You are on page 1of 27

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Dula
(Sintahang Romeo at Juliet)

Kagawaran ng Edukasyon.Republika ng Pilipinas


Subukin

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.


1. Ito ay sining ng panggagaya at pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Layunin
nitong itanghal.
A. dula B. epiko C. maikling Kuwento D. sanaysay
2. Isang uri ng dulang pantanghalan na magaan ang paksa o tema at ang
mga tauhan ay nagtatagumpay sa wakas.
A. melodrama B. komedya C. parsa D. trahedya
3. Magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may tauhang katawa-
tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, ngunit sa huli’y
nagiging malungkot dahil sa kasawian o kabiguan.
A. parodya B. tragikomedya C. saynete D. trahedya
4. Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos,
pagsasalita, at pag-uugali ng tao.
A. komedya B. parodya C. melodrama D. saynete
5. Itinuturing na isa sa dulang panlibangan ng mga huling taon ng pananakop
ng mga Espanyol sa Pilipinas.
A. melodrama B. parodya C. parse D. saynete
6. Dulang puro tawanan at walang saysay ang kwento.
A. komedya B. parse C. saynete C. tragikomedya
7. Ang tema o paksa ng dulang ito’y mabigat o nakasasama ng loob. Ang
mga tauha’y karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin
at maging kamatayan.
A. komedya B. saynete C. tragikomedya D. trahedya
8. Sadyang namimiga ng luha sa mga manonood na para bang wala
nang masayang bahagi ng buhay kundi pawang problema na lamang.
A. Komedya B. melodrama C. saynete D. tragikomedya
9. Sa anong sangkap ng dula ipinakilala ang mga tauhan ang papel na
gagampanan ng mga ito?
A. gitna B. simula C. tunggalian D. wakas
10. Ano ang makikita sa wakas ng dula?
A. kakalasan B. kasukdulan C. tagpuan D. tauhan
11. Katumbas ito ng kabanata sa nobela.
A. eksena B. tanghalan C. tagpo D. yugto
12. Dito nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng dula, walang iba kundi
ang diyalogo.
A. simula B. gitna C. wakas D. banghay
13. Ang dulang Sintahang Romeo at Juliet ay anong uri ng dula?
A. parsa B. melodrama C. trahedya D. komedya
14. Sa anong bahagi/ elemento ng dula matutukoy kung anong uri ng
dula ang Sinatahang Romeo at Juliet.
A. panimula B. kasukdulan C. kakalasan D. wakas
15. Ang mga sumusunod ay mga kulturang makikita sa Sintahang Romeo
at Juliet maliban sa isa.
A. Paniniwala sa wagas na pag-ibig.
B. Pagdiriwang ng Pasko kasama ang Pamilya.
C. Alitan sa Pagitan ng mga mahaharlikang angkan.
1
D. Paggamit ng kapangyarihan ng magulang sa mga anak.

Balikan

Napag-aralan mo sa nakaraang modyul ang pakikipagsapalaran ng mga


tauhan sa mitolohiyang Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante na mula sa
bansang Iceland. Nasuri natin ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng
binasang mitolohiya. Natukoy natin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
mitolohiyang kanluranin sa mitolohiya ng Pilipnas.
Tinalakay din sa module 1 ang pagsasama-sama ng mga salita upang
makabuo ng iba pang kahulugan (kolokasyon).
Tuklasin
DULA

Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya at pag-iimita


sa kalikasan ng buhay. Ipinapakita dito ang realidad ng buhay ng tao gayundin
ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal
upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o
makapagbigay ng mensahe.
Ang dula ay isang sining na nagpapaabot sa mga manonood o mga
mambabasa ng damdamin at kaisipang nais nitong iparating gamit ang masining
na pagsasatao ng mga karakter ng dulang pantanghalan. Ito ay maaring mauri
ayon sa paksa o nialalaman.Nagkaroon din ito ng iba’t ibang anyo batay sa
damdaming nais palitawin ng may-akda nito. Ang epekto ng damdaming taglay
ng dula ay nagdudulot ng higit na kulay at kahulugan hindi lamang sa mga
manonood kundi maging sa mga taong gumaganap nito.
MGA URI NG DULA AYON SA ANYO
1. Komedya. Katawa-tawa, magaan ang mga paksa o tema at ang mga
tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
2. Trahedya. Ang tema o paksa nito’y mabigat o nakasasama ng loob,
nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa
kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan at maging sa
kamatayan.
3. Melodrama. Ito ay sadyang namimiga ng luha sa mga manonood na para
bang wala nang masayang bahagi ng buhay kundi pawang problema at
kaawa-awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito ay
karaniwang napapanood sa mga de-seryeng palabas sa telebisyon.
4. Tragikomedya. Sa ayong ito ng dula, magkahalo ang katatawanan at
kasawian kung saan may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para
magsilbing tagapagpatawa, ngunit sa huli’y nagiging malungkot dahil sa
kasawian o kabiguan.
5. Saynete. Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon
ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa
paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kanyang
2
pamumuhay, pag-ibig, at pakikipagkapwa. Isang halimbawa nito ang La
India Elegante Y Negrito Amante ni Francisco Baltazar na isa sa mga
nakaaaliw na libangang saynete sa panahon ng Espanyol.
6. Parse. Dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento. Ang
mga aksyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan,
maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan. Karaniwan itong
mapapanood sa mga comedy bar.
7. Parodya. Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang
ayos, kilos, pagsasalita, at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng
komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit
may tama sa damdamin ng kinauukulan.
8. Proberbyo. Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga
bukambibig na salawikain, ang kwento’y pinaiikot dito upang magsilbing
huwaran ng kanyang tao sa buhay.

MGA ELEMENTO NG DULANG PANTANGHALAN

Ang dulang pantanghalan, katulad ng maikling kuwento at nobela ay


nagtataglay rin ng mahahalagang sangkap o elemento. Kung ang katawan ng tao
ay may bahagi, ang dulang pantanghalan ay nagtataglay rin ng mahahalagang
bahagi. Ito ay ang simula, gitna at katapusan
1. Simula- dito matatagpuan ang dalawang mahahalagang sangkap o elemento
ng isang dula, ang tauhan at tagpuan. Sa bahaging ito, makikilala ang mga
tauhan at mga papel na kanilang gagampanan na maaring bida at kontrabida.
Ipinakilala rin dito ang tagpuan o ang panyayarihan ng mga eksena.
2. Gitna- sa bahaging ito naman makikita ang banghay o ang maayos na daloy o
pagkakasunod- sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob ang
pinakamahalagang bahagi ng dula, walang iba kundi ang diyalogo.
Ang diyalogo ay usapan ng mga tauhan. Kagaya rin ng sa nobela, sa gitna
rin ng dula makikita ang mga sumusunod na katangian: ang saglit na kasiglahan
na magpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
problema, ang tunggalian na tahasan nang nagpapakita ng labanan o pakikibaka
ng tanging tauhang maaaring sa kanyang sarili, sa kapwa o sa kalikasan. At ang
panghuli ay ang kasukdulan, pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang
kahinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
3. Wakas- dito matatagpuan ang kakalasan at ang wakas ng dula. Sa kakalasan,
unti-unting bababa ang takbo ng istorya. Sa kakalasan makikita ang kamalian o
kawastuhan at pagkalag sa mga bahaging dapat kalagin. Sa wakas naman
mababatid ang resolusyon na maaring masaya o malungkot, pagkapanalo o
pagkatalo.
May mga dulang hindi winakasan ng dalawang huling sangkap. Iniwan na
lamang itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na lamang ang mga mambabasa
o manonood na humatol o magpasiya sa dapat na kahihinatnan. Mapanghamon
ang ganitong wakas sa isip ng mga mambabasa o manonood.
Ang huling elemento ng dulang pantanghalan na sadyang mahalaga ay
ang aspetong teknikal. Mahalagang bahagi nito ang epektong pantunog
sapagkat ang dula ay ginaganap sa harap ng madla, kaya’t kailangang malinaw
na maipahatid ang bawat linya ng dula sa pamamagitan ng maayos na tunog sa
pagtatanghal. Kasama na rin dito ang sound effects, musika at iba pang
kaugnay na tunog sa pagtatanghal.
3
Ang isa pang mahalagang aspektong teknikal sa dula ay ang pag-iilaw
upang higit na mabigyang buhay ang mahahalagang tagpo ng dula. Kabilang din
sa aspektong teknikal ang iba pang kagamitang higit na magbibigay buhay at
pagkamakatotohanan sa itinanghal na dula.
Dahil sa ang dula ay isang sining, ang bawat bahagi nito ay mainam na
pinag-aaralan ng may-akda at maging ng direktor nito. Hindi ito basta-basta
isinusulat at sa halip ito ay pinag-aralan batay sa balangkas nito- kung saan ang
mga bahagi ay malinaw na nahahati sa yugto ( act) , tanghal- eksena ( scene ) at
tagpo ( frame) .
Ang yugto kumbaga sa nobela ay ang kabanata. Ito ang malaking hati ng
dula. Ang isang dula ay maaring magkaroon ng isang yugto lamang, dalawa o
tatlo, apat o higit pa. Sa tanghalan, ang bawat yugto ay maaring gamiting
panahon upang ihanda ang susunod pang mga yugto, upang ayusin ang
tagpuan, upang makapagpahinga sumandali ang mga tagapagsiganap at ang
mga manonood. Ang pasumandaling pamamamahingang ito ay maaring tumagal
hanggang labinlimang minute na nagagamit din ng mga tagapanood upang
maisagawa ang personal na pangangailangan tulad ng pagkain o pag-inom.
Ang bawat yugto naman ay binubuo ng kung ilang eksena, kaya ang
panahong nagugugol sa isang yugto ay hindi pare-pareho. Maaring ang unang
yugto ng isang dulang may tatlong yugto ay bubuuin ng pitong eksenang maaring
tumagal ng tatlumpong minuto. Gayundin sa ikatlong yugto, ang bilang ng
eksena ay iba rin at ang panahon ay maaring magtagal o sandali rin.
Kung ang yugto ay binubuo ng mga eksena, ang eksena naman ay
binubuo ng mga tagpo. Ang eksena ay maaring magbadya ng pagbabago ng
tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari. Ang tagpo
rin ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap
sa eksena.

Suriin
Basahin at suriin ang dulang
inihanda ko para sa iyo.

Tips sa Pagbabasa mula kay Mam Migs


S para sa Survey
• Ang una mong gawin ay buklatin mo muna ang iyong babasahin, upang
malaman ang nilalaman at ang haba nito.
R para sa Read
• Kung na-survey mo na ang buong nilalaman ay maaari mo nang
umpisahan ang pagbabasa.
H para sa Highlight
• Kulayan mo gamit ang highlighter pen ang mga mahahalagang ideya o
opinyon na iyong nabasa.
R para sa Review
• Sa pagbabalik-aral, ituon mo na lang ang pagbabasa sa mga naka-
highlight.
4 k
Sintahang Romeo at Juliet
Hango sa Romeo at Juliet
na Isinalin ni Gregorio C. Borlaza

BASAHIN MULA SA INYONG AKLAT SA PAHINA 201-209

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Paano ito nagwakas? Anong naramdaman


mo sa pagwawakas ng dula? Paano kaya nakatutulong ang dula sa
paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa?

Pagyamanin

Gawain 1. Panuto: Itala ang mga kulturang masasalamin sa dulang Sintahang


Romeo at Juliet at sipiin sa dula ang bahaging nagpapatunay sa kulturang ito.

Kultura ng bansang England na Bahagi sa dula na nagpapatunay


masasalamin sa dula
Halimbawa: Paglapit ng magkasintahang Romeo at
Pagiging Maka-Diyos Juliet sa simbahan sa panahon ng
suliranin
1.
2.
3.
4.
5.

Isaisip

Gawain 2. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa ibaba.


3 Mahahalagang konseptong natutunan ko sa araling ito:
a. ___________________________________________________________
b. ___________________________________________________________
c. ___________________________________________________________
2 kasanayang kailangan kong balikan at pagsanayan pa
a. ___________________________________________________________
b. ___________________________________________________________
1 katangungang naiwan sa aking isip pagkatapos ng aralin:
a. __________________________________________________________
5
Isagawa

Gawain 3. Panuto. Alamin kung anong uri ng dula ang Sintahang Romeo at
Juliet at sipiin sa dula ang bahaging nagpapatunay.

Anong uri ng dula ang


Sinatahang Romeo at
Juliet?

Uri ng Dula

Patunay 1

Patunay 2

Tayahin

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.


1. Isang uri ng dulang pantanghalan na magaan ang paksa o tema at ang
mga tauhan ay nagtatagumpay sa wakas.
A. melodrama B. komedya
C. parsa D. trahedya
2. Ito ay sining ng panggagaya at pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Layunin
nitong itanghal.
A. dula B. epiko
C. maikling Kuwento D. sanaysay
3. Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos,
pagsasalita, at pag-uugali ng tao.
A. komedya B. parodya
C. melodrama D. komedya
4. Dulang puro tawanan at walang saysay ang kwento.
A. komedya B. parse
C. saynete D. tragikomedya
5. Ang mga sumusunod ay mga kulturang makikita sa Sintahang Romeo
at Juliet maliban sa isa.
A. Paniniwala sa wagas na pag-ibig.
B. Pagdiriwang ng Pasko kasama ang Pamilya.
6
C. Alitan sa Pagitan ng mga mahaharlikang angkan.
D. Paggamit ng kapangyarihan ng magulang sa mga anak.
6. Ano ang makikita sa wakas ng dula?
A. kakalasan B. kasukdulan
C. tagpuan D. tauhan
7. Katumbas ito ng kabanata sa nobela.
A. eksena B. tanghalan
C. tagpo D. yugto
8. Sa anong bahagi/ elemento ng dula matutukoy kung anong uri ng
dula ang Sinatahang Romeo at Juliet.
A. panimula B. kasukdulan
C. kakalasan D. wakas
9. Dito nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng dula, walang iba kundi
ang diyalogo.
B. simula B. gitna
C. wakas D. banghay
10. Ang dulang Sintahang Romeo at Juliet ay anong uri ng dula?
A. parsa B. melodrama
C. trahedya D. komedya
11. Ang tema o paksa ng dulang ito’y mabigat o nakasasama ng loob. Ang
mga tauha’y karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin
at maging kamatayan.
A. komedya B. saynete
C. tragikomedya D. trahedya
12. Magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may tauhang
katawa-
tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, ngunit sa huli’y
nagiging malungkot dahil sa kasawian o kabiguan.
A. parodya B. parse
C. saynete D. tragikomedya
13. Itinuturing na isa sa dulang panlibangan ng mga huling taon ng
pananakop
ng mga Espanyol sa Pilipinas.
A. melodrama B. parodya
C. parse D. saynete
14. Sadyang namimiga ng luha sa mga manonood na para bang wala
nang masayang bahagi ng buhay kundi pawang problema na lamang.
A. Komedya B. melodrama
C. saynete D. tragikomedya
15. Sa anong sangkap ng dula ipinakilala ang mga tauhan ang papel na
gagampanan ng mga ito?
A. gitna B. simula
C. tunggalian D. wakas

7
Aralin
2
Sintahang Romeo at Juliet

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.


1. Isang akdang tuluyan na ang layunin ay itanghal.
A. dula B. epiko
C. maikling kuwento C. tula
2. Uri ng dula na ang bida ay humahantong sa malungkot na wakas o
kabiguan.
A. Komedya B. melodrama
C. parsa B. trahedya
3. Sila ang mga tauhan ng dula ni William Shakespeare na naglalarawan sa
walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
A. Florante at Laura B. Maria Clara at Crisostomo Ibarra
C. Samson at Delilah D. Romeo at Juliet
4. Ang tanyag na manunulat na sumulat ng Romeo at Juliet
A. Aesop B. Elizabeth Barrett Browning
C. Snorri Sturluson D. William Sharepeare
5. Ang paring nagkasal sa dalawang nagmamahalan na si Romeo at Juliet.
Ang paring handang tumulong sa dalawang nagmamahalan.
A. Benvolio B. Juan
C.Lawrence D. Tybalt
6. Nagpakamatay si Romeo dahil_________
A. inaakalang patay na Juliet.
B. ipapakasal si Juliet kay Paris
C. tuluyang inilayo si Juliet sa kanya
D. pinagbabawal ng kanilang mga magulang sa pag-ibig nila ni Juliet.
7. Sa palagiang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan ay nagpapakita
ng kulturang___
A. pagiging makadiyos
B. pagsuway sa magulang
C. pagpapahalaga ng relihiyon
D. pagkapit sa simbahan sa panahon ng suliranin
8. Ano ang naging dahilan ng kamatayan ni Romeo?
A. uminom siya ng lason.
B. sinaksak siya ni Tybalt.
C. tinamaan siya ng pana sa digmaan.
D. nagkasakit dala ng matinding gutom.
9. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit hindi pwedeng magmahalan
sina Romeo at Juliet maliban sa isa.
8
A. Bago lamang sila nagkakilala
B. Pakakasal na si Juliet Kay Paris
C. Magkaaway ang kanilang mga angkan.
D. labag sa kultura ng mga Capulet na pakasal sa isang Montague

10. Anong mahalagang kaisipan ang ipinaparating ng dulang Romeo at


Juliet?
A. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan.
B. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.
C. Lahat ay pantay- pantay sa ngalan ng pag-ibig.
D. Hahamakin ang lahat masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.
11. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng_____.
A. marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
B. pagsuway sa utos ng angkan
C. pagtataksil ni Juliet kay Paris
D. lahat ng nabanggit
12. Bakit ganoon na lamang ang pag-ibig nina Romeo at Juliet sa isa’t isa?
A. Dahil sa kanilang kultura
B. Dahil minsan lang sila nagkikita
C. Dahil sila’y pinagbawalan ng kani-kanilang mga magulang.
D. Dahil sila’y bata pa at di pa kayang kontolin ang nararamdaman
13. Paano naipapakita ang marangyang pamumuhay ng mga Capulet?
A. Sa laki ng kanilang bahay.
B. Koneksyon nito sa pamahalaan.
C. Pagiging mapagmataas ng kanyang angkan.
D. Sa pamamagitan ng kanilang nakagawian at taong
nakakasalamuha.
14. Alin sa mga sumusunod ang pagpapakita ng kapangyarihan ng mga
magulang sa dula?
A. Pagpapapatay sa minamahal ng anak.
B. Pagpili ng lalaking pakakasalan ni Juliet.
C. Pagbabawal kay Juliet na lumapit sa ibang lalaki
D. Pagbabawal kay Juliet na makikipahalubilo sa ibang angkan
15. Sa iyong palagay, wagas ba na pag-ibig ang namamagitan kina Romeo at
Juliet? Bakit?
A. Hindi dahil bago pa lamang sila nagkakilala.
B. Hindi, dahil sila ay nasa murang edad pa lamang.
C. Oo dahil nagawa nilang pakasal na walang basbas ng mga
magulang.
D. Oo dahil handa nilang ibuwis ang kanilang buhay sa ngalan ng pag-
ibig.

Balikan

Napag-aralan natin sa nakaraang aralin ang uri ng dula ayon sa anyo at


elemento ng dulang pantanghalan. Nalaman natin na ang dula ay isang uri ng
panitikan na ang layunin ay itanghal. Natalakay din sa nakaraan na ang dula ay
may uri ayon sa anyo: komedya, trahedya, melodrama, tragikomedya, saynetye,
parse, parodya at proberbyo.
9
Napag-aralan din natin ang mga elemento ng dulang pantanghalan, ang
simula, gitna, wakas at ang aspetong teknikal.
Nilakbay natin ang bansang Englatera at inalam ang mga kultura dito sa
pamamagitan ng pagbasa natin sa dulang Sintahang Romeo at Juliet.
Nasasalamin sa dula ang kulturang bansang pinanggalingan nito.

Tuklasin

Gawain 1: Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na linya tungkol sa pag-ibig.

Oh Pagsintang labis na makapangyarihan


Sampung mag-ama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hamaking lahat masunod ka lamang.
Halaw sa Florante at Laura
Ni Francisco Baltazar
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal;


Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’ yong batong humahadlang.
Ginawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin
Kaya’t ang mga pinsan mo’y hindi sagabal sa akin
Halaw sa Romeo at Juliet
Salin ni Gregorio Borlaza
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Tanong:
1. Ano ang nagagawa ng tao sa ngalan ng pag-ibig?
___________________________________________________________
2. May pagkakatulad ba sa paniniwala tungkol sa pag-ibig ang dalawang
bansang pinagmulan ng akda? Ipaliwanag.
_________________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 2: Panuto: Ihambing mo ang kultura ng bansang England na tagpuan


ng dulang Romeo at Juliet sa kultura ng ating bansa. Gamiting pamantayan sa
paghahambing ang mga gabay sa unang hanay.

Paghahambing base sa Bansang Tagpuan ng Bansang Pilipinas


Dula ( England)

10
Pagpapahalaga sa Pamilya
Alitan sa pagitan ng mga
angkan
Pagtatakda ng Kasal na
walang pag-ibig
Paggamit sa kapangyarihan
ng mga magulang na
magdesisyon para sa mga
anak
Pagkapit sa simbahan sa
panahon ng suliranin

Isaisip

Gawain 3. “PIN”. Kaugnay ng mga natutuhang impormasyon, kaisipan tungkol


sa kultura ng bansang England at Pilipinas, lagyan ng kasagutan ang kolum sa
ibaba. Ipaliwanag.
P- Positive I- Interesting N- Negative
POSITIVE INTERESTING NEGATIVE

Isagawa

Gawain 4. Panuto: Umibig ka sa isang babaeng napakahigpit ng mga magulang.


Anong plano upang maipakita ang tunay na hangarin mo para sa kanya. Anong
kultura ang naging batayan mo sa pagbuo ng plano?

Ang Iyong Plano Kulturang Pinagbabatayan

Hakbang na Gagawin

Kagamitang Kakailanganin

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.


1. Ang tanyag na manunulat na sumulat ng Romeo at Juliet
11
B. Aesop B. Elizabeth Barrett Browning
C. Snorri Sturluson D. William Sharepeare
2. Isang akdang tuluyan na ang layunin ay itanghal.
A. dula B. epiko
C. maikling kuwento C. tula
3. Uri ng dula na ang bida ay humahantong sa malungkot na wakas o
kabiguan.
A. Komedya B. melodrama
C. parsa B. trahedya
4. Ang paring nagkasal sa dalawang nagmamahalan na si Romeo at Juliet.
A. Benvolio B. Juan
C.Lawrence D. Tybalt
5. Sila ang mga tauhan ng dula ni William Shakespeare na naglalarawan sa
walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
A. Florante at Laura B. Maria Clara at Crisostomo Ibarra
C. Samson at Delilah D. Romeo at Juliet
6. Nagpakamatay si Romeo dahil_________
A. inaakalang patay na Juliet.
B. ipapakasal si Juliet kay Paris
C. tuluyang inilayo si Juliet sa kanya
D. pinagbabawal ng kanilang mga magulang sa pag-ibig nila ni Juliet.
7. Ano ang naging dahilan ng kamatayan ni Romeo?
A. uminom siya ng lason.
B. sinaksak siya ni Tybalt.
C. tinamaan siya ng pana sa digmaan.
D. nagkasakit dala ng matinding gutom.
8. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng_____.
A. marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
B. pagsuway sa utos ng angkan
C. pagtataksil ni Juliet kay Paris
D. lahat ng nabanggit
9. Sa palagiang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan ay nagpapakita
ng kulturang___
A. pagiging makadiyos
B. pagsuway sa magulang
C. pagpapahalaga ng relihiyon
D. pagkapit sa simbahan sa panahon ng suliranin
10. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit hindi pwedeng magmahalan
sina Romeo at Juliet maliban sa isa.
A. Bago lamang sila nagkakilala
B. Pakakasal na si Juliet Kay Paris
C. Magkaaway ang kanilang mga angkan.
D. labag sa kultura ng mga Capulet na pakasal sa isang Montague

11. Anong mahalagang kaisipan ang ipinaparating ng dulang Romeo at


Juliet?
A. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan.
B. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.
C. Lahat ay pantay- pantay sa ngalan ng pag-ibig.
12
D. Hahamakin ang lahat masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.
12. Sa iyong palagay, wagas ba na pag-ibig ang namamagitan kina Romeo at
Juliet? Bakit?
A. Hindi dahil bago pa lamang sila nagkakilala.
B. Hindi, dahil sila ay nasa murang edad pa lamang.
C. Oo dahil nagawa nilang pakasal na walang basbas ng mga
magulang.
D. Oo dahil handa nilang ibuwis ang kanilang buhay sa ngalan ng pag-
ibig.
13. Bakit ganoon na lamang ang pag-ibig nina Romeo at Juliet sa isa’t isa?
A. Dahil sa kanilang kultura
B. Dahil minsan lang sila nagkikita
C. Dahil sila’y pinagbawalan ng kani-kanilang mga magulang.
D. Dahil sila’y bata pa at di pa kayang kontolin ang nararamdaman
14. Paano naipapakita ang marangyang pamumuhay ng mga Capulet?
A. Sa laki ng kanilang bahay.
B. Koneksyon nito sa pamahalaan.
C. Pagiging mapagmataas ng kanyang angkan.
D. Sa pamamagitan ng kanilang nakagawian at taong
nakakasalamuha.
15. Alin sa mga sumusunod ang pagpapakita ng kapangyarihan ng mga
magulang sa dula?
A. Pagpapapatay sa minamahal ng anak.
B. Pagpili ng lalaking pakakasalan ni Juliet.
C. Pagbabawal kay Juliet na lumapit sa ibang lalaki.
D. Pagbabawal kay Juliet na makikipahalubilo sa ibang angkan.

Malugod na pagbati para sa matiyaga mong


pag-aaral sa aralingo. Kung may mga bahagi ng
aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari mo itong
balikan o itanong sa iyong guro upang lalo mo itong
maunawaan.

Karagdagang Gawain

Gawain 5. Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng double cell diagram ang


pagkakatulad at pagkakaiba ng kulturang nakapaloob sa dulang Romeo at Juliet
sa iba pang dulang iyong nabasa.

13
Romeo at Juliet Iba pang akda

Aralin
Etimolohiya
3
Magandang araw sa iyo! Kumusta ka na? Siguro’y marami nang
pagbabagong naganap sa mga pananaw mo sa buhay mula nang unang
makapagbasa ka nang modyul hanggang sa huling araling natalakay natin.
Nasabi ko ito sapagkat ang mga araling inihahanda ko para sa iyo ay talaga
namang makabuluhan at kapaki-pakinabang. Tiyak na magugustuhan mo ito.
Sa araling ito ay matatalakay natin ang pinagmulan ng salita, ang
etimolohiya.Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at
kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin


lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung papaano nag-iba
ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.
14
A. etimolohiya B. kultura
C. ponolohiya C. retorika

2. Uri ng etimolohiya kung saan ang salita ay nabuo sa pamamagitan ng


pagsasama ng dalawa o higit pang salita.
A. hiram na salita B. morpolohikal na pinagmulan
C. onomatopoeia D.pagsasama-sama ng mga salita
3. Ito ay mga salitang banyaga o galing sa ibang kultura ngunit, inaangkop ang
salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng
A. hiram na salita B. morpolohika na pinagmulan
C. onomatopoeia D. pagsasama ng mga salita
4. Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy sa pag-
aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita.
B. hiram na salita B. morpolohika na pinagmulan
C. onomatopoeia D. pagsasama ng mga salita
5. Hinagkan niya ang aking kamay.
Ano ang salitang pinag-ugatan ng salitang may salungguhit.
A. halik B. hinalikan
C. hagkan D. hahalikan

6. Ang salitang kastilyo na hiniram natin sa salitang Castillo ay mula sa ____


A. Amerikano B. Espanyol
C. Hapon D. Tsina

7. May ambisyon ang batang iyan sa buhay.


Ang salitang may salungguhit ay hiram natin sa mga_______
A. Amerikano B. Espanyol
C. Hapon D. Tsino

8. Ang salitang pamangkin ay nagmula sa salitang para naming akin. Ano ang
uri ng pinagmulan ng salita?
A. hiram na salita B. morpolohikal na pinagmulan
C. onomatopea D. pagsasama-sama ng mga salita

9. Ang salitang ginawa ay mula sa salitang ugat na gawa. Anong uri ng


pinagmulan ng salita ito?
A. hiram na salita C. morpolohika na pinagmulan
B. onomatopoeia D. pagsasama ng mga salita
10. Ang salitang dyip ay hiniram natin mula sa bansang _____
A. Amerikano B. Espanyol
C. Hapon D. Korea

11. Ang salitang iniingatan ay morpolohikal na pinagmulan, ano ang


pinagmulan ng salitang ito
A. ini + ingat + an
B. in + ingat + an
C. ni + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat +ingat + an
D. in + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + ingat + an
12.Ano ang salitang ugat ng salitang kalakaran?
A. kalakar B. lakad
C. lakaran D. lakaran

15
13. Ano ang mabubuong salita kung ang salitang ugat na tapon ay lalapian ng
gitlaping in at hulaping an?
A. itinapon B. magtapon C. tinapunan B. tapunin

14. Nagmula sa salitang Ingles na ang ibig sabihin ay magpahinga sa isang


lugar.
A.istanbul B. tambay C. tambakol D. tambo

15. Salitang nagmula sa paggawalaw ng bamboo, gaya ng pagkaway ng kamay.


A. bulaklak B. dahon C. kawayan D. rattan

Balikan

Tinalakay natin sa nakaraang aralin ang wagas na pag-iibigan nina


Romeo at Juliet.Ang dula ay kinapapalooban ng mga kultura ng bansang
pinagmulan nito. Naihahambing natin ang kultura ng Englatera sa kultura natin sa
Pilipinas.Masasabi nating may pagkakatulad ang mga kultura ng dalawang bansa
bagamat may mga kulturang hindi magkatulad.

Tuklasin

Nakikita at nababasa natin ang salita na nasa iba’t ibang anyo na may
iba’t ibang kahulugan. May mga salitang bayaga na ginagamit natin subalit
binago ang baybay. Mahalaga rin ang ginagampanang papel ng panlapi sa
pagbibigay kahulugan ng isang salita. Sa araling ito aalamin natin ang iba’t ibang
uri ng pinagmulan ng salita at ipapaliwanag natin ang kahulugan ng salita batay
sa pinagmulan nito.
Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at ang
pagbabago ng kahulugan at anyo nito. Ito ay maaaring gamitin upang lubos na
maunawaan ang diwa ng mga salitang ginagamit ngayon. Nagsimula ang
salitang etymolohiya sa Griyegong salita sa etumologia na ang ibig sabihin ay
may ibig sabihin o may kahulugan.
Ilan lamang sa uri ng pinagmulan ng salita ay ang mga sumusunod:
1.Pagsasama ng mga salita
Salita na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawa o higit pang salita
Halimbawa: 1. Pamangkin - Para naming akin
2. Longsilog- longganisa+ sinangag + itlog
A. Hiram na salita
Ito ay mga salitang banyaga o galing sa ibang kultura at ibang wika ngunit,
inaangkop ang salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng
pananalita.
Halimbawa: Apir - Up here
Kompyuter-computer
2. Morpolohikal na pinagmulan
16
Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy sa pag-aaral
sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita. Ang pagkakaiba ng mga
salita dahil sa paglalapi. Nagbabago ang kahulugan ng salita depende sa
panlaping ikinabit sa salita.
Halimbawa:
Salita: susundin
Pinagmulan: su( pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat) +
sunod+ in
= susundin

Suriin

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng etimolohiya dahil sa pamamagitan


nito mas madali mong maaunawaan ang mga salita. Mauunawaan mo ang
pinaggalingan nito at magagamit nang maayos. Makikilala mo ang kahulugan ng
mga salita na hindi mo alam noon. Kung titingnan mo ang dalawang magkadugo,
makikita mo ang pagkakatulad ng kanilang hitsura at masasabi mong sila nga ay
may kaugnayan sa isa’t isa. Katulad ng salita, kung alam mo ang ugat at
pinagmulan, matutukoy mo ang kahulugan ng iba pang salita. Sa pamamagitan
nito, mapapalawak ang iyong bokabularyo.
• Sa kasalukuyan, marami tayong makikitang salita na hango sa mga
salitang pinagsama-sama katulad halimbawa ng salitang longsilog
pinagsama-samang salita na longganisa, sinangag at itlog. Kadalasan
pinagsama-sama ang unang pantig ng mga salita at upang makabuo ng
isang salita.

• Ang ikalawang uri ng pinagmulan ng salita ay ang panghihiram. Maraming


salitang Pilipino ang hindi alam ng marami na ito’y nagmula sa banyagang
salita, hiniram lamang natin at binago ang baybay sa Pilipino.katulad
halimbawa ng apir na ang ibig sabihin sa Pilipino ay isang kilos na
nagtatama ng dalawang palad pataas ay mula sa salitang Ingles na Up
here o sa ibang salita ay high five. Mapapansing ang apir at up here ay
pare-pareho ang pagbigkas.

• Mahalaga ang papel ng panlapi sa morpolohikal na uri ng pinagmulan ng


salita. Binabago ng panlapi ang kahulugan ng salita. Pansinin ang salitang
susundin, ito ay nagmula sa sa salitang ugat na sunod na nilalapian ng
hulapin -in at inuulit ang unang pantig ng salitang ugat na su. Ang
kahulugan ng salita ay tatalima. Kung ang salitang ugat na sunod ay
lalapian ng gitalaping –um- at uulitin ang unang pantig ng salitang ugat ay
mabububo ang salitang sumunod na ang ibig tumalima.
Nakakakatulong ang etimolohiya ng salita sa mga gawaing pasulat
at pagbabasa. Mas madaling maunawaan ang mga binabasa kung alam
ang pinag-ugatan ng mga salitang ginamit.

17
Dagdag pa nito, mas madali mong maunawaan at maipaliwanag
ang mga literatura sa iba’t ibang panahon dahil ang etimolohiya ay
kabahagi ng pag-unlad ng salita.

Pagyamanin

Gawain 1. Panuto: Alamin at ipaliwanag ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba.

1. Ang salitang adyos mula sa pahayag na “adyos, matamis na lungkot ng


paghihiwalay” ay hiram natin sa ibang wika. Ano kaya ang orihinal na
baybay at kahulugan ng salitang ito?
Orihinal na baybay:___________________kahulugan:_______________
2. Ang ganitong panghihimasok mapait na lubos.
Ano ang pinag-ugatan ng salitang may salungguhit? Anong uri ng
pinagmulan ng salitang ito?
Salitang ugat_________________________Uri ng pinagmulan:________
3. Ang marahas na ligaya
Ano ang salitang ugat ng salitang may salungguhit at kahulugan nito?
Salitang ugat______________________Kahulugan:_________________
4. Ang salitang ambisyon ba ay salitang hiram o likas na sa atin? Magbigay
ng paliwanag kung saan nagmula ang salitang
ito.________________________________________________________.
5. Hinagkan niya ako sa labi.
Ano ang salitang ugat ng salitang sinalungguhitan? Ano ano ang mga
panlaping ginamit upang mabuo ang salita?
Salitang ugat:________________________ Mga panlapi:_____________
6. Ang salitang tapsilog ay mula sa dalawang salita na_________at
_______.
7. Ano ang salitang ugat ng karahasan? ______________
8. Kung pagsasama-samahin ang mga salitang smoke at fog, mabubuo ang
salitang _____________.
9. Ang salitang inosente ay nagmula sa Espanyol na inocente. Ipaliwanag
ang kahulugan
nito_______________________________________________
10. Ang salitang sayawit ay pinagsamang _____________, _____________
na ang ibig sabihin ay _________________________________________

Gawain 2: Panuto: Ibigay ang pinag-ugatan ng mga salitang may salungguhit.


Gawing batayan ang kasunod na halimbawa.
Salita: susundin
Pinagmulan: su (pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat) +
Sunod+in
=susunodin (pagkakaltas)
=susundin
1. ang ganitong panghihimasok mapait na lubos.
Pinagmulan: __________________________
2. sa ngalan ng buwang matimtiman
Pinagmulan: __________________________
18
3. mabait na mamamakay
Pinagmulan: __________________________
4. O gabing pinagpala, ako’y nangangamba
Pinagmulan: __________________________
5. sa tulong ng isang susuguin ko
Pinagmulan: __________________________
6. ang marahas na ligaya
Pinagmulan: __________________________
7. madilim na libingang hinihigan
Pinagmulan: __________________________
8.hahagkan ko iyong mga labi
Pinagmulan: __________________________
9. titingnan kung saan siya uupo
Pinagmulan: __________________________
10. kasiyahang maari mong makamtan
Pinagmulan: __________________________

Isaisip

Marami ka bang natutuhan sa mga inihanda kong gawain? Natitiyak kong


oo ang sagot mo. Tingnan natin kung tunay mong nauunawaan ang araling ito.
Gawain 5. Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang makabuo ng diwa
hinggil sa araling tinalakay.

Ang Etimolohiya ay_________________________________________________


Ang mga uri ng pinagmulan ng salita ay___________, _____________, _______
Mahalagang pag-aralan ito dahil_______________________________________

Isagawa

Gawain 4:Panuto: Basahin ang diyalogo na ginagamitan ng mga salitang hiram.


Tukuyin pagkatapos ang mga ginamit na salita, wikang pinanggalingan, salitang
pinagmulan at kahulugan nito

Pagkatapos manood ng magkaibigan ng dula ay dumiretso sila sa


restawran dahil sila’y gutom na gutom na. Humanap sila ng lamesang may apat
na silya kung saan silang magkakaibigan ay kakasya. Habang kumakain ay
pinag-usapan nila ang tungkol sa palabas na kanina lamang nila napanood. Dahil
sa palabas ay naalala nila ang kanilang buhay noong hayskul. Hindi natitinag ang
kanilang samahan katulad nang buhay mga aktres sa dula na kanilang pinanood.
Pagkatapos kumain ay sumakay ng taksi ang magkakaibigan pauwi sa
kani-kanilang bahay.

19
Salita Wikang Salitang Kahulugan
Pinanggalingan Pinagmulan
1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin


lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Uri ng etimolohiya kung saan ang salita ay nabuo sa pamamagitan ng
pagsasama ng dalawa o higit pang salita.
A. hiram na salita B. morpolohikal na pinagmulan
C. onomatopoeia D.pagsasama-sama ng mga salita

2. Ito ay pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung papaano nag-iba


ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.
A. etimolohiya B. kultura
C. ponolohiya C. retorika

3. Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy sa pag-


aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita.
A. hiram na salita B. morpolohika na pinagmulan
C. onomatopoeia D. pagsasama ng mga salita

4. Hinagkan niya ang aking kamay.


Ano ang salitang pinag-ugatan ng salitang may salungguhit.
A. halik B. hinalikan
C. hagkan D. hahalikan
5. Nagmula sa salitang Ingles na ang ibig sabihin ay magpahinga sa isang
lugar.
A.istanbul B. tambay
C. tambakol D. tambo

6. Ang salitang kastilyo na hiniram natin sa salitang Castillo ay mula sa ____


A. Amerikano B. Espanyol
C. Hapon D. Tsina

7. May ambisyon ang batang iyan sa buhay.


Ang salitang may salungguhit ay hiram natin sa mga_______

20
A. Amerikano B. Espanyol
C. Hapon D. Tsino

8. Ito ay mga salitang banyaga o galing sa ibang kultura ngunit, inaangkop ang
salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng
A. hiram na salita B. morpolohika na pinagmulan
C. onomatopoeia D. pagsasama ng mga salita

9. Ang salitang pamangkin ay nagmula sa salitang para naming akin. Ano ang
uri ng pinagmulan ng salita?
A. hiram na salita B. morpolohikal na pinagmulan
C. onomatopea D. pagsasama-sama ng mga salita

10. Ang salitang ginawa ay mula sa salitang ugat na gawa. Anong uri ng
pinagmulan ng salita ito?
A. hiram na salita C. morpolohikal na pinagmulan
C. onomatopoeia D. pagsasama ng mga salita

11. Ang salitang dyip ay hiniram natin mula sa bansang _____


A. Amerikano B. Espanyol
C. Hapon D. Korea

12. Ang salitang iniingatan ay morpolohikal na pinagmulan, ano ang


pinagmulan ng salitang ito
A. ini + ingat + an
B. in + ingat + an
C. ni + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat +ingat + an
D. in + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + ingat + an

13. Ano ang salitang ugat ng salitang kalakaran?


A. kalakar B. lakad
C. lakaran D. lakaran

14. Ano ang mabubuong salita kung ang salitang ugat na tapon ay lalapian ng
gitlaping in at hulaping an?
A. itinapon B. magtapon C. tinapunan B. tapunin

15. Salitang nagmula sa paggawalaw ng bamboo, gaya ng pagkaway ng kamay.


A. bulaklak B. dahon C. kawayan D. rattan

Isang mainit na pagbati! Natapos mo


na ang ikatlong aralin sa modyul na ito, ang
etimolohiya!

21
Pagsusuri sa Tauhan
Aralin
ng Sintahang Romeo
4
at Juliet

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.


1. Sa kanya nakaramdam ng wagas na pag-ibig si Romeo.
A. Nars B. Juliet
C. Paris D. Tybalt
2. Ipinagkasundo ni Lord Capulet si Juliet sa isang maharlikang si Paris. Walang
nagawa si Julieta kahit tumutol siya sa ama. Mailalarawan si Lord Capulet
na___
A. mapagmahal sa anak
B. makapangyarihan sa angkan
C. maingat sa kanyang kayamanan
D. walang pakialam sa nararamdaman ng anak
3. Pinsan ni Romeo na namatay dahil sa pakikipaglaban kay Tybalt.
A. Benvolio B. Lawrence
C. Mercutio D. Paris
4. Lalaking naging kaagaw ni Romeo kay Juliet.
A. Benvolio B. Lawrence
C. Mercutio D. Paris
5. Matimpi at kagalang –galang na ginoo. Mayaman din katulad ni Ginoong
Capulet. Ama siya ni Romeo.
A. Benvolio B. G. Montague
C. Mercutio D. Paris
6. Tagapamagitan ng mga mga Capulet at Montague. Siya ang nagkasal kina
Romeo at Juliet sa pag-asang maayos ang gulo sa pagitan ng dalawang
pamilya.
A. Lawrence B. Juan
C. Paris D. Tybalt
7. Pinuno ng isa sa mga Estado ng Italya.Pinsan siya ni Paris.
A. Escalus B. Juliet
C. Nars D. Tybalt
8. Ang agarang pagpapakasal ni Romeo kay Juliet ay paglalarawan sa kanya
bilang______ na tao.
A. Bukas ang isip B. mapagmahal
C. mapusok D. matalino
9. “Ang marahas na ligaya ay may marahas na hangganan, parang apoy at
pulburang nauubos. Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang
pagsinta.” Ito ay pahayag ni ______ para kina Romeo at Juliet.
A. Escalus B .Nars
C. Padre Lawrence D. Tybalt

22
10. Sa pagpayag na maikasal sina Romeo at Juliet, masasabi nating si Padre
Lawrence ay____________
A. hindi nag-iisip sa girian ng dalawang pamilya.
B. handang tumulong sa sinumang nangangailangan.
C. konsintidor dahil Kinukunsinti ang desisyon ng magkasintahan.
D. umaasang sa pamamagitan nito ay maresolba ang sigalot sa pagitan
ng pamilya ni Juliet at pamilya ni Romeo.
11. Nang marinig ni Tybalt ang tinig ni Romeo sa bulwagan ay agad siyang
humugot ng Espada at handang pumatay ng kaaway. Mailalarawan si Tybalt
na____
A. mainitin ang ulo at mapaghanap ng gulo.
B. tahimik at marunong magkontrol sa sarili.
C. mapagtimpi at hindi marunong maghanap ng gulo.
D. katulad ng bulalakaw na handang sumabog anomang oras.
12. Ang nag-alaga kay Juliet simula nang siya’y bata pa.
A. Benvolio B. Nars
C. Paris D. Tyblat
13. Ang Pagkamatay ni Romeo na naging sanhi rin ng pagpapakamatay ni Juliet
ay paglalarawan ng ______
A. batang Pag-ibig B. mapusok na Pag-ibig
C. wagas na Pag-ibig D. lahat sa nabanggit
14. Sa palagiang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan ay nagpapakita ng
kulturang___
A. halaga ng relihiyon
B. pagiging makadiyos
C. pagsuway sa magulang
D. pagkapit sa simbahan sa panahon ng suliranin
15. Ano ang naging dahilan ng kamatayan ni Juliet
A. sinaksak siya ni Tybalt.
B. uminom siya ng lason
C. sinaksak niya ang kanyang sarili
D. nagkasakit dala ng matinding gutom

Tuklasin

Mga Tauhan ng Sintahang Romeo at Juliet


• Romeo-Binatang nasa edad 16, matalino at may pagpapahalaga sa
damdamin ng iba. na kasintahan ni Juliet. Isang mapagmahal na binata,
ang anak ng Pamilyang Montague.
• Juliet- ang kasintahan ni Romeo. Isang mapagmahal na dalaga, ang anak
ng pamilyang Capulet.
• Padre Lawrence- ang pari na nagkasal sa dalawang nagmamahalan na si
Romeo at Juliet. Ang paring handang tumulong sa dalawang
nagmamahalan.
• Mercutio- Pinsan ni Romeo na namatay dahil sa pakikipagduwelo kay
Tybal.
• Benvolio -Pinsan at malapit na kaibigan ni Romeo
23
• Nars Ang nag-alaga kay Juliet simula pagkabata. Tinulungan niya ang
magkasintahan na ayusin ang sikretong kasal ng mga ito.
• Tybalt – Pamangkin ni Gng. Capulet at pinsa ni Juliet. Itinuring na matalik
na kaibigan ng nars. Mainitin ang ulo at madalas gumagawa ng gulo.
• Lord Capulet- Ama ni Juliet. Mayaman subalit mas mababa ang kanyang
kalagayan sa Prisipe ay kay Paris
• Lord Montague- Ama ni Romeo. Tahimik, mapagtimpi at taong may
dignidad. Ang kanyang estado ay katulad kay Ginoong Capulet.
• Lady Capulet- Ina ni Juliet. Mas bata ng maraming taon sa asawa nitong
si Ginoong Capulet
• Lady Montague- Ina ni Romeo. Mapagmahal na asawa . Wala siyang
ibang ginawa kundi pagbawalan ang kanyang asawa na makipaglaban.
• Prinsipe Escalus- Namumuno sa isang Estado sa Italya.
Makapangyarihan.
• Paris- Malapit na kamag-anak ng prinsipe. Makisig at napa-ibig kay Juliet
kaya ninais niyang pakasalan ito.

Pa amanin

Gawain 1. Panuto: Ilahad ang positibo at negatibong katangian sa kilos,


paniniwala, at gawi ng mga tauhan sa dula.
Mga Tauhan Positibo Negatibo
1. Romeo
2. Juliet
3. Lord Capulet
4. Benvolio
5. Mercutio
6. Padre Lawrence
7. Tybalt

Ikinagagalak ko ang ipinakita mong kasipagan


upang matutunan at maunawaan ang mga
inihanda kong gawain para sa iyo.

Isaisip

Gawain 2. Panuto: Gumawa ng Paglalagom sa kabuoan ng modyul.


Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba.
Natutunan ko sa araling ito na_____________________________________
Natuklasan ko na_______________________________________________
Masasabi ko na________________________________________________
24
Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.


1. Lalaking naging kaagaw ni Romeo kay Juliet.
A. Benvolio B. Lawrence
C. Mercutio D. Paris
2. Pinsan ni Romeo na namatay dahil sa pakikipaglaban kay Tybalt.
A. Benvolio B. Lawrence
C. Mercutio D. Paris
3. Sa kanya nakaramdam ng wagas na pag-ibig si Romeo.
A. Nars B. Juliet
C. Paris D. Tybalt
4. Ipinagkasundo ni Lord Capulet si Juliet sa isang maharlikang si Paris.
Walang nagawa si Julieta kahit tumutol siya sa ama. Mailalarawan si Lord
Capulet na___
A. mapagmahal sa anak
B. makapangyarihan sa angkan
C. maingat sa kanyang kayamanan
D. walang pakialam sa nararamdaman ng anak
5. Pinuno ng isa sa mga Estado ng Italya.Pinsan siya ni Paris.
B. Escalus B. Juliet
C. Nars D. Tybalt
6. Ang agarang pagpapakasal ni Romeo kay Juliet ay paglalarawan sa kanya
bilang______ na tao.
A. Bukas ang isip B. mapagmahal
C. mapusok D. matalino
7. Ang nag-alaga kay Juliet simula nang siya’y bata pa.
A. Benvolio B. Nars
C. Paris D. Tyblat
8. Ang Pagkamatay ni Romeo na naging sanhi rin ng pagpapakamatay ni
Juliet ay paglalarawan ng ______
A. batang Pag-ibig B. mapusok na Pag-ibig
C. wagas na Pag-ibig D. lahat sa nabanggit
9. Sa palagiang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan ay nagpapakita
ng kulturang___
A. halaga ng relihiyon
B. pagiging makadiyos
C. pagsuway sa magulang
D. pagkapit sa simbahan sa panahon ng suliranin
10. “Ang marahas na ligaya ay may marahas na hangganan, parang apoy at
pulburang nauubos. Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang
pagsinta.” Ito ay pahayag ni ______ para kina Romeo at Juliet.
A. Escalus B .Nars
C. Padre Lawrence D. Tybalt

25
11. Matimpi at kagalang –galang na ginoo. Mayaman din katulad ni Ginoong
Capulet. Ama siya ni Romeo.
A. Benvolio B. G. Montague
C. Mercutio D. Paris
12. Tagapamagitan ng mga mga Capulet at Montague. Siya ang nagkasal
kina Romeo at Juliet sa pag-asang maayos ang gulo sa pagitan ng
dalawang pamilya.
A. Lawrence B. Juan
C. Paris D. Tybalt
13. Sa pagpayag na maikasal sina Romeo at Juliet, masasabi nating si Padre
Lawrence ay____________
A. hindi nag-iisip sa girian ng dalawang pamilya.
B. handang tumulong sa sinumang nangangailangan.
C. konsintidor dahil Kinukunsinti ang desisyon ng magkasintahan.
D. umaasang sa pamamagitan nito ay maresolba ang sigalot sa pagitan
ng pamilya ni Juliet at pamilya ni Romeo.
14. Nang marinig ni Tybalt ang tinig ni Romeo sa bulwagan ay agad siyang
humugot ng Espada at handang pumatay ng kaaway. Mailalarawan si
Tybalt na____
A. mainitin ang ulo at mapaghanap ng gulo.
B. tahimik at marunong magkontrol sa sarili.
C. mapagtimpi at hindi marunong maghanap ng gulo.
D. katulad ng bulalakaw na handang sumabog anomang oras.
15. Ano ang naging dahilan ng kamatayan ni Juliet?
A. sinaksak siya ni Tybalt.
B. uminom siya ng lason
C. sinaksak niya ang kanyang sarili
D. nagkasakit dala ng matinding gutom

Aralin Lingguhang Pangwakas


5 na Gawain
Isagawa

Gawain 1. Panuto:Tulad ng kultura ng ibang bansa, ang kulturang Pilipino ay


makulay at mayaman din. Pumili ng mga kultura at tradisyon nating ipagmalaki at
sa tingin moy naiiba sa kultura ng ibang bansa. Isulat mo ang mga kultura nating
ito gayundin ang iyong saloobin at damdamin kaugnay nito.
Isulat pasanaysay na hindi bababa sa 3 talata( 50 puntos)

26

You might also like