You are on page 1of 4

I.

LAYUNIN

Pamantayang Pagganap
 Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-uunawa sa mga konsepto tungkol sa emosyon.
 Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan ng wasto
ang emosyon.

Naunawaan ng mga Mag-aaral ang mga:


 Kahulugan ng emosyon.
 Pamamahala ng mga iba’t-ibang emosyon at damdamin ng tao.
 Mga tungkulin at epekto ng emosyon sa pagpapasiyang gagawin ng tao.
 Mga iba’t-ibang uri ng damdamin ng tao.

II. PAKSA:
Emosyon

SANGGUNIAN:
Teaching Guide for Values Education (pp. 166-194), DepEd

III. PAMAMARAAN SA PAGTUTURO


a. Panalangin

b. Tawag sa Talaan

c. Pagganyak

d. Paglalahad
Magpakita ng dalawang larawan na nagpapakita ng emosyon. Hikayatin ang mga mag-
aaral kung ano ang masasabi nila sa larawang nakita.

e. Talakayan
Pagsisiyasat at Pagtutuklas ng Dating Kaalaman
Gawain 1: Ball Relay
 Panuto:
 Gunitain ang mga sitwasyon sa sariling buhay na nagging dahilan ng iba’t-
ibang emosyon na iyong nararamdaman.
 Ipasa ang bola sa kaklase.
 Kung sinong nakahawak sa bola kapag hihinto ang musika ay siyang
magbahagi ng sagot.
 Ang Gawain na ito ay pagpapalagay sa mga mag-aaral upang sila ay
mahanda/magiging interesado sa aralin sa araw na ito.
 Tuklasin ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabalik-
tanaw sa kanilang karanasan sa sariling buhay na nagging dahilan ng iba’t-ibang
emosyon na kanilang naramdaman sa pamamagitan ng “BALL RELAY”.

Karanasan Tungo sa Pang-unawa


Gawain 2: Roll Play
 Panuto:
 Magbuo ng limang grupo.
 Isaisip na sa inyo nangyayari ang sitwasyon. Bigyan ang bawat isa ng
gampanin sa magiging pag-uusap.
 Buuin ang usapan sa pagsagot sa mga pahayag upang maipakita ang iyong
magiging damdamin kung maharap sa ganitong sitwasyon.
 Isadula ang nabuong pag-uusap. (3 minuto)
 Mga sitwasyon:
o Unang Grupo: Huwag ka sanang mabibigla. Ang mga magulang
mo ay naaksidente at sila ay nasa ospital ngayon.
o Pangalawang Grupo: Binabati kita! Ikaw ang napili sa
inyong pangkat upang magsanay at maging isa sa mga peer
counselors. Ipinagmamalaki kita.
o Pangatlong Grupo: Huling-huli kita sa akto. Nakita talaga kita
na kinuha mo ang pitaka ng kaklase natin sa kanyang bag.
Huwag kang magkakaila.
o Pang-apat na Grupo: Salamat sa iyong tulong. Hindi ko talaga
alam ang gagawin ko kung wala ka kanina. Tunay ka talagang
kaibigan.
o Panlimang Grupo: Nagmumulto na naman daw ang nakaputing
multo na babae d’yan sa apartment mo! Naisipan ko nang
lumipat baka mamatay ako sa takot!
 Bawat grupo ay magbigay ng rate sa kabilang grupo sa pamamagitan ng
mga Panukatan sa Antas Ng Pagkatuto
Panukatan:
Pinakamahusay – mahusay na mahusay ang paggawa ng script, malinaw, malikhain, at
may kooperasyon ang presentasyon ng impormasyon.
Mahusay – mahusay ang pagkakagawa ng script, at malinaw ang pagkalahad sa
impormasyon.
Kulang sa kahusayan – kulang sa kahusayan ang paggawa ng script, at hindi malinaw ang
inilahad na impormasyon.

 Ito ang bahagi kung saan susuriin ng bawat mag-aaral ang kanyang sarili tungkol
sa malaking ideya na lilinangin sa aralin.

Mga Kasanayan
Ang mga mag-aaral ay:
 Matutukoy ang magiging epekto at pagpapasiya nang wasto at hindi wastong
pamamahala ng mga pangunahing emosyon.
 Nasusi kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa isang
sitwasyon na may krisis, suliranin, o pagkalito.
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang napamahalaan nang wasto ang emosyon.

Pagpapalalim
Gawain 3. Film Showing
Panoorin ang “Ngiti Lang” na nagpapahayag kung paano naging bahagi sa tao ang
mga emosyon at paano ito haharapin.

 Sa bahaging ito, mauunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan ng emosyon.


 Mauunawaan kung paano ang pamamahala ng mga iba’t-ibang emosyon at
damdamin ng tao.
 Malalaman ang mga tungkulin at epekto ng emosyon sa pagpapasiyang gagawin
ng tao.
 Malalaman ang iba’t-ibang uri ng damdamin ng tao.
Paghahalaw
Mga katanungan:
1. Bakit kailangang malaman ang kahulugan ng emosyon at ang iba’t-ibang uri ng
damdamin?
2. Bakit kailangang pamahalaan ng maayos ang iba’t-ibang emosyon ng tao?

Punong-puno ng makukulay na karanasan at pakikipag-ugnayan ang isang tao. Mula sa


karanasan napukaw ang iba’t-ibang emosyon at damdamin. Ito ang pinakamahalagang larangan
nang pag-iral ng tao. Kung kaya’t ito ay nararapat na mapamahalaan nang wasto upang magdulot
ito ng maganda sa sarili at ugnayan sa kapwa.

IV. PAGGANAP, PAGSUSULIT AT PAGSISIYASAT

Sa bahaging pagganap, isulat ng mag-aaral sa kard ang gustong iparating na mensahe sa taong
nagbibigay sa kanya ng di-malilimutang emosyon.

Pagsasabuhay (Kasunduan)

1. Balikan muli ang bahaging Pagninilay.


2. Isulat ang mga emosyon sa unang hanay sakaling ang mga ito ay maramdaman mo muli.
3. Lagyan ng tsek kung anong araw naramdaman.
4. Sa susunod na hanay, tukuyin kung alin sa mga naitatamong mungkahi ang nais mong
gamitin upang mapamahalaan ang emosyon.
5. Suriin ang maging epekto pagkatapos maisabuhay sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong sa bawat hanay. Isagawa ang mga itinalang pamamaraan sa mga susunod sa
araw kung kinakailangan hanggang ang mga ito ay maging bahagi ng araw-araw na
pamumuhay.
6. Magbigay ng patunay na iyong naisagawa ang isinulat na “Talahayan ng Pamamahala
ng Emosyon.”
7. Gumawa ng tula tungkol sa sarili mong karanasan ng epekto nang wasto at hindi
wastong pamamahala ng emosyon sa iyong sarili at pakikipagkapwa. I-post ito sa iyong
facebook upang maging inspirasyon at paalala sa iba.
8. Gamitin gabay ang tsart sa ibaba.

Emosyon Ano ang iyong


Myerkules
Huwebes

Aling mungkahi susunod na


Biernes
Sabado
Martes

Linggo
Lunes

Epektibo ba ito?
ang napiling hakbangin
Bakit?
gamitin? sakaling hindi
epektibo?
Galit Mag-relax muna Oo, dahil
(hal., pag- nabawasan ang
eehersisyo at bigat ng
manalangin) nararamdaman.

Panukatan sa Pagkatuto
 (15) – May natatanging kalinawan ang mga nabuong mensahe, mga konseptong
ginagamit, nagpapamalas ng pag-uunawa sa mga konsepto tungkol sa emosyon, at
nagpapakita ng tamang pamamahala sa emosyon.

 (10) – Di malinaw ang mga nabuong mensahe, mga konseptong ginagamit, nagpapahayag
ng kakaunting konsepto tungkol sa emosyon at ang pamamahala nito.

 (5) – Walang malinaw ang mga nabuong mensahe at mga konsepto.

You might also like