You are on page 1of 15

ANG KATANGIAN NG

PANGKAPALIGIRANG
PAMPAGKATUTO

Inilahad ni: Bb. Liezel Sagarino


•Ano ang mga mahalagang katangian ng
isang Pangkapaligirang Pampagkatuto ?
•Ano ang mga kinakailangan sa isang
Inclusive Classroom?
Ano ang mga mahahalagang katangian ng isang mabisang
Pangkapaligirang Pampagkatuto ?

1. Student-Centred 5. Pagkatutong Kolaboratib


2. Computer Devices 6. Responsabling Pagkatuto
3. Aktibong Pagkatuto 7. Paggalang sa Kapwa
4. Pagkatutong 8. May patakaraan at
Kolaboratib reponsibilidad
9. Pagsusuri batay sa
pagganap
1. Student-Centred
- Sa klasrum na ito ang mga mag-aaral ang may pinaka-
importanting papel sa pagkatuto at ang mga guro ay
nagsisilbing gabay lamang upang matugunan ang
kanilang pagkatuto.
- Ang Guro ay Facilitators kaysa Lecturer.
- Sa klasrum na ito binibigyang pansin ang interest,
pangangailangan, abilidad at learning styles ng isang
mag-aaral.
2. Computer Devices
- Sa modernong klasrum, ang mga Computers ay higit nang
nagagamit bilang isang mahalagang kasangkapan sa 21st
Century kung saan higit nitong pinalitan ang paggamit ng lapis
at papel.
- Hindi lamang ito nakatutulong sa mga mag-aaral upang
magsagawa ng mga pananaliksik, kundi maging sa mga guro
upang tayo ay mabigyan ng oportunidad na mapaganda at
mapaunlad pa ang ating pagtuturo.
- Ito ay isang mabisang kasangkapang sa pagtuturo at pagkatuto
upang higit pa itong maging kawili-wili at epektibo.
3. Aktibong Pagkatuto (Active Learning)
- Ang aktibong pagkatuto ay mabisa sa paraang ang mga mag-aaral
ay gumaganap sa isang pangkat o gamit ang computer upang
matapos ang isang gawain o iba pang mga nakahihimok na gawain
na makatutulong upang madiskubre nila ang kanilang mga bagong
kasanayan.
- Aktibong natututo ang isang mag-aaral sa pakikipag-usap, pakikinig,
pagsulat, pagbasa, at pagbuo ng repliksyon sa sarili.
- Kung ang isang mag-aaral ay nahihimok sa kanyang aktibong
pagkatuto tiyak na mababaon niya ang kanyang mga natutunan at
hindi niya ito makakalimutan.
4. Pagkatutong Adaptib (Adaptive
Learning)
- May iba’t ibang uri ng mga mag-aaral na batay sa paraan
ng kanilang pagkatuto sa loob ng isang klasrum na kung
minsan ay nagbibigay hirap sa guro upang masiguro na
lahat sila ay nakauunawa sa mga konsepto ng aralin.
- Ang makabagong dulog na ito ay nagbibigay ng Kalayaan
sa mga mag-aaral na matuto ayon sa kanilang bilis kung
saan sila mas komportable at mas magiging epektibo ang
kanilang pagkatuto.
5. Pagkatutong Kolaboratib
(Collaborative Learning)
- Isa ito sa pinaka epektibong paraan sa pagkatuto.
- Ang pagkakaroon ng pagtutulungan ay nakalilinang sa saklaw ng
pagkatuto at napalalawak ang kritikal na pag-iisip ng isang mag-
aaral.
- Saklaw nito ang collaborative writing, group projects, joint
problem solving, debate, atbp.
- Dahil dito nabibigyan ng panibagong kahulugan ang ugnayang
mag-aaral at guro sa isang klasrum.
6. Responsabling Pagkatuto
(Responsibility Learning)
- Dahil ang mga mag-aaral ay hinihimok sa isang aktibong paglahok
sa kanilang pansariling pagkatuto, nag-uudyok ito upang sila ay
maging responsable sa kanilang pagkatuto.
- Ang mga responsabling mag-aaral ay hindi lamang hinihinimok
ang isa’t isa, kundi nakikipagtulungan ang mga ito sa kanilang
guro upang makamit ang kanilang layuning sabay na binuo.
- Gawain ng guro na magbigay ng iba-ibang estratehiya upang
mataguyod ang responsabling pagbuo ng mga mag-aaral ng kani-
kanilang mga desisyon at magkaroon ng pagtitiwala sa sarili.
7. Paggalang sa Kapwa (Mutual Respect)
- Ang mga guro at mag-aaral ay nararapat na magkaroon ng paggalang sa isa’t
isa.
- Sa ngayon ang papel ng guro ay hindi na ang pagiging pantas sa klase, ngunit
nangangailan paring alalahain ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunang
aral sapagkat sa tuwi-tuwina’y ginagabay sila ng kanilang mga guro.
- At, kailangan ding himukin ng guro ang bawat mag-aaral na magpahayag ng
kanilang sarili ng may kompiyansa sa sarili at bigyang halaga ang kanilang mga
opinion.
- Sa pagkakaroon ng isang disiplinadong klarum ang mga mag-aaral ay
inaasahan ding magbigay ng kooperasyon at respito tungo sa kanilang mga
kaklase.
8. May patakaraan at reponsibilidad
(Rules and Responsibilities)
- Ang mag Patakaraan, pamamaraan at mga anunsyo para sa mga
paparating na gawain ay dapat naka paskil sa isang lugar na
tanaw ng mga mag-aaral upang magsilbing gabay sa kanila.
- Ang paraang ito ay nakatutulong upang himukin ang mga mag-
aaral na palagiang alalahanin ang kanilang mga layunin at
reponsibilidad.
- Sumunod sa mga pang-araw-araw na gawain at intindihin ang
mga bagay na kailangan nilang makaimit sa bawat araw at kung
papaano nila ito makakamit.
9. Pagsusuri batay sa pagganap
(Performance-based assessment)
- Ang regular na pagsusuri sa pagganap ng mga mag-aaral
ay ginagawa ng isang guro gamit ang iba’t ibang metodo
na hindi lamang nag lilimita sa gawaing pagsusulit.
- Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng pagsusulit o
botohan.
- Maaari ring gamitin ang mga proyekto at pagganap
upang masuri ang mga nakamit o pangangailangan ng
isang mag-aaral.
Ano mga dapat tandaan sa isang Inclusive
Klasrum ?
- Ipinagbabawal ang diskriminasyon maging batay sa kasarian,
pinanggalingan, etnikong kinabibilangan, abilidad o kapansanan
atbp.
- Pantay ang oportunidad sa pagkatuto ng babae at lalaki
- Ang lahat ng mag-aaral ay dapat tratuhin ng pantay at may respeto.
- Gabay at suporta sa kalidad ng pagtuturo ay kinakailangan.
- Gumamit ng samo’t saring metodo upang magamit ng mga mag-
aaral higit lalo sa pagkakaroon nila ng iba’t ibang paraan sa
pagkatuto.
-Tiyakin na ang klasrum ay malinis, ligtas, may sapat na tubig at
maayos na pasilidad.
- Iwasan ang pagbibigay ng pisikal o mental na pasura.
- Ang mga magulang ay inaanyayahan at binibigyang fidbak tungkol
sa pagkatuto ng kanilang mga anak.
- Kaagapay ng mga guro ang mga magulang sa pagkatuto ng mga
bata sa bahay o sa eskwela, maging sa kanilang kalusugan at
siguridad.
- Kaisa ng mga guro ang mga mga gulang sa mga proyektong
pangkumunidad.
Sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=vjd3YPqUglo

You might also like