You are on page 1of 25

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan ng Guro: Kwarter: IKAAPAT NA MARKAHAN


Linggo Blg./Araw: Saklaw na Petsa:
Asignatura: ARALING PANLIPUNAN Antas at Seksyon:
I. LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang
A. Pamantayang Pangnilalaman pag-unawa sa kahalagahan ng
pakikipag-ugnayan at sama-samang
pagkilos sa kontemporaryong daigdig
tungo sa pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
Ang mga mag-aaral ay aktibong
B. Pamantayan sa Pagganap nakilalahok sa mga gawain, programa,
proyekto sa antas ng komunidad at
bansa na nagsusulong ng rehiyonal
at pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa,pagtutulungan, at kaunlaran.
Nasusuri ang mga ideolohiyang
C. Pamantayan sa Pagkatuto pampolitikal at ekonomiko sa hamon
ng estabilisadong institusyon ng
CODE: AP8AKD-IVi9 lipunan.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag –


aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang kategorya ng


ideolohiya at ang mga iba’t ibang
uri nito;
b. Nakakagawa ng comparative
analysis tungkol sa iba’t ibang
ideolohiya;
c. Nakakapagbahagi ng saloobin
tungkol sa kahalagahan ng
ideolohiya sa isang bansa.
II. NILALAMAN/ ARALIN/
PAKSA MGA KATEGORYA NG IDEOLOHIYA
III. KAGAMITAN
A. Mga Sanggunian
1. Gabay Pangkurikulum (Pahina) K to 12 Araling Panlipunan Gabay
Pangkurikulum Mayo 2016

Pahina 183 ng 240


2. Materyal ng Mag-aaral (Pahina) Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan,
Learning Activity Sheets (LAS)
3. Libro
B. Kagamitan PowerPoint Presentation
Laptop
Litrato
Kartolina
C. Mga Karagdagang Materyales
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-
mula sa Learning Resources (LR)
ideolohiya-kahulugan-kategorya-
halimbawa/
IV. PAMAMARAAN
Preparasyon (Apat na minuto)
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Panalangin

Magandang hapon klas!


Bago tayo magsimula sa
ating aralin, magdasal
muna tayo.

Inaaanyahan ko ang lahat


na tumayo para sa ating
panalangin. Ilagay natin
ang ating sarili sa banal na
presensya ng Diyos…  Sa ngalan ng ama, ng anak, ng
espiritu santo Amen… Amen…

2. Pagbati

Magandang hapon klas!  Magandang hapon rin po Sir!

Pwede na kayong
magsiupo.

 Maganda po Sir!
Kamusta ang araw ninyo
klas?

Natutuwa akong naging


maganda ang araw niyo.
Gusto kong alamin kung
kamusta kayo sa araw na
ito kaya nagbigay ako
kanina ng mga emoji
sticks. Maaari niyong itaas
ang inyong mga sticks
base sa nararamdaman
ninyo ngayon,

Kung kayo ba ay masaya o  (Itinaas ng mga mag-aaral ang


nasasabik sa panibagong kanilang mga emoji sticks)
aralin ngayon

(Ipapakita sa slide:
Emotional check in)

Sa mga nakikita ko,


madaming masaya
ngayong araw.

Kung gayon, handa na ba


kayong makinig sa bagong  Opo, Sir!
aralin natin ngayon?

Maaari ko bang asahan  Opo, Sir!


ang buong aktibong
pakikilahok mula sa iyo?

Bago muna natin simulan,


tingnan natin kung sino
ang lumiban sa klase ko
ngayon…

3. Pagtatala ng liban sa klase

Lider ng unang hanay


sino ang nawawala sa  Lahat po ay pumasok Sir!
inyong pangkat?

Sa ikalawang hanay  Wala po Sir!


naman, may lumiban ba?

Ikatlong hanay, may  Lahat po ay pumasok Sir!


nawawala ba sainyong
pangkat?
 Pumasok po kaming lahat Sir!
Sa ikaapat na hanay, may
lumiban ba?

Palakpakan ang bawat  (Papalakpak ang mga mag-aaral)


isa sapagkat pumasok
kayong lahat sa araw na
ito.

4. Pagpapa alala ng mga


alituntunin sa loob ng klase

Bago tayo dumako sa ating


talakayan para sa hapong
ito, nais kong isaisip nyo
muna ang ating mga
alituntunin sa klase.
Pakibasa klas… Alituntunin:
1. Tratuhin ang ibang kaklase
nang may paggalang sa
lahat ng oras.
2. Makinig sa guro kapag
nagsasalita.
3. Makinig at sundin ang mga
direksyon.
4. Itaas ang iyong kamay bago
magsalita o umalis sa iyong
upuan.

May nais pa ba kayong  Wala na po Sir.


idagdag sa ating
alituntunin?

Kung gayon, sana ay


sumunod kayong lahat sa
ating alituntunin upang
maging maayos ang ating  Opo Sir!
talakayan para sa araw na
ito. Naiintindihan niyo ba
ako klas?
5. Takdang Aralin

 (Isumite ng mga mag-aaral ang


Para sa takdang- aralin, pakipasa
kanilang mga takdang-aralin)
ito sa harap.

A. ELICIT (Limang minuto)

1. Pagbabalik-aral sa
nakaraang aralin o
paglalahad ng bagong aralin
(Drill/Review/Unlocking of
Difficulties)

Pagbabalik-aral

Okay klas, bago tayo


magpatuloy sa ating aralin
sa hapong ito, magbalik
aral muna tayo sa ating
nakalipas na aralin.  Sir, ang paksa po na tinalakay natin
kahapon ay tungkol sa kahulugan
Anong paksa ang ng ideolohiya.
tinalakayan natin
kahapon?

Mahusay ang iyong sagot!


Tama si _____, ang
tinalakay natin ay tungkol
sa kahulugan ng
ideolohiya. Tignan natin
kung naaalala niyo pa
iyon.
 Sir, ang ideolohiya ay mga
Ano nga ang kahulugan pamantayang sinusunod ng mga
ng ideolohiya klas? mamamayan na kung saan ito ang
pumipilit sa kanila upang mapakilos
ang mga mamamayan bilang isang
bansa.

 Sir, ang ideolohiya ay ang agham


ng mga ediya o kaisipan. Ito ay
sistema ng mga ediya na
Magaling! Sino pa ang naglalayong maipaliwanag ang
may ediya? daigdig at mga pagbabago dito.
Maituturing din itong pamantayan
at gabay ng mga pinuno kung
paano nila pamamahalaan ang
kanilang nasasakupan.

Napakahusay naman!
Talagang nakinig kayo sa
ating diskusyon kahapon.

Tama lahat ang inyong


mga sagot. Sa iba pang
kahulugan, ang ideolohiya
ay ang koleksyon ng mga
kaisipang pinaniniwalaan
at sinusunod ng malaking
pangkat ng mga tao.
Nakapaloob sa kaisipang
ito ang kanilang mga
ideya, simulain, prinsipyo
at paniniwala.
Samakatuwid, ito ay ang
pwersa na nagpapakilos
sa kanila bilang isang  Opo Sir!
bansa.

Sumasang ayon ba kayo


klas?

Ngayon, tatalakayin natin  Opo Sir!


ang tungkol sa iba’t ibang
ideolohiya. Nasasabik na
ba kayong malaman ano
ano ang mga ito?

B. Drill

Bago tayo dumako sa


diskusyon, may inihanda
akong sampong (10)
aytem na pagsusulit.
Pumunta kayo sa pahina
_____, subukan niyong  (Sasagotan ng mag-aaral ang
sagutin ang mga tanong pagsusulit na nasa kanilang LAS)
kung mayroon kayong
kaalaman sa paksa natin
sa modyul na ito. Bibigyan
ko lamang kayo ng limang
(5) minuto sa pagsagot
nito.

Subukin Natin: Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga tanong kung
mayroon kang mga kaalaman sa paksa natin sa modyul na ito.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA ang paglalarawan sa


ideolohiyang Komunismo?
A. Mga opisyal ng gobyerno ang nagmamay-ari sa lahat.
B. Ang pamahalaan ang may kontrol sa lahat ng pagmamay-ari.
C. Pagmamay-ari ng mga kapitalista ang produksyon at mga kalakal.
D. Pagmamay-ari ng mga mamamayan at ng estado ang produksyon at lahat ng
negosyo sa bansa.

2. Ang awtoritaryanismong pamahalaan ang nagpaunlad sa maraming


bansa ngunit ang demokratikong Pilipinas ay umahon din mula sa
kahirapan. Ano ang lubos na pinapatunayan ng pahayag?
A. Kahit anong uri ng pamahalaan ay mabisa.
B. Demokrasya ang pinakamabisang uri ng pamahalaan.
C. Awtoritaryanismo ang pinakamabuting uri ng pamahalaan.
D. Hindi lamang awtoritaryanismo ang maaaring magpaunlad sa isang bansa.

3. Paano higit na nakaaapekto ang ideolohiya sa pag-unlad ng ekonomiya


ng isang bansa?
A. Dumami ang mga kapitalista ng bansa.
B. Nagkasundo ang kapitalista at manggagawa.
C. Nakasentro ito sa patakarang pang-ekonomiya.
D. Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maihayag ang sariling kaisipan o ideya
tungo sa pagbabago ng pamumuhay ng tao.

4 Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa isang bansa na may


demokratikong pamamahala?
A. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan.
B. Ang pinuno ay siyang mas lubos na makapangyarihan.
C. Ang pamahalaan ay nasa kamay ng ilang pangkat ng tao.
D. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan.

5. Maituturing bang mapanganib ang ideolohiyang Pasismo?


A. Hindi, dahil mamamayan ang masusunod sa pamahalaan.
B. Hindi, dahil walang ibang masusunod kundi ang estado lamang.
C. Oo, dahil isinasantabi nito ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayan.
D. Oo, dahil ang lahat ng gagawin ng mga mamamayan ay para sa kagalingan ng
estado at hindi para sa kanilang kapakanan.

6. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamakabuluhang katuturan ng


ideolohiya?
A. Nagsasaad ito ng sistema ng pamahalaan.
B. Ginagamit ito ng mga rebolusyonista sa pakikipaglaban.
C. Ginagamit ito sa pagsasagawa ng mga batas ng mga kongresista at senador.
D. Ginagamit Ito bilang gabay at prinsipyo ng pamahalaan at ng mamamayan sa
isang bansa.

7. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng prinsipyo ng


ideolohiyang Nazismo?
A. Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles ay sanhi ng mga suliranin sa Alemanya.
B. Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo – mga Aryano
C. Ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal
D. Ang mga Hudyo na naninirahan sa Alemanya ay hindi mga Aleman at sila ang
sanhi ng maraming suliranin at kabiguan ng Alemanya kayat kinakailangang mawala
sila sa daigdig.

8. Bakit sa kabila ng pagiging sosyalistang bansa ng Vietnam at China ay


may bahid pa din ng kapitalismo ang kanilang ekonomiya?
A. Dahil sa pagsunod nila sa mga patakaran ng World Bank.
B. Dahil sa hindi pagbabawal sa pagwewelga ng mga manggagawang Tsino.
C. Dahil sa laganap ang pribadong pagmamay-ari at malayang kalakalan sa bansa.
D. Pinayagan sa kanilang bansa ang pagpasok ng ilang transnasyonal na
korporasyon.

9. Alin sa sumusunod na kaisipan ang HINDI isang prinsipyo ng


komunismo?
A. Pagwawakas ng kapitaslismo.
B. Magkahiwalay nang lubos ang simbahan at estado.
C. Ang mga manggagawa ang pinakamataas sa pamahalaan.
D. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong Negosyo.

10. Sa sistemang Totalitaryanismo, paano pinamumunuan ang pag-aari ng


mga lupain, kayamanan ng bansa, mga industriya, at pamamamahala?
A. Ang hangarin na makamit ang perpektong lipunan.
B. Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa kamay ng hari o reyna
C. Ang pamamahala ay pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan.
D. Ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag-uuri-uri ng lipunan ang
layunin ng sistemang ito.

B. ENGAGE (Anim na minute)

1. Pagtatatag ng layunin
ng bagong aralin at
paglalahad ng mga
halimbawa

Okay klas, magkaroon


tayo ng isa pang aktibiti.
Ang larong ito ay
tinatawag na "Jigsaw
Puzzle"

Pamilyar ba kayo sa  Opo Sir!


larong ito?

Mabuti at pamilyar kayo sa


larong ito. Ngunit bago
iyon, hatiin muna natin
ang klase sa tatlo na
grupo. Sa inyong LAS,
naglagay ako ng isang
jigsaw picture doon.

Maaari niyong kunin ang


larawan at hanapin ang
mga nawawalang piraso
sa inyong mga kaklase. Ito
ay tulad ng isang
palaisipan kung saan
kailangan mong hanapin
ang iba pang piraso upang
makumpleto ang larawan.
Pagkatapos mahanap ang
iba pang mga piraso o
bahagi, iyon ang iyong
magiging mga kagrupo  Opo Sir!
para sa buong sesyon.
Naiintindihan niyo ba ko
 Wala na po Sir!
klas?
May katanungan pa ba
kayo?

Para sa unang pangkat,


tumuloy sa hanay na ito.
Para sa ikalawang
pangkat, sa gitna. Para sa
ikatlong pangkat, sa gilid.

Pwede na kayong
pumunta sa inyong mga Mga tagubilin:
pwesto.
1. Bawat pangkat ay bibigyan ng envelope
Ngayon ay nasa bawat ng mga piraso ng jigsaw puzzle.
grupo na kayo, pumunta
sa pahina ___ sa inyong
LAS, at pakibasa ang
tagubilin bilang 1 _____. 2. Ang bawat pangkat ay dapat
magtulungan upang mabuo ang jigsaw
puzzle sa lalong madaling oras gamit ang
mga pirasong ibinigay.
Salamat. Para sa
pangalawang tagubilin,
mangyaring basahin ang 3. Bawat pangkat ay maghihintay ng
_______ hudyat mula sa guro bago simulan ang
pagbubuo ng larawan.

Susunod, pakibasa
4. Bawat pangkat ay bibigyan ng tatlong
minuto upang tipunin ang larawan. Ang
pangkat na unang makatapos ay bibigyan
ng limang puntos. Ipapahiwatig ang iyong
Para sa numero 4, mga puntos sa scoring board. Ang bawat
pakibasa... tamang sagot ay tumutugma sa 5 puntos.

Salamat klas sainyong


kooperasyon.

May apat na litrato bawat


jigsaw puzzle at kailangan
niyong hulaan kung saan
tungkol ang mga litrato.
Para itong apat na litrato
with a twist kasi naka
jigsaw puzzle ito bago niyo
malalaman kung ano ano
ang mga imahe na ito.

Mayroon kayong
dalawang envelope. Ang
brown envelope ay
naglalaman ng puzzle. Sa
asul na envelope,
 Opo Sir!
naglalaman ito ng isang
kartolina. Kinakailangan
niyong idikit sa kartolina
pagkatapos niyo itong  (Magsisimula na gawin ng mga
mabuo. Naiintindihan niyo mag-aaral ang aktibiti)
ba ako klas?
Pangkat 1:
(Pamamahagi ng mga
envelope na naglalaman
ng mga larawan)

Maaari na kayong
magsimula ngayon.

IDEOLOHIYANG PANGKABUHAYAN

Pangkat 2:
IDEOLOHIYANG PA_G_AB_HA_A_
IDEOLOHIYANG P_M_O_I_I_A

IDEOLOHIYANG PAMPOLITIKA

Pangkat 3:

IDEOLOHIYANG P_N_I_U_A_

IDEOLOHIYANG PANLIPUNAN

Ano ang iyong


 Tungkol sa iba’t ibang kategorya ng
naobserbahan sa mga
ideolohiya Sir!
larawan?

 Ideolohiyang Pangkabuhayan,
Ano ano ang mga ito?
Ideolohiyang Pampolitika at
Ideolohiyang Pang lipunan.

Mahusay!

Dahil lahat ay nakapag-


assemble ng mga piraso
ng jigsaw puzzle, lahat ay
makakatanggap ng limang
puntos.

Bigyan natin ng Magaling


Clap ang Pangkat
________ na unang
nakatapos ng gawain.  1,2,3 1,2,3 Magaling! Magaling!
Ngayong araw, tatalakayin
natin ang tungkol sa
kategorya ng ideolohiya.
Basahin ang ating mga
layunin sa araling ito….
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag –
aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang kategorya ng


ideolohiya at ang iba’t ibang uri
nito;
b. Nakakagawa ng comparative
analysis tungkol sa iba’t ibang
ideolohiya;
c. Nakakapagbahagi ng saloobin
tungkol sa kahalagahan ng mga
Ito ang magiging layunin ideolohiya sa isang bansa.
natin para sa araling ito.
Tutukuyin natin ang iba't
ibang uri ng ideolohiya at
mga nakapaloob dito.
Umaasa ako na makamit
natin ang lahat ng ating
layunin sa pagtatapos ng
ating talakayan.
C. EXPLORE (Labinlimang minuto)
2. Pagtalakay ng mga
bagong konsepto at
pagsasanay ng mga
bagong kasanayan blg.
1
Upang mas lalo nating
maintindihan ang patungkol
sa iba’t ibang kategorya ng
ideolohiya, ibuklat ang  (Gamit ang kanilang LAS,
inyong LAS sa pahina magbabasa ang mga mag –
____ at basahin ito
aaral sa loob lamang ng limang
hanggang pahina ____ sa
loob lamang ng limang (5) (5) minuto)
minuto. Ang inyong limang
(5) minuto ay magsisimula
na…

Ang mga kategorya ng


ideolohiya ay ang mga
sumusunod:
1. Ideolohiyang
Pangkabuhayan
2. Ideolohiyang Pampolitika
3. Ideolohiyang Panlipunan
 Sir ito ay nakasentro sa
Mula sa nakalap ninyong patakarang pang – ekonomiya ng
impormasyon sa bansa at paraan ng paghahati ng
pamamagitan ng mga kayamanan para sa mga
pagbabasa, ano ngayon ang mamamayan.
tungkol sa Ideolohiyang
Pangkabuhayan?

Tama! Ang ideolohiyang


pangkabuhay ay nakasentro
sa mga patakarang pang-
ekonomiya ng bansa at
paraan ng paghahati ng mga
kayamanan para sa mga
mamamayan. Nakapaloob
dito ang ang mga karapatang
makapagnegosyo,
mamasukan, makapagtayo
ng unyon, at magwelga kung
hindi magkasundo ang
kapitalista at mga  Ang ideolohiya pong ito ay
manggagawa. nakasentro sa paraan ng
pamumuno at sa paraan ng
Ano naman ang
pakilalahok ng mga mamamayan
ideolohiyang pampolitika?
sa pamamahala.

Magaling! Ang
ideolohiyang pampolitika
ay nakasentro ito sa
paraan ng pamumuno at
sa paraan ng pakikilahok
ng mga mamamayan sa
pamamahala. Ito ay mga
pangunahing prinsipyong
politikal at batayan ng
kapangyarihang politikal.
Karapatan ng bawat
mamamayan na bumuo at
magpahayag ng opinyon  Sir ito po ay tungkol
at saloobin. sapagkakapantay – pantay ng
mga mamamayan sa tingin ng
Ano naman ang batas at saiba pang
ideolohiyang panlipunan pangunahing aspeto ng
klas? pamumuhay ng mga mamamayan.

Mahusay! Ang
ideolohiyang panlipunan
naman ay tumutukoy sa
pagkakapantay-pantay ng
mga mamamayan sa
tingin ng batas at sa iba
pang pangunahing aspeto
ng pamumuhay ng mga
mamamayan

3. Pagtalakay ng mga
bagong konsepto at
pagsasanay ng mga
bagong kasanayan
blg. 2

Salamat sa inyong
pagbabahagi klas! May  Wala na po, Sir!
katanungan pa ba kayo
tungkol sa tatlong
kategorya?

Ngayon naman klas ay


dumako tayo sa iba’t ibang
ideolohiya. Ito ay ang
mga sumusunod:

Kapitalismo, Demokrasya,
Awtoritaryanismo,
Totalitaryanismo,
Monarkita at Sosyalismo..
 Sir, ang kapitalismo ay isang
Mula sa inyong nabasa, sistemang pang-ekonomiya na
ano ang kapitalismo klas? batay sa pribadong pagmamay-ari
ng mga paraan ng paggawa at ang
kinaling operasyon para tumubo.

Tama ang iyong sagot.


Ang kapitalismo ay
tumutukoy ito sa isang
sistemang pangkabuhayan
kung saan ang
produksiyon, distribusyon,
at kalakalan ay kontrolado
ng mga pribadong
mangangalakal hanggang
sa maging maliit na
lamang ang papel ng
pamahalaan sa mga
 Tumutukoy sa tuwiran o hindi
patakarang tuwirang pakikilahok ng mga
pangkabuhayan. mamamayan sa pamahalaan
Ano naman ang
demokrasya?

Mahusay! Ang
kapangyarihan ng
pamahalaan ay nasa
kamay ng mga tao. Yan
ang ibig ipahiwatig ng
demokrasya. Maaaring
makilahok ang mga
mamamayan nang tuwiran
o di-tuwiran. Tinatawag na
direct o tuwirang
demokrasya kung
ibinoboto ng mamamayan
ang gusto nilang mamuno
sa pamahalaan.
Karaniwang pumipili ang
mga tao, sa pamamagitan
ng halalan, ng mga
kinatawan na siyang
hahawak sa
kapangyarihan o
pamahalaan sa ngalan
nila.

Di-tuwiran ang
demokrasya kung ang
ibinoboto ng mamamayan
ay mga kinatawan nila sa
pamahalaan na siya
namang pipili ng mga
pinuno sa pamahalaan.

Ang Awtoritaryanismo
naman ay isang uri ito ng
pamahalaan na kung saan
ang namumuno ay may
lubos na kapangyarihan.
Makikita ito sa
pamahalaan ng Iran, kung
saan ang namumuno ay
siya ring puno ng relihiyon
ng estado, ang Islam.

Ang Totalitaryanismo
naman klas ay
pinamumunuan ng isang
diktador o grupo ng taong
makapangyarihan. May
ideolohiyang
pinaniniwalaan at may
partidong nagpapatupad
nito. Limitado ang
karapatan ng mga
mamamayan sa malayang
pagkilos, pagsasalita, at
pagtutol sa pamahalaan.

Ang monarkiya ay ang


kapangyarihan ng
pamahalaan na nasa
kamay lamang ng isang
tao. Ang pinuno ng
sistemang monarkiya ay
karaniwang tinatawag na
hari o reyna. Ang
kapangyarihan niya ay
maaring natatakdaan o di-
natatakdaan. Sa
monarkiyang natatakdaan,
ang kapangyarihan ng
monarko ay natatakdaan
ng Saligang-Batas.
Samantala, sa
monarkiyang di-
natatakdaan ay hawak ng
monarkiya ang buhay at
kamatayan ng kanyang
mga nasasakupan.
Naghahari siya ayon sa
kanyang kagustuhan.

Ang ideolohiyang
sosyalismo ay nakabatay
sa patakarang pang-
ekonomiya na kung saan
ang pamamalakad ng
pamahalaan ay nasa
kamay ng isang grupo ng
tao. Sila ang nagtatakda
sa pagmamay-ari at sa
pangangasiwa ng lupa,
kapital, at mekanismo ng
produksyon. Nasa kamay
rin ng pamahalaan ang
mga industriya at lahat ng
mga kailangan sa
pagpapabuti ng kalagayan
ng mga mamamayan.
Halimbawa ng ganitong
pamahalaan ang namayani
sa Tsina at ang dating
Unyong Sobyet.

Ang Komunismo ay
nilinang ni Karl Marx,
isang Alemang pilosopo
ang kaisipang ito at
pinayabong naman ni
Nicolai Lenin ng Unyong
Sobyet at ni Mao Zedong
 Kapitalismo, Demokrasya,
ng Tsina. Ang komunismo
Awtoritaryanismo,
ay naghahangad na
Totalitaryanismo, Monarkiya at
bumuo ng isang lipunang
Sosyalismo
walang antas o pag-uuri-
uri (classless society) kung
saan ang mga salik ng  Wala na po Sir!
produksyon ay pag-aari ng
lipunan. Sa sistemang ito,
ang estado ang may-ari ng
produksyon ng lahat ng
negosyo ng bansa.

Batay saating diskusyon,


ano ano ang mga
ideolohiya klas?

May klaripikasyon pa ba
kayo tungkol doon?

D. EXPLAIN (Limang Minuto)


4. Developing Mastery
(Leads to Performance
Assessment)

Sa parehong grupo na
ginawa natin kanina ay
bubuuin ninyo ang chart.
Isulat ninyo ang tamang
sagot sa bawat kahon
upang mabuo ito.
Pagkatapos ninyo itong
masagutan ay idikit ninyo
ito sa blackboard at
sisigaw kayo ng “Hooray!”.
Ang unang grupong
makatapos na tama ang
lahat ng kasagutan ay
madadagdagan ng limang
(5) puntos. Bibigyan ko
lamang kayo ng limang (5)
minuto upang ito ay
matapos.

PAGBUBUO NG CHART
MGA IDEOLOHIYA SUSING SALITA PAMARAAN/KAHULUGAN
1. KAPITALISMO
2. DEMOKRASYA
3. AWTORITARYANISMO
4. TOTALITARYANISMO
5. KOMUNISMO
6. SOSYALISMO

Pumili ng SUSING SALITANG angkop sa IDEOLOHIYA.


 Absolute
 Karapatan
 Pribadong ari-arian
 Pagtutulungan
 Pantay-pantay
 Pagkontrol

Pamaraan/Kahulugan
 Ang mga resources na ginagamit sa paggawa ng produkto ay pag-aari ng
pribadong institusyon.
 Iisa ang pinuno at namamahala sa lipunan at ekonomiya.
 Limitado ang karapatan ng tao sa malayang pagkilos at pagtutol sa
pamahalaan.
 Isang lipunang nagkakaisa, kontrolado ng publiko ang resources sa
produksyon.
 Pamayanan na pantay, ang bahagi ng bawat isa ay batay sa pangangailangan
at kakayahan.
 Ang mamamayan ang mas may makapangyarihan at kalayaan sa lipunan.

D. ELABORATE (Walong minuto)


5. Paghahanap ng mga
praktikal na aplikasyon
ng mga konsepto at
kasanayan sa pang-
araw-araw na
pamumuhay
Ngayon, ang bawat
pangkat ay magsasagawa
ng komparatibong
analysis. Dapat ay hindi
kayo magkapareho.
Pakibuklat sa pahinang
_____ at basahin ang AKTIBITI: KOMPARATIB ANALYSIS
direksyon para sa gawain
Ang paghahambing na pagsusuri ng
na ito…
dalawang ideolohiya ay isang
nakabalangkas na proseso ng pagsusuri
at paghahambing ng dalawang
magkaibang sistemang pampulitika,
panlipunan, o pang-ekonomiya. Ang
aktibidad na ito ay nangangailangan ng
maingat na pagsusuri sa mga
pangunahing prinsipyo, paniniwala, at
gawi ng bawat ideolohiya upang matukoy
ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.
Narito ang isang hakbang-hakbang na
gabay sa kung paano magsagawa ng
isang paghahambing na pagsusuri ng
dalawang ideolohiya:

Hakbang 1: Pumili ng dalawang


ideolohiya
Ang unang hakbang sa pagsasagawa ng
comparative analysis ay ang pagtukoy ng
dalawang ideolohiya na gusto mong
paghambingin. Dapat kang pumili ng
dalawang ideolohiya na naiiba sa isa't isa
at may makabuluhang pagkakaiba sa
kanilang mga prinsipyo, paniniwala, at
gawi. Halimbawa, maaari mong ihambing
ang kapitalismo at sosyalismo, o
demokrasya at awtoritaryanismo.

Hakbang 2: Magsaliksik ng mga


ideolohiya
Kapag napili mo na ang dalawang
ideolohiya, kailangan mong magsaliksik at
mangalap ng impormasyon tungkol sa
bawat isa sa kanila. Bibigyan kayo ng mga
adisyunal na materyal. Dapat mong
layunin na maunawaan ang mga
pangunahing prinsipyo, halaga, at
paniniwala ng bawat ideolohiya, pati na rin
ang kanilang konteksto sa kasaysayan.

Hakbang 3: Tukuyin ang pagkakatulad


at pagkakaiba
Susunod, kailangan mong suriin ang
impormasyong iyong nakalap at tukuyin
ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang ideolohiya. Maaari kang
gumamit ng comparative analysis
framework upang ayusin ang iyong mga
natuklasan at ihambing ang mga
ideolohiya sa mga tuntunin ng kanilang
mga sistemang pampulitika, panlipunan, o
pang-ekonomiya. Ang ilan sa mga
pangunahing elemento na maaari mong
ihambing ay kinabibilangan ng tungkulin
ng pamahalaan, pamamahagi ng
kayamanan at mga mapagkukunan, mga
karapatan at kalayaan ng indibidwal, at
katarungang panlipunan.

Hakbang 4: Suriin ang mga kalakasan


at kahinaan
Pagkatapos matukoy ang pagkakatulad at
pagkakaiba, dapat mong suriin ang mga
kalakasan at kahinaan ng bawat
ideolohiya. Maaari kang gumamit ng
balangkas ng pagsusuri ng SWOT upang
masuri ang mga kalakasan, kahinaan,
pagkakataon, at banta ng bawat
ideolohiya. Dapat mong isaalang-alang
ang mga pakinabang at disadvantage ng
bawat ideolohiya sa mga tuntunin ng
kanilang kakayahang lutasin ang mga
problema sa lipunan, itaguyod ang
paglago ng ekonomiya, o makamit ang
katarungang panlipunan.

Hakbang 5: Gumawa ng mga konklusyon


Sa wakas, maaari kang gumawa ng mga
konklusyon batay sa iyong pagsusuri at
pagsusuri sa dalawang ideolohiya. Dapat
magbigay ng iyong sariling opinyon kung
aling ideolohiya ang mas epektibo o mas
Bibigyan ko lamang kayo
ng walong minuto na kanais-nais batay sa iyong pagsusuri at
tapusin ito. Pumili kayo ng pagsusuri.
isang representative na
mag uulat sainyong
nagawang awtput.

6. Paggawa ng mga
paglalahat at abstraction
tungkol sa aralin

Ano ano ang mga  Ideolohiyang pangkabuhayan,


kategorya klas? pampolitika at panlipunan.

Ano ano ang iba’t bang uri


 Kapitalismo, Demokrasya,
ng kategorya?
Awtoritaryanismo,
Totalitaryanismo, Komunismo,
Monarkiya at Sosyalismo

Bilang isang mag-aaral,  Ang ideolohiya ay sumasalamin sa


bakit mahalaga ang kultura at kasaysayan mg ating
ideolohiya sa isang
bansa
bansa?

F. EVALUATION (Limang minuto)


7. Pagsusuri ng resulta ng
pagkatuto
Pakibuklat ang pahina
____ at sagutan ang
sampong aytem na
pagsusulit.

Suriin Natin Panuto: Upang matiyak ang mga natutunan sa aralin. Sagutan ang sumusunod na
gawain. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang awtoritaryanismong pamahalaan ang nagpaunlad sa maraming bansa ngunit ang demokratikong
Pilipinas ay umahon din mula sa kahirapan. Ano ang lubos na pinapatunayan ng pahayag?

A. Kahit anong uri ng pamahalaan ay mabisa. B. Demokrasya ang pinakamabisang uri ng pamahalaan.
C. Awtoritaryanismo ang pinakamabuting uri ng pamahalaan.
D. Hindi lamang awtoritaryanismo ang maaaring magpaunlad sa isang bansa.
2. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA ang paglalarawan sa ideolohiyang Komunismo?
A. Mga opisyal ng gobyerno ang nagmamay-ari sa lahat.
B. Ang pamahalaan ang may kontrol sa lahat ng pagmamay-ari.
C. Pagmamay-ari ng mga kapitalista ang produksyon at mga kalakal.
D. Pagmamay-ari ng mga mamamayan at ng estado ang produksyon at lahat ng negosyo sa bansa.

3. Kailan lubos masasabi na ang isang bansa ay nasa demokratikong pamamahala?


A. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan.
B. Ang pinuno ay siyang mas lubos na makapangyarihan.
C. Ang pamahalaan ay nasa kamay ng ilang pangkat ng tao.
D. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan.

4.Paano higit na nakaaapekto ang ideolohiya sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa?


A. Dumami ang mga kapitalista ng bansa.
B. Nagkasundo ang kapitalista at manggagawa
C. Nakasentro ito sa patakarang pang-ekonomiya.
D. Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maihayag ang sariling kaisipan o ideya tungo sa
pagbabago ng pamumuhay ng tao. 10

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamakabuluhang katuturan ng ideolohiya?


A. Nagsasaad ito ng sistema ng pamahalaan.
B. Ginagamit ito ng mga rebolusyonista sa pakikipaglaban.
C. Ginagamit ito sa pagsasagawa ng mga batas ng mga kongresista at senador.
D. Ginagamit Ito bilang gabay at prinsipyo ng pamahalaan at ng mamamayan sa isang bansa.

6. Maituturing bang mapanganib ang ideolohiyang pasismo?


A. Hindi, dahil mamamayan ang masusunod sa pamahalaan.
B. Hindi, dahil walang ibang masusunod kundi ang estado lamang.
C. Oo, dahil isinasantabi nito ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayan.
D. Oo, dahil ang lahat ng gagawin ng mga mamamayan ay para sa kagalingan ng estado at hindi para
sa kanilang kapakanan.

7. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng prinsipyo ng ideolohiyang Nazismo?


A. Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles ay sanhi ng mga suliranin sa Alemanya.
B. Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo – mga Aryano
C. Ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal
D. Ang mga Hudyo na naninirahan sa Alemanya ay hindi mga Aleman at sila ang sanhi ng maraming
suliranin at kabiguan ng Alemanya kayat kinakailangang mawala sila sa daigdig.

8. Bakit sa kabila ng pagiging sosyalistang bansa ng Vietnam at China ay may bahid pa din ng
kapitalismo ang kanilang ekonomiya
A. Dahil sa pagsunod nila sa mga patakaran ng World Bank
B. Dahil sa hindi pagbabawal sa pagwewelga ng mga manggagawang Tsino.
C. Dahil sa laganap ang pribadong pagmamay-ari at malayang kalakalan sa bansa.
D. Pinayagan sa kanilang bansa ang pagpasok ng ilang transnasyonal na korporasyon.

9. Alin sa sumusunod na kaisipan ang HINDI isang prinsipyo ng komunismo?


A. Pagwawakas ng kapitaslismo
B. Magkahiwalay nang lubos ang simbahan at estado.
C. Ang mga manggagawa ang pinakamataas sa pamahalaan.
D. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong Negosyo

10. Sa sistemang Totalitaryanismo, paano pinamumunuan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng
bansa, mga industriya, at pamamamahala?
A. Ang hangarin na makamit ang perpektong lipunan
B. Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa kamay ng hari o reyna
C. Ang pamamahala ay pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan
D. Ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag- uuri-uri ng lipunan ang layunin ng sistemang
ito

Pagbabalik-tanaw sa mga Layunin:

Tignan natin kung nakamit ba natin ang


ating mga layunin sa araw na ito…
a. Natutukoy ang kategorya ng
ideolohiya at ang mga iba’t ibang
uri nito;
 Natukoy po Sir!
Natukoy ba klas?

b. Nakakagawa ng comparative
analysis tungkol sa iba’t ibang
ideolohiya;

Nakagawa ba kayo klas?  Nakagawa po, Sir!


c. Nakakapagbahagi ng saloobin
tungkol sa kahalagahan ng
ideolohiya sa isang bansa.
Nakapagbahagi ba kayo klas?  Opo, Sir!

G. EXTEND (Pitong minuto)


8. Mga karagdagang
aktibidad para sa
aplikasyon at
remediation
V. Repleksyon
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa formative
assessment
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan karagdagang mga
aktibidad para sa remediation
C. Nagtagumpay ba ang mga aralin sa
remedial? Bilang ng mga mag-aaral na
nakahabol sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na patuloy
na nangangailangan ng remediation
E. Alin sa aking mga istratehiya sa
pagtuturo ang gumana nang maayos?
Bakit ito gumana?
F. Anong mga paghihirap ang aking
naranasan na matutulungan ako ng
aking punong-guro o superbisor na
malutas?
G. Anong mga inobasyon o localized na
materyales ang aking ginamit/natuklasan
na nais kong ibahagi sa ibang mga guro.
Inihanda ni: Sinuri at Naobserbahan:

Petsa:

You might also like