You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN NG UNANG BAITANG

A. Pamantayang Pangnilalaman

Ang mag aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala ng mga batayang
impormasyon ng pisikal na kapaligiran ng sariling paaralan at mga taong bumubuo dito.

B. Pamantayan sa pagganap

Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagpahayag ng pagkilala at pagpapahalaga ng


sariling paaralan.

C. Kasanayan sa pagkatuto

Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo sa paaralan.

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Natutukoy ang nga taong bumubuo sa paaralan.

b. Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo sa paaralan.

c. Napapahalagahan ang mga taong bumubuo sa paaralan.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Mga Tungkuling Ginagampanan ng mga taong bumubuo sa paaralan

Sanggunian : Araling Panlipunan MELC page 3 ( Third Quarter, week 4-5)

Kagamitan: Mga larawan, PowerPoint presentation, Flip Chart, number wheel, bola, bote.

III.PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin

Maari bang tumayo muna ang lahat at


manalangin.
b. Pagbati

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po guro!

Kamusta ang araw niyo? Mabuti naman po guro.

Mahusay kung ganun, bago kayo umupo


ay pulutin muna ang mga kalat at isaayos
ang mga upuan.

c. Paglista ng liban sa klase

May lumiban ba sa ating klase? Kung


kompleto ang lahat isigaw ang " Darna"

B. PAGLINANG NA GAWAIN

1. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating talakayan


ngayong umaga mayroon muna tayo
isang gawain na pinamagatang " PINOY
HENYO"

Aking papangkatin ang klase sa dalawang


pangkat at bawat pangkat ay pipili sila
nang dalawang miyembro sa kanilang (magsisimula na ang mga gawain)
pangkat upang sila ang sasabak sa laro.
Bibigyan ko kayo nang dalawang minuto
upang hulaan niyo ang mga salita.

2. PAGLALAHAD

Nasiyahan ba kayo sa inyong gawain?


Opo guro
Batay sa inyong ginawa kanina
nagkakaroon na ba kayo nang kaalaman
kung ano ang ating tatalakayin ngayong Wala pa po guro
umaga?
Gusto niyo pa ba nang isang aktibidad? Opo guro

Ikinagagalak ko na kayo ay aktibo sa ating


gawain , Kaya ang susunod nating
aktibidad ay pinamagatang "TAPATAN
MO AKO" (magpapalakpak ang mga mag aaral)
Handa na ba ang lahat ? Kung handa na ,
maaring magsilapakpak nang tatlong
beses

Panuto: Pagtapatin ang mga nasa hanay


A batay sa paglalarawan nito sa hanay B

Hanay A Hanay B

A. nars

B. Guwardiya

C. Guro

D. Tindera

E. mag-aaral
3. PAGTATALAKAY

Ang mga ipapakita Kong larawan ay may


kinalaman sa ating aralin, Ano sa tingin
niyo ang nasa larawan?

Paaralan

Ano naman ito?

Punong guro

Ano ito?

Mag-aaral

Mahusay!

Dahil ang mga litrato na inyong nakita ay


konektado sa ating paksa.

Sino-sino sa tingin niyo ang bumubuo sa


Punong guro, dyanitor, mag aaral
paaralan?

Tama!
Ano nga ba ang paaralan? Ang paaralan ay isang lugar kung saan nag-
aaral ang isang mag-aaral.

Tama ito ay isang Lugar kung saan kayo


nag aaral.

Ano sa palagay niyo ang tungkulin nang Tungkulin niya na ipatupad ang mga programa
Isang punong guro? ng paaralan para sa pagkatuto ng mga mag-
aaral.

Mahusay!

Punong guro - tungkulin nitong


pamunuan ang paaralan , suriin ang mga
guro, disciplina Ng mga mag aaral at
panatilihing malinis at maayos ang
paaralan.
Tungkulin namin ang mag-aral nang maigi o
Kayo, bilang magaaral ano ang inyong mabuti, makisali sa mga iba't ibang gawain sa
tungkulin? paaralan.

Magaling!

Mag aaral - tungkulin ng isang mag aaral ,


ang mag aral Ng mabuti , intindihing
mabuti ang mga asignaturang
tinatalakay sa paaralan.

Kami po
Sino- sino ang halimbawa ng mag-aaral?
Tama!

Doktor/ Nars - tungkulin ng mga ito


manggamot magpagaling ang kanilang
pasyente sa paaralan.

Dyanitor - tungkulin nitong panatilihing


malinis ang kapaligiran. Sila ang naglilinis
Ng mga kalat sa paaralan.

Guwardiya - tungkulin nila na mapanatili


ang kapayapaan sa paaralan.
Tindera - tungkulin nilang maghanda at
magtinda ng mga masasarap na pagkain
sa kantina.

4. PAGLALAHAT

Naintindihan niyo ba ang ating naging


talakayan ngayong Umaga? Opo guro

Kung gayon, Ano ang tungkulin ng isang


punong guro?
Pamunuan ang paaralan
Magaling!

Ano naman ang tungkulin ng isang


dyanitor? Panatilihing malinis ang paaralan

Tama!

Ano ang dapat Gawin para


mapahalagahan ang mga taong bumubuo
Magbigay galang at sumunod.
Ng paaralan?

Mahusay!

5. PAGLALAPAT

Gusto niyo ba ng isang aktibidad mga


bata? Opo guro

Ang aktibidad na inyong gagawin ay


tatawagin nating ‟SPIN THE WHEEL”
ngayon kayo ay aking papangkatin sa
dalawang grupo, mayroon ako ditong
gulong ng numero, bawat numero ay
may tanong na dapat ninyong sagutan,
kapag nasagutan niyo ang tanong ng
limang segundo, pipili kayo ng isang
miyembro ng iyong kagrupo na igulong
ang bola para itumba ang mga bote kung
ilang bote ang natumba yun ang
magiging puntos niyo. Kung sinong grupo
ang makakakuha ng pinakamaraming
puntos ay mabibigyan ng premyo. Opo guro
Naintindihan ba mga bata?

Mga tanong sa gulong ng numero.

1.magbigay ng isang kagamitang


ginagamit ng isang guwardiya?

2. Tungkulin nitong mangasiwa ng isang


paaralan.

3. Ang paaralan ay itinuturing na


pangalawang tahanan? Tama o Mali

4. Sila ang nagtuturo ng iba’t ibang aralin.

5. Siya ang namamahala sa paaralan.

6. Tungkulin ng isang dyanitor ang mag-


aral ng Mabuti. Tama o Mali?

7. Siya ang nangangalaga sa kalusugan ng


mga mag-aaral.

8. Tungkulin nitong makisali sa mga iba’t


ibang Gawain ng paaralan.

9. Magbigay ng isang gagamitan na


madalas ginagamit ng tindera?

10. Sila ang nagsisilbing pangalawang


magulang sa paaralan?

IV.Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga


pangungusap. Tukuyin kung tama o Mali
ang pangungusap.

1. Ang guwardiya ay ang nagtuturo sa


mga mag aaral.
2. Ang dyanitor ay naglilinis Ng paaralan.

3. Ang paaralan ang nagsisilbing


pangalawang tahanan.

4. Ang tungkulin ng mag aaral ay mag


aral ng mabuti.

5. Mahalagang sumunod sa mga


alituntunin sa paaralan.

V.Takdang Aralin

Pumili ng isa sa mga taong bumubuo ng


paaralan at magsulat ng mensahe para
dito.

Inihanda ni:

Charibel Ramirez

Berlyn Mae Bino

You might also like