You are on page 1of 7

School MUZON ELEMENTARY SCHOOL Subject/Time Filipino 10:20- 10:44

Teacher MAUREEN P. BUMANGLAG Grade Level TWO


Date September 5, 2021 Quarter/Week Q3-Week 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman • Nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang
kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip sa mga narinig
at nabasang teksto at ipahayag nang mabisa ang
mga ibig sabihin at nadarama..

B. Pamantayan sa Pagganap • Nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa


ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang
mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may
wastong paglilipon ng mga salita at maayos
nanakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang
sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga
narinig at nabasang mga teksto ayonsa kanilang
antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.

C. Pinakamahalagang Kasanayan
sa Pagkatuto (MELC) (Kung • Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari at
mayroon, isulat ang lugar (F2WG-IIc-d-4)
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Pang-uri
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian • K to 12-MELC Bow with codes p.149
Pivot LMs p.10

a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro • K to 12-MELC Bow with codes p.149


• Pivot LMs p.10

b. Mga Pahina sa Kagamitang


Filipino Pivot LMs p. 10
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Filipino Pivot LMs p. 10
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang larawan / activity sheet /video clip/powerpoint
Panturo para sa mga Gawain sa presentation/flashcards/gmeet link
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
(Introduction) Pamantayan sa Pag aaral:

National Road, Muzon, Taytay, Rizal


facebook.com/muzon.elem muzones.taytay2@gmail.com 6666-249
➢ Paki mute ang mikropono kung kinakailangan
➢ Maging aktibo sa pakikilahok sa talakayan
➢ Basahin at unawain ang mga panuto o katanungan
bago sumagot.
➢ Gamitin ng maayos ang chatbox sa pagsagot.
➢ Matutong makinig at irespeto ang mga nagsasalita.
➢ Sumunod sa mga ibibgay na panuto

Panimulang Gawain:

➢ Kumusta na mga bata?


➢ Ano ang nararamdaman nyo sa ngayon?
➢ Kumusta ang klima sa inyong lugar? Mainit ba o
malamig?

Balik-aral: (Contextualization)
Panuto: Masdan ang larawan. Tukuyin kung anong uri ng
pangngalan ang mga ito.

Paglalahad ng Layunin ng bagong aralin:


Sa araling ito ang mga bata ay inaasahang:
➢ Makapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari at
lugar
➢ Makapagbigay ng halimbawa ng pangngalan at
mailarawan ang mga ito

Pagganyak:
Localization
Maghanap Tayo!
Maghanap o kumuha ng ilang bagay o halimbawa ng
pangngalan na makikita sa kanilang tahanan tulad ng tao,
bagay, hayop, larawan ng pook at larawan ng pangyayari.

National Road, Muzon, Taytay, Rizal


facebook.com/muzon.elem muzones.taytay2@gmail.com 6666-249
Paglalahad:
(Collaborative and Values Integration)
Ilarawan Mo ang Nahanap Mo!

• Gabayan ang mga bata na ilarawan ang mga bagay


na kanilang nakita o nakuha sa kanilang tahanan.
• Ipalarawan ang mga ito ayon sa kanilang kaalaman
sa paglalarawan.
• Kailangan bang pahalagahan at ingatan ang mga
bagay sa inyong paligid? Paano mo ito
pahahalagahan?

B. Pagpapaunlad Pagtatalakayan
(Development)
Gawain 1: (Behaviorism)
FYI!
Ang mga pangngalan ng tao, hayop, bagay, lunan o
pangyayari ay maaaring mailarawan. Ang tawag sa
salitang naglalarawan ay pang-uri.
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay
turing sa mga pangngalan (tao, bagay, hayop, lunan o
pangyayari) o panghalip. Tingnan ang talahanayan.
Pansinin kung paano inilarawan ang bawat pangngalan.
(Pls. see Module Filipino 2 page 10)

National Road, Muzon, Taytay, Rizal


facebook.com/muzon.elem muzones.taytay2@gmail.com 6666-249
Ating pakatandaan na ang mga pangngalan ay maaari
nating mailarawan ayon sa kanilang ugali, kilos, kulay,
anyo, hugis, laki at tekstura at iba pa.

Sagutin ang sumusunod na tanong: (HOTS)


1. Ano ang pang-uri?
2. Ano ang inilalarawan ng pang-uri?
3. Paano natin mailalarawan ang mga pangngalan?
4. Mahalaga ba ang paglalarawan sa mga pangngalan?
Bakit mo ito nasabi?

Gawain 2:
Ilarawan Natin!
(Integrative Approach/Contextualization)
Panuto: Ilarawan ang mga sumusunod ayon sa:
1. Kulay

2. Hugis

3. Anyo o laki

4. Tekstura

National Road, Muzon, Taytay, Rizal


facebook.com/muzon.elem muzones.taytay2@gmail.com 6666-249
5. Kilos o ugali

C. Pagpapalihan Gawain 1:
( Engagement) Say Something! (Integrative Approach)
Panuto: Paano mo mailalarawan ang sumusunod na
halimbawa ng pangngalan. Magbigay ng halimbawa ng
pang-uri na angkop dito. ( Ipabukas ang mikropono upang
makasagot ang mga bata.)

Gawain 2:
Anong Say Mo!(Inquiry-based)
Panuto: Ano ang masasabi mo ukol sa dalawang nasa
larawan. Mapaghahambing mo ba ang mga ito? Paano mo
ito mailalarawan? Magbigay ng 2 o 3 pangungusap upang
mailarawan mo ang nakapaloob dito.

Gawain 3: Maglaro Tayo!


(Collaborative-Simulation Strategies through games)
Bring Me Please!
Panuto: Gamit ang mga bagay na makikita sa bahay,

National Road, Muzon, Taytay, Rizal


facebook.com/muzon.elem muzones.taytay2@gmail.com 6666-249
kumuha o maghanap ng mga halimbawa ng pangngalan
na maaaring ilarawan ng mga sumusunod na pang-uri.
Pagkatapos bumuo ng isang pangungusap gamit ang
pangngalan at naibigay na pang-uri.
1. Maganda
2. Malaki
3. Masarap
4. Matigas
5. Bilog
6. Kulay puti
7. Mabango
8. Mahaba
9. Malambot
10. Mabigat

D. Paglalapat Paglalapat: (Localization)


(Assimilation) Love Ko To!
Kumuha ng isang paborito mong laruan. Ilarawan ito at
sabihin kung bakit ito ang naging paborito at kung paano mo
ito pahahalagahan o iingatan.

Paglalahat:
Tandaan Mo!
• Ano ang pang-uri?
• Paano nailalarawan ang mga pangngalan?
✓ Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay
turing sa mga pangngalan.
✓ Ang mga pangngalan ay maaari nating mailarawan
ayon sa kanilang ugali, kilos, kulay, anyo, hugis, laki
at tekstura at iba pa.

Pagtataya:
Panuto: Ilarawan ang sumusunod na pangngalan ayon sa
pang-uri na nasa loob ng panaklong.

1. 4.

(kulay) (hitsura)

National Road, Muzon, Taytay, Rizal


facebook.com/muzon.elem muzones.taytay2@gmail.com 6666-249
2.
5.

(hugis) (emosyon)

3.

(laki)

Takdang Aralin:
Performance Task
(Constructivism/Constructivist Assessment through
Rubriks/Reflective)
Panuto: Gumawa ng isang album ng iba’t ibang uri ng
pangngalan at isulat ang mga pang-uri na maaaring
maglarawan sa mga ito. Pumili ng 3 larawan sa bawat
pangngalan tulad ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.

V. PAGNINILAY Ano ang iyong natutunan sa aralin ngayon?

Prepared by:

MAUREEN P. BUMANGLAG
Master Teacher I

National Road, Muzon, Taytay, Rizal


facebook.com/muzon.elem muzones.taytay2@gmail.com 6666-249

You might also like