You are on page 1of 41

Dula

Ano nga ba ang Dula?


Ano nga ba ang Dula?
★ Ito ay hango sa salitang Griyego na “drama” na
nangangahulugang gawin o ikilos.
★ Ay isang nakakaaliw na kategorya sa panitikan. Ito
ay ginagawa ng iba’t ibang aktor sa entablado sa
harap ng madla o di kaya’y sa paraan ng pagiging
isang pelikula.
★ Ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay
itanghal sa tanghalan. Sinasabing ito ay
paglalarawan sa madudulang bahaging buhay.
Ano nga ba ang Dula?

★ Ito ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay


itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at
galaw ng kaisipan ng may-akda.
★ Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao
gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin o mga
pagsubok na kanyang pinagtagumpayan o
kinasawian.
Iba pang mga pagpapakahulugan sa dula;

Aristotle - Ito ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.


Rubel - Ito ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento
Sauco - Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay
ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng
kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.
Schiller at Madame - Ito ay isang uri ng akdang may malaking
bisa sa diwa at ugalig ng isang bayan
Kahalagahan ng
Dula
Kahalagahan ng Dula

★ Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw


ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan
ng bayan.
★ Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa
buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.
★ Ang pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa
pamamagitan ng panonood dito.
Kahalagahan ng Dula

★ Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang


itinatanghal ay hango sa totoong buhay o isinulat bunga ng
malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o script
writer
★ Ang layunin ng dula ay makapag bigay aliw sa mga
manonood.
★ Sinasabi ring ang dula ay isang uri ng sining na may
layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa
manonood.
Katangian/Elemento o Sangkap
ng Dula
Katangian ng Dula
★ Ang mga dula ay karaniwang nagkakaroon ng pataas at
pababang aksyon sa kwento, napapaloob ito sa banghay.

★ Sa pamamagitan ng paglalalahad ng aksyon sa banghay,


nalalaman ng mga tagasubaybay ang nakaraang kilos ng
tauhan sa dula.
★ Sa paglalahad ng pangyayari at kilos na ginagawa ng mga
tauhan, magkakaroon ng damdamin ang mga manonood sa
kung ano ang nangyayari sa dula.
Elemento ng Dula

★ Iskrip o Banghay
★ Gumaganap o aktor/Karakter
★ Dayalogo
★ Tanghalan
★ Tagadirehe o Direktor
★ Manonood
★ Tema
Elemento ng Dula
Iskrip o Banghay

★ Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.


★ Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay
na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang
iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
Elemento ng Dula

Gumaganap o Aktor/ Karakter

★ Ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang


bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya.
★ Sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na
pinanonood ng mga tao sa tanghalan.
Elemento ng Dula

Dayalogo

★ Ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na


siyang sandata upang maipakita at maipadama ang
mga emosyon.
★ Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang
dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga
linyang binibitiwan ng mga aktor.
Elemento ng Dula

Tanghalan

★ Ay tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang


itanghal ang isang dula.
★ Ang tanghalan ay maaaring isang kalsada, isang
silid, o isang tahanan na napili upang pagtanghalan
ng dula.
Elemento ng Dula

Tagadirehe o Direktor

★ Ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.


★ Siya ang nag-i-interpret ng iskrip mula sa
pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan
ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan.
Elemento ng Dula

Manonood

★ Ang nagbibigay – halaga sa dula.


★ Sila ang karaniwang target ng pagtatanghal ng dula
Elemento ng Dula
Tema

★ Ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood


ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga
sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng
mga aktor sa tanghalan.
★ Ipinalalabas ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng
malinaw na pagkakabigay ng tema ng dula.
Sangkap ng Dula

★ Ang tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay- buhay


sa dula.
★ Ang sulyap sa suliranin ay ang pagbabahagi ng
suliranin na nais bigyang solusyon sa dula.
★ Ang tagpuan ay tumutukoy sa panahon at pook
kung saan naganap ang mga pangyayaring nakasaad
sa dula.
Sangkap ng Dula

★ Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,


tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa
kanyang sarili. Gayundin, maaaring magkaroon ng higit
sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula.
★ Ang kasukdulan ay tumutukoy sa bahagi ng dula na
sumusubok sa katatagan ng tauhan. Sa bahagi ding ito
ibinubuhos ang bugso ng damdamin nais ipadama ng
dula.
Sangkap ng Dula

★ Ang saglit na kasiglahan ay tumutukoy sa


panadaliang paglayo o pagtakas ng mga tauhan
sa suliraning nararanasan.
★ Ang kakalasan ay ang unti-unting pagtukoy sa
kalutasan sa mga suliranin at pagsasayos ng mga
tunggalian.
Sangkap ng Dula

★ Ang kalutasan ay ang sangkap ng dula na


naglulutas, nagwawaksi at nagtatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula. Sa kabilang
banda, maaari ring magpakilala ng panibagong
mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga
manonood.
Tauhan Tunggalian Kasukdulan Sulyap sa Suliranin

Kalutasan Kakalasan Saglit na Kasiglahan Tagpuan

Mga Sangkap ng Dula

Simula Wakas
Gitna
Bahagi ng Dula
Yugto
Tanghal-eksena

Tagpo
Bahagi ng Dula

Tanghal-eksena Tagpo (Frame)


Yugto (Act)
(Scene)
Kung baga sa nobela Ang bumubuo sa isang Ito ay ang paglabas at
ay kabanata. Ito ang yugto. Ito ay maaaring pagpasok ng kung
pinakakabanatang magbadya ng sinong tauhang
paghahati sa dula. pagbabagong tagpuan gumanap o gaganap sa
ayon sa kung saan eksena.
gaganapin ang
sususunod napangyayari.
Ang Aystetik na Valyu ng Dula

★ Ang dula ang tagahulma ng uri ng buhay na aangkop


sa ating katauhan paniniwala at , mithiin.

★ Pinakareplika ng isang buhay na panitikan at ang


kanyang , kasaysayan ay kasaysayan ng bansa.
MGA
TEORYANG
NAKAPALOOB
SA DULA
"Ang pinakamahalagang
bagay ay hindi nakikita ng
mga mata sapagkat ang tunay
na halaga ng bagay. puso
lamang ang nakadarama."

Aral mula sa Ang Munting Prinsipe


Ano ang
Teorya?
Pormulasyon ng palilinawing mga simulain
ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng
malinaw at sistematikong paraan ng
paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.
Teoryang Teoryang
Pampanitikan Bayograpikal
Isang sistema ng mga kaisipan Karanasan sa buhay ng
at kahalagahan ng pag-aaral na may-akda.
naglalarawan sa tungkulin ng
panitikan, kabilang ang layunin
ng may-akda sa pagsulat at
layunin ng tekstong panitikan
na ating binabasa.
Teoryang Bayograpikal
Halibawang Kuwento:
★ “Paglalayag sa Puso ng Isang
Bata”
★ Nilalaman: Paggunita ng
guro sa pinagsamahan nila ng
kanyang estudyante.
★ May-akda: Genoveva D.
Edroso Matute (Isang guro)
Teoryang Historikal
★ Ipinapakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalaminan ng kasaysayan.
★ Binubusisi ang pwersang panlipunan na may malaking
impluwensiya sa buhay ng manunulat
★ Kumikilala sa gampanin ng institusyon
★ Tinutuklas ang pagbabagong nagaganap sa wika at ang
pag-unlad na naganap dito katulad ng ginamit ng mga
sinaunang manunulat at ang uri ng wikang ginagamit ng
mga manunulat sa kasalukuyang panahon.
Teoryang Historikal

Halibawang Akda:
★ “Noli me Tangere” (Touch me
Not)
★ Nilalaman: Pang-aabusong
ginawa ng mga pari noong
panahon ng Kastila.
★ May-akda: Jose Rizal
Teoryang Klasismo
★ Nakasentro sa dulang itinatanghal
★ Paniniwala: Walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kayat
ibig nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig.
★ Ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain.
★ Pinahahalagahan ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa
dakilang katawan.
★ Panuntunan: Hari at reyna laban sa dukha’t pulubi. Matalino laban
sa mangmang. Salapi laban sa kahirapan.
★ Pinakamataas patungo sa pinakamababang uri.
★ Natural lamang na nahahati sa Teoryang Klasismo
iba’t ibang uri ang lahat ng Halibawang Awit:
bagay gaya ng ★ “Florante at Laura”
makapangyarihang tao at taong ★ May-akda: Francisco
sunod- sunuran. Balagtas
★ Hindi matipid sa paggamit ng
wika.
★ Hindi angkop ang balbal at
labis na emosyon.
★ Malinaw, marangal, at may
hangganan.
Teoryang Humanismo
★ Tao ang sentro ng mundo
★ Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao.
★ Paniniwala: Ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay kung kaya’t mahalagang maipagkaloob sa
kanya ang kalayaan sa pagpapahayag at
pagpapasya.
Teoryang Humanismo
Halibawang Akda:
★ “Ako ang Daigdig”
★ Nilalaman: Pag-aaklas sa
tradisyunal na sukat at tugma
ng isang tula at pag-aaklas
laban sa mga mananakop sa
bansang Pilipinas.
★ May-akda: Alejandro G.
Abadilla
Teoryang Romantisismo
★ Uri: Tradisyonal (nagpapahalaga sa halagang pantao) at rebolusyonaryo
(pagkamakasariling karakter ng tao)
★ Paniniwala: Lipunang makatao, demokratiko at patuloy sa pag unlad.
★ Instrumento: Inspirasyon at imahinasyon
★ Iba’t ibang paraan ng tao sa pag–aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa.
★ Ipinakikita na gagawin ng isang tao ang lahat upang maipaalam lamang
ang kanyang pag-ibig sa kanyang napupusuan.
★ Ipinangangalandakan ang kapangyarihang rebolusyonaryo at damdamin.
Teoryang Romantisismo
Halibawang Akda:
★ “Aloha”
★ Nilalaman: Ipinaglalaban ng
dalawang pangunahing tauhan ang
kanilang pag-iibigan sa kabila man ng
pagtutol ng mga magulang ng lalaking
tauhan dahil sa pagkakaiba ng kanilang
pinagmulang lahi.
★ May-akda: Deogracias A. Del
Rosario
Teoryang Realismo
★ Higit na mahalaga ang katotohan kaysa kagandahan
★ Dapat makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad
★ Hango sa totoong buhay
Ang mga paksa ay nakapokus sa sosyo-political, kalayaan, at katapangan
para sa mga naapi.
★ Nauukol sa kahirapan , kamangmangan,
karahasan ,krimen ,bisyo ,katiwalian, kawalan ng katarungan , at
prostitusyon
★ Patuloy at walang hanggang pagbabago ang nais pairalin ng realism kung
kayat ang katotohan ang una't huling hantungan ng inuman.
Teoryang Realismo

Halibawang Akda:
★ “Sa Pula, Sa Puti”
★ Nilalaman: Umasa si kuhas
ng swerte mula sa sugal kaya
nalulong siya sa pagsasabong.
★ May-akda: Francisco Soc
Rodrigo

You might also like