You are on page 1of 2

Ano ang Dula at mga bahagi at uri nito

Ang Dula – ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan

Bahagi ng Dula

1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto
upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood.

2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang


ipinanghahati sa yugto

3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan

Mga Uri ng Dula:

1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan

2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya


sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo

3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may
malulungkot na bahagi

4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang


katawatawa

5. Saynete –mga karaniwang ugali ang pinaksa ditto

Mga Elemento ng Dula:

A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang


dula

1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito


ipinapakilala ang mga tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa
kabuuang aksyon

2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng


pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng
kanyang kinakaharap

3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding


pagtatagisan ng tauhan o ng mga pangayayari

B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang


ito ng dalawa: ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang
tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.

C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam
sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang
kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng
diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita

You might also like