You are on page 1of 5

Department of Education

Region VI- Western Visayas


Division of Iloilo City
MOLO II ELEMENTARY SCHOOL
District VI- Molo
Molo, Iloilo City

Banghay Aralin sa Filipino 2


I. Layunin
Content Standard (a.) – Naipakikita ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pasalita at di – pasalitang
pakikipagtalastasan.
Performance Standard (b.) – Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pananalita sa mabisang
pakikipagtalastasan upang ipahayag ang sariling ideya, damdamin at karanasan.
Learning Competency (c.) – Napag-uuri ang pangalan ayon sa kasarian.
Code: F2WG-Ic-e-2
II. Nilalaman
a. Paksa
Aralin 7: Kasarian ng Pangngalan
b. Sanggunian
 Kto12 CG pahina 11
 Gabay ng Guro pahina 41- 42
 Kagamitan Pang Mag-aaral pahina 108- 110
 https://www.youtube.com/watch?v=t6b0d_Xa-PY&t=178s
c. Kagamitan
 Larawan
 Plaskard
 Projector/laptop
III. Pamamaraan
A. Balik- Aral
 Itanong: Ano ang pangngalan?
Sagot: Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.

 Basahin at sagutan ang mga tanong na ipapakita sa pamamagitan ng multimedia.

B. Tukoy – Alam
 Gumawa ng mini survey kung ilan ang bilang ng babae at lalaki sa klase at pamilya.

Itanong: Aling kasarian ang mas marami? Mas kaunti?


C. Paglalahad
1. Magpakita ng video tungkol sa kagamitang panlalaki at pambabae.
https://www.youtube.com/watch?v=t6b0d_Xa-PY&t=178s
2. Maglaro ng “Dress Me Up”.
- Ilabas ang kahon kung saan nakalagay ang gamit pambabae at panlalaki. Bubunot/ Kukuha
ang mga mag- aaral ng isang larawan ng kagamitan at idikit ito nang wasto sa larawan ng
babae o lalaki.
3. Ipabasa ang mga pangungusap sa Basahin Natin sa LM, pahina 108.

D. Pagtatalakay
1. Pasagutan ang Sagutan Natin sa LM, pahina 108.
Karagdagang Tanong:
a. Anu-ano ang mga ngalan ng tao na nabanggit sa pangungusap?
b. Alin- aling pangalan ang pambabae? Panlalaki?
2. Kilalanin ang bawat larawan at tukuyin kung pambabae o panlalaki ito, idikit ang mga ngalan sa
tamang kahon

tindera
Itanong:
 Alin- aling pangngalan ang pambabae? Panlalaki? P
 Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa uri ng pangalan?
Sagot: Kasarian ng Pangngalan

hari
Pambabae
Panlalaki

lolo lola lolo

tindera
E. Paglalapat
1. Pangkatin sa 4 ang klase. Bigyan ang bawat grupo ng envelope kung saan nakapaloob ang kanilang
gawain.

Pamantayan sa Gawain:

Basahin ang mga pangngalan sa bawat plaskard. Tukuyin ito batay sa kanilang kasarian
at idikit ang mga ito sa tamang hanay. Pumili ng isang reporter upang ipresenta ang ginawa sa buong
klase.

reyna
F. Paglalapat
 Itanong:
Ano ang kasarian ng pangngalan?

Sagot:
Ang kasarian ng pangngalan ay tumutukoy sa uri ng pangngalan.

 Kasariang pambabae ang isang pangngalan kung ito ay tumutukoy sa mga katawagang
pambabae gaya ng nanay, ate, manang, lola, reyna, at iba pa.
 Kasariang panlalaki naman ang pangngalan kung ito ay tumutukoy sa mga katawagang
panlalaki gaya ng totoy, kuya, tiyo, ninong, hari, at iba pa.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang PB kung ang pangngalan ay nasa kasariang pambabae at
PL kung panlalaki.

1. Ate - _________________ 6. Tiyahin - _________________

2. Binata- _________________ 7. Pres. Rodrigo Duterte - ________________

3. Dalaga- _________________ 8. Ma’am Isis - ____________

4. Kumpare- ________________ 9. Aktor - _________________

5. Tiyo - _________________ 10. Hardinero - __________________

V. Kasunduan

Magtala ng limang (5) pangngalang pambabae at panlalaki na makikita sa sariling pamayanan. Isulat ito
sa inyong kwadernong.

Inihanda ni: Noted by:

ISIS S. MANDAL WELME S. SEGOVIA


Grade 2- Amber Adviser Principal I

Classro
om
activitie
s during
observa
tion...
Assessment

Instruct
ional
materia
ls
used...
Dressing- UP game

You might also like