You are on page 1of 2

La Salette of Quezon Elementary Department

SY 2018-2019 Kwarter 1 Banghay Aralin


Grade 2 FILIPINO
Hulyo, 22-26 2019 (Linggo 7)

A. TEMA: KAPALIGIRAN, AKING PANGANGALAGAAN


B. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Pakikinig
- Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.

Pagsasalita
- Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan,
at damdamin.

Pagbasa
- Nauunawan ang ugnayan ng simbolo at tunog.
- Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang ugnayan ng simbolo at wika
- Naipapamalas ang ibat ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita
- Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan

Pagsulat
- Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat
- Nauunawaan na may ibat ibang dahilan ng pagsulat.
C. PANITIKAN: Maikling kwento
D. KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa damdamin (F2PN-Ii-j-12.1)
 Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao. (F2WG-Ig-3)

 PAKSA: Ang Kuwento ng Isang Buto (Maikling Kuwento)


 GIYANG TANONG:
Bakit mahalagang gawin ng isang bata ang anumang tungkulin o gawain niya kahit pa sa unay nahihirapan siya?
Paano ito makatutulong para lumaki siyang mabuti at maayos?
 LAYUNIN: Ang mag-aaral ay inaasahang:
Nasusuri ang larawan ayon sa akdang tinalakay.
Nakikilala ang salitang pamalit sa ngalan ng tao at ang panuhan nito.
 CROSS-CURRICULAR LINK: Science, Araling Panlipunan
 PAGPAPAHALAGA: Pangangalaga sa Kalikasan
 KANYANG MAKAMTAM (solidarity)
 Kagamitan: diksyunaryo, larawan ng tanim na palay, larawan ng butyl ng palay, larawan ng isang chef’s hat, recycled na gamit para sa
show and tell, manila paper, teacher made board, Lcd Projector, call bell.

A. Explore: (Pagganyak):
-Papikitin ang mga mag-aaral. Sabihing sila ay maglalakbay-diwa at babasahin nang madula ang isang kuwento.
-Muling ipakita ang butong ginamit sa unang pagkikita. Magdala nang munting paso, o kayay yung maaaring lagyan ng isang lupa na
pwedeng tamnan ng mga bata.
-Paobserbahan sa bawat pangkat ang lalagyang pinagtamnan nila ng mga buto ng munggo. Ipatukoy sa kanila kung may pagbabago
ba sa kanilang tinanim.
-Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat. Ipalagay sa gitna nila ang halamang itinanim nila na ngayoy nagsisimula nang
sumibol.
B. Firm Up: (Pagtalakay)
-Ipasagot ang mga tanong para sa talakayang nasa Sagutin Natin A sa pahina 75. Maaaring ipagamit ang estratehiyang RoundRobin
with Talking Chips.
-Pagkatapos maiwasto ang pagsasanay ay bigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na muling isalaysay ang kuwentong
napakinggan o nabasa nang may tamang pagkasunod sunod. Maaaring batayan ang isinagot sa Sagutin Natin A B at C.
-Ipabasa, talakayin, at ipaliwanag ang Isaisip Natin tungkol sa Panghalip Panao at ang mga Panauhan nito sa pahina 82.
C. Deepen (Resitesyon at pagsagot sa mga gawain na nasa pahina 82-83)
D. Transfer (Malayang magagamit ng mga mag-aaral ang natutuhan tungkol sa mga akdang agbibigay-diin sa Kahalagahan ng
pangangalaga sa kapaligiran sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.)

Inihanda ni: Gng. Maria Eberlyn L. Doga, Guro sa Filipino


Ipinasa at iwinasto ni: Gng. Mayflor Bodollo, Subject Area Coordinator
Isinangguni kay: G. Arnold B.Taganas , Academic Supervisor
Sinang-ayunan ni: Fr. Marcelino P. Mesa, MS, PhD, Director

You might also like