You are on page 1of 4

CABATANGAN

School: Grade Level: VI


DIREKTANG ELEMENTARY SCHOOL
PAGTUTURO Teacher: RODALYN R. CERDINIO Learning Area: FILIPINO
Date: Quarter: 3rd QUARTER

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling


Pamantayang Pangnilalaman
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Pamantayan sa Pagganap Nakapagbibigay ng isang panuto.

I. LAYUNIN Nagagamit nang wasto ang pang-angkop. F6WG-IIIi-10

II. PAKSANG ARALIN: Nagagamit nang wasto ang pang-angkop.


Sanggunian
Kagamitan Power point presentation, Larawan, Manila paper, Marker
Pagpapahalaga Kawilihan sa pakikinig/pagbabasa ng tula.
Integrasyon English, at Edukasyon sa Pagpapakatao

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG
GAWAIN 1. Paghahanda
Magandang araw mga bata! Handa na ba kayo sa ating bagong leksiyon? Kung handa
na ang lahat, umupo nang maayos at makinig nang mabuti.
2. Balik-aral
Nakaraang linggo tinalakay natin ang mga

3. PAGGANYAK

Magpapakita ang guro ng larawan.


Ano ang ipinapakita sa larawan?
Meron akong babasahing tula pero bago natin basahin ay sagutan muna natin
ang sumusunod.

A. Paghahawan ng balakid
Panuto: Tutukuyin ang kahulugan ng mga salita mula sat ula.

1. Ang matandang dukha ay masipag.


a. mayaman b. mahirap c. madungis d. madumi
2. Si lolo ay nakatira sa kanyang munting tahanan ngunit masaya naman siya.
a. Magulo b. Makalat c. Maliit d. Tahimik
3. Ang bakuran ay may mga pananim.
a. Puno b. paligid c. hardin d. daan
4. Ang aming nayon ay tahimik at payapa.
a. Paaralan b. komunidad c. Palengke d. kagubatan
5. Ipadama natin ang pagmamahal sa ating lolo at lola.
a. Ipagwalang bahala
b. Iparamdam
c. Ipagkait
d. Kalimutan

B. PAGLALAHAD
a. GAWIN KO  Ang ating aralin ay tungkol sa “Nagagamit ng wasto ang Pang-angkop”.
(PAGMOMODELO NG GURO)  Pero bago natin simulan ang aralin ay pakikinggan at babasahin muna natin
ang isang “Tula”.
Pamantayan sa Pakikinig
1. Maging handa sa Pakikinig
2. Bigyang Pansin ang nagsasalita
3. kilalanin ang mahalagang kaalaman o impormasyon
4. unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita
5. Iwasan ang pagbibigay puna habang hindi pa tapos ang nagsasalita.
Pamanatayan sa Pagbabasa ng Malakas
1. Tumayo ng tuwid.
2. Ituon ang paningin sa binabasa
3. Bumasa ng malinaw at masigla
4. Humito ng bahagya kung may kuwit at tumigil kung may tuldok.

 Handa na kayong makinig sa tula?

“Matandang Masipag”
May tao akong hinahangaan sa malayong nayon
Isang dukhang lalaking may magandang kaugalian
Mapagmahal, maalaga, at masipag na matanda
Palaging nag-iisip ng gawaing marangal

Bakurang malawak puno ng pananim


Sariwang hangin kay sarap langhapin
Makikita rin alagang manok na inahin
Mabuting libangan hatid ay pagkain

Bakasyong kaysaya aking inaabangan


Sabik akong puntahan ang munting tahanan
Ng lolo kong matiyaga at abala sa paggawa
Pagtulong at pag-alaga sa kanya’y aking ipadama.

 Nagustuhan ba Ninyo ang tula? Mahusay!

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Sino ang naging idolo ng bata sa Tula?


Sagot: Ang kanyang lolo
2. Tungkol saan ang tula?
Sagot: Matandang masipag/lolo ng bata
3. Saan nakatira ang matandang masipag?
Sagot: sa malayong nayon
4. Ano ang mga katangian ng matanda?
Sagot: Masipag, Maalaga, Matiyaga

Values Integration: Meron din ba kayong iniidolo? Bakit? Sapagkat tinuturing


natin silang magandang ehemplo o modelo na balang araw ay gusto rin nating
maging katulad nila.

Mga salitang sinipi mula sa Tula.


 Malayong nayon
 Magandang kaugalian
 Masipag na matanda
 Gawaing marangal
 Bakurang malawak
 Manok na inahin

 a. Anong salitang naglalarawan dito? Sagot: Malayo


b. Anong salita naman ang inilalarawan? Sagot: Nayon
c. Anong kataga ang nag-uugnay sa salitang naglalarawan at sa inilalarawan?
Sagot: ng
Malayong Nayon

Naglalarawan Katagang Inilalarawan


Nag-uugnay

 Anu-anong kataga ang may salungguhit?


Sagot: ng, na, g
 Ang mga katagang ng, na, at g ay mga PANG-ANGKOP.

Pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan.

1. ng - Ang pang-angkop na “ng” ay ginagamit kung ang unang salita ay


nagtatapos sa patinig gaya ng a, e, I, o, u.

Halimbawa: Malayong Nayon


Magandang Kaugalian

2. na – Ginagamit ang pang-angkop na “na” kung ang sinusundan nitong


huling titik ng salita ay katinig gaya ng b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y.
Halimbawa: Masipag na matanda
Manok na inahin

3. g – Ginagamit ang pang-angko na “g” kung ang sinusundan nitong huling


titik ng salita ay katinig na n.

Halimbawa: Bakurang malawak


Gawaing marangal

 Naunawaan ba Ninyo ang ating aralin? Opo! Magaling!

b. GAWAIN NATIN
(Ginabayang Pagsasanay) Sagutin Natin
Panuto: Itambal ang mga salita sa kaliwang kahon sa kaugnay nitong salita sa
kanang kahon. Isulat ang mga nabuong pares sa patlang.

1. _______ babae
2. _______ kasuotan Magandang
3. _______ kawal Sariwang
4. _______ hangin Makulay na
5. _______ palasyo Malawak na
Masunurin na

c. GAWAIN MO Hahatiin ang klase sa 4 na pangkat.


(Malayang Pagsasanay)

Unang Pangkat Ikalawang Pangkat


Ikatlong Pangkat Ikaapat na Pangkat

 Ngayong araw na ito ay natutunan natin ang mga katagang nag-uugnay sa


salitang naglalarawan at inilalarawan.
 Ano ang Pang-angkop?
 At kelan ba natin ginagamit ang pang-angkop na ng, na, at g?

Ang Pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa salitang naglalarawan


at inilalarawan. Ang mga katagang ito ay ng, na at g.
C. PAGLALAHAT
Ang Pang-angkop na “ng” ay nag-uugnay ng mga salitang nagtatapos sa mga
patinig o vowels (a,e,I,o,u). Ang pang-angkop na ito ay magkarugtong at hindi
magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.
Halimbawa: mabuting Gawain

Ang Pang-angkop na “na” ay nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang


Naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik n.
sinusulat ito na magkahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa: Matagal na panahon

Ang Pang-angkop na “g” ay ginagamit kung ang salitang durugtungan ay


nagtatapos sa titik na n. ang pang-angkop na ito ay karugtong at hindi
magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.
Halimbawa: Bakurang malawak

IV. PAGTATAYA

VI. KARAGDAGANG GAWAIN


Panuto: Bumuo ng Isang tula at bilugan ang mga salitang nilalarawan, inilalarawan at
ang katagang nag-uugnay sa dalawang salita.

You might also like