You are on page 1of 10

VISION

CNSC as a premier Higher Education Institution in the Bicol Region.

MISSION
The Camarines Norte State College shall provide higher and advanced studies
Republic of the Philippines in the field of Education Arts and Sciences, Economics, Health, Engineering,
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE Management, Finance, Accounting, Business and Public Administration,
College of Education Fisheries, Agriculture, Natural Resources development and Management and
Abaño Campus ladderized courses. It shall respond to research extension and production
services adherent to progressive leadership towards sustainable development.
Daet, Camarines Norte

JAYPEE P. MAGANA BSED-3A

Banghay-Aralin

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
a. Nailalahad ang kahulugan ng sugnay at mga uri nito;
b. Nakakikilala ng pagkakaiba ng mga uri ng sugnay mula sa limang
halimbawang binigay;
c. Nakapagpapahayag ng sariling kaisipan tungkol sa sugnay at mga uri nito
mula sa limang halimbawa; at
d. Nakapagbabalangkas ng lima o higit pang mabisang pangungusap gamit ang
sugnay at ang mga uri nito.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Sugnay at mga uri nito
b. Sanggunian:
i. Batayan at Sanayang Aklat sa Wikang Pahayag ni Eleonor P. Antonio
et.al.
ii. Komunikasyon sa Akademikong Filipino ni Perla Garnace-ulit Ph.D., et
al. Pahina 78-79, karapatang-ari 2008.
iii. Manueli, Maria Khristina S.: Non-verbal sentences in Tagalog: A
minimalist analysis Ika-9 na Kongreso ng Linggwistika sa Pilipinas, 25-27
Enero 2006, UP Diliman.
iv. BEC- PELC 2010 Blg. 5-6
v. https://www.slideshare.net/GypsyNicoleRodrigo/ang-sugnay-
77091867?qid=efffa1ee-fdd0-4340-92c8-
f2ef318d2fd4&v=&b=&from_search=1

c. Kagamitan:

Power Point Presentation, Tisa, Pisara, Maikling kwento, Tsart

d. Kabutihang Asal:

Kooperasyon at disiplina
III. PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a) Panalangin
Kami po ay maliliit na alipin sa iyong
harapan. Patawarin mo po kami sa
aming kahinaan. Bigyan mo kami ng
kalakasan upang mapaglabanan ang
mga pagsubok na darating. Igawad
mo sa amin ang kababaang-loob
upang tumulong sa aming mga
kaklase at sa aming kapwa tao.
Gabayan mo kami na maging isang
huwaran sa aming lipunang
ginagalawan at magsilbing mabuting
halimbawa para sa mga mag-aaral
na nakababata sa amin. Sa iyo ang
kaluwalhatian at aming pagsamba,
Panginoon naming Diyos sa
pangalan ng iyong Anak na aming
Tagapagligtas. Amen.

Chorus: “Magandang Umaga G. Magana”

Magandang Umaga din sa inyong lahat.


Maari na kayong umupo.

b) BALIK ARAL

Sabihin kung payak o tambalan ang mga 1. Maaliwalas ang mukha ng aking
sumusunod na pangungusap. kaibigan.
2. Naglalaro si Rico ng Basketball
samantalang nagtatanim naman
si Rosy ng rose.

“ Roy , paki-basa nga ng unang pangungusap, at


sabihing kung ito ay payak o tambalang ROY: “Maaliwalas ang mukha ng aking
pangungusap” kaibigan. Masasabi ko pong ang
pangungusap na iyan ay isang payak na
pangungusap”

Sige!
“Maria, paano naman nasabi ni Roy na ang Maria: “Kasi po ang unang pangngusap ay
unang pangungusap ay isang payak?” mayroong iisang pinag-uusapan, bagamat
payak ay mayroong mensahing
ipinapahayag.”

Magaling!

“Noel pakibasa ang pangalawang pangungusap. Noel: Naglalaro si Rico ng basketball


At pakisabi kung payak o tambalan na samantalang nagtatanim naman si Rosy ng
pangungusap.” rose.
“masasabi ko po na ang pangalawang
pangungusap ay tambalan.

“Pano mo naman nasabi na tambalan ang “Kasi po ayon sa ating paksa kahapon ang
pangalawang pangungusap?” tambalang pangungusap ay pangungusap
na may dalawang kaisipan na pinaguugnay
ng mga pangatnig.”

Magaling!

“King sinabi ni Noel na ang tambalang King: Ang dalawang kaisipan po na binigay
pangungusap ay pangungusap na may dalawang sa pangungusap ay ; una, Naglalaro si Rico
kaisipan na pinaguugnay ng mga pangatnig. ng basketball , pangalawa, nagtatanim ng
Maari mo bang isaisahin ang mga kaisipan na rose si Rosy at ang pangatnig na ginamit
binigay ng pangungusap at kung anong para mapag-isa ang dalawang
pangatnig ang ginamit?” pangungusap ay samantalang.”

Magaling!

c. PAGGANYAK

Magkakaroon muna tayo ng isang laro bago tayo


magsimula sa ating aralin, at inaasahan ko na
ang lahat ay makikiisa.
Ang tawag sa larong ito ay “Lunting Ilaw , Pulang
ilaw”
Ito ang mekaniks ng laro, pagsinabing lunting ilaw
ang lahat ay tatayo, at kapag sinabi kong pulang
ilaw ang lahat ay uupo. At ang sinomang
magkamali ay pupunta sa unahan at sasagutin
ang mga tanong na ibabato sa kanya.

1. Magbigay ng halimbawa ng simuno.


2. Magbigay ng halimbawa ng panag-uri
3. Gawing pangungusap ang binigay na 1. Si Mario
simuno at panag-uri 2. Ang minamahal ni Tina
3. Si Mario ang minamahal ni Tina.
4. Sugnay
4. Sa wikang ingles ito ay tinatawag na
clause, sa tagalog ano ito?

PAGGANYAK NA TANONG

Rose, base sa inyong ginawa ano sa tingin mo


ang paksa na ating pag-aaralan sa araw na ito.
Rose: ang paksa po na ating pag-aaralan sa
araw na ito ay tungkol sa pagbuo ng mga
pangungusap.
Kevin, may karagdagan ka pa bang isasagot?
Kevin: ahh base po sa ating ginawa, tungkol
po sa Sugnay at mga uri ang ating paksang
tatalakayin sa araw pong ito

Sige magaling!

PAGLALAHAD

Meron akong hinandang Maikling sanaysay dito


na pinamagatang ‘INAPI”,at kailangan ko ng
isang taong magbabasa at nais kong ang lahat ay
makinig.”

“Froilan, pakibasa dito sa unahan at making ang


lahat” Froilan: Inapi”

Mahirap lang ang pamilaya ni Rona. Isa sa


walong magkakapatid si Rona na dahil sa
kahirapan ay nanuluyan sa kanyang tiyahin
sa Metro Manila. Labing-tatlong taong
gulang lamang siya noon ngunit ipinasa na
sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing
bahay: paglilinis, paghuhugas ng pinggan,
pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa,
pamamalengke at kung anu-ano
pa…………

Naintindihan nyo ba ang binasa ni Froilan? Churos: Opo SIR”

Magaling!
(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)
Ano ang ugali na meron si Rona sa kwento?

Sige, nga Edrick?


Edrick: si Rona po ay isang matiyaga at
masipag saka matalino.
Hmmm, ano pa?
(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)
Sige nga Joball?
Joball: si rona po ay isang napakabait na
bata, at matalino kasi kahit na inaapi na sya
ay binabaiwala nyalang ito dahil gusto
nyang makapagtapos ng pag-aaral
Magaling!

Ano naman ang sillbing aral sa Kwento?

Hazel ? ano ang aral na natutunan mo sa


kwento? Hazel: ahhahh ang aral po na natutunan ko
sa kwento ay Maging matiyaga at sikaping
makapagtapos ng pag-aaral anuman ang
kalagayan sa buhay. Ang taong masipag at
nagsusumikap sa buhay ay may
matagumpay na hinaharap.

Pwedi,. Si Sonia gusto kong marinig ang boses, Sonia: Huwag gantihan ang gumagawa sa
ano ang aral na napulot mo sa kwento Sonia? iyo ng hindi maganda. Ipagpasa-Diyos na
lamang sila at magpatuloy ka sa iyong
buhay.

Magaling din!

Ngayon kumuha ako ng mga pangungusap mula 1. Mahirap lang ang pamilya ni Rona.
sa kwento na inilagay ko sa tsart, at atin itong 2. Nagpatuloy ng pag-aaral si Rona.
susuriin. 3. Nakapag-asawa siya ng isang
abogado.
4. Kapag naglilinis ng sahig si Rona.
5. . Nang makatapos ng high school.

Edwin paki basa ng unang pangungusap. Edwin: Mahirap lang ang pamilya ni Rona

Anong mapapansin mo sa pangungusap? - Isa po syang payak na pangungusap

Bakit kaya sinabi ni Edwin na payak na


pangungusap ang nasa unang bilang? Shiela? Shiela: ahh kasi po ang ang pangungusap
ay may simuno at panag-uri.

Ikaw karl sa tingin mo alin ang simuno at panag-


uri dyan sa unang pangungusap. Karl: ang simuno po ay “ ni Rona at ang
Panag-uri naman po ay mahirap lang ang
pamilya.

Churos: meron po sir.


Meron ba itong isang diwa?

Tama!

Kung ang unang pangungusap ay payak na Tataas ng kamay si Riza.


merong simuno at panag-uri at merong ding
diwan a ipinapahayag ? ibig sabihin maari rin
natin syang tawaging ano?

Sige, Riza ? Riza: payak na simuno at payak na panag-


uri.
Hmm pwedi?

Sino pa ? ikaw Robert anong masasbi mo? Robert: Maari po syang Sugnay?

- Kasi po ang sugnay ay ang


Bakit mo nasabing sugnay? kalipunan ng mga salitang may
simuno at panaguri na maaaring
may buong diwa

Tumpak ! ang pangungusap na nasa unang


bilang ay isang Sugnay na pangungusap.

Paki ulit mo nga Bryan ang ibigsabihin ng sugnay Bryan: ang sugnay ay ang kalipunan ng
na pangungusap? mga salitang may simuno at panaguri na
maaaring may buong diwa.

Yung pangalawang pangungusap paki basa, Rico: Nagpatuloy ng pag-aaral si Rona.


Rico?
Anong masasabi mo sa pangalawang - Isa rin po syang sugnay na
pangungusap? pangungusap.

Tama!

Roel alin ang panag-uri? Roel: ang panag-uri po ay Nagpatuloy sa


pag-aaral at ang simuno po ay Si rona.

Ikaw Rowena, Masabi mo bang makapag-iisa Rowena: Opo sir!


ang ang pangalawang pangungusap?
- Kasi po nakapagbibigay po sya ng
Bakit? isang diwa o kumpleto ang mga
impormasyon.

Allan: Ang sugnay na nakapag-iisa ay


Tama, ano pa Allan ang masasabi mo? maaaring makatayo nang mag-isa.

Magaling!

Pangatlong pangungusap pakibasa ? Noel? Noel: Nakapag-asawa siya ng isang


abogado
Isa rin bas yang sugnay na pangungusap? - Opo!

Bakit Roy, nasabi ni Noel na isa rin sugnay na Roy: kasi po may roon syang simuno at
pangungusap? panag-uri at may roong isang diwa.

Magaling!

Jonel pakibasa naman ng pang-apat na Jonel: Kapag naglilinis ng sahig si Rona.


pangungusap.
Anong masasabi mo sa pangapat na - Isa rin po syang sugnay na
pangungusap? pangungusap.

- Satingin ko po hindi

Masasabi natin isa rin sya sa Sugnay na


nakapag-iisa?
(Nagtaas ng kamay si Jerome)

Bakit? Kasi po kulang po ang diwa na pinapahayag


Oh Jerome? sa pangapat na pangungusap
Ngunit masasabi parin syang sugnay na
pangungusap. Dahil may simuno at
panaguri parin po sya ngunit di buo ang
diwang pinapahayag.

Magaling!

Ano pa? Rica? Rica: kagaya po ng sinabai ni Jerome ang


pangapat na pangungusap ay hindi Malaya
o hindi buo ang diwa kaya po kailangang
dagdagan upang maging buo ang
pangungusap.
Tama!

Anong napansin nyo sa mga pangungusap? (Nagtaas ng kamay si jp)

Jp? Ang mga payak na pangungusap po ay


maaari ring tawaging sugnay na
pangungusap. Dahil ang sugnay na
pangungusap ay Binubuo rin ng simuno at
panaguri na may iisang diwa.

Ano pang maidadag mo Darwin? Darwin: Napansin po namin ang sugnay ay


may dalawang uri ito ang Sugnay na
Nakapag-iisa at sugnay na Di nakapag-iisa.

Sino ang makakapagbigay ng kahulugan ng


sugnay na nakapag-iisa at sugnay na di-
nakapagiisa (Nagtaas ng kamay si Rem)
Rem? Rem: Ang sugnay na nakapag-iisa ay lipon
din ng mga salita na may simuno at
panaguri at mayroon ding isang diwa ,
maaari rin itong tawaging malayang sugnay
dahil naiibibigay nito ng buo ang diwang
ipinapahayag, samantalang ang sugnay na
di nakapag-iisa ay lipon din ng mga salita na
may simuno at panag-uri ngunit hindi buo
ang diwang ipinapahayag, at tinatawag din
itong di malayang sugnay.

Magaling!

Rolan, Karagdagan?
Rolan: Ang diwa po ng di malayang sugnay
ay nakadepende sa diwa ng malayang
sugnay na kasama nito sa pahayag. Dahil
dito, ang di malayang sugnay ay gumagamit
lamang bilang isang pangngalan, pang-uri,
ang pang-abay.
Gagawa ng isang pangungusap ang isang mag-
aaral at sasabhin ng isa pang mag-aaral ang
sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-
makapag-iisa sa nabuong pangungusap.

Joven, magbigay ka ng pangungusap.


Joven: Sasama ako sa inyong maligo sa
ilog kung papayag ang aking ina.

Carlo, Sabihin mo nga ang sugnay na


nakapagiisa at sugnay na di nakapag-iisa sa Carlo: Ang sugnay na nakapag-iisa ay
pangungusap na binuo ni Joven? Sasama ako sa inyong maligo sa ilog. At
ang sugnay na di nakapag-iisa naman ay
“kung papayag ang aking ina.
Clara? tama ba ang ang sinabi ni Carlo?
Clara: Opo sir, dahil sab inga po kanina ang
sungay na nakapag-iisa ay mayroong buong
diwa at ang sugnay na di nakapag-iisa ay
walang buong diwa at nakadepende sa
malayang sungay na kasma nito.

Zaina, magbigay ka pa ng isang pangungusap.


Zaina: Makapag-aaralakong mabuti kapag
nahusto na ang aking mga aklat.

Rosejean, Sabihin mo nga ang sugnay na


nakapagiisa at sugnay na di nakapag-iisa sa Rosejean: Ang sugnay na di nakapag-iisa
pangungusap na binuo ni Zaina? po ay kapag nahusto ang aking aklat. Ata
ang sugnay na nakapag-iisa ay Makapag-
aaral akong Mabuti.
Romnic, isa pang pangungusap?
Romnic: Naghihirap sa pagtatanim ang mga
magsasaka dahil sa ang lupa ay tigang.

Lito Sabihin mo nga ang sugnay na nakapagiisa


at sugnay na di nakapag-iisa sa pangungusap na Lito : ang sugnay na nakapag-iisa po ay
binuo ni Zaina? nahihirapan magtanim ang mga magsasaka
ata ang sugnay na di nakapag-iisa ay dahil
sa ang lupa ay tigang.
Magaling!

e. PAGLALAHAT

Obet, paki-ulit nga ng kahulugan ng sugnay? Obet: Kasi po ang sugnay ay ang kalipunan
ng mga salitang may simuno at panaguri na
maaaring may buong diwa,ito po ay may
madalawang uri, sugnay na nakapag-iisa at
sugnay na di nakapag-iisa.
Magaling!

Ronel, ibigay mo nga ang kahulugan ng sugnay


na nakapag-iisa? Ronel: Ang sugnay na nakapag-iisa ay lipon
din ng mga salita na may simuno at
panaguri at mayroon ding isang diwa ,
maaari rin itong tawaging malayang sugnay
dahil naiibibigay nito ng buo ang diwang
ipinapahayag

Jame, ikaw naman ang magbigay ng kahulugan James: ang sugnay na di nakapag-iisa ay
ng sugnay na di nakapag-iisa lipon din ng mga salita na may simuno at
panag-uri ngunit hindi buo ang diwang
ipinapahayag, at tinatawag din itong di
Mahusay! malayang sugnay.

f. PAGLALAPAT

Bakit kaya bilang Pilipino ay mahalagang pag-


aralan ang pagbuo ng pangungusap. Bilang isang Pilipino, ang pagbuo ng
pangungusap gamit ang wikang ating
kinagisnan ay masasabing simple lamang,
ngunit kapag tiningnan natin sa ibang
angulo ang pagbuo ng mga pangungusap
hindi ganon kadali sapagkat kung ating itoy
susuriin, dapat nasa tama ang ayos , may
limitasyon , at hindi dapat makasakit o
maka-apekto sa damdamin ng ibang tao na
makakabasa o makakarinig nito.
Mahaga pong pag-aralan ang pag-buo ng
pangungusap sapagkat Hindi lang basta
tayo nagbabalangkas ng isang
pangungusap. Dapat nating isipin kung
tama ba ito at naaayon sa proseso ng
pagbuo ng mga pangungusap.

IV. PAGTATAYA

Salungguhitang minsan ang sugnay makapag-iisa at dalawang beses ang sugnay na


dimakapag-iisa.
1. Nanganganib ang kalusugan ng mga mamamayan kung may polusyon sa dagat.
2. Lumubha ang kanyang karamdaman dahil hindi kaaagad siya pinatingnan sa doctor.
3. Mabilis siyang gumaling sapagkat sinunod niya ang payo ng doctor.

4. Naghihirap sa pagtatanim ang mga magsasaka dahil sa ang lupa ay tigang.

5. Mga batang hindi lang kinabukasan ang nasira kundi halos ang sarili nilang pag-iisip
ay nasira na rin.

V. TAKDANG-ARALIN
1. Bumuo ng mga pangungusap na ginagamitan ng mga sumusunod na pangatnig.
Tukuyin ang mga sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa.
( DAHIL, KAPAG, KUNG, SAPAGKAT, UPANG)

You might also like