You are on page 1of 3

MODULE 5: DULA

DULA

- Ito ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos.


- Ang DULA ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal ang kaisipan ng
may-akda sa pamamagitan ng pananalita at kilos o galaw.

Ang dula ayon kay Sauco:

- Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa


manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.
Isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa
pamamagitan ng dula,nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring malungkot,
masaya,mapagbiro, masalimuot at iba pa.

Ang dula ayon kay Arrogante:

- Isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa


pamamagitan ng dula, nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring
malungkot,,mapagbiro, masalimuot at iba pa.

Kahalagahan ng Dula:

- Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong


buhay.
- Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi
ng kasaysayan ng bayan.

Elementong Dula:

➢ Iskrip
- Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang- alang sa dula
ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
➢ Dayalogo
- Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.

➢ Aktor/karakter
- Ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at ang kumikilos; sila ang pinanonood na
tauhan sa dula.
➢ Tanghalan
- Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
➢ Direktor
- Ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sainterpretasyon ng direktor
sa iskrip.
➢ Manonood
- Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.
➢ Tema
- Ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base
na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan.

BAHAGI NG DULA:

➢ Yugto (Act)
- Kung baga sa nobela ay kabanata. Ito ang pinakakabanatang paghahati sa dula.
➢ Eksena (Scene)
- Ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap.
➢ Tagpo (Frame)
- Ito ay maaaring :magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin
ang susunod na pangyayari.

Dyanra (Genre) ng dula:

➢ Komedya
- Masaya ang tema, walang iyakan, magaan sa loob, at ang bida ay laging
nagtatagumpay.

➢ Trahedya
- Malungkot ang tema na nauuwi sa isang matinding pagkabigo at pagkamatay ngbida
dahil sa kanyang moral na kahinaan.
➢ Tragikomedya
- Magkahalong lungkot at saya ang tema ng dula.
➢ Melodrama
- Eksaherado ang eksena sumusobra ang pananalita, at ang damdamin ay pinipiga
para lalong madala ang damdamin ng mga manonood nang sila ay maawa o
mapaluha sa nararanasan ng bida.
➢ Parsa
- Puro tawanan, walang saysay ang kwento, at ang mga aksyon ay puro “Slapstick” na
walang ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan, at magbitiw ng mga
kabalbalan.
➢ Parodya
- Mapanudyo, ginagaya ang kakatawang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao
bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na katawa-
tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.
➢ Proberbyo
- Ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain at ang kwento
ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

URI ng dula:

1. DULANG PANTANGHALAN
2. DULANG PANRADYO
3. DULANG PANTELEBISYON
4. DULANG PAMPELIKULA

Paggamit ng Ekpresyong Nagpapahayag ng Katotohanan

➢ Katotohanan
- Ang isang pahayag ay katotohanan kung ito’y may suportang datos, pag-aaral,
pananaliksik at suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat.
➢ Opinyon
- ginagamit sa pagsasabi ng mga bagay na walang katiyakan o walang sapat na
basehan.
- hindi suportado ng datos o siyentipikong basehan.

You might also like