You are on page 1of 2

.

INSTRUCTIONAL PLAN
(DETAILED LESSON PLAN FORMAT)

Pangalan: Liezel Sagarino Posisyon/Designasyon: Teacher I


Asignatura: FILIPINO Baitang: 8 Markahan: Petsa: Oras:
Mga Kasanayan: Nagagamit ang angkop na repetwal (repertoire) ng wika sa pagpapahayag
(Hango sa Gabay ng kaalaman, karanasan, at saloobin.
Pangkurikulum)
Susi ng Pag-unawa
Pagkilala sa kayarian ng pangungusap na ginamit sa pagpapahayag.
na Lilinangin:

I. MGA LAYUNIN

Kaalaman
Nakatutukoy sa mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian,
Naipapakita ang kahalagahan ng uri ng pangungusap ayon sa kayarian sa
Kasanayan
pamamagitan ng paglalahad, at
Nakakagawa at nakakapagbigay ng sariling pangungusap gamit ang mga
Kaasalan
uri ng pangungusap ayon sa kayarian.
II. NILALAMAN
Paksa Kayarian ng Pangungusap
http://spireuplearning.blogspot.com/2019/02/ibat-ibang-uri-ng-
Sanggunian pangungusap-ayon-sa_16.html

III. MGA KAGAMITAN Powerpoint presentation


IV.PAMAMARAAN
Ipapanood ng guro ang isang maikling pelikulang pinamagatang “Sinsay”
https://www.youtube.com/watch?v=ipFDKTyffM4

Pagkatapos Panoorin ang Maikling Pelikula sagutin ang mga sumusunod?


1. Pagganyak 1. Ano nga ba ang sinsay basi sa napanood na pelikula?
2. Bakit napipilitang magsinsay ang mga bata kaysa pumasok sa eskwela?
3. Ano ba ang magandang dulot ng pag-aaral?

Pansinin ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Hindi hadlang ang tanikala ng kahirapan upang hindi maabot ng isang


tulad ko ang pangarap na minsan ko ring hiniling na matupad.
2. Ganito ako tuwing papasok sa eskwela, laging huli, humihilig at
kadalasan ay absent kaya nga ako paborito ni titser Grace noon at kahit
2. Paglalahad anong sermon o galit ang nakukuha ko mula sa aking mga titser, wala e
late talaga ako palagi.

Ang mga pangungusap na ito ay mula sa Pelikulang napanood, pansinin


ang iba-ibang kulay na nakapaloob sa pangungusap.Ito ay may kinalaman
sa kayariaan ng pangungusap. Ang pagakabuo sa pangungusap

3. Pagtatalakay Ngayon, tatalakayin na natin ang Kayarian ng pangungusap.


Ang pangungusap ay may apat na anyo o kayarian at ito ay ang mga
sumusunod:
1. payak na pangungusap- Ang payak po na pangungusap ay binubuo ng
iisang diwa o kaisipan.
4 na kayarian:
-payak na simuno at payak na panaguri (1S + 1P)
-payak na simuno at tambalang panaguri (1S + 2P)
-tambalang simuno at payak na panaguri (2S + 1P)
-tambalang simuno at tambalang panaguri (2S + 2P)

2. tambalan na pangungusap- Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng


dalawa o mahigit pang mga payak na pangungusap.
Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang mga
sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig na panimbang
.
tulad ng mga at,saka,pati,ngunit,pero,datapwat,subalit,o,ni,man,at maging.

3. hugnayan na pangungusap- Ang hugnayan na pangungusap ay binubuo


ng punong sugnay at isa o mahigit pang katulong na sugnay. Ang
hugnayan na pangungusap ay binubuo ng punong sugnay at isa o mahigit
pang katulong na sugnay.

4. langkapan na pangungusap- ang langkapan na pangungusap ay


binubuo ng tambalan at hugnyan na pangungusap. Ito ay may punong
sugnay, katulong na sugnay at dalawa o mahigit pang sugnay na
pantuwang. Ito ay maaaring buuin ng mga sumusunod:
- 2 sugnay na makapag-iisa + 1 sugnay na di-makapag-iisa
- 2 sugnay na makapag-iisa o higit pa + 1 sugnay na di-makapag-iisa o
higit pa

Hihingi ang guro ng mga sariling halimbawa mula sa mga mag-aaral.


Suggestopediang pamaraan- Dulog Sosyolohikal

Ang klase kay hahatiin sa apat na pangkat ang bawat pangkat ay


magbabagyuhang utak.
Sa bisa ng isang awitin "Anuman ang sitwasyon, tuloy ang Edukasyon
Song" ( https://youtu.be/-ttjiI_lGW8 ) hahayaan ang mga mag-aaral na
bumuo ng isang kampanya patungkol sa pagpapalahaga sa Edukasyon at
ang halaga nito sa Lipunan natin ngayon. Dapat makita ang apat na
kayarian ng pangungusap sa paglalahad.
4. Paglalapat
Pamantayan:
Napapanahon- 20
Tumpak ang mga impormasyon at datos- 30
Maayos at malinaw ang pagpapahayag- 30
Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon- 20
Kabuuan- 100 puntos

Napansin na iba-iba ang pagkakabuo ng mga pangungusap at ito’y


naaayon sa bilang ng diwa o kaisipang ipinahahayag. Samakatuwid
5. Paglalahat
mahalagang pagtuonan ng pansin ang pagkakayari ng mga pangungusap
na ating ginagamit upang lubos nating maunawaan ang diwa nito.

V. PAGTATAYA

Susuriin ng mga mag-aaral ang 10 pangungusap at tutukuyin kung anong uri ng pangungusap ayon
sa kayarian.

VI.GAWAING BAHAY / TAKDANG-ARALIN

Sa isang buong papel gumawa ng isang talata (na di bababa sa 5 pangungusap) na kakikitaan ng
apat na kayarian ng pangungusap na tumutugon sa paksang “Ang Lupunan at Edukasyon noon at
ngayon”

Inihanda ni:

_____LIEZEL SAGARINO______
TEACHER 1

You might also like