You are on page 1of 10

Banghay Aralin

I.Layunin
Sa loob ng 60 minuto ang 80% na mag-aaral ay inaasahang:

a.F7PB-IIi-11
Nailalahad ang mga elemento ng maikling kwento ng Kabisayaan.
b.F7PT-IIi-11
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa kwento batay sa a) kontekstuwal
na pahiwatig, at b) denotasyon at konotasyon.
c.F7PS-IIi-11
Naisasalaysay nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

II. Paksang Aralin

Paksa: Paalam sa Pagkabata salin ni Nazareno D. Bas


Sanggunian: Rex interaction pahina 12-19
Kagamitan: Speaker, Laptop, Visual aids at projector.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tayo ay magbigay pugay sa atin
mahal na Panginoon. Maaari bang
pangunahan ng isa sa inyo.
Panginoon pinupuri ka po namin at
nagpapasalamat ng lubos sa iyon pagtubos sa
amin sa kabila ng amin mga kasalanan. Nawa’y
patuloy ninyo po kami gabayan at ang aming
mga pamilya. Bigyan ninyo po kami ng lakas at
katalinuhan ngayon araw nito . Ang lahat ng ito
ay samot dalangin amin sa ngalan ni Jesus .
2. Pagbati Amen

Magandang araw sa inyong lahat!

Magandang araw rin po!

Maari bang tahimik natin pulutin ang


mga kalat sa paligid at isaayos ang mga
upuan.

Opo Ma’am.

3. Pagtala ng Liban

May lumiban ba ngayon sa inyo klase?


Wala po Ma’am.
Nakakagalak naman at lahat kayo ay
narito.
B. Pangganyak

Gisingin muna atin ang ating mga diwa.


May naaninag ba kayo bagay sa inyo
harapan? Opo Ma’am.

Mula sa inyo nakikita ano ang tawag


natin sa bagay na ito?

Salamin po.

Mahusay!

Saan nga ba natin ginagamit ang


salamin?
Upang tignan ang sarili araw-araw kung maayos
ba ang atin pananamit at pag-aayos sa mukha.

Nadali mo!

Kailangan ko ng tatlong mag-aaral na


isa-isang haharap sa salamin. Ang
bawat isa sisilayan ang sarili sa harap
ng salamin at sasabihin kong ano
ang kanilang nakikita.

(Unang mag-aaral)
Nakikita kop o ang aking sarili.
Maaring mo bang ilarawan ang inyo
nakikita sa salamin.

Matangkad po, itim ang buhok , mga mata po ay


may kalakihan , pogi at medyo payat.

Tumpak!
(Ikalawang mag-aaral )
Isang simple bata , maputi ang balat , singkit
ang mata at matangos ang ilong.

Magaling!
(Ikatlong mag-aaral)

Isang batang babae, mahaba ang buhok at


maliit. Ngunit ang batang babae ito ay may
malaking pangarap sa paglaki.
Mahusay!
Kamangha-mangha ang inyong
pagkilatis sa inyo sarili.

Ang mga katagian na inyo nasisilayan


sa araw-araw sa inyong sarili kanino
ninyo kaya nakuha ang mga iyan?
Sa magulang po!
Sa lolo at lola po!
Tama! Ang mga katangian natin ay
maaaring maging pamilyar at katulad
ng sa ating mga kadugo o pamilya.

C. Paglalahad

Bago tayo lumayag sa maalong aralin


natin atin muna alamin ang mga
layunin. Pakibasa nga ang una;

Layunin:
a.Nailalahad ang mga elemento ng maikling
kwento ng Kabisayaan.

Ang susunod pakibasa;


b.Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang
ginamit sa kwento batay sa a) kontekstuwal na
pahiwatig, at b) denotasyon at konotasyon.

Ang ikatlo pakibasa


c.Naisasalaysay nang maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
At ang huli.

d. Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay


sa pagsasalaysay at pagsunod-sunod ng mga
pangyayari (isang araw,samantala, at iba pa).

Hawiin muna natin ang mga maaaring


maging balakid sa ating aralin.

Talasalitaan
1.Lambat – Kasangkap na yari sa sinulid, tansi
o lubid at ginagamit na panghuli ng isda, hayop
at iba pa
Maaaring inyo bang gamitin sa
pangungusap?

Lambat ang ginamit sa paghuli ng isda.


Magaling!

2. Dalampasigan- Anyong lupang mabuhangin


na katabi ng katawang tubig na dagat.

Halimbawang pangungusap
Napakaganda ng tanawin sa
dalampasigan.

3.Bahay pawid- Bahay na gawa sa kawayan na


may bubong na isang dahon na tinatawag na
pawid.
Gamitin sa pangungusap.

Sa aming bahay pawid kami ay nagsalo-salo


para sa kaarawan ng aking ama.
Mahusay!

4.Kundiman- Isang tradisyonal na awit ng pag-


ibig ng mga Filipino.
Maaaring inyo bang gamitin sa
pangungusap?

Taos puso niyang inawitan ng kundiman ang


kanyang sinisinta.
Kamangha-mangha!

5.Sumuray-suray- Paglalakad ng isang tao nang


magkaibang sigla, hindi luwid at walang
direksyon.

Maaaring inyo bang gamitin sa


pangungusap?
Sumuray-suray sila Mang Carlos at Lolo Eloy
matapos tumgay ng lambanog.

Napakahusay inyong lahat.

D. Pagtatalakay
Ang mga salita iyan ay may kinalaman
sa atin paksa ngayon .
Ipapakilala ko muna sa inyo ang
Denotasyon at Konotasyon.

Denotasyon- ito ay ang kahulugan ng salita na


matatagpuan sa diksyunaryo.
Sino ang gusto basahin ang kahulugan
ng denotasyon?

Halimbawa:

Kitang kita ang kanyang kwintas sapagkat ito


ay kumikinang na ginto.

Ginto- isang uri ng metal na kumikinang.

Maaari bang basahin ang kahulugan ng


konotasyon?
Konotasyon- ito ay ang pansariling kahulugan
ng isa o grupo sa isang salita.

Halimbawa:

Ang batang lalaki ay talagang may gintong


kutsara sa bibig.

Gintong kutsara- Mayaman o maraming pera.

Salamat!
Nakikita ninyo ba ang pagkakaiba?
Opo Ma’am.

Kapag Denotasyon tandaan


diksyunaryo . Doon galing ang
kahulugan.

Kapag Konotasyon naman tandaan


kaisipan. Galing sa sariling isip mo ang
kahulugan.

Halimbawa

Unan

Denotasyon
Isang tela pinuno ng bulak sa loob at
ginagamit sa pagtulog. Madalas ilagay
sa ulo at yakapin.

Konotasyon
Ang sumasalo sa mga luhang
kinikimkim lalo na sa gabi.

Magbigay nga na magandang


halimbaw.
Araw

Denotasyon
Ang pinakasentro ng kalawakan at
pinakamaliwanag ng bituin.

Konotasyon
Ang katotohanan.

Mahusay!

Ahas

Denotasyon
Mahaba at walang hita mga reptilyang
karnibora.

Konotasyon

Taksil o Mang-aagaw

Nauunawaan ba?
Opo Ma’am.
May katanungan kayo?
Wala na po Ma’am

Dadako na tayo sa atin paksa na isang


maikling kwentong pinamagatang “
Paalam sa Pagkabata ni Santiago Pepito
at isinalin ng Nazareno D. Bas.
Bakit muna kaya pinamagatang Paalam
sa Pagkabata?
Kasi po tumanda na po siya.

Titignan natin kung iyang nga ang


dahilan. Kilalanin muna natin ang mga
tauhan.
Tauhan

1. Celso- Ang pangunahing tauhan


na sawa na sa mga pangyayari sa
kanyang buhay na tila maraming
sikreto at paghihirap.
2. Tomas- Ang malupit na ama ni
Celso . Isang mangingisda sa
kanilang bayan.
3. Isidra- Ina ni Celso na palagi
umiiyak sa kalupitan ng asawang
si Tomas.
4. Lalaki sa Bahay Pawid- Ang
misteryosong lalaking panay
umaawit ng malungkot na
kundiman.

Ngayon kilala na natin ang mga tauhan


tayo ay dadako sa maikling kwento.
Makinig ng mabuti sa maikling
kwentong aking babasahin. (masining
na pagbasa)
Opo Ma’am.

(Babasahin ang maikling kwento.)


(Babasahin at makikinig sa maikling kwento.)
Nauunawaan ba ang maikling kwento?
Opo Ma’am.
Ngayon bakit pinamagatang “ Paalam
sa Pagkabata”?
Pagpapaalam po ni Celso sa kanyang mga
mapait na alaala na kanya dinadanas noong siya
ay bata pa sapagkat napakawalan na po nila ni
Tomas ang mga nasa loob nila.
Ano ang relasyon ng lalaki sa bahay
pawid kay Celso?
Maaari po siya ang tunay na ama ni Celso
sapagkat sinabi niya po na kamukha niya ito.
Isa kang petmalu lodi!
Maraming tagpo ang nakakaantig. Saan
tagpo kayo pinakanaantig?
Noong po kahit alam ni Celso bawal siyang
pumunta sa bahay pawid ay pumunta po siya at
ng makita siyang ng lalaki ay naluha po ito.

Kung iisipin mo nga naman ang tagpo


ay para nasa pelikula ka diba? Ano
pang tagpo ang umantig sa inyo?
Noong pong matapos makasakitan at maglabas
ng sama nang loob si Celso at Tomas ay
nakayakap mo si Tomas kay Celso at nagsisisi.
Handa na po sila sa panibagong bukas ng may
pagpapatawad at pagmamahal.
Napakaganda naman ng inyong mga
halmbawa.

Pangkatang Gawain

Subukin nga atin kung lubusan ninyo


ngang nauunawaan ang ating paksa
tayo magpapangkatang gawain.
Pakibasa nga ng malakas ang rubriks.
Rubriks:

kriteriya 5 puntos 3 puntos 1 puntos


Partisipasy Lahat ng Isa o Tatlo o higit
on membro ng dalawa sa pang mga
pangkat ay mga membro
tumutulong membro ay ang hindi
. hindi tumutulong
tumutulong .
.
Disiplina Lahat ay Isa o Tatlo o higit
maayos at dalawa sa pang mga
tahimik na mga membro
gumagawa membro ay ay magulo
ng gawain. magulo at at maingay.
maingay.
Nilalaman May Iilan sa mga Iilan sa mga
kaugnayan nilalaman nilalaman
sa paksa ay may ay walang
ang kaugnay sa kaugnayan
nilalaman paksa . sa paksa.
ng ulat.
Kagilasan Unang Ilang Huling
pangkat na minuto ang pangkat at
katapos ng lumipas sa labis ang
wasto. tinakdang agwat sa
oras bago tinkdang
natapos ang oras bago
gawain. natapos.
Total 20 puntos

May nais ba kayong idagdag mula sa


atin rubriks? Wala po Ma’am.

Tahimik na pumunta sa mga kapangkat


at ipaikot ninyo ang inyo upuan ng lalo
magkaunawaan.Bawat pangkat ay may
nakaatang na gawaing gagawin. Kung
may katanungan kayo sa akin kayo ay
dumunog. Bibigyan ko ang bawat
grupo ng 15 minuto para matapos ang
gawain
.

( Aalalayan at oobserbahan ang bawat Opo Ma’am.


pangkat sa gawain.)

( Gagawin ang pangkatang gawain.)

Gawain ng bawat pangkat:

Kumuha ng 5 salita na tumatak sa maikling


kwento sa inyo at kuhanin ang Denotasyon
kahulugan at bigyan ninyo ng Konotasyon
pagpapakahulugan.

Lambat
Bahay Pawid
Salamin
Celso
Kundiman

Tapos na ang 15 minuto ipaskil na


ninyong lahat ang ninyo gawain sa
pisara.

( Ang lahat ng pangkat ay mag-uulat ng gawain.)

Lahat kayo ay kagila-gilalas ang


ipinakita.
Narito ang inyong puntos.

Unang pangkat 19/20


Ikalawang pangkat 18/20
Ikatlong pangkat 20/20
Ikaapat na pangkat 19/20

Palakpak ang mga sarili.

E. Paglalahat

Talaga ang puso ko ay labis ang


kagalakan at nauunuwaan inyo ang
ating paksa.
Opo Ma’am.
Bago natin idaong ang ating paksa may
ilang mga katanungan lang ako.

Paano nalaman ni Celso ang


katotohanan?
Dahil po sa salamin. Nakita niya ang mukha ng
lalaki sa bahay pawid na nasa salamin.

Tumpak!
Ano ang naging simbolo ng lambat at
sinadya ni Tomas na isampay ito kung
saan madalas makikita ni Isidra?
Ang lambat po na naging simbolo na
pagtataksil ni Isidra kay Tomas. Gusto pong
ipadama ni Tomas ang sakit na nararamdaman
niya kay Isidra ng gabing ito ay magtaksil.

Napakatalas ng ninyong memorya.


Ano ang aral na inyong napulot sa
kwento?
Walang sikretong hindi nabubunyag.
Kapag may hindi pagkakaunawaan pag-usapan
ng mabuti.

Mahusay!
IV. Pagtataya

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa maikling kwento. Lagyan ng letrang A


hanggang E sa bawat patlang.
(A) 1.Inilalarawan ni Celso ang takbo ng kanyang buhay. Isang buhay na tila
walang pagbabago, nanatiling maginaw, tahimik, at madilim. Naririnig ni Celso na nag-aaway
ang kanyang mga magulang sa kabilang silid. Hindi pa rin alam ni Celso kung bakit palaging
umiiyak ang kanyang ina at bakit madalas nilang pag-awayan ang lambat naka sampay sa
kanilang bahay.

(E)_ 2. Nawalan ng malay si Celso. Naramdaman na lamang niya ang mainit na


bisig na yumayakap sa kanya.Nakita niya ang mukha ng kanyang tatay, puno ng pagsisisi at
pag-unawa. Yinakap niya si Celso ng matagal .

(C) _3. Malakas na sampal ang sumalubong kay Celso ng malaman ng kanyang
ama na pumunta siya sa bahay pawid sapagkat mahigpit siyang pinagbabawalang pumunta
roon. Si Isidra ay nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang mata.
Naalala ni Celso ang mama. Lumapit si Celso sa salamin at nakita niya ang mukha ng mama.

(B) 4. Pumunta si Celso sa may dalampasigan kung saan ang mga tao ay
naghihintay sa mga mangingisda. Napalingon si Celso nang marinig niya ang isang tugtog sa
gitara mula sa isang bahay-pawid at narinig na ang mga tinutugtog nitong kundiman ay mga
alaala raw ng wags na pag-ibig. Hindi nakatiis pumunta siya kahit pinagbabawalan siya ng ama.
Pamilyar ang mukha ng mama kay Celso . Bago umalis si Celso sinabi ng mama sa kanya na
“Dalawin mo ako palagi ha?”

(D)
5.. Kumuha ng itak si Celso at pinagtaga nito ang lambat. Nabigla si Isidra at
Tomas sa ginawa niya. Nagaapoy ang mata ni Tomas, ngunit nilabanan Celso ang titig nito.
Sinuntok ni Tomas si Celso.Tinatadyakan siya kapag tumatayo, hanggang gumapang na siya.
Iningudngod sa lupa ang mukha niya at nakatikim ito ng pawis at dugo.

V.Takdang Aralin

Panuto: Bumuo ng Dream Board o Talaan ng Pangarap sa isang ¼ na illustration board,


gumawa ng collage ng mga iba’t ibang larawan o bagay na magpapakita ng mga plano sa buhay.
Itala ito ng sunod-sunod base sa iyong plano.

You might also like