You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA FILIPINO II

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman Nakapaglalarawan ng mga tao,bagay, hayop,lugar at pangyayari.
Pamantayan sa pagganap Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutukoy ang mga pang-uri o salitang
naglalarawan sa pangungusap.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto a. nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari,
at lugar (F2WG-IIc-d-4);
b. natutukoy ang mga salitang naglalarawan; at
c. nakikilala ang mga bagay, tao, pangyayari at lugar
batay sa paglalarawan nito.
LAYUNIN
II. NILALAMAN Mga Salitang Naglalarawan
A. Mga Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa kagamitang Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 9: Paglalarawan ng mga Bagay, Tao,
Pang-Mag-aaral Pangyayari, at Lugar pp.1-17
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan https://www.filipinohomeschooler.com/100-halimbawa-ng-pang-uri-sa-
mula sa Portal ng Learning pangungusap/
Resource
B. Iba pang Kagamitang Laptop, telebisyon, PPT,manila paper, cut-outs,
Panturo cartolina,marker,bond paper, folder
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL
A. Balik-aral sa nakaraang Magandang umaga mga bata!
aralin at/o pagsisimula ng Magandang umaga po, ma’am!
bagong aralin Handa na ba kayong makinig?
Opo!
Ngayon, maglalaro tayo ng 4 PICS 1
word. Alam ba ninyo kung paano ito
laruin?
(Maaaring ang sagot ng mag-aaral ay opo
Para sa mga hindi nakakaalam, o hindi po)
kailangan nating buuin ang salita gamit
ang apat na larawan na aking ipapakita.
Naintindihan po ba?
Opo!

Mabagal po, ma’am.

Maasim po.
Mabango po.

Matalino po.

Matamis po.

Dalawa po.

Mahaba po.

Berde po.

Mahusay mga bata! Ating balikan ang


mga salitang ating nabuo.
B. Paghahabi sa layunin ng Mahusay! Ano kaya ang tawag sa mga
Aralin salitang binasa natin kanina?
Ma’am, mga salitang naglalarawan po.
Magaling! Ang pag-aaralan natin
ngayong umaga ay tungkol sa mga
salitang naglalarawan o tinatawag na
pang-uri.

Kaya sa araw na ito o pagkatapos ng


aralin, kayo ay inaasahang:
a. nakapaglalarawan ng mga
bagay, tao, pangyayari, at lugar
(F2WG-IIc-d-4);
b. natutukoy ang mga salitang
naglalarawan; at
c. nakikilala ang mga bagay, tao,
pangyayari at lugar batay sa
paglalarawan nito.

Paghawan ng Balakid:
Bago basahin ang talata, atin munang
alamin ang kahulugan ng ilang salita:

1. dambana
2. tuktok
3. luntian
4. kagitingan
5. idinaraos

Gamitin ko sa pangungusap at ayusin


ang mga ginulong letra upang maibigay
ninyo ang kahulugan ng bawat salita.

1. Nagtayo siya ng isang kapilya


bilang isang dambana sa alaala
ng kanyang namatay na asawa.

(LARTA)
ALTAR
2. Kami ay maglalakbay patungo sa
tuktok ng bundok bukas.

(TASANAPIKAM)
PINAKAMATAAS
3. Ang mga puno sa aming
bakuran ay luntian.

(DERBE) BERDE

4. Nagpamalas ng kagitingan ang


mga bayaning lumaban para sa
ating kalayaan.

(AKTANGANPA)
KATAPANGAN
5. Idinaraos sa buong buwan ng
Pebrero ang pista ng
Panagbenga.

(PINWNGARIGAGDI)

IPINAGDIRIWANG
Magaling mga bata!
Handa na ba kayong makinig?
Opo!
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Ano-anong mga dapat gawin kapag
aralin kayo’y nakikinig sa nagbabasa? Huwag makipag-usap sa katabi.
Makinig nang mabuti.
Makinig nang mabuti upang masagot
nang wasto ang mga tanong tungkol sa
talata.

Ano kaya ang kahalagahan ng Dambana


ng kagitingan?

Malalaman natin ang kasagutan sa ating


tanong pagkatapos natin basahin ang
talata.

Unang pagbasa:
(Magtatawag ang guro ng babasa sa
talata)
Ang Dambana ng Kagitingan

Ang Dambana ng Kagitingan ay isa sa


mga makasaysayang lugar sa Pilipinas.
Ito ay makikita sa bayan ng Pilar sa
lalawigan ng Bataan. Makikita sa tuktok
ng Bundok Samat ang malaking krus
nito. Maaring umakyat sa loob ng krus
upang makita ang magandang tanawin
ng Bataan, maging ang malawak
na karagatang pumapalibot dito.

Sa bandang ibaba naman ay


matatagpuan ang isang museo. Dito
makikita ang kagitingan ng ating mga
kababayan. Tuwing ika – 9 ng Abril ay
idinaraos dito ang Araw ng Kagitingan.
Ito ay ginagawa bilang pag-alaala na rin
sa ating matatapang na mga sundalo.

Maganda ang tanawin sa dambana.


Sariwa ang hangin sa paligid nito at
luntian ang mga halaman na nakatanim
dito. Maraming tao ang namamasyal sa
dambana. Madalas ay ginagawa itong
destinasyon ng mga paaralan na
nagsasagawa ng lakbay-aral.

D. Pagtalakay sa bagong 1. Ano ang pamagat ng inyong binasa?


konsepto at paglalahad ng Ang Dambana ng Kagitingan po ma’am.
bagong kasanayan #1 2. Saan makikita ang Dambana ng
Kagitingan? Ito po ay makikita sa bayan ng Pilar sa
lalawigan ng Bataan.
3. Paano mo mailalarawan ang krus sa
tuktok ng bundok?
Malaki po ma’am.
4. Bakit binibigyan ng pagkilala at pag-
alaala tuwing ika-9 ng Abril ang mga
sundalong nagbuwis ng buhay?
Ito ay ginagawa bilang pag-alaala sa ating
matatapang na mga sundalo ma’am.
5. Nais mo bang makapunta sa
Dambana ng Kagitingan? Bakit?
Opo, dahil maganda ang tanawin sa
dambana. Sariwa ang hangin sa paligid
nito at luntian ang mga halaman na
nakatanim dito.
6.Paano kaya natin mabigyang halaga
ang mga makasaysayang pook, tulad ng
Dambana ng Kagitingan?
Ma’am, kapag tayo’y pumunta sa lugar
na iyan, huwag po natin dumihan o
sulatan. Irespeto o igalang po ang lugar.
Ipagmalaki sa mga kaibigan ang
napuntahang makasaysayang pook.
Magaling mga bata!
E. Pagtalakay sa bagong
konsepto at paglalahd ng Basahing muli ang mga salitang
bagong kasanayan #2 nakasalungguhit sa talata.

malaki
maganda
malawak
matatapang
maganda
sariwa
luntian
marami

Ano ang tawag sa mga salitang ito?


Mga salitang naglalarawan po.
Tama! Ito ay mga salitang naglalarawan
o tinatawag nating pang-uri.

Ano-anong mga salitang inilalarawan ng


bawat salitang naglalarawan? (Balikan
ang mga salitang naglalarawan at
tukuyin ang inilalarawan nito)
(Tutukuyin ng mga bata ang inilalarawan
ng bawat salitang naglalarawan)
Ano ang tinutukoy nito?
Inilalarawan po nito ang tao, bagay,
hayop, pook o pangyayari.
Subukan natin ito.

Piliin ang salitang tumutukoy sa bawat


larawan.

mainit
malamig

lima
walo

maingay
tahimik

masaya
malungkot

berde
pula
1. malamig
2. lima
3. tahimik
4. masaya
5. berde

Ngayon naman ating salungguhitan ang


salitang naglalarawan o pang-uri at
bilugan ang salitang inilalarawan nito.

1. Ang sorbetes ay masarap.


2. Malayo ang bahay namin sa
paaralan.
3. Ang bulaklak ay mabango.
4. Mapupula ang mga rosas sa
aming bakuran.
5. Bago ang sapatos ni Lisa.

1. masarap - sorbetes
2. maingay- tren
3. mabango-bulaklak
4. mapupula-rosas
Magaling mga bata! 5. bago-sapatos

F. Paglinang sa kabihasaan
(tungo sa formative Hahatiin ko kayo sa limang grupo.
Assessment Maglalaro tayo ng “Who wants to be a
Millionaire.” Bibigyan ko kayo ng bond
paper na pagsusulatan ng inyong mga
sagot at puntos kapag nakuha ninyo ang
sagot nang tama. Kagyan ito ng tsek.
Kapag mali, lagyan ng ekis at wala itong
puntos. Para sahuli, ang nakakuha ng 10
puntos – ang grupong iyan ay
tatawaging milyonaryo.

Handa na ba kayo?
Opo!
RUBRIC
Tamang Sagot 10
Disiplina 5
Kooperasyon 5
Kabuuan 20

(Gagawin ng mga bata ang aktibidad)


Magaling mga bata! Nag-enjoy ba kayo?
Opo!
G. Paglalapat ng aralin sa Mahalaga bang pag-aralan ang mga
pang-araw-araw na buhay salitang naglalarawan?
Opo!
Paano ninyo ito ginagamit?
(Ang mga sagot ng mag-aaral ay
magkakaiba)
H. Paglalahat ng aralin Anong konsepto o kaisipan ang
natutuhan ninyo sa araw na ito? Natutuhan po namin ang tungkol po sa
pang-uri o salitang naglalarawan.
Ano-anong mga tinutukoy sa ating
paglalarawan?
Ang tinutukoy o inilalarawan natin ay
maaaring isang tao, bagay hayop, pook o
pangyayari.
Magaling! Batid kong inyo nang
naintindihan ang ating aralin ngayong
araw. May mga katanungan ba kayo
tungkol sa paksa sa araw na ito?
I. Pagtataya ng aralin Panuto: Lagyan ng kahon ang salitang naglalarawan sa
bawat pangungusap at salungguhitan ang salitang inilalarawan nito.

1. Ang orasan sa aming bahay ay hugis parisukat.

2. Mapupula ang mga rosas sa aming bakuran.


3. Masarap ang bagoong na produkto ng Bataan.

4. Ang kapistahan ni Santo Domingo ay masayang ipinagdiriwang ng mga taga


Abucay.

5. Magaganda ang mga pasyalan sa lalawigan ng Bataan.


J. Mga Karagdagang Gawain
Buuin ang graphic organizer sa pamamagitan ng pagtatala ng limang salitang
naglalarawan sa salitang nasa loob ng parihaba.

SM CITY

Observed by: _____________________

Checked by: ______________________

Date: ___________________________

You might also like