You are on page 1of 23

Annex 1C DepEd Order No. 42, s.

2016

Paaralan Bicol State College of Baitang/Antas Unang Baitang


of Applied Sciences
and Technology
Guro Reorizo, Mary Asignatura Araling Panlipunan
Kathleen P.
San Juan, Camila G.
Sibulo, Ivy N.
Petsa/Oras Abril 11, 2023/ 2:30- Markahan Una
3:00 p.m.

I. LAYUNIN
(OBJECTIVES)
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng
Pangnilalaman pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy
(Content Standards) at pagbabago.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng
Pagganap kwento tungkol sa sariling katangian at pagkakakilanlan bilang
(Performance Pilipino sa malikhaing pamamaraan.
Standards)
C. Mga Kasanayan sa Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan,
Pagkatuto (Learning magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang
Competency) pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino.
D. Mga Tiyak na Pagkatapos ng 30 minutong talakayan, 80% ng mga mag aaral ay
Layunin sa Pagkatuto inaasahang:
(Specific Learning
Objectives) 1. Nakapaglalahad ng batayang impormasyon tungkol sa
sarili:pangalan, magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba
pang pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino;

2. Nakababahagi ng sariling opinyon hinggil sa kahalagahan ng


konsepto ng pagkilala sa sarili ayon sa mga batayang
impormasyong nabanggit; at

3. Nakagagawa ng malikhaing paglalarawan tungkol sa sarili gamit


ang mga batayang impormasyong natalakay.

II. PAKSANG-ARALIN Pagkilala sa Sarili


(CONTENT)

II. KAGAMITANG
PANTURO (LEARNING
RESOURCES)
A. Sanggunian
(Reference)
1. Mga Pahina sa Curriculum Guide AP1NAT-Ia-1
Gabay ng Guro
(Teacher’s Guide pages)
2. Mga Pahina sa N/A
Kagamitang Pang
Mag-aaral (Learner’s
Materials pages)

3. Mga Pahina sa N/A


Teksbuk (Textbook
pages)
4. Karagdagang Bidyo mula sa Youtube tungkol sa Pagpapakilala sa sarili at Awit ng
Kagamitan mula sa pagpapakilala
portal ng Learning
Resource (Additional
Materials from Learning
Resource Portal)

B. Iba Pang Power Point Presentation ukol sa Pagkilala sa Sarili, Kard ng mga
Kagamitang Panturo Impormasyon tungkol sa sarili, Bond Paper sa pagguhit, Pangguhit at
(Other Learning pangkulay, Speaker para sa panonood ng bidyo.
Resources)

III. PAMAMARAAN Pabuod na Pamamaraan


(PROCEDURES)
MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MAG-AARAL
(Teacher’s Activity) (Student’s Activity)
Panimulang Gawain Magandang hapon mga bata.
Magandang hapon po naman.
Tumayo ang lahat para sa
panimulang panalangin.
(magpapakita ng bidyo para sa
panalangin)

Amen. Amen.

Bago kayo umupo, pakipulot


muna ng dumi sa ilalim ng inyong
upuan at pakiayos ang inyong
mga upuan.
(Pupulutin ang dumi at aayuson
ang upuan)
Ngayon, ako ay magtatala ng
liban. Sabihin lamang kung narito
kayo kapag tinawag ko ang
inyong pangalan.

(tatawagin isa-isa ang mga (sasagot kapag tinawag ang


pangalan) pangalan)

Ako’y natutuwa dahil lahat kayo


ay naririto ngayon.

Magandang hapon muli mga


bata.
Magandang hapon po naman.
Kumusta ka?

Gusto kong malaman kung ano


ba ang nararamdaman nyo
ngayon lalo na dahil sa araw na
ito, tayo ay magtatalakay ng
ating unang Aralin.

Sino ba dito ang natutuwa?

Sige nga Jonelle bakit ka (Nagtaas ng kamay si Jonelle)


natutuwa?

Kasi po teacher excited na po


Mabuti naman kung ganon. ako.

Sino pa ang gustong magbahagi


ng kanyang nararamdaman?

Sige nga Elrey? (Nagtaas ng kamay si Elrey)

Natutuwa po na medyo
kinakabahan teacher.
Bakit ka kinakabahan?
Kasi po hindi ko alam kung ano
ang mga gagawin.
Okay lang yan, nauunawaan ko
naman kayo pero enjoy lang
dapat habang natututo. Hindi
naman kayo papagalitan ni
teacher kung wala naman
mayong ginawang masama.
Nauunawaan po ba?
Opo teacher.
(tatawag pa ng ibang mag-aaral
na gustong magbahagi ng
kanilang nararamdaman)

Maraming salamat sa lahat ng


nagbahagi ng kanilang
nararamdaman. Mga bata huwag
kayong matakot ha kasi mabait
naman si teacher, kung
kinakabahan man kayo okey lang
yan pero kung may kailangan
A. Balik-Aral sa sabihin agad kay teacher,
nakaraang Aralin at/o nauunawaan ba?
pagsisimula ng Opo teacher.
bagong aralin Okey, mabuti naman.
(Reviewing previous
lesson or presenting the Nagagalak naman ako dahil
new lesson) marami sainyo ay excited na para
sa unang Aralin natin.
Ngunit bago tayo magsimula sino
ba ang nakakaalala sa ginawa
natin kahapon?
(Nagtaas ng kamay si Arnel)
Sige nga Arnel?
Nagpakilala po tayo teacher sa
isa’t isa tapos po sinabi nyo po
yong tungkol sa mga alituntunin
sa loob ng silid-aralan.
Tama. Tayo ay nagpakilala sa isa’t
isa at tinalakay din natin ang mga
bagay na dapat gawin sa loob ng
klase para sa kaayusan ng lahat.
Sinong nakakaalala kung ano ba
yong dapat nating gawin kapag
nasa loob ng silid-aralan?
(Nagtaas ng kamay si Juan)
Sige nga Juan?
Makinig ng mabuti, huwag
maingay, at maupo ng maayos.
Mahusay.

Ngayon naman tayo ay


magtatalakay tungkol sa Pagkilala
sa Sarili.

Kaya pinapaalalahanan ko ang


lahat na kapag nagsasalita si
teacher dapat makinig, huwag
maingay o makipag-usap sa
katabi, at maupo ng maayos.
Nauunawaan ba mga bata?
Opo teacher.
Okey, mabuti naman.

B. Paghahabi sa Manood Tayo!


Layunin ng Aralin
(Establishing a purpose Bago tayo dumapo sa ating
for the lesson) Aralin, tayo ay aawit muna.
(Aawit ang mga bata)
(Ipapanood ang bidyo na
pinamagatang “Tayo’y
Magpakilala Na” ni teacher
Novie. Pagkatapos, kasabay nito
ay ipapaawit ito sa mga mag-
aaral)

Mga bata, anong napansin nyo sa


awit?
(Nagtaas ng kamay si Victor)
Sige nga Victor.
Si teacher Novie po ay
nagpapakilala at nagtatanong sa
klase kung sino sila.
Tama si teacher Novie ay
nagpapakilala at nagtatanong
din. Mahusay Victor.

Mga bata alam nyo ba kung


anong pangalan nyo?

Eh, yong edad nyo alam niyo ba?


Opo teacher.
Yong kaarawan nyo, alam niyo
din ba kung kailan? Opo.

Yong mga ayaw at gusto niyo,


alam nyo din ba? Opo.

Mahusay mga bata. Dapat alam


natin ang pagkakakilanlan natin Opo.
partikular na jan ang ating
pangalan at ng mga magulang din
natin syempre. Alam ba ninyo
ang mga pangalan ng mga
magulang ninyo?

Mabuti naman kung ganon, dahil


ilan lamang yan sa mga pag- Opo titser.
aaralan natin ngayon. Excited na
ba kayo?

Mahusay.
Opo titser.
Dahil mamaya ilalahad ninyo ang
mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa inyong
sarili, at kung bakit ito mahalaga.
Mamaya din ay may iguguhit
kayong larawan na patungkol sa
inyong sarili.
C. Pag-uugnay ng mga Subukan Natin!
halimbawa sa bagong Ngayon naman may ipapakita
aralin (Presenting ako sa inyong mga larawan at
examples/instances of sasabihin ninyo kung ano ang
the new lesson) mga ito. Maliwanag ba?
Opo.
(Magpapakita ng larawan ng mga
sumusunod: magulang,
kaarawan, tirahan, paaralan at
iba pa)

Mga, bata ano ang mga nakikita


niyo sa larawan?
(Nagtaas ng kamay si Johnrey)
Sige nga Johnrey.
Paaralan po titser.
Mahusay. Sige nga ituro mo kung
nasaan ang paaralan.
(Tinuro ang paaralan sa larawan)
Ano pang nakikita niyo?
(Nagtaas ng kamay si Merie)
Sige nga Merie.
Tirahan po titser.
Tama tirahan. Pakituro mo nga
Merie kung asan ang tirahan.
(Tinuro ang tirahan)
Ano pang nakikita niyo?
(Nagtaas ng kamay si Christine)
Sige nga Christine.
Magulang po titser.
Magaling. Pakituro mo nga kung
asan ang magulang dito.
(Tinuro ang magulang)
Ano pa?
(Nagtaas ng kamay si Elva)
Okay,Elva.
Pangalan po titser.
Tama, sige nga pakituro mo ang
pangalan.
(Tinuro ang pangalan)
Ano pa?
(Nagtaas ng kamay si Mitch)
Okay, Mitch.
Petsa ng kaarawan po titser.
Magaling, nasaan ang petsa ng
kaarawan dito Mitch?
(Tinuro ang petsa ng kaarawan)
Ano pa? May nakikita pa ba?
(Nagtaas ng kamay si Krisha)
Okay, Krisha.
Meron pa po titser, itim na mga
mata po.
Magaling. Pakituro mo nga
Krisha.
(Tinuro ang itim na mga mata)
Meron pa ba?
(Nagtaas ng kamay si Imee)
Ayan may nakikita pa si Imee.
Sige nga Imee ano pang nakikita
mo?
Kulot na buhok po titser.
Magaling, pakituro mo nga Imee.
(Tinuro ang kulot na buhok)
Ano pa meron pa ba?
(Nagtaas ng kamay si Jennifer)
Sige nga Jennifer, may nakita pa
si Jennifer.
Kayumangging balat po titser.
Tama, nasaan ang kayumangging
balat Jennifer pakituro mo nga.
(Tinuro ni Jennifer)
Meron pa ba?
Wala na po titser.
Okay, wala na. Maraming
salamat sa lahat na nagtaas ng
kamay at sumagot. Dahil
magagaling kayong lahat, tumayo
muna ang lahat at bigyan natin
ng fireworks clap ang ating mga
sarili.
(Tumayo ang lahat at nag
fireworks clap)
Ngayon naman ay dumapo na
tayo sa ating aralin, ito ay
tatalakayin ni teacher Ivy.
D. Pagtalakay ng Talakayin Natin!
Bagong Konsepto at
Paglalahad ng Bagong Ayan mga bata, may natutunan
Kasanayan # 1 na ba kayo sa ginawa nyo
(Discussing new kanina?
concepts and practicing Opo!
new skills #1) Natutuwa ako na mayroon na
kayong paunang nalalaman para
sa ating aralin.
Ngayon ay sisimulan na natin ang
pagtalakay, ano nga ulit ang
tatalakayin natin ngayon?
Pagkilala sa sarili po!
Magaling mga bata! Ngayon ay
kikilalanin natin ang ating mga
sarili, ngunit dapat ay alam natin
ang mga batayang impormasyon
sa ating sarili.
Una na dito ay ang ating
pangalan. Ano nga ulit yun?
Pangalan po!
Tama! Ang pangalan ay
tumutukoy sa ibinigay na tawag
sa atin ng ating mga magulang at
palayaw naman ang tawag kapag
ito ay pinaikli. Halimbawa ay ako,
ang ibinigay na tawag saakin ng
aking mga magulang ay Ivy, kung
gayon ang aking pangalan ay Ivy.
Ang palayaw ko naman ay Vy,
pinaikli ng aking pangalan. Sino
sainyo ang may mga pangalan?
(Nagtaas ng mga kamay)
Lahat ba ay may pangalan?
Opo
Sige, ikaw, anong pangalan ang
ibinigay saiyo ng iyong mga
magulang?
Ang pangalan ko po ay Ashley
Isaac.
Napakagandang pangalan naman
iyan. Pwedeng panglalaki at
pwedeng pambabae.
Sino pa?
(tumaas ng kamay)
Ako naman po, binigyan ng
pangalang Ronalyn.
Ang ganda naman ng pangalan
mo Ronalyn, bagay saiyo.
Sino pa?
Ang pangalan ko po ay Nadine.
Napakagandang pangalan naman
yan Nadine.
Ngayon naman ay ang ating mga
magulang. Ang ating mga
magulang ay ang ating ina at ama
o mama at papa, nanay at tatay,
o mommy at daddy na tinatawag
sa ating tahanan. Sila ang
nagpalaki at nag aalaga saatin sa
araw araw. Halimbawa, ang
pangalan ng aking mga magulang
ay Lodiena at Zaldy. Ang tawag
ko sa aking ina ay mama Lodiena
at sa aking ama naman ay papa
Zaldy.
Kayo mga bata, sino ang mga
magulang nyo?

Sige, Lyca! (tumaas ng kamay)

Ang aking ina po ay si Dolores at


ang aking ama naman po ay si
Ang pangalan ng iyong magulang Pedro.
ay Dolores at Pedro,
napakagandang pangalan naman.
Maraming salamat Lyca. Sino pa
ang gustong magbahagi?
Sige, Mary.
Ang pangalan po ni mama at
papa ay Maria at Prodencio.
Ayan ang pangalan ng mga
magulang ni Mary ay Maria at
Prodencio. Sino pa?
Sige, Lucy.
Ang mga magulang ko naman po
ay sina Luz at Zandy.
Ang pangalan ng iyong mga
magulang ay hawig sa pangalan
mo Lucy. Maraming salamat sa
mga nagbahagi ng pangalan ng
inyong mga magulang.
Ngayon naman ang susunod na
impormasyon ay ang petsa ng
ating kapanganakan at ang ating
gulang o edad.
Ito ay ang petsa ng ating
kapanganakan o ang araw kung
kailan tayo ipinanganak at tuwing
darating ito ay ipinagdiriwang
natin kung saan ay
nadadagdagan ang ating edad o
gulang. Halimbawa ay ako,
ipinanganak ako noong Pebrero
19,2002 at ngayon ang 21 taong
gulang na ako. Kayo ba kailan ang
inyong kapanganakan?
(Tumaas ng kamay)
Sige, Camila.
February 11, 2017
Wow, magkalapit lng pala ang
kaarawan natin. Ilang taong
gulang ka na ngayon?
6 taong gulang na po ako titser.
Kasing edad mo lang ang mga
kaklase mo. Maraming salamat
Camila.
Sino pa? Sige, Lleane.
Ang araw ng kapanganakan ko
po ay March 3, 2017 at 6 years
old na po ako ngayon.
Maraming salamat, Lleane.
Magkaparehas kayong taon ng
kapanganakan ni Camila.
Sino pa? Sige, Juan.
Ako naman po magbibirthday na
bukas, ipinanganak po ako noong
April 5, 2016, 7 years old na po
ako bukas.
Wow, maligayang kaarawan
bukas saiyo Juan. Maraming
salamat mga bata.
Ang susunod naman ay ang lugar
ng ating tirahan. Kapag sinabi
nating lugar ng ating tirahan, ito
ay tumutukoy sa kung saan tayo
nakatira at saan naninirahan ang
ating buong pamilya. Halimbawa,
ako ay nakatira sa Zone 1,
barangay Maragni, San Fernando,
Camarines Sur, kasama ko ang
aking mga magulang at kapatid
sa aming munting tahanan.
Kayo mga bata, saan kayo
nakatira? Sige, Lrey!
Ako po ay nakatira sa Zone 2,
barangay Lupi, San Fernando,
Camarines Sur.
Halos magkalapit lang pala tayo
ng barangay Lrey, ako din ay
nakatira sa San Fernando ngunit
ako ay nasa ibang barangay
naman.
Sino pa? Sige, Camila.
Ang lugar ng aking tirahan po ay
sa Zone 3, Burabod, Pamplona,
Camarines Sur.
Malapit ka lang pala saamin
Camila, isang sakay lang.
Maraming salamat Camila.
Sino pa? Sige, Kathleen.
Zone 7, Villa Obiedo, Cararayan,
Naga City po titser ang tirahan
ko.
Ayan, dito ka pala sa Naga
nakatira, maraming salamat,
Kathleen.
Ang susunod naman ay ang ating
paaralan, Ito ay tumutukoy sa
pangalan ng paaralan kung saan
tayo nag aaral. Halimbawa ang
paaralan ni titser ay Bicol State
College of Applied Sciences and
Technology, dito si titser ng aaral
ng koloheyo. Kayo ba saan kayo
nag aaral?
(tumaas ng kamay)
Sige, Aime.
Sa Pamukid Elementary School
po titser!
Ikaw pala Aime ay nag aaral sa
Pamukid Elementary School.
Anong baiting mo na Aime?
Grade 1 po titser!
Magaling Aime, maraming
salamat.
Sino pa? Sige, Christina.
Ako po titser ay dating nag-aaral
sa Bocal Elementary School.
Maraming salamat Christina,
ngayon ay sa Pamukid
Elementary School ka na nag-
aaral.
Ang susunod na impormasyon
naman na dapat din nating
malaman ay ang ating
pagkakakilanlan at mga
katangian natin bilang isang
Pilipino.Halimbawa, ang aking
pagkakakilanlan ay babae, hindi
katangkaran, kayumanggi ang
balat at maganda. Ako ay isang
tapat na mamamayan at
matulungin na myembro ng
aming pamayanan. Kayo naman
mga bata ano ang inyong
pagkakakilaalan at katangian nyo
bilang isang Pilipino?
Ako po titser ay lalaki, maputi at
matangkad. Masipag po ako at
matulungin sa aking mga
magulang.
Ang iyong pagkakakilanlan ay
maputi at matangkad na lalaki,
masipag at matulungin.
Maraming salamat sa
pagbabahagi at paglalarawan ng
iyong sarili.
Sino pa?
Ako naman po ay babae, maitim
at matangkad. Marunong po
akong maglinis ng bakuran at
bahay. Magalang po ako sa mga
nakakatanda at nagmamano
kapag nakikita ko sila.
Ang pagtukoy mo naman sa iyong
sarili ay maitim at matangkad na
babae, marunong maglinis at
magalang.
Sino pa?
Ako naman po titser ay singkit,
mahilig po ako maglaro at
matulungin din po ako.
Inilarawan mo naman ang iyong
sarili bilang singkit, mahilig
maglaro at matulungin. Ang
galing nyo naman mga bata.
Nagagalak akong taglay nyo ang
pagiging mabuting Pilipino dahil
sa mga katangIan nyo tulad ng
magiging mabait at matulungin.
Naway pagyamanin nyo pa iyan
dahil makabubuti din iyan sa
inyo.
E. Pagtalakay ng Ngayon ay panoorin natin ang
bagong konsepto at isang video ng tamang
paglalahad ng bagong pagpapakilala sa ating sarili.
kasayan #2 (Discussing
new concepts and
practicing new skills #2)

https://youtu.be/cqsx9L2UbUg
Natutunan nyo ba kung paano
ang tamang pagpapakilala ng
inyong sarili.
Opo.
Magaling! Mamaya ay
magpapakilala kayo kagaya ng
ginawa ni Maria gamit naman
ang iguguhit nyong larawan at
isusulat. Ngunit bago yan alamin
muna natin kung alam nyo na
ang tamang mga impormasyon
na inyong ibibigay.
F. Paglinang sa Ihanay Natin!
Kabihasaan -Tungo sa
Formative Assessment May hinanda akong gawain para
(Developing Mastery) sainyo. Magbilang tayo ng tatlo
para sa tukuyin ang inyong mga
kagrupo.
1,2,3,1,2,3,1,2,3,1,2,3,1,2,3,……
Ayan pumunta muna kayo sa
inyong mga kagrupo.
(Pumunta sa kanya-kanyang
grupo)
Bawat pangkat ay bibigyan ko ng
mga Kard na may nakasulat na
impormasyon tungkol sa iyong
mga sarili. Ito ang dapat nyong
gawin.
Panuto: Tukuyin ang
impormasyong nakasulat sa
bawat Kard at idikit sa tamang
hanay kung ito ay tumutukoy sa
Pangalan, Magulang, Edad o
Kaarawan, Tirahan, Paaralan, o
katangian/pagkakakilalan sa
sarili.
Naunawaan ba mga bata? Opo.

Handa na ba kayong idikit ito sa


tamang hanay? Opo

Mabuti naman kung ganon.


Pumunta na ang unang pangkat
at idikit ang mga Kard. (Pumunta sa unahan ang unang
pangkat upang idinikit ang mga
impormasyon sa tamang hanay)

Tingnan natin kung tama.


Mahuhusay mga bata. Tama
lahat ang iyong mga sagot!
Pangalawang pangkat naman. (Pumunta sa unahan ang
pangalawang pangkat upang
idinikit ang mga impormasyon sa
tamang hanay)

Ayan tama din ang sagot ng


pangalawang pangkat.
Ang huling pangkat naman. (Pumunta sa unahan ang
pangalawang pangkat upang
idinikit ang mga impormasyon sa
tamang hanay)

Magaling mga bata, tama din ang


huling pangkat.
Sa tingin ko ay alam nyo na ang
mga impormasyon an dapat
nyong ibigay sa tuwing may
magtatanong sainyo kung ano
ang iyong pangalan, sino ang mga
magulang nyo, kailalan kayo
ipinanganak, saan kayo nakatira
o nag-aaral, at kung ano ang
inyong pagkakakilalan sa sarili at
ang iyong katangian. Dahil diyan
palakpakan natin ang ating mga
sarili, tumayo ang lahat. Gawin
natin ang Darna clap. (Tatayo ang lahat at gagawin ang
Darna clap)
G. Paglalapat ng aralin Magandang araw ulit mga bata!
sa pang-araw-araw na Nakinig ba kayo kay Teacher Ivy?
buhay (Finding practical Opo.
applications of concepts Ayan mabuti naman kung ganon.
and skills in daily living)
Pag-isipan Natin!

Sa inyong palagay kaya mga bata


bakit kaya mahalaga na alam
natin ang ating mga pangalan?

Sige, Ashley. Ma’am!

Mahalaga po ma’am na alam


natin ang ating mga pangalan
para po makilala po tayo ng mga
taong gusto kumilala at ng mga
Mahusay Ashley! Sino pa? taong nakapaligid sa atin.

Sige, Rechel. Maam!

Kasi po ma’am ito ay magiging


Magaling Rechel! instrumento sa aming mga sarili.

Bakit naman kaya mahalaga na


alam natin ang petsa ng ating
kapanganakan?

Sige, George. Ako po ma’am

Para po ma’am alam natin kung


kailan po tayo magdidiwang ng
Tama! Ano pa? ating kaarawan.

(Nagtaas ng kamay si Ivan)

Para po ma’am malaman nating


kung ilang taon na po tayo sa
Mahusay, Ivan!! Kaya dapat alam susunod na taon.
nyo din kung anong petsa, buwan
o taon kayo ipinanganak para
madali nalang masabi ang ating
mga edad.

Bakit naman kaya mahalaga na


alam din natin kung sino ang
ating mga magulang?

Sige, Angel. Ma’am.

Mahalaga po ma’am na alam


natin kung sino din ang ating
mga magulang para po kapag
may nagtanong saamin kung
kanino po kaming anak alam
Mahusay Angel! Ano pa kaya? namin ang sasabihin.

Sige, Angelo. (Nagtaas ng kamay si Angelo)

Para din po ma’am madali o


Tama! Angelo. Para madali mabilis kaming makilala.
kayong makilala.

At bakit naman kaya mahalagang


alam natin kung saan tayo
nakatira o nag-aaral?

Sige, Joan (Nagtaas ng kamay si Joan)


Mahalaga naman po na dapat
alam natin kung saan tayo
nakatira at nagaaral para po
ma’am alam namin sa aming
sarili kung saang lugar ba dapat
Tama! Ano pa kaya? kami umuwi o pumunta.

Sige, Ronalyn. (Nagtaas ng kamay si Ronalyn)

Kung sakali din po ma’am na


mawala kami at may magtanong
sa amin kung saan kami nakatira
ay alam po namin ang isasagot.
Mahusay! Ronalyn.

Sa inyong palagay mga bata bakit


naman kaya na mahalaga din na
alamin natin ang ating mga
kasarian, katangian at
pagkakakilanlan sa ating sarili
bilang pilipino?

Sige nga Zia Ma’am!

Dahil sa pamamagitan nito po


ma’am malalaman natin kung
ano ang ating pinanggalingan at
para alam natin kung ano ang
isasabuhay natin sa ating mga
Tama! Zia. Sino pa? sarili.

Sige nga Jacky. Ma’am!

Para po ma’am sa pamamagitaan


nito mas lalo po naming makilala
ang aming mga sarili at para mas
makilala pa po kami ng mga tao.
Magaling! Jacky. Dahil sa
pamamagitan ng mga batayang
impormasyon sa pagkilala sa
ating sarili ay mas napapadali na
makilala ng ibang tao kung sino
tayo.
H. Paglalahat ng Aralin Kung gayon mga bata ano naman
(Making generalizations ang mga natutunan ninyo
and abstractions about tungkol sa itinalakay ngayong
the lesson) araw ni Teacher Ivy?
Ma’am!
Sige nga Gwenn.
Natutunan ko po ma’am na
dapat po alam natin sa ating
sarili kung sino po tayo.
Tama! Gwenn.

Sino pa?
Ako po ma’am
Sige, Ella.
Natutunan ko rin po na ang
pagkilala sa sarili ay susi sa
pagkakaroon ng respeto sa ating
mga sarili.
Mahusay! Sino pa?
Ma’am, Ma’am!
Sige, Jessan
Natutunan ko din po ma’am na
mahalaga talaga na kilalanin ang
ating sarili para malaman po
natin kung paano ito iingatan lalo
na sa ating ugali.
Mahusay! Jessan

Sino pa?
(Nagtaas ng kamay si Ellen)
Sige, Ellen.
Natutunan ko rin po ma’am na
dapat alam natin ang mga
batayang impormasyon sa
pagkilala sa sarili para po mas
lubos natin makilala ang ating
mga sarili at maayos din natin
maipakilala ang ating mga sarili
sa mga taong nakapaligid saatin.
Magaling! Ellen.

Ano nga ulit ang mga batayang


impormasyon na patungkol sa
ating sarili?
Sige, anna
Ma’am!
Tama! Ano pa?
Pangalan
Ano pa?
kaarawan at edad po

Ako po ma’am!
Sige Joshua
Magulang po ma’am
Tama ano pa?
Ma’am, ma’am!
Sige nga Hyacenth
Tirahan po at paaralan
Ano pa kaya?
Mga katangian po at
pagkakakilanlan bilang isang
Pilipino.
Magagaling mga bata! Sa tuwing
kailan nga natin ipinapakilala ang
ating sarili?
Sa tuwing magpapakilala po tayo.
Tama! At bakit naman kaya na
mahalagang matutunan ang
wastong pagkilala sa sarili?
Upang makilala po tayo ng
kausap natin.
Tama! Para makilala tayo ng
kausap natin o mga nakapaligid
sa atin.

Magagaling mga bata! Talagang


may natutunan kayo sa araw na
ito at tingin ko ay handa na kayo
para sa ating gawain.
I. Pagtataya ng Aralin Ngayon ay may inihanda akong
(Evaluating learning) Gawain. May ibibigay ako
sainyong tig iisang Bond paper.

Halina’t Iguhit Natin!


Panuto: Sa isang malinis na
papel, iguhit ang ibibigay ni titser
na larawan kung paano mo
ipapakilala ang iyong sarili o
ilalarawan gamit ang mga
batayang impormasyon tungkol
sa iyong sarili (pangalan, edad,
kaarawan, magulang,tirahan,
paaralan, katangiang physical at
pagkakakilanlan bilang Pilipino).
Mayroon lamang kayong 20
minuto para tapusin ang Gawain.

Pagkatapos, mamaya ay tatawag


ako ang ilan sa inyo na gustong
magbahagi ng kanyang ginawa.
Nauunawaan ba mga bata?
Opo,teacher.
(Magsisimula nang gumuhit ang
mga bata)

Tapos na ba?
Opo, titser.
Sino ang gustong magbahagi ng
kanyang ginawa?
Titser, ako po.
Sige nga Emilyn.
(Magbabahagi ng kanyang
ginawa)
Mahusay Emilyn. Palakpakan
naman natin si Emilyn.
(Nagpalakpakan)
Sino pa ang gustong magbahagi?
Ako po ma’am.
Sige nga Princess.
(Magbabahagi ng kayang ginawa)
Wow! Ang galing naman.
Palakpakan naman natin si
Princess.
(Nagpalakpakan)
Sino pa ang gustong magbahagi?
Titser ako po.
Okey,pakinggan natin si Diane.
(Magbabahagi ng kanyang
ginawa)
Magaling din. Palakpakan naman
natin si Diane.
(Nagpalakpakan)
Maraming salamat sa inyong
tatlo Emilyn, Princess at Diane.

Sa mga hindi na matatawag sa


susunod nalang po, ano po?
Okey, pakipasa na ang inyong
mga ginawa.

Ayan mahuhusay mga bata!


J. Karagdagang Bago tayo magtapos ako ay
Gawain Para sa mayroong iiwan na Gawain sa
Takdang-Aralin at inyo mga bata. Kaya pakikuha ng
Remediation inyong mga kwaderno at isulat
(Additional activities for ang inyong Takdang Aralin.
application or
remediation) Takdang Aralin

Punan Mo Ako!
Kumpletuhin ang hinihinging
impormasyon sa iyong sarili na
nahahati sa apat na bahagi.
Gawin ito sa bondpaper.

Tapos na ba mga bata?


Opo
Mabuti naman kung ganon. Dito
na nagtatapos ang ating
talakayan. Sana ay may
natutunan kayo sa ating aralin.

IV. MGA TALA


(REMARKS)
V. PAGNINILAY
(REFLECTION)
A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya (No. of
learners who earned
80% in the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng ibang Gawain para
sa remediation (No. of
learners who required
additional activities for
remediation who scored
below 80%)
C. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
(Which of the strategies
worked well? Why did
these work?)
D. Anong suliranin ang
aking naranasan na
maaarin kong
solusyunan sa tulong
ng aking punungguro
at superbisor? (What
difficulties did I
encounter which my
Principal or Supervisor
can help me solve?)
E. Anong kagamitang
panturo and aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro? (What
innovation or localized
materials did I
use/discover which I
wish to share with other
teachers?)

You might also like