You are on page 1of 5

Lesson Exemplar in ___FILIPINO 1______________ Using the IDEA Instructional Process

LESSON School MALAGASANG II ES Grade Level ISA


EXEMPL Name of Teacher BERLITA G. TOMIMBANG Learning Area FILIPINO
AR Teaching Date and Time Quarter
April , 2022, IKATLO

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Natutukoy ang kasarian ng pangngalan.


b. Nakapag – uuri ng mga pangngalan ayon sa kasarian nito.
c. Nabibigyang halaga ang pagiging magalang sa anumang kasarian.

A. Pamantayang Pang nilalaman Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng
tao,lugar,hayop,bagay at pangyayari.
B. Pamantayan sa Pagganap Nagagamit ang pangngalan nang tama sa pangungusap.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Paglalarawan at Pagtukoy ng Kasarian ng mga Pangngalan


III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC No.17 Filipino G1 Q3 PIVOT BOW R4 QUBE
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral pp. 33 – 36
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga
PowerPoint, printed materials
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Magandang araw mga bata. Ako ang inyong guro ngayong araw sa
Filipino 1

Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating talakayan basahin natin ang mga salitang
ipapakita ko.

Balik-Aral

Imus Gng. Jocelyn Limosinero aso aklat Pasko

Magaling mga bata!


Ang mga salitang binasa natin ay halimbawa ng pangngalan.

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at


pangyayari.

Balikan muli natin ang mga salitang binasa natin kanina.


(Idikit sa tsart ang mga salitang binasa o pinapakita)
Ang Gng. Jocelyn Limosinero ay halimbawa ng tao, lapis ay bagay, aso
ay hayop, Imus at Imus ay lugar at ang Pasko nman ay pangyayari.

Ngayon naman mga bata ay magkakaroon tayo ng Picture Word Hunt.

B. Development (Pagpapaunlad) A. Alamin Natin

Pagganyak: Hanapin sa ilalim ng mga upuan ang mga larawan na aking


inihanda.

Pambabae Panlalaki Di- tiyak Walang Kasarian

(Ang kasarian ng pangngalan ay nakatakip pa)

Mga bata, tingnan ang larawan na inyong nahanap. Kaya niyo po bang
basahin ang salita o pangalan na nasa ibaba nito? (Ang guro ay isa- isang
tatawagin ang mga mag-aaral na nakahanap ng mga larawan)

B. Suriin Natin
Ano ang napapansin niyo sa pagkakapangkat ng mga larawan?

Tama! Ang mga larawan ay naipangkat natin ayon sa kanilang kasarian.

Tuklasin Natin

Alam niyo ba na ang pangngalan ay may apat na kasarian.

Ito ay Pambabae, Panlalaki, Di-tiyak at walang kasarian (tatanggalin


ang takip sa tsart)

Basahin natin ang mga salitang nasa loob ng tsart.

Ano ang unang tunog ng pangngalang Nena? (literacy)


Ilang pantig mayroon ang Nena? Ne-na (Gamit ang palakpak) (Isa isahin
ng guro ang bawat salita)

Bakit mahalaga ang face mask at alcohol sa panahon Ngayon?


Paano natin maiwasan para hindi tayo magkasakit? Tama!

Kailangan nating magsuot palagi ng facemask at maglagay ng alcohol sa


ating kamay.

Anu- ano nga ulit ang apat na Kasarian ng Pangngalan?

Mga Kasarian ng Pangngalan

Panlalaki – Ito ay pangngalan nauukol sa ngalan ng lalaki.


Halimbawa: lolo, kusinero, kuya, prisipe
Pambabae - Ito ay pangngalan nauukol sa ngalan ng babae.
Halimbawa: lola, reyna, ate, nanay

Di – Tiyak – ito ay tumutukoy sa ngalan ng babae o lalaki


Halimbawa: pinsan, manlalaro, anak, mananahi, mag – aaral

Walang kasarian – ito ay tumutukoy sa pangngalan na walang buhay


Halimbawa: face mask, alcohol, suklay, kompyuter.

Pagyamanin Natin

Upang lubos na maunawaan natin ang ating aralin tayo ay


magkaroon ng gawain.

Pagsasanay 1

Upang lubos na maunawahan natin ang ating aralin tayo ay magkaroon


ng gawain.

Panuto: Tukuyin ang tamang kasarian ng mga sumusunod na


pangngalan. Gamit ang inyong show me board, isulat ang tamang sagot.
Isulat ang PB kung pambabae, PL kung panlalaki, DT kung di-tiyak at,
WK naman kung walang-kasarian.

(isa isang ipapakita ng Guro)


Modyul Pinsan Mag - aaral Hari
Kuya Tony Lapis Ate Alice Ina

Ano ang kasarian ng pangngalang pinsan?

Pagsasanay 2

Panuto: Tukuyin ang pangngalan sa bawat pangungusap at sabihin ang


kasarian nito.
_______1. Si nanay ay maagang nagising. _______2.
Ang kabataan ang pag asa ng bayan.
_______3. Mataas ang lipad ng lobo.
_______4. Matapang ang hari.
_______5.Masipag ang guro.

Ano ang pangngalan sa pangungusap?

Ano ang kasarian?


C. Engagement (Pagpapalihan) Isagawa natin
Pangkatang Gawain

Rubrics
Puntos Pamantayan
5 Nagpapakita ng pagkasabik at pagtutulungan na
gawin ang mga Gawain, aktibong pakikilahok,
may malaking tulong sa grupo
4 Nagpapakita ng pagkasabik at pagtutulungan sa
paggawa ng Gawain, mabuting tagasunod
lamang
3 Lumahok ngunit huli, sa pangangasiwang guro
2 Ginawa ang aktibidad ngunit hindi nagpakita ng
pananabik na lumahok o makipagtulungan
1 Walang interes na lumahok sa aktibidad

Group 1
Panuto: Tukuyin ang kasarian ng mga pangngalan sa ibaba. Idikit ito sa
tamang hanay.

Sabon, Lea, gwardya, tito, sepilyo, ama, tindera, kaklase

Pambabae Panalaki Di-Tiyak Walang Kasarian

Group 2
Panuto: Sa bawat kahon, bilugan ang pangngalan na may naiibang
kasarian.

1. lolo, nanay, ama, kuya


2. baboy, kambing, manok, bukid
3. kapatid, pinsan, apo, ninong
4. ate, nanay, tatay, ninang
5. barko, piloto, eroplano, tren

Group 3

Panuto: Salungguhitan ang pangngalan at tukuyin kung ito ay panlalaki,


pambabae, di-tiyak at walang kasarian. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Pawis na pawis ang mga manlalaro pagkatapos ng kanilang laban.


2. Malakas ang bagyo na dumaan sa Pilipinas.
3. May pasalubong sa akin ang aking tiyo.
4. Pupunta kami sa plasa mamaya.
5. Madalas mabali ang lapis ko.

Ipapaliwanag sa harapan ang mga ginawang Pangkatang Gawain at


bigyan ng puntos.

D. Assimilation (Paglalapat) Isaisip: Tandaan mga bata na ang pangngalan ay bahagi ng salita na
tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ang
pangalan ay maaaring panlalaki, pambabae, di-tiyak at walang
kasarian.

Tayahin

Isulat ang sumusunod ayon sa kasarian ng pangngalan.

L – Panlalaki
B – Pambabae
D – Di – Tiyak
W – Walang Kasarian

1. Artista ____________
2. Binata ____________
3. Lapis ______________
4. Puno _____________
5. Binibini ____________

Karagdangang Gawain

Gumuhit sa kwaderno ng tigdadalawang halimbawa ng Panlalaki,


Pambabae, Di – tiyak at Walang Kasarian at ikulayan.

V. PAGNINILAY Ang mag aaral ay magsusulat sa papel ng kanyang naunawaan at


realisasyon sa pinag aralan gamit ang susmusunod na prompt:

Naunawaan ko na ___________________________________
Nabatid ko na _______________________________________

Inihanda ni:

Berlita G. Tomimbang
Teacher 1

You might also like