You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Western Mindanao State University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Bachelor of Secondary Education
Zamboanga City
_________________________________________________________________

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


(CBA METHOD)

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga
sumusunod na may 80% antas ng kahusayan:
a.) Nasasabi ang ibat-ibang tungkulin bilang mag-aaral
b.) Naipapamalas ang pag-unawa sa mga tungkulin bilang mag-aaral
c.) Naisasagawa ang mga tungkulin bilang isang mag-aaral

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Ang aking tungkulin bilang isang mag-aaral
Sanggunian: https//otak.tips/ano-ang-iyong-tungkulin-bilang-mag-aaral.html
Kagamitan: Biswal aids, flash cards, ballpen, papel

III. PAMAMARAAN

A. DRILL
a.) Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat mga mag-aaral (Magandang umaga rin po sa


iyo ma’am.) Kamusta ang inyong mga araw? (Mabuti naman po ma’am). Mabuti kung
ganon,

b.) Pagdarasal

Ngayon ay magsitayo tayong lahat upang simulan ang ating aralin sa pagdarasal.
(Tumayo na ang lahat at sabay-sabay na nagdasal).

c.) Pagtala ng liban sa klase


Mayroon bang liban sa klase class? sumagot ng “andito po” ang tatawagin ko
(Sumagot ang bawat mag-aaral na natatawag ng “andito po”ma’am”.) Magaling, dahil
walang lumiban sa klase natin ngayon ay bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng tatlong
malakas na palakpak (Pumalakpak ng tatlong beses ang mga mag-aaral.)

d.) Balik-Aral

Bago tayo dumako sa ating bagong aralin, natatandaan ninyo pa ba ang ating
tinalikay noong nakaraang araw? (Opo ma’am, tinalakay po natin ang tungkol sa apat
na kategorya sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata). At anu-ano nga ang apat na kategorya na iyon? (Pakikipag-ugnayan sa
mga kasing edad, Papel sa lipunan bilang babae o lalaki, Pamantayan sa asal sa
pakikipagkapwa, at Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya).Tama, magaling
class. Sa araw na ito ang ating paksa na tatalakayin tungkol sa mga Ang aking
tungkulin bilang isang mag-aaral.

B. PANIMULANG GAWAIN

Bago natin talakayin ang ating aralin ay may ipapakita ako sa inyo na mga
larawan at sasabihin ninyo sa akin kung anu-ano ang inyong nakikita sa mga larawan.
Naintindihan class? (Opo ma’am). Mabuti naman kung ganon, (Nagpapakita ang guro
ng mga larawan sa klase).
Sino ang makapagsasabi kung anu-ano ang mga nasa larawan? (Ma’am ang mga
nasa larawan ay mga estudyante po, merong naglalaro, nag paparticipate sa klase,
nag-aaral, at sumasali sa mga paligsahan sa paaralan). Mahusay class. Tama kayo ang
nasa mga larawan ay mga mag-aaral. Salamat sa inyong partisipasyon.

1. Lesson Proper
Sa dakong ito ay ating tatalakayin ang ating magiging aralin ngayong araw. Handa
na ba ang lahat para makinig? (Opo ma’am handa na). Ang ating pag-uusapan ay Ang
aking tungkulin bilang isang mag-aaral sa paaralan.

Maraming mga tungkulin na kailangang gampanan bilang mag-aaral sa isang paaralan.


Ang ilan sa mga tungkulin bilang mag-aaral ay ang pag-aaral nang maigi o mabuti,
makisali sa mga iba't ibang gawain sa paaralan, sumunod sa mga palatuntunin ng aking
paaralan, gamitin nang wasto ang mga natututunan, gamitin ang pakikipag-
komunikasyon nang maigi, at iba pa. Ilan lamang sa mga ito sa mga tungkulin na
kailangan gawin ng mga mag-aaral.

ANO NGA BA ANG TUNGKULIN?

 Ang tungkulin ay isang bagay na kailangang gawin ng isang tao.


 Ang ibang tawag dito ay responsibilidad o pananagutan.
 Ang bawat tao ay may tungkulin bilang tao, tungkulin bilang kapatid, tungkulin
bilang mamamayan, tungkulin bilang trabahador, tungkulin bilang mag-aaral, at
iba pa.

ANO ANG AKING TUNGKULIN BILANG MAG-AARAL?

Bilang isang mag-aaral, narito ang ilan sa aking mga tungkulin:

 Pag-aaral nang maigi o mabuti:  Kailangang makinig sa guro, gawin ang mga
takdang-aralin, mag-aral sa bahay at gawin ang mga gawaing-bahay.
 Pakikisali sa mga iba't ibang gawain sa paaralan:  Kailangang sumunod sa mga
itinakdang mga gawain ng paaralan kagaya ng mga paligsahan, programa, at iba
pa.
 Pagsunod sa mga palatuntunin ng aking paaralan:  Kailangang sundan ang mga
"rules and regulations" ng paaralan upang maging ligtas ang paaralan at ang sarili.
 Paggamit nang wasto ang mga natututunan:  Kailangang ilaan sa mga
mabubuting bagay ang lahat ng mga natutunan sa paaralan. Ang halimbawa nito ay
ang pagtulong sa kapwa.
 Paggamit ng pakikipag-komunikasyon nang maigi:  Kailangang makipag-usap sa
kapwa tao nang maayos at may paggalang.
Iyan ang ilan lamang sa aking mga tungkulin bilang mag-aaral. Kailangang gawin ng
bawat mag-aaral ang bawat tungkulin na iyan upang maging isang responsableng mag-
aaral.

2. GENERALIZATION
Ngayon matapos nating talakayin ang mga tungkulin bilang isang mag-aaral, nais
kong malaman kung may natutunan ba kayo sa ating tinalakay
Ano nga ba ang tungkulin?
 (Ang tungkulin ay isang bagay na kailangang gawin ng isang tao.)
 (Ang ibang tawag dito ay responsibilidad o pananagutan.)
 (Ang bawat tao ay may tungkulin bilang tao, tungkulin bilang kapatid, tungkulin
bilang mamamayan, tungkulin bilang trabahador, tungkulin bilang mag-aaral, at
iba pa.)
Bilang mga mag-aaral, anu-ano ang inyong mga tungkulin sa paaralan?
 (Pag-aaral nang maigi o mabuti)
 (Pakikisali sa mga iba't ibang gawain sa paaralan)
 (Pagsunod sa mga palatuntunin ng aking paaralan )
 (Paggamit nang wasto ang mga natututunan)
 (Paggamit ng pakikipag-komunikasyon nang maigi)

Bilang mga mag-aaral, bakit kailangang gawin ang inyong mga tungkulin?
 (Upang maging isang responsableng mag-aaral)

Magaling class, akoy nagagalak dahil kayo ay nakinig ng mabuti sa ating aralin.
Bigyan natin ng malakas na palakpak ang ating mga sarili (Nagpalakpakan ang
lahat).

3. INFERENCE

Ngayon naman ay mayroon akong babasahin na isang napaka-ikling kwento, makinig


ng mabuti dahil may katanungan ako sa inyo pagkatapos ko itong basahin. (Nagbabasa
ang guro).

Si Markus ay masipag at matalinong mag-aaral. Nakikinig siyang mabuti sa


kanyang mga guro at lahat ng kanyang takdang-aralin at proyekto ay ipinapasa niya sa
tamang oras. Matataas ang mga marka niya sa lahat ng pagsusulit. Madalas siyang
lumalahok sa paligsahan sa kanilang paaralan. Matulungin rin siya sa kanyang mga
guro at kaklase. Sa araw ng pagtatapos, nasa pinakaharap na hanay ang kanyang mga
magulang. Tuwang-tuwa sila dahil si Markus ay maraming medalyang natanggap.
(Tapos nang basahin ng guro ang maikling kwento)

Unang katanungan:

Paano mo mailalarawan si Markus bilang isang mag-aaral?


(Si Markus ay isang responsableng mag-aaral dahil masipag siya sa pag-
aaral at ginagawa niya ang kanyang tungkulin bilang mag-aaral).

Pangalawang katanungan:

Paano mo masasabing responsableng mag-aaral si Markus?


(Nakikinig siya sa kangyang mga guro at ginagawa niya ang kanyang mga
takdang-aralin at ipinapasa sa tamang oras).

Pangatlong katanungan:

Ginagawa ba ni Markus ang kanyang tungkulin bilang isang mag-aaral?


Ipaliwanag ang iyong sagot.
(Oo, ginagawa ni Markus ang kanyang tungkulin sa pamamgitan ng
pagsali sa mga paligsahan sa paaralan, matulungin siya sa mga guro at
kamag-aral niya, at nakikinig siya ng mabuti sa kanilang klase).

Mahusay aking mga mag-aaral. Sa ginawa nating ito ngayon ay masasabi


kong ginawa ninyo ang inyong tungkulin bilang mag-aaral dahil nakinig kayo nag
mabuti sa ating aralin. Bigyan natin ng malakas na palakpak ang ating mga sarili
(Nagpalakpakan ang lahat).

4. VERIFICATION

Maikling pagsusulit

PANUTO: Lagyan ng TAMA kung ito ay nagsasaad ng tamang tungkulin


bilang mag-aaral at MALI kung hindi.

___1. Pag-aaral nang maigi o mabuti (TAMA)


___2. Hindi makikinig sa guro habang nag ka-klase (MALI)
___3. Paggamit ng pakikipag-komunikasyon nang maigi (TAMA)
___4. Pangogopya sa ka-klase (MALI)
___5. Pakikisali sa mga iba't ibang gawain sa paaralan (TAMA)
___6. Hindi pagsali sa mga aktibi sa paaralan (MALI)
___7. Pagliban sa klase dahil tinatamad sa pagpasok (MALI)
___8. Pagsunod sa mga palatuntunin ng paaralan  (TAMA)
___9. Papasok lang sa paaralan dahil malaki ang baon (MALI)
___10. Paggamit nang wasto ang mga natututunan (TAMA)
5. EVALUATION

Ngayon naman ay sagutin ninyo sa ang aking ibibigay na katanungan, isulat sa


papel ang inyong mga sagot at ipasa sa akin pagkatapos. Bibigyan ko kayo ng
sampung (10) minuto para gawin ito. Naintindihan ba ninyo class? (Opo ma’am
naintindihan po namin). Maaari niyo nang simulan ang pagsagot.

TANONG: Gaano kahalaga ang pag-gawa ng iyong tungkulin bilang isang mag-aaral
sa paaralan? Ipaliwanag ang sagot. (Pagkatapos ng 10 minuto ay ipinasa na
ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot sa papel).

6. TAKDANG-ARALIN

Para sa inyong takdang-aralin na ipapasa sa susunod nating pagkikita, gumuhit


kayo ng mga larawan na nagpapakita na ginagawa ninyo ang inyong mga tungkulin
bilang mag-aaral sa paaralan at iguhit ito sa isang bond paper.

May mga nais paba kayong itanong tungkol sa ating aralin? (Wala na po ma’am).
Kung gayon magsitayo tayong lahat at ayusin ang ating mga upuan. Mag-ingat kayo sa
inyong pag-uwi at maraming salamat sa pagdalo sa ating klase ngayon araw.
(Maraming salamat po ma’am, ingat din po ma’am).

Inihanda ni: PRINCESS JANE E. AYCO


BSED-1C

You might also like