Professional Documents
Culture Documents
Simula
Dito matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap
o elemento. Makikilala sa bahaging ito ang mga tauhan at
mga papel na kanilang gagampanan na maaring bida at
kontrabida. Ipinakilala rin dito ang tagpuan o ang
panyayarihan ng mga eksena
ELEMENTO NG DULANG PANTANGHALAN
Gitna
Sa gitna naman makikita ang banghay o ang maayos
na daloy o pagkakasunod- sunod ng mga tagpo o
eksena.Dito rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahi ng
dula, walang iba kundi ang diyalogo. Ang diyalogo ay
usapan ng mga tauhan.
ELEMENTO NG DULANG PANTANGHALAN
Wakas
Sa wakas naman ng dula, matatagpuan ang
kakalasan at ang wakas ng dula. Sa kakalasan, unti-unting
bababa ang takbo ng istorya. Sa kakalasan makikita ang
kamalian o kawastuhan at pagkalag sa mga bahaging
dapat kalagin. Sa wakas naman mababatid ang resolusyon
na maaring masaya o malungkot, pagkapanalo o pagkatalo.
ELEMENTO NG DULANG PANTANGHALAN