You are on page 1of 3

School: Jose L.

Porras Elementary School Grade Level: II


Teacher: LIEZEL R. SAJENES Learning Area: Filipino 2
Time and Date: DEC. 14, 2021 Quarter: 2
Duration: Week 6

I. LAYUNIN Nagagamit nang wasto ang malaki at maliit na letra at mga


bantas nag
II. NILALAMAN “Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra at mga
Bantas”
(Filipino 2 – Aralin 6)

III. KAGAMITANG PANTURO


A. SANGGUNIAN MELCS II, module ng mag-aaral
B. IBA PANG KAGAMITANG Laptop, Interactive powerpoint
PANTURO
IV. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG PAGSASANIB SA ESP (Across and within Curriculum)
ARALIN KASANAYAN
Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kwento

Tulad ng nakaraang aralin natin, ano ang mangyayari


kapag hindi tayo nakakasunod sa sinasabi ng ating mga
magulang?
B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG Tanong:
ARALIN Anong titik ang ginagamit natin sa simula ng
pangungusap? Sa tanging ngalan ng tao?
Ano-anong mga bantas ang ginagamit natin kapag
tayo ay gumagawa ng pangungusap o di kaya’y
kapag tayo ay nagtatanong?

C. PAG-UUGNAY NG MGA Sabihin kung tama ba o mali ang pagkakasulat ng mga


HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN sumusunod:

1. doktor reyes
2. si mang ambo ay nasa bukid
3. Ang mga bata ay naglalaro sa palaruan.
4. Ano ang dala mo
5. Si Gng Santos ang guro ko.

D. PAGTATALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG LITERACY
BAGONG KASANAYAN Ipabasa sa mga mag-aaral

Mga Salitang Magkasingkahulugan at Magkasalungat

 Magkasingkahulugan
Ang pares ng salita ay magkasingkahulugan kung
ang mga ito ay tumutukoy sa mga salitang may
parehas na kahulugan, depinisyon o tinutukoy.

Halimbawa: maligaya at masaya

 Magkasalungat
Ang pares ng salita ay magkasalungat kung ang
mga ito ay literal na magkaiba ang kahulugan o ang
mismong kabaligtaran nito.
Halimbawa: malamig at mainit

NUMERACY
Ano-ano ang napag-aaralan natin sa Filipino sa araw na
ito?

E. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG- PAGSASANIB – ESP (Across and Within Curriculum)


ARAW-ARAW NA BUHAY Sa tingin ninyo, ano ang mangyayari kapag tayo ay
palaging magkasalungat sa paniniwala at tayo ay palaging
di nagkakaintindihan?

Kilalanin ang magkasingkahulugan o magkasalungat na


salita sa bawat pangungusap.
1. Ang kambal nina Mang Mio at Aling Rosa ay babae at
lalaki.
2. Matamis ang hinog na mangga at maasim naman ang
hilaw na mangga.
3. Tahimik at payapa ang aming munting pamayanan.
4. Masarap kumain ng mainit na pagkain kapag malamig
ang panahon.
5. Matataas at matatayog ang mga puno ng niyog sa
bakuran ni Lolo Ambo.

Gawin Natin
Bilugan ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Si Ana ay matalino at mabait na bata.

a. magalang b. magaling
c. magaling d. tamad
2. Si Mary ay kaakit-akit na dilag.
a. pangit b. mabait
c. maganda d. pasaway
3. Ang kutsilyong gamit ng matadero ay matalas.
a. mapurol b. matulis
c. malinis d. matalim
4. Mataas ang pangarap ng batang si Anne May.
a. walang pangarap b. matayog
c. mababa c. tamad
5. Si Glenda ay malusog na bata.
a. payat b. sakitin
c. tamad d. masigla

F. PAGLALAHAT NG ARALIN Ano ang ibig sabihin ng salitang magkasingkahulugan at


salitang magkasalungat?

V. PAGTATAYA NG ARALIN Ibigay ang kasalungat na salita ng mga salita sa ibaba.


Isulat ang sagot sa loob ng bituin.

1. mabilis
2. mabango
3. sariwa
4. makitid
5. matangkad
VI. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA Magtala ng 5 pares ng salitang magkasingkahulugan at 5
TAKDANG-ARALIN AT REMEDIATION pares ng salitang magkasalungat.

Prepared by:

LIEZEL R. SAJENES
Teacher II

Checked and observed:

JOHN A. SAY0
Master Teacher II

You might also like