You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Capas Central District
CRISTO REY CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
SCHOOL YEAR 2019-2020

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III


Hulyo 30, 2019

I. LAYUNIN
 Pag-unawa sa Binasa/Pag-unlad ng Talasalitaan
 Nababago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto
 Nakakagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng mga kasalungat na salita.

II. PAKSA: Paggamit ng mga Magkasalungat na Salita


LEARNING COMPETENCY: F3PB – Li-15/ F3PT-Ic-1.5
SANGGUNIAN : Pag-unlad sa Wika at Pagbasa pp. 109-113
Batang Pilipino Ako pp. 34-36

III. PAMAMARAAN:

A. BALIK ARAL:
Mga Salitang Magkasingkahulugan

B. Pangganyak na Tanong:
1. May pagkakaiba ba noon at ngayon?
2. Pagbasa sa Talata:
Tahimik ang paligid noon, di tulad ngayon, maingay. Maluwag na ang mga daan
ngayon, kaysa noon na masikip. Matagal ang paglalakbay lulan ng kalesa at kariton
kumpara sa ngayon na madali kang makakarating gamit ang mga makabagong
sasakyan. Marami nang malalaking bahay ngayon, di tulad noon na maliliit.
3. Ipasagot ang pagganyak at iba pang mga tanong.
4. Ipapili ang mga salitang ginamit sa talata.
5. Iulat sa pisara ang mga salitang ginamit.
6. Itanong: Ano ang masasabi mo tungkol sa mga ginamit na salita?
7. Ipabasa nang may wasto at maliwanag ang mga salita.

C. PAGLALAHAT: Ano ang dapat tandaan sa mga salitang magkasalungat?

IV. PAGTATAYA

A. Pagdugtungin ng guhit ang magkasalungat na kahulugan.


1. maluwag matamis
2. madaldal madalas
3. maasim tahimik
4. payat masikip
5. bihira palabigay
6. mainit mataba
7. maramot maganda
8. matapobre bata
9. tuwa malamig
10. matanda mabait
11. buo lungkot
12. masipag sira
13. pangit tamad
14. liksi baho
15. bango kupad

B. PAGSASANAY:

Isulat sa patlang ang titik na kasalungat ng mga salitang may bilang.

_______1. Magaspang a. pandak


_______2. Malabo b. maikli
_______3. Malambing c. mahirap
_______4. Matulin d. makinis
_______5. Mayaman e. masungit
_______6. Malinis f. malinaw
_______7. Matangkad g. tuyo
_______8. Labis h. mabagal
_______9. Mahaba i. marumi
_______10. Basa j. kulang

V. TAKDANG ARALIN:

Magbigay ng 10 salita at ibigay ang kasalungat na kahulugan.

You might also like