You are on page 1of 3

ANG NOBELA AT DULA BILANG ANYONG PAMPANITIKAN

Nobela
- isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing pinagdikit sa
pamamagitian ng balangkas.
Ang nobela na nagmula sa salitang Latin na novelus ay masasabing supling ng
kasaysayan o istorya sapagkat dito ito nagmula." - Servando de los Angeles
Layuning ng nobela

 gumising sa diwa at damdamin


 nananawagan sa talino ng guni-guni
 mapukaw ang damdamin ng mambabasa
 magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
 nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
 nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
 napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
Katangian ng nobela

 maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan


 pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
 dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
 pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
 kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
 maraming ligaw na tagpo at kaganapan
 ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
 malinis at maayos ang pagkakasulat
 magandang basahin
 maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga
tauhan
URI NG NOBELA
1. Nobelang Romansa : Ukol sa Pagkakaibigan.
2. Nobelang Kasaysayan: Bininigyang diin ang kasaysayan o pangyayaring
nakalipas na.
3. Nobelang Banghay: Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari
ang ikawiwili ng mga mambabasa.
4. Nobelang masining: Paglalarawan sa tauhan at pagkasunod-sunod na
pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa.
5. .
6. Nobelang tauhan: Binibigyang-diin sa nobelang ito ang tauhan ng pangunahing
tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon .
7. Nobelang pagbabago: Ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating
buhay o sistema.
Dula
Ito ay uri ng panitikan na pinakalayunin na itanghal ang mga yugto ng mga tagpo ng
mga tauhan sa isang tanghalan o entablado Dula
SANGKAP SA DULA
Tagpuan – panahon, oras at pook kung saan naganap ang pangyayaring isinasaad sa
dula.
Tauhan – ang kumikilos at nagbibigay buhay sa dula; sila rin ang bumibigkas ng mga
dayalogo at nagpapadama nito sa mga manonood.
Sulyap ng Suliranin – Bawat dula ay may suliranin, walang dula na wala nito;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin. Maaaring mabatid ito sa
simula o sa kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring
magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula.
Saglit na Kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
Tunggalian – Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan laban sa kapwa
niya tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patong-patong na tunggalian ang isang dula.
Kasukdulan – Dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula
tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan
ang tunggalian.
Kakalasan – Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag ayos sa
mga tunggalian.
Kalutasan – Nalulutas nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula;
ngunit maaari ring magpapakilala ng panibagong suliranin at tunggalian sa panig ng
mga manonood.
ELEMENTO NG DULA
Iskrip – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa
dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
Gumaganap o Aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan,tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang
dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende
sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
Manonood – Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi
ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

You might also like