You are on page 1of 4

Tulaan Sa Tren

- Tulaan sa Tren, na inilunsad noong Agosto 9, 2008, ng National Book Development Board (NBDB) at ng
Light Rail Transit Authority (LRTA). Layunin ng proyekto na ilapit ang panulaang Pilipino sa publikong
sumasakay sa tren. Ayon kay Attorney Andrea Pasion-Flores, NBDB executive director: “We hope that
not a few of the people who experience the poems realize that Philippine literature is something we can
all be proud of, and that they will look up the authors, whose works we featured, to discover more
treasures.”

Rebyu ng Pagkain

- paglalahad ng diskurso ng pagkain mula sa sariling karanasan. Ito ay binabase sa lasa, amoy, tekstura at
presentasyon ng pagkain.

Mga Dapat isama sa Rebyu

- presentasyon ng pagkain

- lasa ng pagkain

- serbisyo ng staff sa kinainan

- presyo ng pagkain

- lugar ng kainan

Social Media

- Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad
at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na
bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

Framework ng Social Media

- ito ang blueprint para sa pagsasa ayos ng kontent ng mga kampanya para sa pagbuo ng mga channel
sa social media

Mass Media
- Ang mass media ay ang media na may kapangyarihang umabot o makarating sa maraming mga tao - na
tinatawang ding masa o madla.

Islogan

- Ang slogan ay isang maikling mensahe na nakakaantig ng damdamin

Sining Panteatro

- Nagpapakita ng palatandaan ng direksyon, oryentasyon o mosyon ng isang likha. Ito ang pinakasimple,
pinakanuno at pinakauniversal na paglikha ng sining biswal. Isa din itong omnipresenteng element na
napakadinamiko ang pwersa sapagkat ito ang humahatak sa paningin kapag minamasdad ang obrang
sining.

Elemento ng Dula

- Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita
ang banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa
pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.

- Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang
pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

- Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama
ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at
nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

- Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;


tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan
ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

- Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap
at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

- Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng
ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

- TEMA – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa
tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng
mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema
ng dula.

Sangkap ng Dula

- Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula

- Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang
mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula

- Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula

- Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan

- Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at
tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula

- Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula
tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian

- Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian

- Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa
dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga
manonood

Mga Uri ng Dula sa Pilipinas

- trahedya

- komedya

- melodrama

Iskit

- Ang iskit ay isang presentasyon na inilalahad ng mga mag-aaral tungkol sa isang paksa.

One Act Play

- dula na one act lamang. hindi na nagkakaroon ng pagkakaiba sa setting at tema ang dula na ito. isa o
mahigit na scene lang ang meron dito at mabilis lang matapos.
Monologo

- Ang monologo ay monologue o script na binabasa ng mga character. Maaring ito ay ginagamit sa
talumpati, role play o kaya naman ay sa telebisyon. Ang pag-gawa ng monologo ay maituturing rin na
isang art. Nangangailangan ng panahon at malawak na imahinasyon. Ang monologo ay nakatutulong
upang maideliver ng maayos ang sasabihin.

Uri ng Monologo

- karaniwang monologo

- dramatikong monologo

Improbisasyon

- paglikha o pagsasaayos nang biglaan o walang paghahanda, gaya sa pagtatanghal ng dula, awit, musika,
at iba pa

You might also like