You are on page 1of 10

Paaralan Maravilla Elementary School Baitang Kindergarten

LESSON Guro Jermaine V. Orphiano Quarter 1


EXEMPL Petsa Week #
AR Setyembre 5-8,2022 3

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:


 Natutukoy ang iba’t ibang hugis, kulay, sukat
at gamit
 Nakapagbubukod at napapangkat ang mga
bagay ayon sa katangian (hugis, kulay, sukat, at
gamit)
 Nababakat, nakokopya ang mga larawan,
hugis, letra at bilang

Saklaw ng Paglago o Pag-Unlad  Matematika


(Developmental Domain)  Kalusugang Pisikal at Pagpapaunlad ng
Kakayahang Motor
 Language, Literacy and Communication
A. Pamantayang Pangnilalaman  Ang mga bata ay nagkakaroon ng pag-unawa
sa pagkakasunod-sunod, pagpapangkat at
relasyon ng mga bagay.
 Ang mga bata ay nagkakaroon ng pag-unawa
sa representasyon ng pasalita sa pamamagitan
ng pagsulat
B. Pamantayan sa Pagganap  Ang mga bata ay nakapagpapamalas ng
kakayahang ilarawan ang katangian ng isang
bagay o larawan at pangkatin ang mga ito batay
sa katangian.
 Ang mga bata ay nakapagpapamalas ng
kakayahan sa malayang paggamit ng lapis sa
pagsulat ng malaki at maliit na letra at bilang,
pati na rin ng kanyang pangalan na may
tamang strokes.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa  Sort and classify objects according to one
Pagkatuto (MELC) attribute/property (shape, color, size,
function/use) (PNEKKP-00-1)
 Trace, copy and write different strokes:
scribbling (free hand), straight lines, slanting
lines, combination of straight and slanting
lines, curves, combination of straight and
curved and zigzag. (LLKH-00-6)

D. Pagpapaganang Kasanayan  Identify different: shapes, colors, sizes


 Pagbakat, pagkopya ng larawan, hugis, letra at
bilang

II. NILALAMAN  Alam ko ang Magkapareho o Magkatulad


 Kaya Kong Bakatin (Linya, Hugis, Letra at
Bilang)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW) FOR
KINDERGARTEN p. 5
Kindergarten Curriculum Guide p.48
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pivot 4A Learner’s Materials pp. 15-21
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Mga Kasanayan Para sa kahandaan sa Pagkatuto pp. 1-
24

d. Karagdagang Kagamitan Additional Worksheets

B. Listahan ng mga Kagamitang


Printed module, krayola, lapis, karagdagang sagutang
Panturo para sa mga Gawain sa
papel
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Bago simulan ang gawain ngayong araw. Gawin
ang larong ito.

Sa Pula o Sa dilaw?

Kagamitan: pula at dilaw na mga bagay, pula at dilaw


na kahon

Pamamaraan:
1. Itanong sa bata kung anong kulay ng bawat bagay.
2. Ipalagay ang mga bagay sa kahon ayon sa kulay
nito.

Ang bawat bagay ay may kani-kaniyang katangian.


Maaari natin itong pangkatin ayon sa hugis, kulay,
sukat, at gamit.

Paalala sa mga magulang: Basahin ang mga


panuto sa inyong mga anak upang ito ay kanilang
masagutan.
Tanong: Ano ang pinagbasehan mo para malaman
kung alin ang magkatulad?

B. Development Ang isang linya ay nabubuo mula sa dalawang


(Pagpapaunlad) tuldok na pinagkabit o pinag-ugnay. Ngayon ay
kilalanin ang iba’t ibang uri ng linya.

Simulan ito sa pagaya sa mga sumusunod na kilos.


Ito ay linyang pahiga. Ang
linyang pahiga ay isang uri ng linya na mula sa kaliwa
papuntang kanan.

Ito ay linyang patayo. Ang linyang patayo ay isang uri


ng linya na mula sa taas pababa.

Ito ay linyang pahilis. Ang linyang pahilis


ay isang uri ng linya na nakabase sa magkabilang dulo
ng dalawang anggulo ng isang bagay. Isa itong linya na
hindi pahiga o patayo.

Ito ay linyang pakurba. Ang


linyang pakurba ay isang uri ng linya na pabago-bago
ang direksyon.

Ito ay linyang zigzag.


Ang linyang zigzag ay isang uri ng linya na
kombinasyon ng dalawang pahilis na linya.

Paalala sa mga magulang: Basahin ang mga panuto


sa inyong mga anak upang ito ay kanilang masagutan.

Gawain: Sabihin sa mga bata na bakatin ng mga bata


ang linyang pahiga, patayo, pa zigzag at pakurba.

Natuto ka ng magbakat at sumulat ng iba’t ibang uri


ng linya. Nalaman na ang iba’t ibang uri ng linya ay
linyang pahiga, patayo, pakurba at zigzag.
Maisusulat mo na bang mag-isa ang iba’t ibang uri
ng linya? Alamin sa susunod na gawain.
C. Engagement (Pagpapalihan) Mahalagang matutunan kung paano isinusulat ang
iba’t ibang linya. Ito ay makakatulong upang makasulat
ng mga letra at bilang at makaguhit ng iba’t ibang
hugis at larawan.

Paalala sa mga magulang: Basahin ang mga panuto


sa inyong mga anak upang ito ay kanilang masagutan.

Gawain 1: Sabihin ng magulang sa bata na bakatin ang


mga putol-putol na linya upang mabuo ang mga hugis.
Kulayan ang loob ng bawat hugis.
Gawain 2: Bakatin ang Letrang Aa.

Gawain 3: Ipagawa ng magulang sa bata at bakatin ang


Letrang Ee
D. Assimilation (Paglalapat) Tandaan:
 Maaari pangkatin ang mga bagay ayon
sa katangian tulad ng kulay, hugis,
laki, sukat at gamit.

 Mayroong iba’t ibang uri ng linya. Ito


ay linyang patayo, pahiga, pahilis,
pakurba at zigzag.

Paalala sa mga magulang: Basahin ang mga panuto


sa inyong mga anak upang ito ay kanilang masagutan.

Paglalapat

Gawain 1: Ipagawa ng magulang sa bata ang mga


Gawain na nasa loob ng kahon.
Gawain 2:

Karagdagang Gawain:
Ipagawa ng magulang sa bata ang mga
karagdagang Gawain.
V. PAGNINILAY Para sa mga mag-aaral:
(Pagninilay sa mga Uri ng Formative
Assessment na Ginamit sa Araling Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,
Ito) journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
(Maaring tulungan ng magulang ang mag-aaral sa
bahaging ito)

Naunawaan ko na __________________________.

Nabatid ko na ______________________________.

Para sa Guro:

________ Bilang ng mga bata na natutukoy ang iba’t


ibang hugis, kulay, sukat at gamit

________Bilang ng mga bata na nakapagbubukod at


napapangkat ang mga bagay ayon sa katangian (hugis,
Prepared by: Noted by:
kulay, sukat, at gamit)
JERMAINE V. ORPHIANO NANCY E. MITRA
Teacher I Principal
________Bilang ng mga bata nakapagbabakat,
nakakokopya ng larawan, hugis, letra at bilang

You might also like