You are on page 1of 6

LESSON Paaralan Maravilla Elementary School Baitang KINDERGARTEN

EXEMPL Guro Jermaine V. Orphiano Quarter Quarter 1


AR Petsa at Oras Agosto 22-25, 2022 Week No. WEEK 1

Sa araling ito ang mga batang Kindergarten ay inaasahang:


 Nauunawan ang kahalagahan ng pagkilala sa sarili.
I. LAYUNIN  Naisasagawa ang tamang pagsulat ng pangalan.
 Nasasabi ang pangalan, edad at kung saan baitang kabilang.
 Naisasakatuparan ang mga gawain sa paaralan habang nasa tahanan.

Saklaw ng Paglago o Pag-unlad  SOSYO – EMOSYUNAL


(Developmental Domain)
 ORAL LANGUAGE

Ang bata ay nagkakaroon ng pag-unawa sa sariling ugali at


A. Pamantayang Pangnilalaman damdamin.
Ang bata ay nakapagpapamalas ng kakayahang kontrolin ang sariling
damdamin at pag – uugali, gumawa ng desisyon at magtagumpay
B. Pamantayan sa Pagganap sa kanyang mga gawain.

1. Nakikilala ang sarili (SEKPSE-00-1)


1.1 pangalan at apelyido (SEKPSE-la-1.1)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1.2 kasarian (SEKPSE-lb-1.2)
1.3 gulang/kapanganakan (SEKPSE-lc-1.3)
1.4 gusto/ di-gusto (SEKPSE- llc-1.4)
2. Use the proper expression in introducing oneself e.g, I am/My name is
_____ (LLKVPD-la-13)
D. Pinakamahalagang Kasanayan Nakikilala ang sarili:
sa Pagkatuto (MELC) a. pangalan at apelyido
(Kung mayroon, isulat ang b. kasarian
pinakamahalagang kasanayan c. gulang/kapanganakan,
sa d. gusto/di-gusto
pagkatuto o MELC)
2. Use the proper expression in introducing oneself e.g, I am/My name
is _____
E. Pagpapaganang Kasanayan - Talk about one’s personal experiences/narrates events of the day.
(Kung mayroon, isulat ang - Express thoughts, feelings, fears, ideas, wishes, and dreams
pagpapaganang kasanayan.)
Ang Aking Aklat
II. NILALAMAN Ako ito
Ang Aking Kasarian

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a.MgaPahina sa Gabay ng Guro KTG pahina 49-64
CG pahina 8
K to 12 MELC pahina 8
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral PIVOT 4A Learner’s Materials pahina 8-10
Mga Kasanayan para sa Kahandaan sa Pagkatuto
c. Mga Pahina sa Teksbuk
 Pagkilala sa Sarili (pahina 30)
 Pagbibigay ng Halaga sa Sariling Pangalan (pahina 43)
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17696
Resource https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17952
https://commons.deped.gov.ph/categories/08c369fc-4bb3-
4834-a7cb-5d3827dda979?
fbclid=IwAR0RQcG1V1181mpP3wB_1b-
y0aRB8r_cXx16Ho2ipRusU9jUlKHacL_3Khg
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo Worksheets
para sa mga Gawain sa Mga Kasanayan para sa Kahandaan sa Pagkatuto
Pagpapaunlad at
 Pagkilala sa Sarili (pahina 30)
Pakikipagpalihan Pagbibigay ng Halaga sa Sariling Pangalan (pahina 43)

IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Pagpapakilala sa sarili
Mensahe: Ako ay may pangalan. Bahagi ng aking buong pangalan ang
pangaln ng aking pamilya. Karapatan ng bawat bat ana mabigyan ng
pangalan upang siya ay makilala.
Panuto: Pakinggan ang sasabihin ng guro sa pagpapakilala ng kanilang
sarili. Pagkatapos ay ipakikilala ng bata ang kaniyang sarili.

Tanong: Ano ang pangalan mo?

Ipakilala ang iyong sarili


Ako si __________________________________
Ako ay ________ taong gulang.
Ako ay kabilang sa Kindergarten.
B. Development (Pagpapaunlad)
Bilang bahagi nang pag – iingat natin sa ating mga
personal na gamit, kinakailangan natin itong lagyan ng
pangalan upang hindi ito mawala. Bigyan ang bata ng aklat o
kwaderno n kanyang pag – aari.

Ang Aking Aklat


ang iyong pangalan sa loob ng Book tag na
nasa ibaba.

Paalala sa magulang/nangangalaga: Maaaring palagyan ng iba t ibang


disenyo o kulay ang kanilang book tag.

Naisulat na ninyo ang inyong pangalan sa loob ng Book tag.


Maisusulat mo pa rin ba ang iba pang detalye tungkol sa sarili mo?

C. Engagement (Pakikipagpalihan ) Bago magsimula ang kwento magkaroon ng maikling tanungan upang
maengganyo ang bata sa pagbabasa o pakikinig.

Tanong: May kilala ka ba na batang hindi marunong magsulat ng


pangalan?
Ano ang dapat gawin kung ikaw ay nahihirapang magsulat ng
iyong pangalan?

Mayroon akong kwento tungkol sa batang hindi marunong magsulat ng


kanyang pangalan. Sabay sabay nating alamin kung papaano siya natutong
magsulat ng kanyang pangalan.

Alamin Natin

Basahin ang kwento: Si Cesar at ang Mahiwagang Lapis


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17696

Tanong: 1. Sino sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Saan nangyari ang kwento?
3. Mahalaga ba na matutunan natin ang pagsulat ng pangalan?
Bakit?
Sa araling ito mahalagang matutunan ng bata na makilala ang kanyang
sarili sa pamamagitan ng pagsulat ng kanyang pangalan, iguhit ang kanyang
sarili at iba pang impormasyon patungkol sa kanyang sarili.
Ipaliwanag na mahalaga ito upang makilala at maipakilala ang kanyang
sarili. Maaaring magbigay ng sitwasyon o halimbawa upang mas maunawaan
ng bata.

Ako Ito

ang sarili sa loob ng bilog.

Sa bahaging ito ang mag-aaral ay susulat ng pangalan siguraduhing nasa


tamang guhit ang mga titik ng pangalan

ang iyong pangalan sa loob ng kahon.Sabihin ito at


ang iyong apelyido, gulang at kapanganakan.

Ang bawat bata ay may kani-kaniyang pangalan, paano mo bibigyang


halaga ang iyong pangalan? Paano mo maipakikita ang pagmamalaki sa iyong
sariling pangalan?

Sa bahaging ito, ang mag-aaral ay gagamit ng krayola upang tukuyin ang


kanilang kasarian. Gabayan ang bata sa pagkukulay at pagsasabi ng gusto at
di-gustong gawin siguraduhing maipapahayag niya ang kaniyang
nararamdaman.
Ang Aking Kasarian

Piliin ang larawan ng bata na kapareho mo ang


kasarian. mo ito. Sabihin ang mga bagay na gusto at di mo gustong
gawin.
D. Assimilation (Paglalapat)
Ang mga batang Kindergarten ay may kakayahang makapagpakita ng
kanilang nararamdaman at pag-uugali, gumawa ng desisyon at maging
matagumpay sa kanilang mga gawain.

Tandaan na ang bawat bata o tao ay espesyal kaya tayo may kanya
kanyang pangalan. Isa rin ito sa Karapatan ng bata ang magkaroon ng sariling
pangalan.

Gawin Natin:

Tumayo sa harapan ng guro/magulang at magpakilala. Sabihin ang


buong pangalan, edad, tirahan at kung ikaw ay babae o lalaki.

Karagdagang Gawain (Optional)


Karagdagang Gawain (Optional)

Magpapakita ang guro/ magulang ng kanyang paboritong


damit/kasuotan o maaring magsuot ang guro/magulang ng kanyang
paboritong damit/kasuotan. Ipaliwanag sa bata kung bakit ito ang iyong
paboritong damit/kasuotan.
Ipagawa rin ito sa bata sa pamamagitan ng pagguhit sa kanyang
paboritong damit/kasuotan. Tanungin ang bata kung bakit niya ito paborito.

I. Panuto: Iguhit ang iyong paboritong damit/kasuotan.

II. Isulat ang iyong buong pangalan.


V. PAGNINILAY
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng
kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na
prompt: (Maaring tulungan ng magulang ang mag-aaral sa bahaging
ito)

Bilang ng mga batang naisasagawa na ang mga sumusunod:

_____ Nakikilala ang sarili.

_____ Nakikilala ang sariling pangalan at apelyido, kasarian,


gulang/kapanganakan at gusto/di-gusto. Use the proper expression in
introducing oneself.

_____ Nasasabi ang sariling pangalan at apelyido, kasarian,


gulang/kapanganakan at gusto/di-gusto. Use the proper expression in
introducing oneself.

_____ Naisusulat ang sariling pangalan at edad.

Prepared by:

JERMAINE V. ORPHIANO
Teacher I
Noted by:

NANCY E. MITRA
Principal

You might also like