You are on page 1of 4

KIMBERLY M.

EUFEMIA
MaEd Filipino

1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili bilang guro? Ikaw ba ay


maituturing na effective o efficient? Ipaliwanag nang buong husay
ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Bilang isang guro, mailalarawan ko ang aking sarili bilang isang
matiyaga, matiisin, mapagmahal, maunawain, maalam sa mga bagay
na aking itinuturo, mayroong iba’t ibang estratehiya sa
pagtuturo at higit sa lahat ay isang guro na may puso sa
pagtuturo. Ang mga katangiang ito ay alam kong dapat na taglayin
ng isang guro sapagkat dapat na sa lahat ng aspeto ay maituturing
tayong mahusay. Mahusay saan!! Ito ay mahusay sa pagtuturo lalo
na sa mga paksang itinututro. Hindi lamang sa pagtuturo kundi
mahusay rin sa pakikisama sa kapwa guro, mahusay sa pangangalaga
sa mga mag-aaral at mahusay sa pamamahala sa loob ng silid-
aralan. Naniniwala ako na kung tataglayin ng isang guro ang
ganitong mga katangian ay magiging matagumpay siya sa propesyon
na kaniyang tinatahak.
Ang katangiang effective at efficient ng isang guro ay masasabi
kong pareho kong taglay sapagkat bilang isang efficient na guro
ay alam kong naituturo ko ng buong husay ang paksang aking
itinuturo. Ginagawa ko ang aking gampanin at aking makakaya
bilang isang guro. Dahil alam naman nating lahart na bilang
isang guro, kinakailangang marami tayong alam na pamamaraan o
iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo, dahil alam naman natin na
ang ating mga mag-aaral ay mayroong iba’t ibang paraan ng
pagkatuto na dapat nating matugunan. Subalit ang pagiging
efficient ay hindi sapat na katangian kaya naman dito na papasok
ang pagiging effective ng isang guro. Naniniwala ako na hindi
lang dapat na nasa aklat ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral
sa kanilang guro kung hindi ang pati na rin ang mga bagay na
wala sa aklat mula sa kanilang guro. Sa ganitong paraan y
naniniwala akong dapat na parehong taglay ng isang guro ang
dalawang nasabing katangian.

2. Itala at talakayin nang buong husay ang dalawang pangunahing hadlang


sa mabisang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral. (10
puntos)

Ang dalawang pangunahing hadlang sa mabisang pagtuturo ay ang sumusunod:


Una, ang availability ng mga kagamitang pampagtuturo at kung naayon ba
ito sa paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Ang pagkakaroon o kawalan
ng mga ito ay malaki ang magiging epekto sa bisa ng pagtuturo ng isang
guro. Kaya dapat na tayo ay maging mapamaraan sa lahat ng oras sa loob
ng ating silid-aralan. Sapagkat hindi lamang tayo nagbabase sa kung ani
ang meron sa aklat. Dahil tayong mga guro ang gumagawa ng mga kagamitang
pampagtuturo gaya ng powerpoint presentation, LAS, SLM, EXAM, SIM at
marami pang iba kaya naman kung hindi abeylabol ang mga ito ay malaki
ang magiging epekto nito sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

Ikalawa, ang estratehiya na ginamit sa pagtuturo ay hindi angkop sa


paksang itinuturo. Maraming iba’t ibang dulog o paraan sa pagtuturo na
maaring magamit ang isang guro subalit dapat nating tiyakin na angkop
ang mga ito sa paksang ating tinatalakay. Dahil bilang isang guro, ay
tungkulin nating alamin ang wastong paggamit sa mga nakalatag na mga
estratehiya sa mga paksang ating tinatalakay. Ang uri o kalikasan ng
paksang itinuturo ay napakalahagang baryabol sa mabisang pagkatuto ng
bawat mag-aaral. Kaugnay nito bilang isang guro ay hindi sapat na marami
lang tayong alam na mga estratehiya sa pagtuturo. Bagkus, dapat rin
nating isaalang-alang kung ang ating mga mag-aaral at higit sa lahat ay
kung ang estratehiyang ating gagamitin sa pagtuturo ay naaayon sa paksang
tatalakayin.

3. Magtala ng limang (5) pananagutang nakaatang sa mga balikat ng guro.


Ipaliwanag ang bawat isa. (10 puntos)

Ang guro ay tagapayo at tagapatnubay- Bilang isang guro at tagapayo


may mga pagkakataon na nagkakaproblema ang isang mag-aaral sa
kanyang mga personal na suliranin sa buhay. Sa ganitong pagkakataon
ay dapat na maging maalam ang isang guro kung paano ba niya
papayuhan o papatnubayan ang kaniyang mga mag-aaral sa kung ano
baa ng dapat nilang gawin sa ganitong mga pagkakataon.
Ang guro ay modelo o huwaran- tayong mga guro ay nagsisilbing
magandang modelo hindi lamang sa ating mga mag aaral kung hindi sa
lahat ng taong nakapaligid sa atin. Kaya naman bilang isang guro
ay dapat na mayroon tayong kasanayang propesyonal na tinatawag,
may magandang saloobin at pananaw sa ating tinatahak ng larangan
at higit sa lahat ay dapat na mayroon tayong magandang katangiang
personal. Hindi tayo dapat gumagawa ng mga bagay na maksisira ng
ating reputasyon dahil tayo ay nagsisilbing modelo sa ating
lipunan. Sapagkat kapag tayo, ay nakagawa ng hindi maganda ay
maaaring masira ang ating propesyon na matagal nating iningatan at
pinagpaguran. Kaya naman tayo ay mag-ingat sa lahat ng ating gawi
o kilos sa loob o labas man ng silid-aralan.
Ang guro ay magulang sa paaralan- ang mga guro ang pangalawang
magulang ng mga mag-aaral kapag sila ay nasa loob na ng paaralan.
Lahat ng tungkulin ng isang magulang ay nasa kamay ng isang guro.
Ang pangagalaga sa kapakanan ng mga ito ay ating tungkulin lalo na
ang kanilang pagkatuto sa bawat aralin. Hindi natin sila
hinahayaang mapahamak o mapariwara sa kanilang landas na tinatahak.
Kaya kinakailangan nating ingatan ang ating mga sarili lalo na sa
pagbibigay ng payo sa ating mga mag-aaral.
Ang guro ay tagapagturo- bilang isang guro, pangunahin nating
tungkulin ang magturo. Dapat na lagi tayong handa sa lahat ng bagay
at pagkakataon. Kinakailangang ay maayos nating maibahagi sa ating
mga mag-aaral ang paksang ating tinatalakay nang sa gayon ay maayos
nating maparating at maibahagi ng makabuluhan ang agting paksang
tinatalakay. Dahil alam naman nating lahat na sa ating pagtuturo
sa ating mga mag-aaral ay malaki ang maitutulong sa pagpapa-unlad
ng kanilang kaalaman lalo na sa kanilang akademikong gawain.
Ang guro at tagapamahala- bilang isang guro tayo ay dapat na maging
maalam sa pamamahala sa loob ng ating silid-aralan sapagkat kung
maayos ang ating kapaligiran lalo na sa loob ng silid aralan ay
maaring makapag-udyok ito ng masiglang pakikilahok ng mga mag-aaral
sa mga gawaing pampagkatuto na maaring magbunga ng mabisa at
matagumpay na pagtuturo.

4. Maglahad ng apat (4) na pamaraan ng pagtuturo. Ipaliwanag ang bawat


isa. (20 puntos)
Ang pamamaraang patuklas- sa pamamaraang ito ay mahahamon ang
kakayahan at kawilihan ng isang mag-aaral sa paksang tatalakayin
sapagkat siya mismo ang tutuklas sa paksang tatalakayin. Dito natin
makikita ang husay ng isang mag-aaral sa pagpapapalawak ng kaniyang
kaalaman tungkol sa paksa. Dito nabibigyan ng pagkakataon ang bawat
mag-aaral na magkaroon ng partisipasyon sa loob ng silid-aralan.
Ang pamamaraang pabalak- ginagamit ito sa pagtuturo ng Edukasyong
panggawain o sa mga asignaturang na karawiwan ay isang proyekto
ang hinihinging awtput o resulta. Mayroon itong apat na hakbang.
Paglalayon o purposing, pagbabalak o planning, pagsasagawa at
executing, pagsasagawa ng mismong plano upang maisakatuparan ang
proyekto at pagpapasiya o evaluating, sa huling bahagi ay
magbibigay ang guro ng kaniyang mga puna o papuri. Isinasagawa ito
upang ng sa ganoon ay matutuhan pa ng mga mag-aaral kung ano ang
dapat pa nilang paunlarin sa proyektong kanilang ipinasa.
Ang pagdulog konseptuwal- karaniwan itong ginagamit sa Araling
Panlipunan. Mahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral kung paano ba
sila matututo (learning how to learn) ito ay payak patungo sa
masalimuot na kaisipan. Ang pagkatuto ng mag-aaral sa paraang ito
ay magdudulot ng pagbuo ng sariling konsepto tungkol sa isang paksa
na makapagpapalawak ng kaniyang kakayang intelektuwal tungkol sa
pag-unawa sa mga bagay na madaling unawain patungo sa mahirap na
unawain.
Ang process approach- ang pamamaraan na ito ginagamit lalo na sa
Agham. May hakbang na sinusunod ang pamamaraan na ito tulad ng
sumusunod: pagmamamasid, pag-uuri, paggamit ng pamilang, pagsukat,
relasyong ispasyo, komunikasyon panghuhula at pagbuo ng haka. Ang
mga hakbang na ito ay nagdadala sa mga mag-aaral upang maging isang
mapanuri at magkaroon ng isang batayang intelektuwal na maaring
magamit ng mga mga-aaral sa higit na pagpapaunlad ng kanilang
kaisipan tungo sa pagtuklas ng mga suliranin sa pang araw-araw na
buhay.

5. Talakayin nang buong husay kung paano makakamit ng mga mag-aaral


ang tinatawag na lubusang pagkatuto. (10 puntos)
Bilang isang guro, paano nga ba natin masasabi na ang ating mag-
aaral ay lubusan niyang nakamit ang pagkatuto. Masasabi natin na
nakamit ng lubusan ang tinatawag na pagkatuto kung tayong mga guro
ay natamo natin ang ating layunin sa pagtuturo na ating isinagawa.
Kung nasunod natin ang ating layunin sa ating banghay-aralin at higit
sa lahat kung ito ay maayos nating naisagawa. Dahil dito masasabi
nating ang ating mga mag-aaral ay nakamit ng buong husay ang
pagkatuto.

You might also like