You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 7

Ikaapat na Markahan

Petsa:______________
Oras:_______________
Seksyon:____________
Araw ng ____________

I. PAKSA: IBONG ADARNA

Mga Layunin:

1. Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong nagpapahayag ng mga pagpapahalagang
Pilipino.

2. Nakikilahok sa mga pangkatang gawain base sa paksang tinalakay.

3. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng mga pangunahing tauhan at pantulong na mga tauhan.

II. Kagamitang Panturo: Libro ( Pinagyamang Pluma 7 ), at iba pang sources sa internet
Kahalagahang Pangkatauhan: Mahalin , ipagmalaki ang ating sariling obra maestra.

III. A. Balik-aral: Tatawag ang guro ng isang estudyante at tatanungin kung ano ang nalalaman niya sa huling paksang tinalakay.
IV.
Motibasyon:
B. Paglalahad: Pagtatalakay ng pahapyaw sa Buod ng” Ibong Adarna.”

C. Pagpapalawig:

Gawain 1. Upang lalong mas maintindihan ng mga mag-aaral ang Kayarian ng Pang-uri, hahatiin sila sa dalawang pangkat. Ito ang
pangkat ng mga kalalakihan at pangkat ng mga kababaihan. Ang guro ay maghahanda ng mga pang-uri na nakasulat sa flashcards
at kanila itong isasaayos kung anong kayarian ito nabibilang.Sa pamamagitan ng paligsahan sa dalawang pangkat, kung sino ang
mauuna na magsaayos ng mga salita ang siyang panalo. Bibigyan lamang sila ng tatlo hanggang limang minuto para mabuo ang
nasabing gawain.

D. Ebalwasyon: Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit hinggil sa paksang natalakay para masuri kung talagang naintindihan
ba ito ng mga mag- aaral .

E. Takdang Aralin:

 Ibigay ang maylapi, inuulit at tambalang anyo ng mga payak na salita at gamitin ang lahat ng ito sa pangungusap.
PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN
1. Bahay
2. Dugo
3. Anak
4. Balita

Inihanda ni: Ipinasa kay: Inaprubahan ni:


Candice D. Germata Gng. Angelina M. Ebueza Antonino C. Ebuna
Guro sa Filipino Master Teacher I Principal I

You might also like