sino ba sa inyo ang
nagmamano sa magulang pag uwe sa bahay
galing sa school.

Sino naman sa inyo ang magulang ay isang (Tataas ng kamay ang mga bata)
mangingisda? Magaling!
(Tataas ng kamay ang mga bata)
Ano kaya ang pinapahiwatig ng mga nasa
larawan?
Tungkol po sa mga kaugalian o kultura
nating mga Pilipino.
Magaling ang mga larawan ay nagpapakita
ng ating kultura.

D. Pagtatalakay ng Ngayon naman mga bata, ay alamin natin


bagong konsepto ang kosepto ng kultura Handa na ba kayong
(Discussing new makinig?
Concepts and
Practicing New Skill Alam nyo ba na lahat ng bagay na
#1) nakapaligid sa atin ay bahagi ng ating
kultura.

Bilang isang Pilipino, kailangan na


malaman natin at ipagmalaki ang iba’t
ibang kultura na mayroon ang ating bansa.

Ano kaya ang ibig sabihin ng kultura, base


sa mga larawan. Magbigay ng inyong (depende sa sagot ng mga bata)
opinyon ukol dito.

Okay, Pakibasa nyo nga ang ibigsabihin ng Kultura- ito at uri at paraan ng pamumuhay
kultura. ng mga tao sa isang lugar na nagpapakita
ng kanilang paniniwala, kagamitan,
moralidad, tradisyon, batas, sining,
relihiyon, kaugalian at pamahalaan.

Salamat. Ang kultura ng isang bansa ay


binubuo ng dalawang bahagi. Pakibasa mo
nga ang unang bahagi Blas.
Material na kultura- ang mga bagay na
Magaling! nakikita, nahahawakan o narininig,
nararamdaman.

Ang materyal na kultura ay nakikita,


nahahawakan o narininig, nararamdaman
gamit ang limang pandama.
Ibigay nyo nga ang lima ninyong mga
pandama. Mata, Balat, Tainga, Dila at Ilong.

Salamat, narito ang halimbawa ng mga


materyal na kultura. Basahin ninyo ng
malakas.
Kasangkapan
Kasuotan
Pagkain
Tirahan

Narito naman ang ikalawang bahagi ng


kultura, ito ay ang di- materyal na kultura.
Pakibasa nyo nga ng malakas Di- materyal na kultura- kabilang dito ang
kaugalian, pamahiin kilos at gawi.

Salamat basahin naman ninyo ang mga


halimbawa ng di- materyal na kultura. Edukasyon
Kaugalian
Pamahalaan
Paniniwala
Relihiyon o Paniniwala
Ang mga di- materyal na kultura ang naman Sining o Agham
ay isang bahagi ng ating buhay na araw- Wika
araw nating naipapamalas sa ating buhay.
Tulad ng mga kaugalian at tradisyon lalong
lalo ang edukasyon.
E. Pagtatalakay ng Magpapakita ng mga larawan.
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
(Discussing new
Concepts and
Practicing New Skill
#2)

Noong bago dumating ang mga banyagang


mananakop, mayroon ng kasangkapan ang
ating mga ninuno. Katulad ng pana, sibat na
kalimitang gawa sa mga batong pinakinis at
hinulma. Mga kagamitan sa pagluluto,
pagtatanim at marami pang iba.

Saan kaya ginagamit ng ating mga ninuno


ang pana at sibat?
Sa pangangaso po!

Magaling ito ay ginagamit sa pangangaso.


Ano naman kaya ang nakukuha sa ng ating
mga ninuo sa pangangaso.
Mga hayop po, tulad ng baboy damo, usa,
manok at mga isda.

Anong bahagi kaya ng kultura ang mga


pana, sibat at mga iba pang kagamitan?

Magaling! Ito bahagi ng materyal na Ito po ay materyal na kultura.


kultura.
Ano naman ang ipinapakita ng ikalawang
larawan?
Bahay Kubo po!
Tama, ito ay isang bahay kubo.
Mayroon pa ba kayong nakikita na bahay
kubo sa ngayon?
Mayroon po.
Okay, kung mayroon man ito ay makikita
natin sa ating mga katutubong tribu na
naninirahan sa mga kabundukan.

Sa aling kultura naman nabibilang ang


bahay kubo? Sa materyal na kultura po!

Mahusay ito ay kabilang sa materyal na


kultura.

Ang kasuotan kaya mga bata, ito ba ay


materyal o di- materyal na kultura? Materyal po!

Magaling. Nakakakita padin ba kayo ng


mga nagsusuot ng ganyang kasuotan sa
panahon ngayon? Mayroon pa po!

Okay, ito ay kalimitang suot ng mga


tribung katutubo dito sa ating bayan ng
Roxas.
Mga gulay po!

Ano naman ang pinapakita ng larawang ito?

Magaling ito ay mga gulay. Mahilig ang Para po maging malakas sila at makaiwas
ating mga ninuno sa pagkain ng mga sa sakit.
masusustansyang pagkain tulad ng gulay at
mga prutas. Bakit kaya?

Mahusay mga bata, para makaiwas sila sa


sakit, at magkaroon ng malusog na
pangangatawan. Mga halamang gamot po.

At kapag sila naman ay nagkakasakit ano


kaya ang mga ginagamit nilang mga
gamot?

Tama, mga halamang gamot, alam ba ninyo


na ginagamit din nila ang dugos para sa
kanilang mga ubo, sipon at iba pang
karamdaman.

Ang mga pagkain, halamang gamot at karne


ay hindi na bago sa ating mga ninuno dahil
noon paman bago tayo sinakop ng mga
Espanyol ay kanila na itong naging parte ng
kultura.

Batang nagmamano po!

Opo!

Ano ang pinapakita ng nasa larawan?

Tama, lahat ba kayo nagmamano din sa Opo!


magulang pagdating ng bahay galing sa
school?
Mabuti naman kung ganun, gumagamit din Hindi po.
ba kayo ng po at opo sa pakikipag usap sa
matatanda o mga kapatid? Di- Materyal po!

Ang pagmamano ba at paggamit ng po at


opo ay materyal na kultura?

Tama, ano kayang bahagi ito ng kultura?

Magaling ito ay di- materyal na kultura


dahil ito ay hindi natin nahahawakan o
natitikman tulad ng mga halimbawa sa
itaas.

Bayanihan po!

Ano naman ang pinapakita ng nasa


Opo!
larawang ito?

Tama, ito ay bayanihan. Parte ito ng ating


kultura na nagpapakita ng pagtutungan sa
isang komunidad.

Ito ba ay di-materyal na kultura?

Tama. Ito ay di- materyal na kultura kasi di


natin ito nahahawakan.

Sumasayaw po

Dahil po tayo ay nasa modernong panahon


na po.
Ano naman kaya ang ipinapakita ng
larawang ito?

Tama, ang pagsasayaw ay isa ring bahagi


ng ating kultura.
Malimit nalang tayong makakita ng mga
katutubong sayaw sa panahon natin ngayon.
Bakit kaya?

Magaling, mga bata! Dahil atin ng


tinatangkilik ang mga makabagong sayaw,
maging ang mga makabagong kasuotan,
kagamitan, musika.

Maging sa edukasyon at mga kaugalian ay


nabago na ng modernisayon ang sistema.
Marami pa tayong kaugalian na hindi natin
makakailang halos lahat at nawawala na.
Maging ang ating sariling wika at mga
paniniwala.

Tandaan mga bata Barangay ang uri ng


pamahalaan noong unang panahon, kung
saan datu ay ang namumuno sa kanilang
komunidad.

F. Paglilinang sa Ngayon, ay magkakaroon naman tayo ng


kabihasnan (tungo sa isang pangkatang gawain. Hahatiin ko
formative kayo sa tatlong grupo.
assessment)
(Developing Bago ninyo gawin ito, ay ating balikan ang
Mastery/ leads to mga pamantayan na dapat isaalang-alang sa
formative paggawa ng gawain? Magbigay ng isa
assessment) Glaizy? Wag pong maingay o magulo
Tumpak! Ano pa? Blas? Makipagbahagi po.
Tama!Ano pa Princess?

Tama!
Ang lahat ng inyong sinabi ay aasahan kung
magagawa ninyo.

Pumunta dito sa harapan ang lider ng bawat


grupo para malaman ang kanilang gagawin.
(Gagawin ng mga bata ang kanilang
gawain)

UNANG PANGKAT
Panuto: Magtala ng limang mga materyal
na Kultura na mula sa ating mga ninuno.

1.
2.
3.
4.
5.

IKALAWANG PANGKAT

Panuto: Magtala ng limang di- materyal na


Kultura na mula sa ating mga ninuno.

1)
2)
3)
4)
5)

IKATLONG PANGKAT

Panuto: Ipaliwanag ang bawat tanong.


Ngunit bago iyan, narito ang ating 1. Ano ang kultura?
pamantayan na dapat nating sundin sa 2. Bakit kaya mahalaga ang kultura?
pagbibigay ng puntos sa inyong gawain.

Rubrik sa Pangkatang Gawain


RUBRIKS Pangkat
1 2 3
Presentasyon (5)
Kooperasyon (5)
Kawastuhan (5)
Kabuuan (15)
Mga bata, bibigyan ko lamang kayo ng
limang minuto sa pagawa ng gawain.
Pumalakpak lamang ang pangkat na
naunang natapos. At pagkatapos ng lahat ng
pangkat ay inyo itong irerepresenta sa
harapan ng klase.

Maaari na kayong magsimula.

Magrerepresenta ang bawat grupo.

G. Paglalapat sa Ngayon mga bata, mayroon akong


kabihasan (tungo sa inihandang gawain. Subukan natin itong
formative sagutan.
assessment)
(Finding Practical 1. Ikaw ay isang mag-aaral ng T-boli.
Applications of Palagi kang tinutukso ng iyong mga
Concept and skills in kamag-aral. Wala raw sa uso ang
daily living) iyong suot na damit. Para sa iyo,
kaaya aya at maganda ang suot mo.
Nagpapahiwatig ito ng kagitingan
ng inyong pangkat etniko. Paano mo
haharapin ang iyong mga kamag- (Sasagot ang mga bata)
aral?
2. Nagkaroon ng malaking sunog sa
lugar ninyo. Unang iniligtas ng mga
kasambahay ang mga kagamitan
padala ng kuya mo galing sa abroad.
Hindi mo nagawa pang iligtas ang
mga kagamitang pinaman pa ng
iyong mga ninuno.
(Sasagot ang mga bata)
Tungkol saan nga ang ating pinag- aralan
H. Paglalahat ng ngayong hapon?
aralin(Making Tungkol po sa Kultura!
Generalization and
abstractions about Tama, Kultura. Ano nga ulit ang kultura?
the lesson) Ito po ay tumutukoy sa kaugalian at
pamumuhay ng isang grupo ng mga tao.
Ano nga ulit ang dalawang uri ng kultura?
Materyal at Di- materyal po!

Mahusay!
IV. Pagtataya ng Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa
aralin inyong sagutang papel. Unawaing mabuti
(Evaluating ang mga katanungan.
Learning)
1. Ang paraan ng pamumuhay ng mga
tao ay tinatawag na

a) Kultura
b) Tradisyon
c) Kaugalian

2. Ang tirahan, kasuotan, pagkain at


kagamitan ay mga halimbawa ng
kulturang?
a) Di- materyal
b) Materyal
c) Katutubo

3. Ang pang itaas na bahagi ng


kasuotang panlalaki ay tinatawag
na?
a) Kangan
b) Patadyong
c) Ukay- Ukay

4. Ito ay halimbawa ng kulturang di-


materyal?
a) Kasuotan
b) Edukasyon
c) Pana

5. Bakit mahalaga ang kultura?


a) Dahil ito ay parte ng ate buhay.
b) Dahil ito ay sumisimbolo ng
pagmamahal sa ating mga ninuno
c) Lahat ng nabanggit

V. Karagdagang
gawain para sa Gumuhit ng isang halimbawa ng
takdang aralin katutubong kasuotan at isang halimbawasa
(Additional Activity katutubong kasangkapan.
for Application
Remediation)

Inihanda ni;

ERIKA ANN MARIE L. LAGO


Student Teacher

CHERYL P. LAVEGA
Cooperating Teacher

You might also like