You are on page 1of 17

DULA

Tinatawag na dula ang paglalarawan ng buhay na


ginaganap sa isang tanghalan o entablado. Taglay
ng dula ang lahat ng kathaing umiiral sa buhay ng
tao gaya ng pagkakaroon ng suliranin o pagsubok
na kaniyang pinagtagumapayan o kinasawian.
DULA
Tulad ng ibang katha, ang dula ay lumilibang,
nagbibigay aral, pumupukaw ng damdamin at
humihingi ng pagbabago.
Higit na nagpapakilos ang isang dula kaysa ibang
akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita,
nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan.
DULA
Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng panggagaya
o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito
ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kaniyang
mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at
itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na
naglalayong makaaliw, makapagturo, o makapagbigay
ng mensahe.
DULA
Ang trahedya ay isang dula na ang bida ay hahantong
sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding
mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit
makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng
drama mula sa Sinaunang Gresya. Kabilang sa
maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa
Gresya ay sina Aeschylus, Sophocles, at Euripides.
MGA BAHAGI NG DULA
1. Yugto – Ito ang paraan kung paano hinahati
ang isang dula. Katumbas ito ng isang
kabanata sa nobela. Pupuwedeng 1-3 yugto
ang isang dula.
2. Tagpo – Bahaging nagpapakita ng panahon
at lugar na pinaggaganapan ng mga pangyayari
sa dula.
MGA BAHAGI NG DULA
3. Eksena – Paglabas-masok ng mga tauhang
gumaganap sa tanghalan.
MGA ELEMENTO NG DULA
1.Iskrip – Pinaka-kaluluwa ng isang dula;
walang dula kapag walang iskrip.
2. Aktor – Nagsasabuhay sa mga tauhang nasa
iskrip.
3. Tanghalan – Pook na pinagdarausan ng
isang dula; entablado.
MGA ELEMENTO NG DULA
4. Direktor – Namamahala at
nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula.
5. Manonood – Sumasaksi sa pagtatanghal ng
dula.
Sangkap ng isang Dula
1. Tagpuan – Panahon at pook kung saan naganap ang
pangyayari sa akda.
2. Tauhan – Ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa
akda.
3. Sulyap sa Suliranin – Bungad o tikim na pangyayari
sa tunggalian sa pinakakuwento ng dula.
4. Saglit na Kasiglahan – Paraan kung paano unti-
unting inilalantad ang problema at kung paano
tumutugon ang mga tauhan sa akda.
Sangkap ng isang Dula
1. Tagpuan – Panahon at pook kung saan naganap ang
pangyayari sa akda.
2. Tauhan – Ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa
akda.
3. Sulyap sa Suliranin – Bungad o tikim na pangyayari
sa tunggalian sa pinakakuwento ng dula.
4. Saglit na Kasiglahan – Paraan kung paano unti-
unting inilalantad ang problema at kung paano
tumutugon ang mga tauhan sa akda.
5. Tunggalian – Ang pagtatagisan ng pangunahing
tauhan sa kanyang sarili, ibang tao, kalikasan o lipunan.
6. Kasukdulan – Pinakamatindi o pinakamabugsong
parte o bahagi dahil kinapapanabikan kung ano ang
mangyayari sa pangunahin tauhan o kung paano
lulutasin ang suliranin.
7. Kakalasan / Kalutasan – Marahang pagtukoy sa
naging lunas sa tunggalian sa dula.
TAKDANG ARALIN
Batay sa napanuod na Dula . Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan sa Gawain sa
Pagkatuto Bilang 2. Ilagay ang inyong kasagutan
sa isang ½ crosswise .
Maramin
g Salamat
:)
HANGGANG SA MULI !

You might also like