You are on page 1of 1

Banghay Aralin sa Filipino 5

I. Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga bata ay inaasahang:
1. Nailalarawan ang mga pangyayari sa napanuod na news at video clips.
2. Nakasusulat ng pangungusap ayon sa kayariang payak at tambalan.
3. Nakagagamit ng salitang ibinigay upang makabuo ng payak at tambalan na kayarian ng
pangungusap.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian (Payak at Tambalan)
b. Sanggunian: Komunikasyon, pahina 35-44
c. Kagamitan: piraso ng papel, news/video clip, ICT

III. Pamamaraan
A. Aktibiti
Magpapanuod ang guro ng news at video clips sa mga bata.
Itatanong ng guro Ano kaya sa tingin nyo ang pangyayari sa mga balitang ito?
Isusulat ng mga bata ang kanilang mga sagot sa mga piraso ng papel at ipapaskil
ito sa pisara.
B. Analisis
Hahatiin ang klase sa tatlong grupo.
May ipapabasang sanaysay ang guro tungkol sa isang paraan upang mailigtas
ang kalikasan laban sa mga basura.
Pagkatapos magbasa ng mga bata ay magtatanong ang guro tungkol sa kanilang
binasang sanaysay.
Susulat ang mga bata ng kanilang payak at tambalang pangungusap ayon sa
kayariang payak at tambalan.
Diskusyon
C. Abstraksyon
Itatanong ng guro Alin kaya sa mga sinulat niyong mga pangungusap ang payak
na kayarian at tambalan na kayarian ng pangungusap?
D. Aplikasyon
Magbibigay ang guro ng ga salita sa mga bata.
Gagamitin ng mga bata ang mga salita upang makabuo ng isang payak at
tambalang pangungusap.
Bubunot ang mga bata kung ang gagawin nila ay payak na pangungusap o
tambalang pangungusap.
Gagawin nila ito sa loob ng isat kalahating minute sa pasalitang paraan.
IV. Values Integration
Itatanong ng guro ang mga sumusunod sa mga bata:
o Paano ka makatutulong sa pagsagip sa kalikasan?
o Bakit kailangang bigyan pansin ang mga isyung pangkalikasan?

You might also like